BOOK 2: Confession of a Gangs...

By vixenfobia

647K 10.6K 968

SERIES 2 || Running away is not the answer. ©2014 More

Confession of a Gangster
Confession 01: Starting My Peaceful Life
Confession 02: Hello Life in Peace. Damn.
Confession 03: Who's Doomed? You.
Confession 04: Oz Bezarius; the Wrecker
Confession 05: Alice in Arendelle Forest
Confession 06: Stalking Confusions
Confession 07: The Blue Eyed and The Council
Confession 08: Wizard Tailing The Goblin
Confession 09: The Gods Playing in G Co.
Confession 10: This J is so New
Confession 11: Concealing Scars
Confession 12: Curse Under the Rain
Confession 13: Unexpected Visitors
Confession 14: A Taste of Hell
Confession 15: First Step
Confession 16: Cinderella Was Gone
Confession 17: Apomorphine Shot
Confession 18: The Nightmare
Confession 19: Do the Moves
Confession 20: Pissed to Meet You
Confession 21: Underground Society
Confession 22: Puzzlement
Confession 23: Savage Chameleon 1
Confession 24: Savage Chameleon 2
Confession 25: Losing Sanity
Confession 26: Angel and Her Wings 1
Confession 27: Angel and Her Wings 2
Confession 28: Possession
Confession 29: Leon Ford
Confession 31: Conspiracy
Confession 32: Mind Maze
Confession 33: Toss Coin
Private Confession: Love. Lust. Claimed.
Confession 34: Could It Be?
Confession 35: Twisted Chains
Confession 36: Touch of Blood
Confession 37: Most Painful Truth
Confession 38: Queen vs. King vs. Knight
Confession 39: Queen Alice
Confession 40: Unconscious Consciousness
Confession 41: She Died
Confession 42: No Air
Confession 43: Rage of the Blue Claws
Confession 44: Broken Strings
Confession 45: Chain of Fate
Confession 46: Scythe of Ferox
Confession 47: Cinderella's Fangs
Confession 48: An Epilogue
Confession 49: Be Mine, Alice
Confession 50: It's All About Us
Epilogue: The Last Confession
Onee-chan's Last Death Note

Confession 30: Inside Yoshima Mansion

9.5K 170 18
By vixenfobia

Confession 30: Inside Yoshima Mansion

 

“Bumaba ka na doon. ‘Yung lalaki mo, kanina pa naghihintay. Tsk,” inis na saad ni Aldous habang nakasilip sa pinto ng kwarto ko. Ipinikit ko muli ang isang mata kong dilat saka kinuha ang unan sa tabi ko at itinakip sa mukha. Ang aga-aga pa nambubulabog na naman itong si Aldous. At anong pinagsasabi niyang lalaki diyan? Tss. “Bumangon ka diyan Alice kung ayaw mong reypin kita.” Banta nito kasabay ng mabibigat na yabag ng paa. Muli kong idinilat ang kanan kong mata at sinilip siya. Kunot na ang noo nito at nakatayo sa paanan ko while crossing his arms on his chest. Topless. Napalunok ako noong napagmasdan ko ang katawan nito. Baka bigla kong makalimutang kapatid ko siya at magkasala ako sa Diyos. I moved on the other side of the bed at pumikit muli.

Inis akong napaungol noong sinimulan nito ang pag-alog sa mga paa ko kaya naaalog ang buong katawan ko. Kainis. “Will you stop it?” Huminto naman ito. I sat up harshly at napahilamos ng dalawang kamay sa mukha. Medyo nahilo ako sa biglaang pagbangon ko. Naalog yata ang tulog kong utak.

“I’ll stop basta bumaba ka na doon.” Sabay martsa nito palabas ng kwarto. Huminga na lang ako ng malalim noong naisara na nito ang pinto bago tumayo papuntang banyo para makapag-ayos.

