RETURN TO FOREVER (KimXi FF)

By calebnchloe

102K 1.4K 494

More

RETURN TO FOREVER (KimXi FF)
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 19

Chapter 20 Ending

4K 90 26
By calebnchloe

                        Mukhang nakikiayon ang lungkot ng panahon at lakas ng ulan sa labas sa sakit na nararamdaman ni Kim. Kanina pa halos galit na galit sa pagbuhos ang tubig ulan mientras sa pagpipigil nya naman na umiyak. Ang hindi nya magawa, ito na ang gumagawa para sa kanya.

 Masakit talaga sa lalamunan ang pagpipigil ng iyak. Yung para kang nakalunok ng buto ng santol na na-stuck sa lalamunan mo at hirap ang hangin na makiraan dun. Ganyan ang eksaktong nararamdaman nya.

Ang sa kanya lang, improved version kse , tumatagos hanggang puso nya ang sakit. Yung sakit na pigil. Kase di mo pwedeng ipakita at lalong di pwedeng ilabas. Wala sa lugar eh!  

Nasa washroom sya ng isang kilalang hotel na  paggaganapan ng wedding dinner rehearsal. Pang limang balik na nya yata yun mula ng dumating sya. Kung di lang dahil sa pamimilit ng anak nya at dahil nga abay din si Clarence, nungkang itapak at ipakita pa nya ang mukha sa okasyong ito. She's just trying to wear a brave face to everyone. But a lot more to herself!

Ang tapang nya nga eh, kahit sya napabilib sa sarili! Sino bang ex-wife ang may lakas ng loob makita ang ex-husband na ikinakasal sa babaeng ipinalit sa kanya? ...Na mahal pa nya hanggang ngayon!

Kung may gusto lang ba syang patunayan, na ang pagkabigo sa pag-ibig ay di talaga nakamamatay.  Siguro nga di literal na pisikal na kamatayan pero mas ang kamatayan yata ng pagkatao.Sinusubukan nya siguro ang hangganan ng wisyo at emosyon nya. Hanggang saan nito kaya!

Pinilit nyang ngitian ang sariling repleksyon sa salamin. Kahit masyadong halatang, ang lungkot-lungkot nya.

'O well,sometimes you have  to take what you can get and make it okay! Ganun talaga eh, kung di para sa'yo wag nang ipilit!' balik pep talk na nman sya sa sarili kahit alam nyang mahirap gawin ngayon!

This weekend na ang kasal.  At hangang ngayon, hindi sya tumitigil ng kakaisip kung anong dahilan ang gagawin nya para wag lang masaksihan ang araw ng kamatayan ulit ng puso nya....Teka, ilang beses ba pwede mamatay ang puso? Isa,dalawa,tatlo ba? Sa kaso nya malapit na sya buminggo eh!May sa pusa yata at syam ang buhay!

"Kimmy!" katok sa pinto ng washroom ang tumawag ng pansin ni Kim. Si Bronsy. 

"O bakit?" iniwasan nyang tumingin ng derecho sa kaibigan nang lumabas. Nag-ayos sya kunwari ng invisible na gusot ng laylayan ng bestida nya.

"Chine-check ko lang kung di ka pa nagpapakalunod sa tubig ng faucet!" mahina at pabirong sabi nito.

"Hindi ah! Ano ka ba,bakit ko nman gagawin yun" Tigas tanggi nman nya. 

"Eh kase nman, ano ba ang meron sa washroom na ito at paborito mong bisitahin!?" nanghuhuli ang tanong nito.

"Wala! Call of nature...malamig kse! Tss,eh ano ba, binabantayan mo ba ako?" pambabalewala nya. Napakagaling nyang artista. She's a great pretender! Mabilis na naisuot nya agad ang maskara na kailangang di mag-expire hanggang sa itinakda nyang taning...next week! 

Lately kase parang nahihiya at pinagmatigasan nya na kay Bronsy na tanggap nya na ang lahat. Na maluwag sa kalooban nya na ang ex-husband ay napunta nman sa deserving na babae. Isang babaeng hindi iba sa kanya,kilalang-kilala nya at higit sa lahat mahal ang anak nya.

