You're Still The One (A SharD...

Av imnotkorina

245K 7.1K 1K

"You don't know how hard it is...to love and hate you both at the same time." Mer

YOU'RE STILL THE ONE (A SHARDON FANFICTION)
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER: She's The One

CHAPTER 34

2.6K 108 7
Av imnotkorina

"What was that behavior, Liberty? How could you treat Donato and his mother like that?" ang galit na sermon sa kanya ng tiya sa likod.

She didn't mind her. Inayos niya ang kumot ng ama na bahagyang nakababa bago itinabi ang ilang hibla ng buhok palayo sa mukha nito. It pains her so much to see her father in this state. Hindi niya kailanman inakala na hahantong ang kalusugan nito sa ganito. He's always been strong.

"Where's my father's doctor, Tita Helga? I want to talk to his doctor. I need to know dad's current condition," aniya. Hindi pinapansin ang sentimyento ng tiya.

"Dr. Sarosa will be here in an hour. Kakabisita lamang niya rito kanina at may iba pa siyang pasyenteng kinakailangang tignan."

Wala na siyang itinugon pa roon. Ginagap niya ang kamay ng ama at hinawakan iyon ng mahigpit. She lightly touched his hand. It used to be strong but now his fingers became bony and fragile. Tanging pagsisisi at hinagpis ang nararamdaman niya.

"Mali ang ginawa mong pagpapalayas sa mag-ina kanina, Lily. Tumutulong si Mirasol sa pag-aalaga sa iyong papa at si Donny naman ang tumitingin-tingin sa pamamahala ng hacienda," anang kanyang tiya na bagaman mas malumanay na ang tono ay kababakasan pa rin ng disgusto para sa ikinilos niya kanina.

"I don't care about them," she said without even batting an eyelash. "You should've told me sooner about this, Tita Helga! Paano mo nagawang ilihim sa akin ang ganito ka-importanteng bagay?"

"Because that is your father's wish, Liberty. But when I learned about your arrival here, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Alam kong pagsisisihan ni Kuya sa huli oras na hindi ka niya nakasama sa mga nalalabing panahon niya."

Umiling siya dahil hindi niya gustong tanggapin ang sinasabi ng kanyang Tita Helga. Although the evidence of her father's deteriorating health is already right in front of her, she just couldn't let herself accept that easily.

"Let's bring that in the best hospital that you know, Tita Helga. Money is not a problem. I can pay—"

"Sa tingin mo ba hindi ko naisip gawin iyan, Lily? I already brought the best doctor that I know who specializes in your father's illness. Maging siya ay nagbigay-taning na sa iyong ama," bakas ang pighati sa tono ng kanyang tita. Of course, her dad is her only brother. Ang natatangi nitong pamilya. Kaya kung nasasaktan man siya ngayon ay ganoon din katinding sakit ang nararamdaman ng kanyang tita Helga.

"Matagal na nilihim ni Kuya Albert ang karamdaman niya kaya huli na rin ito'ng na-diskubre. He's no longer responding to medications or any treatments. Mas lalo lamang siyang manghihina kung pipilitin siyang mag-chemo. And in his current state, any operation is no longer an option."

Nananatili siyang taas-noo habang pinapalis ang kanyang mga luha. She wanted to oppose her aunt but her Tita Helga is a doctor. Kumpara sa kanya, mas alam at naiintindihan nito ang totoong kalagayan ng kanyang ama. Kung pipilitin niya ang gusto niyang gawin, she might risk her father's life even more.

"Kuya Albert only wants to live the remaining days of his life in the farm, Lily. Iyong hindi siya mas pinapahina ng kung ano-ano'ng medikasyon. And I know he's silently hoping to see you once again. Even for the last time. You are his princess, Liberty."

Naramdaman niya ang kamay ng tiya na pumatong sa kanyang balikat. Hindi na niya napigilan pa ang paghikbi. Hawak ng mahigpit ang kamay ng ama sa dalawa niyang palad, maka-ilang ulit siyang pabulong na humihingi ng tawad sa kanyang ama dahil ngayon lamang nakauwi.

