Chapter XIII: Santa Monica 1980 Part 1

8.1K 89 34

Bayan ng Santa Monica, Lunes, May 12, 1980.

Maaliwalas, masaya, walang pangamba; yun ang bayan ng Santa Monica bago nangyari ang pinaka hindi inasahan ng lahat, kung saan tatlong buhay ang nasayang, at isang binata ang napigilang maghasik ng kaguluhan at kadiliman sa bayan.

***

Alas singko ng hapon, Lunes, May 12, 1980.

Katatapos lamang ng misa sa simbahan ng Santa Monica.

Ang lahat ay masaya, maligalig, at para bang nagdiriwang, pagkat iyon ang huling Lunes bago ang nalalapit na pista ng Santa Monica sa darating na Sabado.

Ngunit ang masayang pakiramdam ng bawat tao ay bigla na lamang nasira nang mayroon silang narinig na pagsigaw at pag-iyak mula sa isang maliit na batang babae.

Nagsisilabasan na ang mga tao noong oras na iyon mula sa simbahan, at dahil sa narinig lahat sila ay nagmadaling lumabas upang makita ang pinaguugatan ng komusyon.

Sa labas ng simbahan, nakita nila ang isang batang babae, umiiyak ito at sumisigaw; ang bata ay nakaturo sa kampanaryo ng simbahan.

Nang makita ng mga tao ang itinuturo ng bata, lahat ay natigilan, natakot, at nagimbal.

Hindi nila alam na iyon na ang hudyat ng pagsisimula ng pinaka-madilim na panahon sa Santa Monica.

***

Kakatapos lamang ng misa, binabaybay ng magkakaibigang sina Emily, Mickey, at Esmeralda ang pasilyo palabas ng simbahan.

Ang tatlo ay kabilang sa mga pinaka-huling nagtapos ng high school sa Santa Monica High School, at gaya ng iba, sila ay nanabik rin sa mas malaking mundong kanilang papasukin sa kanilang pagkokolehiyo.

“Hay, nanabik na talaga ako.” Sabi ni Esmeralda, na mas tinatawag ng mga taong nakakakilala sa kanya bilang Esme.

“Ano bang plano mo, Esme?” tanong naman ni Mickey.

“Plano ko maging doktor, pero gusto ko rin maging manunulat.”

“Aba, eh pwede mo namang pagsabayin yun di—”

Biglang naantala ang pagsasalita ni Mickey ng bigla na lamang narinig ng lahat ang napakalakas na pagsigaw ng isang bata mula sa labas ng simbahan.

Dahil sa narinig, lahat ng nasa loob pa ng simbahan ay nagmadaling lumabas upang makita kung ano ang nangyari, at sa labas ng simbahan, nakita nila ang isang batang babaeng umiiyak at sumisigaw na nakaturo sa batong kampanaryo, o tore ng kampana ng simbahan.

Lahat ay natahimik nang una nilang masilayan kung ano ang itinuturo ng mga bata. Lahat ay natakot, nagtaka, at nagimbal.

Sa kampanaryo ng simbahan, nakasabit at dumuduyan pa sa hangin ang isang katawan ng kambing na pinutulan ng ulo, ang dugo nito ay tumutulo pa mula sa tore na tila ba ito ay presko pa, na ang nagsabit nito ay kaaalis lamang bago natapos ang misa.

Di nagtagal ay kumalat ang maraming bulung-bulungan sa paligid ng simbahan, lahat ay may kanya kanyang kwento, haka-haka, at mga komento.

“Sino namang nasa matinong pag-iisip ang gagawa niyan?” sambit ni Mickey, nakakunot ang noo nito sa inis sa nakita.

Si Esme naman ay tinakpan ang kanyang bibig upang pigilan ang sariling maiyak.

“Esme, okay ka lang?” tanong ni Mickey sa kaibigan.

“O-okay lang ako…”

Sa kabilang banda, nang unang beses pa lamang na nakita ni Emily ang masamang tanawin ay nagkaroon na ito agad ng napakasama at napaka nakakatakot na pangitain.

Santa Monica: A Filipino Ghost StoryBasahin ang storyang ito ng LIBRE!