"Kung ready ka na,halika na ,mag-uumpisa na yata ang rehearsal!" yaya ni Bronsy kay Kim.

"Eh bakit ba kailangan andun ako, ako ba ang magkakasal?" pabulong na reklamo ni Kim.

"Eh baka nga  ikaw ang bride!" mahina at wala sa loob na sabi nito sabay talikod palakad.

Saglit lang nabigla si Kim sa sinabi ni Bronsy . Alam nyang nang-iinis lang ang kaibigan kaya di na nya pinansin ang sinabi nito. 

Napaisip tuloy sya. Sana nga ano... pero hindi nga!

Boo! Malabo!

Narealize nya kase na ang klase ng pagmamahal nya kay Xian, yung klaseng kung paano tingnan at i-admire ang isang paro-paro. Masarap lang tingnan sa malayo, di mo pwedeng hawakan. Ni angkinin. Dahil kapag ginawa mong ikulong sa palad mo, nabibilanggo....pwedeng mamatay. 

Kaya tama nga, mas masarap na lang panuorin kung gaano ito kaligaya sa malayo...malayang maging masaya pero alam nyang di magiging kanya.

Ngayon pa lang gusto nya nang pagplanuhan ang pagmu-move on. Bagay na hindi nya rin siguro ginawa noon dahil walang closure. Di natuldukan.

Siguro nga ito na ang tamang panahon.Panahon na i-enjoy nman nya ang buhay.Hindi nman kailangan ang 100% na paglimot.Dahil di nman lahat ng tungkol sa kanila, kailangang ilagay sa file ng 'delete' dahil meron din nman kaseng masasaya. Siguro yung mga bagay na lang na mabuting wag nang lingunin. Wala nmang galit eh. Panghihinayang?....OO... Marami!..

Pero ang tamang term para dun ay 'umusad'. Tanggapin na may mga bagay na kahit anong buhos mo ng effort o kahit gaano ang tindi ng kagustuhan mong maging iyo, kung di nakalaan para sa'yo,hindi magiging iyo. Sa kaso nya...hindi ukol talaga sa kanya .Kahit yata i-rape pa nya ang replay button ng buhay...wit!!! 

It's more of learning to let go of the past and start having faith in the future even she can't predict it. Di ba sabi nga, kung merong mang pinakamabuting rason sa kung bakit nagmamahal ang isang tao, meron din daw kapareho at katumbas na dahilan kung bakit kailangang masaktan din. Ganun daw talaga ang buhay, kung kinakailangan mong masaktan ng isang beses o paulit-ulit, ayos lang. Wala nmang nagpatunay na walang pusong nasaktan ang hindi nagme-mend sa pagdaan ng panahon. Panahon lang ang tanging magdidikta ng paghilom ng kahit na ano.

Nasa may katawan kung ano ang natutuhan ...kung natututo lang  lumakas o mamanhid?!

Saka na lang nya paglalamayan ang selyadong kamatayan ng feelings nya kapag tapos na ang lahat. Sa ngayon, hayaan nya munang sarilinin nya ang sakit. Yung kanyang-kanya lang!

               "We got a situation here.Nothing major, ok lang bang wala ang bride for rehearsal? Monique won't make it ...na-stuck na daw sya sa traffic sa Edsa. Well, she said we can go on with the rehearsal without her. Baka bumalik na lang sila sa hotel dahil delikado ang panahon. Can we still do it?" Si Xian. 

Mula sa kinauupuan ni Kim ilang hakbang mula dito, dinig nya ang sinabi nito habang kausap ang event coordinator . Masyadong cool na cool ito. Halata ang kaligayahan at kapayapaan sa aura nito. Walang panic. Yung parang walang ulan,traffic, baha o delubyo pang makapagpapasemplang sa positivity nito!