Dumating ang doktor makalipas ang isang oras gaya ng sinabi ng kanyang tiya. Dr. Sarosa looked sympathetic while telling her the same thing her aunt has told her. Masyadong mabilis at agresibo ang pagkalat ng kanser sa katawan ng kanyang ama. Apektado na ang malaking bahagi ng baga nito dahilan upang mahirapan ito'ng huminga.

The doctor could only prescribe medications that will possibly alleviate the symptoms and improve the quality of her father's life. Ngunit gaya ng naunang sinabi ng kanyang tiya, wala nang kahit na ano'ng lunas pa ang tatalab sa karamdaman ng kanyang ama. He's only given months to live.

Nakatulala siya sa tapat ng bintana. Hindi alam kung gaano na siya katagal na nakatayo lamang doon at nakadungaw sa labas. The sky was now dark. Ang araw ay pinalitan na ng buwan at mga bituing tila dine-disenyuhan ang kalangitan.

"Liberty, hindi ka pa ba kakain? Ako muna ang magbabantay sa papa mo. May cafeteria sa first floor."

Pumikit siya at binigyan ang sarili ng ilang sandali bago ito tuluyang hinarap. Ang dalawang luggages niya ang una niyang napansin. Isa sa mga empleyado ng ospital ang nagdala no'n kanina ilang minuto makalipas na umalis nina Donny kasama ang nanay nito. Ito marahil ang nag-utos na dalhin iyon sa kanya. This is fine for her. At least, she doesn't have to talk to him to ask for her things.

"I'm not hungry," she said blankly. Naglakad siya pabalik sa nahihimbing na ama. She watched the laborious rise and fall of his chest. Muli ay pinuno ng pagkahabag ang kanyang dibdib.

"How can you not be hungry? Ang sabi ni Donny ay agahan lang ang kinain mo. You didn't eat lunch here, either."

Her lips tightened in a thin line at the mention of Donny's name. Sinabi nito iyon sa tiya niya? "I'm fine."

"Lily, hindi naman magandang pabayaan mo ang sarili mo. We all have to be strong for your father. Kumain ka muna."

Hindi talaga niya maramdaman ang gutom. Siguro ay dahil dinadamdam pa rin niya ang nalaman tungkol sa kondisyon ng ama.

She's about to tell her aunt not to worry about her when her father suddenly groaned and stirred. Nakalimutan nilang mag-tiya ang pinag-uusapan upang daluhan kaagad ito.

"Dad?" agad na nangilid ang luha niya habang pinagmamasdan ito'ng kumukurap.

"Mirasol..." her father groaned.

She was flabbergasted for a moment. Kasabay no'n ay ang tila paghiwa at pag-akyat ng pait sa puso niya. But she set that aside for a while. Hinawakan niya ang kamay ng kanyang daddy at dinala iyon sa kanyang pisngi. "This is Liberty, dad. I'm home."

Unti-unti ay nagmulat ng mga mata nito ang kanyang ama. Tuluyang bumagsak ang mga luha niya nang muli ay magtama ang kanilang mga mata. "...I'm home, dad."

"Lily? Princess?" her father croaked. Umangat ang may suwero nitong kamay patungo sa kanyang mukha. Her father caressed her cheek with a bemused and contented look on his eyes. "Is this really you? Am I not dreaming right now?"

She chuckled but her tears still fell. Naririnig niya rin ang mahihinang hikbi ng kanyang tiya habang pinagmamasdan sila ng ama. "No, dad. This is not a dream. I'm really here."

Idiniin niya ang palad nito sa kanyang pisngi upang patunayan iyon dito. Ngumiti ang kanyang ama ngunit tulad niya'y hindi na napigilan pa ang luha. "You're so beautiful, Liberty. Daddy missed you so much."

"I missed you too, dad. I missed you so much too." Naupo siya sa gilid ng kama upang mayakap ang ama habang nananatili ito'ng nakahiga sa hospital bed nito. She cried hard on his chest. Para bang muli ay bumalik siya sa pagkabata habang humahangos sa dibdib ng kanyang ama.