Itinapat ko ang mukha sa mismong shower habang malayang dinaraanan ng maligamgam na tubig ang buo kong katawan. Mamaya pa sana ang pasok ko pero ito at kailangan kong bumangon na dahil lang sa kung sino mang bisita na ‘yan. Sayang naman ‘yung oras, nakatulog pa sana ako. Pinatay ko na ang shower at kinuha ang tuwalya sa tabi ko. Palabas na sana ako ng pinto noong mahagip ng peripheral ko sang sariling repleksyon sa full length mirror. I stared on my whole body for about a minute. Parang kailan lang ay isang batang Alice ang nakikita ko sa salamin but now, I really am a lady with blue eyes. Hindi na talaga muling bumalik ang dating kulay ng mga mata ko. Ewan ko rin kung bakit. Nagkibit balikat na lang ako bago tuluyang lumabas ng banyo at sinimulan na muli ang pag-aayos.

***

 

Humihikab na bumaba ako ng hagdan noong mapansin kong walang kahit isa ang nasa sala. Malamang ay nagkukumpulan na naman ang tatlong ‘yon sa kusina at abala na naman sa pagkain. Dumiretso na ako sa dining. Malayo pa lang ay naaamoy ko na ang bacon na niluluto ni mama. Napangiti ako noong maisip ko ang pagkain saka hinimas ang kumakalam kong sikmura. Dahil lang sa amoy na ‘yon ay nakaramdam ako ng gutom samantalang kanina, ipagpapalit ko ang lahat matuloy lang ang tulog ko. Waking up early is not a bad idea at all.

“Ohayo!” masayang bati ko noong makatuntong akong dining. Nakita ko pang napangiti si mama habang bitbit ang mga plato habang nag-angat naman ng tingin si papa mula sa binabasa niyang dyaryo noong halikan ko ito sa pisngi. Binati rin nila ako pabalik. Akmang uupo na ako sa tabi ni Aldous noong mapansin ko ang katabi ni papa na abala lang sa pagkain. Pinagmasdan ko ito at hindi ko na naiwasan ang mapanganga sa gulat noong magtama ang mga mata namin.

“Ohayo, Alice.” Sabay ngisi nito.

Oz’s POV

 

“Ang aga mo naman bro. Saan ang lakad?” napalingon ako sa hagdan noong marinig ang boses ni Gin na halatang kagigising lang sa gulo ng buhok.

Nginisihan ko lang ito at nagpatuloy sa pag-aayos ng buhok. “Mamamanhikan kaya i-excuse mo muna kami ng mapapangasawa ko sa subject mo,” casual kong sagot rito.

Napahinto ito sa paglalakad at nagtatakang tinitigan ako. Tinitigan ko rin siya at mayamaya lang ay humagalpak na ito ng tawa hawak pa ang tiyan. Nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa ginagawa niya. Pinilit naman nitong pigilin ang tawa niya dahil nakita niya ang reaksyon ko sa ginawa niya. Nagsimula na itong maglakad palapit sakin at tinapik ako sa kanang balikat.

“You’ve gone crazy dude.”

 

“I just love her.”

 

Napangiti ito ng malawak at napapailing na umalis sa harapan ko. Pinagmasdan ko lang ito at nakitang dumiretso sa kusina kaya naman sinundan ko na ito. Kumuha ito ng isang basok tubig at inubos sa isang tunggaan lang. Huminto ako sa tapat ng kitchen counter at pinagmasdan siya. Walang reaksyon ang mukha nito kaya hindi ko mabasa kung ano man ang tumatakbo ngayon sakanyang isip. Hindi na kasi ito sumagot sa huling sinabi ko. Knowing Gin, siya ‘yung tipo ng lalaking mapagkakamalang bading kung hindi lang dahil sa gandang lalaki nito dahil sa sobrang daming sinasabi. I want to hear his opinion. I want to hear what’s running on his mind now.