Halos ilang beses nagtatagpo ang mga tingin nila mula pa ng dumating sya . Ang binibigay nitong ngiti sa kanya. Ngiti siguro ng pasasalamat dahil binigay nya ng walang hirap ang kaligayahan nito. Walang emotional meltdown or takutan from her side(you know!?..yung past!) . That she was more than willing to share their daughter to the woman he chose to love. Dahil kahit pagbali-baligtarin ang mundo, parte ng buhay nito si Kiara. At hindi makukumpleto ang kaligayahan nito sa isa sa pinakamahalagang desisyon nito kung may kulang.

 Maybe, it was Xian's smile of gratitude ang masakit sa kalooban nya dahil alam nyang hindi na hihigit pa dun ang ibig sabihin nun. Tinigilan na nya ang mag-isip at bigyan ng pangalan ang bawat gestures nito mula ng hilingin nito na pumirma sya sa pagpapawalang bisa ng kasal. 

"Let's get ready, we'll start the rehearsal po in ten minutes. Entourage, please line up here. Unfortunately, di po makakarating ang bride because of the weather...so sino po ba ang pwedeng mag-pose as bride?" tanong ng coordinator sa may dalawampung adults na naroroon . Gumala ang mata nito. Naghahanap. 

Kim felt a slight nudge on her side. Si Bronsy na katabi nya. Sinagot din nya ng mahinang paniniko. Nagbaba sya ng tingin at nagkunwaring may hinahanap sa bag. Parang estudyanteng ayaw matawag ng teacher sa recitation. 

"Teh, ikaw na lang muna. It's your time to shine kahit sandali lang! Praktis lang nman!" mahinang pambwibwisit nito.

"Pwede ba, Bronsy tigilan mo nga ako!" pabulong na sagot nya. Ni ayaw gumawa ng malaking movements sa takot na mapansin man lang.

'Pwede ba, iba na lang nungkang mag-volunteer sya! Ano sya masokista?' 

At tulad ng estudyanteng nagtatago sa recitation, kung bakit sya pa din ang nakita ng teacher. Swerte!Nangangamoy 'masokista' ba sya?

"Ma'am Kim, pwede po bang kayo na lang?" tawag pansin ng coordinator.Ni walang bahid malisya!

Napaangat bigla ng tingin si Kim. Ramdam nya ang tingin ng lahat sa direksyon nya.Naghihintay!

"A-ako?!" sabay lingon sa paligid sa pag-asang may maituro pa sya maliban sa sarili. Kahit magmukha pa syang tanga.

Eh kaso nga wala. Sya talaga ang nag-iisang kandidata sa papel na yun dahil sya na lang ang naiwang nakaupo.Ang katabi kaninang si  Bronsy ay di nya namalayang iniwan na sya at pumila na pala sa mga kabilang saentourage dahil ginawang abay din  ito ni Monique.

'Ay putek, wala nga talagang iba!' 

Ano ba mag-iinarte pa ba sya. Masyadong halata syang apektado kung tatanggi nman sya. Eh ano ba, she'll just pose as a bride lang nman. No big deal! Hello, ano ba nman yung ilang minutong  hayaan nman nya ang sariling damdamin ang maging isang 'bride' ulit ni Xian.Kahit ngayon na lang. Wag nga syang maarte!

"Mommy, sige na po!" hila sa kamay ng lumapit na si Kiara.

Automatic na hinagilap nya ang mata ng groom. Di nman sya nahirapan dahil nagtagpo ang mata nila. Mukhang kanina pa sya pinagmamasdan nito.Wala syang mabasa sa expression ng mukha nito kundi pagpayag. Siguro nga dahil walang ibang choice.O siguro dahil 'poser' bride lang nman sya.Kunwari lang nman kase eh!

Pero nagulat sya ng nilagyan pa sya ng props na belo sa ulo at bouquet ng bulaklak na hahawakan nya. Medyo OA para sa praktis. Pero iniisip na lang nya na baka ganun kaarte ang coordinator na kailangan ma-imbibe ang wedding ambiance kahit rehearsal lang. Saka lang nya napansin na halos lahat pala ay putian ang kulay ng mga nandun. Kahit si Kiara na nagpumilit isuot ang bestidang binili ng Daddy nito. Sya lang nga yata ang medyo floral printed ang damit buti at pinili nya ang medyo neutral beige na kulay. Wala nman yata nakapagsabi na may theme ang damit sa rehearsal o baka nman isa yun sa mga detalyeng hindi nya napagtuunan ng pansin dahil nga sabaw sya! 