"I'm sorry for not seeing you for a very long time, dad. I'm really sorry."

Naramdaman niya ang marahang haplos ng ama sa kanyang buhok. She buried her face on his chest and cried harder.

"Ako ang dapat humihingi ng tawad sa'yo, princess. I hurt your feelings before. Mas inintindi ko ang nararamdaman ko kaysa sa'yo. I didn't realize how much my decisions could affect you."

"Dad..." wala na siyang kahit na ano'ng masabi. Ang tanging gusto niyang gawin ay yakapin ito ng mahigpit at ilabas ang lahat ng pagsisisi at pangungulila niya sa pamamagitan ng pagluha.

"Nabalitaan ko kung gaano ka kahusay sa propesyon mo, anak. No words could ever describe how proud I am to be your father and to have you as my child. I love you, princess. Daddy loves you always."

Tumango siya at itinatak ang sinabi nito sa kanyang puso. She couldn't think of anything else at that moment. Ang tanging mahalaga sa kanya ay ang kanyang ama at ang makasama ito sa nalalabing mga panahon nito sa mundo. Her father is the most important for her. Hindi ang pag-ibig na nagdulot lamang ng sakit sa kanya at gulo sa kanyang pamilya.

Ang ospital na ang kanyang naging tahanan sa sumunod na dalawang araw. Mas bumuti naman ang lagay ng kanyang ama at anomang oras ay maaari na ito'ng i-discharge.

Napag-planuhan na ang pagbabalik niya sa hacienda. Umuwi ang Tiya Helga niya roon upang ayusin ang kanyang silid. Napag-alaman niyang wala na roon ang mga dating kasambahay ng kanyang ama, including Aileen and Nana Conchita. Iba na rin ang foreman ng kanyang daddy at hindi na ang tiyo ni Donny.

"Nabili nang muli ni Donny ang lupain nila kaya naroon na si Hugo. Their horse and cattle ranch were now the biggest in the province, if not, the whole country. Mahusay ang naging pamamalakad ni Donny kaya mabilis ang pag-asenso ng negosyo nila."

Nagpanggap siyang hindi interesado sa impormasyong ibinahagi ng kanyang Tita Helga. So, he acquired their land back? At mas malaki at asensado na iyon ayon sa kanyang tiya. Now that explains his expensive possessions and his more intimidating presence. Kung tototohanin pala nito ang banta sa kanya, madali nitong magagawa iyon dahil may pera na.

Though she can't help but wonder how on earth was he able to do that. Trabahador lang ito ng papa niya sa hacienda nila. Wala nga ito'ng pera noon para dalhin siya sa mamahaling restaurant para sa kanilang first date. Ang bilhin pa kaya pabalik ang lupain ng pamilya nito?

It must've been through her father's help. Baka binigyan ng kanyang ama ng pera si Donny o nanghingi ang huli? Either of those two possibilities. Hindi siya naniniwalang kayang gawin lahat ni Donny ang sinasabi ng kanyang tiya sa pamamagitan lang ng sarili nitong abilidad. Kahit ba noon pa man ay naging saksi rin siya kung gaano ito kahusay sa trabaho nito.

"Nasa Maynila siya no'n para sa isang meeting kasama ng mga interested investors para sa horse breeding program na binabalak niya nang tawagan ko siya tungkol sa'yo. Mabuti at tamang-tama lang pala ang pagtawag ko dahil kakatapos lang niya roon."

He's pretty big time now, huh? All thanks to her father, of course.

Lumapit siya sa kama ng ama kung saan ito mahimbing na natutulog. Nilubos niya ang mga nakaraang araw upang i-kuwento sa kanyang ama ang naging buhay niya sa Paris. They never talked again about the past. Ayaw na rin niyang buksan ang paksang iyon muli. Gusto niyang ibuhos nalang sa ama ang atensiyon at bawiin ang lahat ng nasayang nilang panahon.

"Nakalimutan ko nga palang itanong sa'yo. Bakit biglaan yata ang pag-uwi mo, Liberty?"