Ilang segundong katahimikan rin ang namayani sa pagitan naming dalawa noong tuluyan na nitong basagin ang katahimikan. “Love?” sarkastikong saad nito na hindi manlang ako nililingon. He fake laugh at muling napailing. “Sinabi mo na ‘yan noon, Oz.” Ako naman ngayon ang natigilan dahil sa sinabi nito. Humarap ito sakin ng nakangiti pero bakas sa mga mata nito ang lungkot. “Ganyan na ganyan ang sinabi mo sakin noon,” he paused at unti-unting naglaho ang ngiti nito. “Exact same lines.”

 

Napakuyom ako ng kamao. Ramdam na ramdam ko ang pagtatagis ng ngipin ko habang unti-unti namang nagbalik sa alaala ko ang mga nangyari. Masakit pa rin pala. Akala ko tuluyan na akong nakawala sa sakit na ‘yon pero tulad nga nga sabi ko… akala ko lang. Siguro ang sakit na nararamdaman ko ngayon ay dahil na lang sa ego na nasagasaan sakin noong mga panahong ‘yon. Nasasaktan lang ako ngayon dahil sa pride. Alam kong si Alice na ang gusto ko. Oo, siya lang. Hindi ko na matandaan kung kailan pa ito nagsimula pero alam kong gusto ko na siya, baka nga mahal ko na talaga. Wala pa akong lakas ng loob na sabihin ito ngayon kaya uunti-untiin ko hanggang sa siya na mismo ang makaramdam.

Tama. Si Alice ang mahal ko at nasasaktan lang ako sa sinasabi ni Gin dahil sa pride.

Nagpakawala ako ng malalim na paghinga at muling tinitigan si Gin. Nagtama ang mga mata namin at bakas pa rin doon ang lungkot at simpatya kahit na nakangiti ito. Ayoko pa naman sa lahat ay ‘yung kinakaawaan ako. Nag-iwas ako ng tingin at tumalikod. “But this time, it’s different, Gin. Patutunayan ko sayo, so stop looking down at me.”

 

“Right. Better prove me I am wrong…” mabilis na sagot nito. “Gusto ko ring malaman kung hanggang saan mo kayang panindigan ‘yang sinasabi mong pagmamahal.”

 

“I can-”

 

“At kung hanggang saan mo siya kayang protektahan.” Napalingon ako sakanya dahil sa sinabi niya. Blangko lamang ang mukha nito hanggang sa tuluyan na niya akong nilagpasan palabas ng kusina. “Sige na. Excuse muna kayo sa subject ko ngayon kaya mag-enjoy kayo, bro.”

***

 

Tahimik kong nilalandas ang daan papunta sa mansion nina Alice. Pilit kong inaalis sa isip ko ang mga napag-usapan namin ni Gin kanina sa bahay. Ayoko ng isipin ang nakaraan lalo na at kailangan ko pang protektahan si Alice mula sa mga balak niya. Tulad ng sinabi niyasakin noon, ay wala ng halaga ang buhay ko sakanya dahil mahina na ako kaya kayang-kaya na niya akong patayin ano mang oras niya gustuhin. Pero hindi ako pwedeng panghinaan ng loob at basta na lang masindak dahil mas guguluhin nito ang buhay ng malalapit sakin. Sinimulan na niya sa Temple Island, pati na rin ang kapatid ni Spade ay nadamay at noon sinubukan na rin niyang galawin si Alice. Paano ko patitigilin ang lahat ng ito?

Agad akong napapreno noong halos lumagpas na ako sa mansion. Napailing ako sa sarili ko. Masyado na akong kinakain ng mga iniisip ko kaya hindi ko namalayang nakarating na pala ako rito. Agad kong dinampot ang cellphone ko sa passenger seat at i-dinial ang number ni tita Max. Noong nakitulog kasi ako sakanila noon ay hiningi ko ang number niya. Kaya nga madali akong makabalita sakanila kung ano ng nangyayari kay Alice. Naalala ko na naman tuloy noong ako ang tinawagan ni tita Max nung mga panahong galing sa laban si Alice sa pagrescue sa yumaong si Tyra.

