Chapter 4

5.5K 68 9
                                    

                    Mabilis na lumipas ang mga araw at buwan. Eto nga at gra-graduate na sila. Pareho silang Magna Cum Laude ni Xian. Sayang at hindi na natapos ni Monique ang last sem dahil tumulak na pa-Amerika ang pamilya nito.

Girlfriend pa rin ni Xian si Erika bagay na kinaiinipan nya ang araw na mawawala na ng tuluyan ang babae sa buhay nito. 

Hindi rin nila kasabay si Erika na matapos sa kurso nito at may kalabuan na rin na mangyari dahil balita nya hindi na kayang tustusan ang pag-aaral nito lalo at may limang kapatid pang nakababata ang babae. Kailangan na nitong magtrabaho sa isang restaurant para makatulong sa gastos ng pamilya.

 "Anak, I'm so proud of you!" Bati ng Papa nya matapos ang ceremonial rights. Sabay abot ng isang  maliit na kahon .Proud na proud ito sa kanya. At masayang-masaya din nman sya at nasa tabi nya ang ama . Mas malimit kase itong may mga out of town trips kaya bihira na silang magkita sa bahay o magsalo man lang sa pagkain. Minsan nga gusto na nyang magtampo dito pero gusto na lang nyang intindihin ito. Para sa kanya nman ang ginagawa nito. Sa kinabukasan nya.

 "Thanks Papa!..." excited na binuksan nya ang binigay nito. Tumambad sa kanya ang laman ng maliit na kahon. Isang susi...ng sasakyan! Nayakap nya ang ama sa katuwaan. Kase sa wakas binibigyan na sya ng kalayaan ng Papa nya na makapagmaneho ng sariling kotse.  Nang makabitiw dito ay hinubad nman nya ang medalyang suot. "Pa, this is for you! Thanks for everything you've done for me. Ikaw ang inspiration ko to be the best." 

"Everything and anything for my princess!" nakangiting sabi ng Papa William nya na nagkaroon ng magandang pagkakataon para maisingit ni Kim ang pinagpalanuhang hilingin sa ama.

"Pa, meron sana akong request sa'yo sana pagbigyan mo..."

"What is it, hija?"

"...baka pwedeng i-hire natin si Xian sa company natin. He'll definitely be an asset . For sure maraming companies ang gustong makuha sya and I think being friends with him, nasa atin ang edge na tanggapin nya ang package na i-ooffer mo!..." dere-derchong hard sell ni Kim sa ama.

"Hmmmm..."

Halos naka-ekis ang daliri ni Kim sa likod .Hoping na i-consider ng Papa nya si Xian para kunin sa companya.

"...well, depende yan hija!" pambibitin nito sa anak.

"Depends on what?..." impatient na si Kim. Hindi halos humihinga. Kung sakali kaseng pumayag ang papa nya sa kapritso nya, mas lalong mapapalapit sa kanya si Xian at mas malaki ang chance nya dito lalo na at makakasama nya sa iisang kumpanya ang binata.

"Still depends on Xian...of course, even if I hire him, if he doesn't want to be a part of our company, wala tayong magagawa jan di ba?"

Bumakas ang tuwa sa mata ni Kim. Iisa lang ang intindi nya sa sinabi ng ama. Xian is hired  if he'll accept the job.

YES!

                            Hindi nag-aksaya ng sandali si Kim.Hinanap ng mata nya si Xian sa karamihan ng tao . Nang makita ang hinahanap , nagpaalam sya sa Papa nya na imi-meet na lang ito sa lobby ng plenary hall na pinagganapan ng graduation.

Mula kase nang magpasya sya na hindi nya susukuan ang binata, lalo pa nyang kinareer ang pakikipaglapit dito. Halos lahat ng subject nya for 2nd sem kinuha nyang panggabi lahat.

Napalapit pa sya ng sobra sa Mommy Mary Ann nito na maluwag sa kalooban nya.Tinotoo nya nag pangakong dadalaw-dalawin ang Tita Mary Ann nya na umani ng mas bonggang approval na makatuluyan ng anak nito. Isa pa ,lumaki syang walang ina kaya dito nabaling ang paglalambing nya. Marami din syang nalaman sa personal na buhay ng mag-ina. Kahit ang emotional state ng matanda  na mas nakapagpalapit sa kanya dito.Kaya nman lalong lumakas ang loob nyang  mag-feeling na magiging nanay na din nman nya ito very very soon .She may not be his girlfriend 'yet' pero sya na ang tinuturing ni Xian na 'bestfriend'. Alam nyang konting push na lang , at magiging kanya din ang pansin at pagmamahal nito. 

RETURN TO FOREVER (KimXi FF)Where stories live. Discover now