Naalala niya ang tagpong inabutan niya sa condo ni Turs. Para bang kay tagal na no'ng nangyari kahit na iilang araw pa lang naman ang lumipas.

Nagpalit na siya ng numero dahil hindi siya tinitigilan ng pagtawag nito. Na-kontak niya na rin si Sam upang sabihin dito ang nangyayari sa kanya sa Pilipinas. She understood immediately. Nag-boluntaryo na rin ito'ng saluhin ang lahat ng responsibilidad na pansamantala niyang maiiwan sa trabaho. Nagpahayag din ito ng kagustuhang bumisita upang tignan ang kalagayan niya roon. She politely declined because she knew Sam's busy with all her wedding preparations too.

"I will be fine here. Thank you, Sam," aniya rito.

"Okay. But don't hesitate to call me if you need help."

"Of course," she forced a weak smile. "Uh, can I ask for another favor?"

"Sure. What is it?"

"Can you not tell Turs where I am if he asks you?" pakiusap niya rito. "I'll be busy taking care of my father. And...I don't wish to talk to him for now."

"Okay," Sam simply agreed. "Anything else?"

Napangiti siyang muli. "That's all. Thank you again, Sammy."

Inayos niya ang kumot ng kanyang ama bago hinarap ang tiya. "For business. I was about to go back to Paris when...Donny found me."

Tumango-tango lamang ang kanyang tiya. Ngunit pagkaraan ay nagsalita ito'ng muli. "Nakausap ko si Mirasol noong isang araw, Lily. Can you really not set aside your feelings for a while?"

"I'll just get myself a cup of tea and sandwich, Tita Helga. May gusto ka bang ipabili?" aniyang sadyang iniiwasang pansinin ang sinabi nito.

Bumuntong-hininga ang kanyang tita. She took her purse and her phone from the cot where she sleeps for the past nights.

"Busog na ako. Kumain na ako bago magpunta rito," sagot ng tiya niya sa kanya.

Tumango siya bago nagtungo sa munting salamin na nasa gilid ng silid. Her face was bare with any cosmetics aside from the nude pink lipstick that matches her lips natural shade. Simple man ang ayos, the dress and shoes she's wearing screams of a luxury brand that only reveals her high status.

Sinulyapan niya ang ama bago naglakad patungo sa pintuan ng silid. Bago makalabas ay nagsalita muli ang kanyang tiya.

"Pag-isipan mo ng mabuti ang sinabi ko sa'yo, Liberty."

With her jaw tightly clenched, lumabas na siya roon.

Hindi na kailangan ng kanyang ama si Aling Mirasol. Naroon na siya! She's her father's daughter. Dapat siya lang at ang tiya niya ang nasa tabi nito upang alagaan ito. Isa pa, matagal na panahon na rin namang nakasama ni Mirasol ang kanyang daddy. Ano'ng masama kung ngayon ay mag-desisyon siyang sila na muna ng kanyang ama?

Hindi maipinta ang kanyang mukha nang bumili ng tuna sandwich at isang tasa ng mainit na tsaa sa cafeteria. She's no longer bothered by the attention she's getting from other people. Maging ang ilang lalaking doktor na nanananghalian din doon ay naiiwan sa kanya ang mata at halos malaglagan pa ng panga.

Binalatan na lamang niya ang sandwich at nagsimulang kumain. Hindi pa man iyon tapos nguyain nang may humila sa bakanteng silya sa kanyang harapan. Akala niya ang nangahas maupo roon ay isa sa mga lalaking doktor na lantarang pinagmamasdan siya kanina kaya naman laking gulat niya nang si Donny ang matagpuan doon! Nilapag pa nito sa harapan niya ang tray na may lamang plato ng kanin at isang mangkok na puno ng ulam na gulay.

Namilog ang kanyang mga mata at napataas ng kilay dito. Ngunit agad siyang nakabawi at tumuwid sa pagkakaupo. She calmly put her sandwich down on the tray before picking her cup of tea and taking a sip. Lahat iyon ay ginawa niya ng kalmado kahit nayanig ang kanyang sistema sa intensidad ng presensiya nito!