Nagsimula na ang wedding march rehearsal na natatawa/nawei-weirduhan sa kinabagsakan nyang 'title role'  dahil parang totohanan na kasal .Nang mag-cue ang coordinator na umpisa na,may music na pumailanlang na nagmumula una sa gitara (acoustic) habang naglalakad ang mga kasali sa entourage. Corny man dahil ang narinig nya eh intro ng  'Ngayon at Kailanman' ni Basil Valdez. Wow ang luma!  Pero may pianista at violinist din, isama pa ang nakatayong singer na mukhang may cue kung kailan ang pagpasok.

Bonggang rehearsal!!!

Nang turn nya na,sa unang hakbang on cue,saka lang pumailanlang ang swabeng boses ng singer at ang kumpletong tunog ng gitara,piano at violin sa background.

Ngayon at kailanman

Sumpa ko'y iibigin ka

Ngayon at kailanman

Hindi ka na mag-iisa

Ngayon at kailanman

Sa hirap o ginhawa pa

Asahan may kasama ka, sinta

Naroroon ako t'wina

Maaasahan mo t'wina

Ngayon at kailanman

Napatigil sya. Di agad nasundan ang unang hakbang nya sa matinding feels na naramdaman nya sa kanta. Nakakapangilabot....nakakaiyak!

Dama nya eh!

Pero pinipigilan pa rin nya ang sarili kahit panay na ang kurap nya sa luhang gusto nyang paurungin. Kahit ang mukhang pigil nyang  malukot at labing pilit na pinapatiim dahil ayaw nyang may makatakas na hikbi. Kse wala syang karapatan maramdaman yun. Yung saya ng tunay na bride na hinihintay ng groom sa dambana. 

Kahit kaunti!

Ang maniwala...

Sa pangakong hindi na sya malulungkot...

MAG-IISA....

Na alam na alam nyang hindi nman para sa kanya!

Ngayon nya napatunayan na walang corny na kanta....hindi ka lang talaga minsan kayang abutin ng ibig iparating nun, pero kapag naramdaman mo, aminin mo, ni hindi mo maiisip na corny pala dahil lumusot sa loob ng puso mo eh. Tinamaan ka!

Natagpuan ng mata nyang nangingintab sa likod ng belo ang naghihintay na groom sa kanyang poser bride. Hindi nya maintindihan. Nakakabingi.Naguguluhan na sya sa nakikita nya sa mukha ni Xian. His eyes were glossy too na parang kahit ito man naramdaman ang parehong feels na naramdaman nya. Nakangiti ito sa kanya habang sinasabayan ng mahina ang kanta na parang nangangako nga sa kanya. Yung klase ng ngiti na piping nagsasabing...'Para sa'yo yan!'  Hindi nya makuhang tanggalin ang tingin sa mukha nito. Aaminin nyang nahuhulog na sya sa ginagawa nyang pagpapanggap sa rehearsal na ito.Tinatablan.

Sa bawat araw ang pag-ibig ko sa ‘yo liyag

Lalong tumatamis, tumitingkad

Bawat kahapon ay daig nitong bawat ngayon

Na daig ng bawat bukas

Hanggang sa makarating sya sa harapan nito. Alam nyang nanlalamig at nanginginig ang kamay nyang inabot ni Xian. Nun lang nya napansin ang isang nakabarong na wedding officiant . Kung saan nanggaling ito dedma na dahil nakaramdam na sya ng matinding panic ng kaloban. Lumingon sya sa paligid. Sa pag-asang makikita nya ang mga reaksyon ng mga kasama sa bulwagang yun na... 'ayos lang yan'...na... 'relax,praktis lang!'

Saka nya nakita ang ilang  pares ng mga matang umiiyak pero mga nakangiti. Isa na dun ang sa dating byenan,si Mommy Mary Ann. She clearly read what she silently mouth on her.

'You'll be fine....My son loves you!'

At si Monique! 