“Hello tita Max, si Oz po ito.” Magalang kong bungad. Kailangan magpaimpress para pogi points sa magulang.

[Oh ikaw pala ‘yan. Bakit ka napatawag?]

 

“Nandito po ako sa labas ng mansion niyo. Ayos lang po ba kung susunduin ko si Alice para sabay kaming pumasok?”

 

[Ah ganun ba? Oo naman. Pumasok ka muna, but you have to wait kasi tulog pa ang susunduin mo.]

 

Napatawa na lang ako sa sinabi ni tita Max saka ibinaba ang tawag. Ilang sandali pa ay bumukas na ang higanteng gate na nasa harapan ko at mabilis ko namang pinaandar ang sasakyan papasok at ipinark. Paglabas ko ng sasakyan ay agad na bumungad sakin ang magandang mama ni Alice. Ang puti-puti niya talaga parang si Alice lang, tapos bilugan rin ang mga mata na nagiging singkit tuwing ngumingiti. Samantalang si Aldous naman, mukhang kay tito Steve nakuha ang kulay at ang pagiging maangas at Casanova ng mukha. Sa itsura at kilos pa lang noong mag-ama halata ng mga babaero. Kahit na may edad na itong mga magulang nila ay kapansin-pansin pa rin ang ganda ng lahi. No wonder Alice is such a beauty.

Nagbow ako rito saka ngumiti ng matamis. Ganito kasi ang greetings sa Japan diba? “Goodmorning po. Pasensya na kung masyado akong maaga.” Napapakamot batok ko pang sabi. Nakakahiya naman kasi talaga ‘yong oras ng dating ko dito e.

“Ayos lang hijo. Halika na sa loob at tamang-tama, naghahanda ako ng almusal,” masayang sabi nito. tumango na lang ako at sinundan siya papasok ng mansion.

Pagpasok ko pa lang sa higanteng pinto ng mansion nila ay hindi ko na maiwasan ang humanga. Talaga namang nakakalula ang laki at lawak ng loob. Japanese-European type ang structure ng bahay. Mula mwebles hanggang ceiling ay halatang mamahalin ang mga gamit. Sopistikada ang dating pati ang kulay. Parang mga Royal-Blooded ang nakatira dito. Kung hindi mo lilibutin ang mansion ay siguradong maliligaw ka. Nahagip ng mata ko ang malalaking frame na nakasabit sa dingding ng mansion. Mayroon doong isang grupo na binubuo ng tatlong babae at apat na lalaki kasama ang isang matandang lalaki na sa tingin ko ay lolo ng pamilya nila. Mga nakangiti ito at halatang masaya. Isa sa tatlong babae ay kamukha ni tita Max. Siguro siya ‘yon noong kabataan. Siya lang ay may seryosong mukha sa lahat. Hindi ko na tuloy napigilan at napatingin ako sa katabi ko na nakatingin na rin pala sa frame habang may malawak na ngiti. Kung posibleng kuminang ang mga mata baka kumikinang na ‘yong sakanya.

“They’re my group, BRTG.” Panimula nito. Muli akong napatingin sa frame. “They look like idiots, right?” napatawa pa ito ng mahina. Hindi ko na rin naiwasan ang mapangiti habang nagkukwento siya. “And I seriously missed those idiots. It’s been ages since we part ways.”

 

“Wala na po ba kayong communication sakanila?”

 

“I do have. Pero masaya sana kung sa personal ko sila makakasama.”

 

“Why not visit them, tita?”

 

Napatingin ito sakin ng seryoso. Napalunok naman ako dahil sa lalim ng titig nito sakin. Pakiramdam ko ay may nasabi akong masama. Mayroon ba?