"Eat a decent meal, Liberty. It's already lunch," he said using his annoyingly sexy deep baritone.

Tinuon niya ang mga mata sa tsaa habang ibinababa iyon. Nagagalit kung paanong tila nabuhay ang bawat bahagi ng kanyang katawan sa tinig pa lamang nito.

"Are you blind? I'm already eating."

"Iyan lang ang kakainin mo?" anito sa tonong nanghahamak. "No wonder you look so unhealthy."

Nagpanting ang tenga niya sa komento nito. And just what exactly does he mean by that? Na hindi maganda ang katawan niya?! Inayos niyang muli ang kanyang upo. Pinagsisisihan niyang masyadong konserbatibo ang straight cut dress na suot. She could've chosen a more revealing outfit to prove a point.

Talagang pinagkakaabalahan niya ito?!

"What are you doing here? I thought I already made it clear that you and your mother are not allowed to visit my dad," kinuha niya ang napkin na kasama ng mga biniling pagkain.

She gently wiped the corners of her lips. Bumaba ang paningin ni Donny sa kanyang labi. Kumislot ang makurba nitong mga labi at ang mga mata'y kinababakasan ng emosyong hindi niya magawang pangalanan. Nais nang parangalan ang sarili sa husay magpanggap na kalmado gayong malapit na siyang madulas sa silya at mapaupo sa sahig.

"This hospital is not yours, princess," he said each word slowly, sensually. "And although I wanted to visit your father, I came here to see you."

Sumikdo ang kanyang puso sa sinabi nito. Sometimes, she just wanted to take her damn heart from its cage and throw it away. Hindi kasi ito sumusunod sa gusto ng kanyang isip. She wanted it to stop beating like crazy for this beautiful man but it can't! Wala ito'ng silbi!

Pinilig niya ang ulo. Hindi dapat siya nagpapa-apekto ng ganito sa lalaking ito. He's her enemy! Kailangan niyang tandaan kung paano siya binantaan nito! Handa siyang saktan ni Donny oras na ma-argabyado ang ina nito!

Kahit paano'y ibinalik ng isiping iyon ang kanyang utak sa tamang landas. She equaled his serious gaze with a much formal stare. Kung paano niya nagagawa iyon sa kabila ng tanawin ng nakaka-akit nitong mga mata at mas nakaka-akit na mga labi, hindi niya alam. Ang tanging sigurado siya ay hindi na dapat siya magtagal pa sa harap ng lalaking ito.

"What do you need? Para makaalis ka na. I want to eat in peace, Donny."

"You call that 'eating'?" he cocked his head to one side before leaning casually on the chair's backrest. Ipinag-krus nito ang mga braso sa dibdib dahilan upang hindi makalusot sa mga mata niya ang matikas nitong mga braso na halos kumawala sa manggas ng suot na white t-shirt.

What the hell, Lily? Dami mo yatang napapansin!

"Can you just leave?" she said sharply. "I don't have time for you!"

Mas lalong nagdilim ang anyo nito nang dahil sa kanyang sinabi. Sa halip na mag-iwas ng tingin ay nilabanan niya ang titig nito kahit pa nangangatog na ang kanyang mga binti sa ilalim ng mesa.

"Kainin mo ang pagkaing binili ko. That sandwich cannot give you enough energy for the day," utos nito na parang hari.

Dinampot niya ang sandwich at kumagat doon sa halip na sundin ito. Hell, she will never follow his orders kahit pa iyon lang ang makakasalba sa buhay niya! Hindi na siya ang batang Liberty noon na kulang na lang halikan ang lupang dinadaanan nito at sambahin ang bawat salita nito. She wanted to believe that she's got a better sense now!

Umangat ang gilid ng labi ni Donny dahil sa kanyang ginawa. The way his tongue slowly grazed and wet his lower lip almost choked her. Kinalas ni Donny ang mga braso nito. Hinila nito ang silya palapit sa mesa na para bang nakukulangan pa sa distansiya. Inayos nito ang plato sa harapan niya at nagsalin ng ulam sa kanyang pinggan. The smell of sautéed vegetables made her hungry.