'Anyare,akala ko ba di na makakarating?...'

Nakatayo sa pinto. Umiiyak pero ang laki ng ngiti. Nagthumbs-up pa ito sa kanya sabay kindat. 

Si Bronsy!

Umiiyak din ang bruha sabay ngiti at nagkibit balikat sa kanya sabay peace sign!

Na-set up ba sya?!

Ang higpit ng hawak ni Xian sa magkabilang kamay nya ang nagpabalik ng pansin nya dito.Naniniguro ba itong di sya magaala-runaway bride? Napatitig sya ulit sa mga mata nito. 

Nakakaramdam sya ng takot, hesitation sa pag-asang binibigay ng mga ngiti at tingin nito. Mahirap magising mula sa panaginip na ito pag nagkataon.Di ba sabi nila, ang panaginip usually ay ang mga bagay o pangyayari subconsciously na lagi mong inaasam.Tama, ito nga yun!

Parang kahit gaano kaganda at nakakapagpaputok ng dibdib sa sobrang kasiyahan ang binibigay ng panaginip na ito,hinihiling nya pa rin na sana magising na sya ngayon. As in now na now na! Para nman hindi nya masyadong damdamin at panghinayangan na hindi nman talaga mangyayari sa totoong buhay ang ganun sa pagitan nila.

"Kung inaakala mong nananaginip ka, well everything that's happening now are for real!" basag ni Xian sa katahimikan. Pinisil-pisil pa ulit nito ang mga kamay nyang hawak nito saka inilapit sa mga labi nito para halikan . Pinaparamdam na walang panaginip,purong realidad lang!

"Minsan, tinanong mo sa akin kung bakit ba parang ang hirap at di kita magawang patawarin sa mga nangyari noon?..." Si Xian. May nginig ang boses nito nang magsalita.

 "....You asked why I could'nt forgive you?.... Dahil mahal kita! Kahit alam kong hindi ka perpekto. Kahit pa galit na galit ako sa'yo sa lahat ng mga ginawa mo noon. Nung nawala ka sa buhay ko saka ko nalamang, nakalimutan na nito (*pointed where his heart is) at kasama mong nawala ang kapasidad kong magmahal ng iba. And you ....you turned to be the love of my life!" 

Pakiramdam na umugong ang paligid. 'Love of my life' lang ang parang klarong sinagap ng wisyo nya!

'Ako?! Ako nga ba talaga ang tinutukoy nito?' pinigilan nya ang lumingon o magtanong ng 'Ako ba talaga,weh di nga?' kay Xian.

Wala na syang nasabi. Parang nakagat nya ang dila sa mga narinig. Basta umalagwa na lang ang mga luha ni Kim. Iyak na lang! Hindi nya na kayang pigilin pa. Napakaliberating ng feeling na binigyan nya ang sariling ilabas ang iyak na ilang buwan, linggo,araw at oras na pinigil.Tinago. Wala na syang pakialam kung ngawa na ba ang ginagawa nya o atungal baka matapos nya marinig ang mga sinabi ni Xian.

"Kim, I love you! At sa lahat ng mga nasabi ko at nagawa ko noon,honestly hindi ako proud dun and I'm so so sorry! Hindi rin ako perpekto at magiging ganun kahit kailan, pero I'll try to be a  good husband to you, a better father to our children. Na sana tanggapin mo pa din ako ulit...mahalin?"

Lumuhod ito sabay binuksan ang isang maliit na box mula kung saan ..."Will you be my wife and spend forever with me...again?!" hawak na nito ang singsing na di nya maaninag dahil sa kulabo ng luha. Kahit saan pa galing o ano pang klaseng singsing yun,kahit pa singsing yata na nakukuha yun sa chikadees o napapanalunan sa bunutan. Wala syang pakialam!

Napatango na lang sya bilang sagot. Ibinigay nya ang kaliwang kamay na pagsusuotan ng singsing. Habang ang kanang kamay nya ay nasa bibig nya dahil sa walang tigil na hikbi. 