“Ahm… siguro hindi ‘yon magandang idea-”

 

“Right!” Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa sigaw niya. Ngumisi ito saka humalukipkip. “I better book a flight with Steve to have a visit with these kids.” Tumawa ito ng malakas saka na tumalikod at naglakad sa kung saan. Napahawak naman ako sa dibdib ko saka nagbuga ng hangin. Napigil ko yata ang paghinga ko dahil sa inasal ni tita Max. Bipolar ba itong pamilyang ‘to? Nakakatakot ang biglaang pagbabago ng mga kilos at isip nila. Siguro dapat masanay na lang ako sa mood swings ng mga tao dito.

Hindi ko na inantay ang kahit na sino sakanila at kusa ko ng winelcome ang sarili sa mansion. Naupo ako sa magarang sofa saka tahimik na naupo habang patuloy na nagmamasid sa paligid. Kapansin-pansin pa kasi ang isang frame kung saan ay naroroon muli ang grupo ni tita Max kasama ang tatlong bagong lalaki. Nakaakbay ang isa sakanila kay tita Max habang ngiting-ngiti. Si tito Steve kaya ito? Grabe kasi makayapos kay tita Max.

“Anong ginagawa mo rito bata?” Binawi ko ang tingin mula sa picture frame at inilipat sa nagsalita. Nakatayo si tito Steve sa hagdan at halatang katatapos lang mag-ayos ng sarili dahil nakabusiness suit na ito. Handang-handa na pumasok sa opisina.

Tumayo agad ako saka nagbow. “Magandang umaga po. Susunduin ko lang po sana si Alice.”

 

“Alice? Ay wala, umalis, tulog.” Bakas ang pagkairita sa boses nito. Pinagmasdan ko lang ito noong magsimula siyang maglakad palapit sa kinatatayuan ko. “Ang aga naman ng sundo ng prinsesa ko. Si Colix, hindi mo susunduin?”

 

“Ahm…” pakiramdam ko ay hindi na maipinta ang mukha ko dahil sa sarkastikong tanong ng kaharap ko. Si Colix? Bakit ko naman susunduin ang isang ‘yon? Siya baa ng liligawan ko? Tss. Kabadingan naman.

“Bakit mo nga naman siya susunduin kung hindi naman siya ang liligawan mo diba?” Nanlaki ang mga mata ko dahil sa biglaang pagsasalita ni tito Steve. Paano niya nalaman na ‘yon ang ipinunta ko rito? Lumapit pa ito lalo sakin saka umakbay. Napabalikwas pa nga ako kasi akala ko susuntukin niya ako. Napatawa ito na mapang-asar pero kalaunan ay tumigil rin. Tumingin-tingin ito sa paligid saka bumulong. “Tama ako ng hula ‘no?” nantutuyang tono nito.

Pakiramdam ko ay uminit bigla ang paligid at pinawisan ako ng malamig sa tanong niya. Nanghula lang siya? Sh*t naman. Paano kung hindi niya ako payagan na manligaw sa anak niya? Dapat ba akong magsinungaling para mailigtas ang buhay ko mula sa kamay ng ama ni Alice o magsabi na lang ng totoo kahit na 50-50 ang chance na pumayag siya?

Biglang humigpit ang hawak nito sakin at tuluyan ng ipinulupot ang braso niya sa leeg ko. Nakatalikod kami mula sa pwesto ni tita Max kaya nagmumukha lang siyang nakaakbay sakin. Mas kinabahan naman ako dahil sa ginawa niya. Katapusan ko na ba? Hindi ko naisip na ganito pala nakakakaba kapag tatay na ng liligawan ang makakaharap.

“Ano po kasi…” panimula ko. Napalunok ako ng mariin noong mapansing malalim na ang titig nito sakin. Kung posibleng maglabas ng espada ang mga mata niya, malamang natarak na ako ng isa.