Halos ma-intimidate siya sa laki ng bulto ni Donny sa harapan niya. Agaw pansin ito sa buong cafeteria. Para lang siyang laruang manika sa kumpara dito.

Prente siyang ngumuya ng pagkain para lang matagumpay na itago ang kanyang pagkabahala sa ginagawa nito. Hindi na nito muli pang inilayo ang silya sa kanya kahit tapos nang lagyan ng ulam ang pinggan. He even leaned closer. Gustuhin man niyang umatras palayo, ayaw niyang bigyan ito ng rason upang mas lalo lang siyang hamakin.

"Eat," he commanded again with a look on his face that could make anyone move at his bidding. "I tried not to intrude for the past days. But I can no longer watch you starve yourself, Liberty."

"I'm not starving myself! I just don't eat too much," angil niya rito. Ngunit ang isip niya'y nakatuon sa sinabi nito. He tried not to intrude? And he can no longer watch her starve herself? Ano'ng ibig sabihin no'n? Is he...secretly watching her every move?

That couldn't be possible! Sabi ng tita niya ay may malaki ito'ng negosyong pinagkaka-abalahan. He can't find the time to know her whereabouts!

"Hindi tayo aalis dito hangga't hindi ka kumakain ng matino," sumandal ito'ng muli sa silya nito. His hands were casually clutching the table's either side. Ipinapakita ang makapal na ugat sa mga iyon.

Matalim ang tinging ipinukol niya rito. Ngunit imbis na makitaan ito ng takot sa kanya, nahahalinhinan pa ng pagka-aliw ang madilim na anyo sa mga mata nito. Why would he even feel scared of you, idiot? Sa laki ng katawan ni Donny at tangkad nito, isang buhat lang sa manipis niyang katawan ay nabalibag na siya nito. Kung may dapat matakot sa kanilang dalawa, siya iyon.

Ano na nga ba ulit ang sinasabi niya tungkol sa kakayahan niya bilang tagapagmana ng mga Alegre? Mas matikas pa nga yata ang pangangatawan ni Donny kumpara sa mga bodyguards ng pamilya niya. The way his muscles were straining against the fabric of his shirt is just a proof of how strong he is now. Nasisiguro niyang hindi na ito mabubugbog pa ng mga bodyguards nila gaya ng nangyari noon.

"Then if I eat this, will you leave me alone and get lost forever?" she taunted him. Ngunit sa halip na tapatan ang pang-aasar niya, his eyes suddenly became...sad.

"Do you want to get rid of me so bad?" tanong nito at hindi niya maintindihin ang biglaang paglungkot ng tono.

Hindi niya inalintana ang lungkot na naririnig dito. He's just probably faking it for all she knows. "Yes," diretsahan niyang sagot dito.

Padabog niyang kinuha ang mga kubyertos. Kakain siya ngayon para lang umalis na ito sa harapan niya. But before she could take her first spoonful of food, he talked again.

"Then that's too bad, princess. Dahil sa pagkakataong ito wala na ako'ng balak na lubayan ka."

Nangunot ang kanyang noo rito. Tumitig ito ng diretso sa kanyang mga mata. Taunting her to challenge his statement. Ngunit kung kailan niya kinakailangan ang kanyang tinig, saka naman niya iyon hindi matagpuan.

"Eat," utos nitong muli. 

Fortsett å les

You'll Also Like

2.1M 32.2K 51
Hindi man natupad ni Aika ang buohin muli ang kanilang pamilya. Hindi naman siya nagsisi sa naging desisyon niya para sa mga ito, lalo't nakikita niy...
663K 12.5K 43
Loving someone can make you a fool. Loving someone you know that isn't capable of loving you is really hard. What will happen if you will be stuck wi...
428K 7.8K 24
He left. And then he came back. || ©2015 - Cover made through CANVA
14.6K 342 36
Title: Dreaming Too High (ES #2) Genre: Romance Description: Everyone of us has a goal in life, Financially stable, peace of mind, love life and mos...