Tumayo si Xian ng maisuot ang singsing para yakapin sya. Yung mahigpit na parang OFW hug na sampung taong di nagkita! Sumunod dun ang halik. (Eh kayo na mag-isip kung paano ang OFW kiss,pwede?)

"Thank you!! I love you,Mrs. Alexander Xian Lim-Uy!" sa pagitan ng maliliit na halik 

"I love you too, Mr. Alexander Xian Lim-Uy!" sa wakas natagpuan ni Kim ang boses kahit paputol-putol gawa ng hikbi.

"Ahm excuse me mga anak ha...alam kong excited na kayong maikasal at nag-advance na nga kayo sa 'you may kiss the bride' part..pero pwede bang bigyan nyo nman ako ng moment dito?" nakakaloko ang ngiti ng wedding officiant. 

Natawa sila pareho. Pero si Xian mukhang gigil, hinalikan muna ulit si Kim. Kaya napa-'ehem' ulit ang magkakasal.

"O sobra na sa advance yan hijo...mamaya skip ko na yang 'you may kiss the bride' na part!" tukso nito sa kanila.

 Masayang nagkatawanan ang mga nakarinig sa hirit nito!

                    After their civil wedding, isa pang sorpresa ay ang church wedding. Di makapaniwala si Kim sa nakitang Traje de bodang nakasuot sa manequin .It was the same wedding dress that she tried from the shop. Naiba lang eh yung feels nya pagkakita sa gown. Kung noon puno ng pantasya at panghihinayang, ngayon purong realidad na at kaligayahan. Yung klaseng hindi lang sya masaya,kundi masayang-masaya.Gawin pang maligayang-maligaya.

 Kanina pa gising si Kim. Nakatitig lang sya at hinahangaan ang gown na nakapwesto malapit sa floor to ceiling window ng hotel. Napakapayapa ng pakiramdam nya. Ang saya -saya ng puso nya.  Lalo at ramdam nya ang init ng katawan ng asawa sa tabi nya habang mahigpit syang yakap nito patalikod dito. Himbing pa rin ito sa tulog malamang dahil sa puyat. Napangiti sya sa isiping yun.Eh bakit ba honeymoon nila eh.Kaligayahang di nya inakala at pinangarap pang maging kanya.

Hanggang sa maramdaman nya ang paghigpit ng yakap sa bewang nya at ang nakakakiliting pakiramdam ng hininga dulot ng  halik sa batok ni Kim. Gising na ang asawa...gising na gising base sa buhay na buhay na patotoo sa likod nya.Ooops!

Nakangiting humarap sya kay Xian. She lovingly stared at his handsome face while teasingly  tracing his eyes, nose and ended on his lips. Nagtagal doon. Hindi yata sya mananawang titigan ito at mahalin. Kung nagawa nya itong mahalin halos kalahati ng buhay nya, itinataya na rin nya ang mga susunod pang taon ng buhay nya ngayong alam nyang kanyang-kanya pala ang lalaking ito.

Nakita nyang ngumiti ito kahit nakapikit. Saka may sinabi sabay ng pagdilat. Sa pagtatama ng mukha nila may sinabi ito... 

"Mrs. Kimberly Lim-Uy, andito na ko forever sa buhay mo. Hinding-hindi kita iiwan. I love you!" 

Napangiti si Kim . Sino ba ang mag-aakalang makukumpleto ang simpleng hinihiling nya sa buhay at ang magbibigay sa kanya ay ang lalaking minahal nya noon, hanggang ngayon. 

"I love you too Mr Alexander Lim Uy..hindi din kita iiwanan! " 

And they sealed it with a kiss. Kung saan pa pwedeng mauwi wag na nating pakialaman. Ang mahalaga, Kim can finally say that their forever has finally found its way back.

They are each other's forever.

'Finding their way back isn't going to be easy...but nothing worthwhile in life is.'

Continue Reading

You'll Also Like

392K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...
12.1K 1.7K 45
true love is just around the bend but lovers find it hard to get one...
326K 5.1K 96
Haven Prado's mother sold her for millions in slavery to her business partner, Marco Madrigal. She manages to escape the night Marco attempts to do s...
36.6K 1.3K 98
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"