“Alam mo ba ang hinahanap ng mga ama sa mga manliligaw sa anak nilang babae?” Kabado akong umiling. Sa boses pa lang niya ngayon ay nagmumukha na siyang criminal. Tumaas ang isang sulok ng labi nito na mas nagpakaba sakin. Pakiramdam ko ay nanuyo ang lalamunan ko dahil sa inasal niya. “Dapat, marunong magsabi ng totoo kahit na nakasalalay ang buhay nila. Sa paraang ‘yon, pwede sakanyang ipagkatiwala ng ama ang kanyang anak na babae.” Tumango-tango naman ako sa pagkakataong ito. Muli kong naramdaman ang paghigpit ng braso niya sa leeg ko. “Kaya sabihin mo na ang totoong pakay mo kung bakit ka naglakas loob tumapak sa mansion na ito.”

 

Dahan-dahan ko siyang nilingon at nakita kong hindi pa rin naaalis sa mukha nito ang ngisi. Pinilit kong pakalmahin ang sarili para masabi na ang totoong pakay ko rito. Ito ang unang beses na nagkaroon ako ng encounter sa tatay ng nagugustuhan ko kaya abot-abot na lang ang kaba ko ngayon. Ayoko namang malagutan agad ng hininga sa mansion na ito.

I took a deep breath taking all the courage to talk. Tiningnan ko siya sa mata at isinantabi ang kaba. “Gusto ko pong humingi ng permiso para maligawan ang anak niyo na si Alice,” diretso kong sambit na hindi manlang humihinga.

Hindi agad ito nagsalita bagkus ay muling humigpit ang pagkakakapit ng braso nito sa leeg ko. Mas lalo tuloy akong nahirapan huminga dahil sa ginawa niya.

“What makes you think I would allow you?” seryosong tanong nito.

 

Natigilan naman ako dahil doon. Ito na yata ang pinakamahirap na tanong na natanggap ko sa tanangbuhay. Ano ba ang dapat kong isagot? Siguradong kapag nagkamali ako ng sasabihin ay katapusan na ng chance ko kay Alice at sa tatay niya. Kung si tita Max lang ito ay wala na akong problema dahil tiwala na siya sakin. Bakit ba naman kasi ganito katapang ang mukha ng tatay niya? Nakakatakot pa umasta, hindi tuloy gumagana ang utak ko ng tama. Ganito rin ba ang napagdaanan niya noon kaya ginagawa niya sakin ito? Wala akong maisip na dapat isagot. Tuluyan ng nagshutdown ang utak ko.

“Hoy Steve.” Awtomatikong napabitaw si tito Steve sa leeg ko at tumingin sa likuran namin kung saan ay nakatayo doon ang nakahalukipkip na si tita Max. Bigla akong napabuga ng hangin dahil doon. Saved by tita Max. Napalingon ako sa katabi ko na bigla namang naging maamong tupa sa harapan ng asawa niya. so, takot siya kay tita Max?

“Wifey…”

 

“Anong ginagawa mo diyan kay Oz? Bakit nakapulupot ‘yang braso mo sa leeg niya, ha?” casual na casual na tanong ni tita Max sa asawa niya pero mapapansin pa rin ang angas sa boses nito lalo na at nakataas na ngayon ang isang kilay niya. Hindi niya inaalis ang tingin sa katabi ko na ngayon ay napapakamot na lang sa batok. Gusto kong matawa sa biglaang pagbabago ni tito Steve kaya lang nakakahiya naman.

“Ah kasi Wifey ano-”

 

“Nani?” (What?)

Maingat na naglakad si tito Steve sa tabi ni tita Max saka malambing na inakbayan ito. Pasimple na lang akong napangiti dahil sa inasal niya. Pinisil niya ng marahan ang ilong ni tita Max at nginitian ito ng malawak. “Sinasabi ko lang sakanya na damihan ang kain dito kasi masarap ka magluto.”

 

“Inuuto mob a ako?” mataray na tanong ni tita Max. Nasense niya siguro ang pagsisinungaling ng asawa.

Mabilis na umiling si tito Steve at pumihit na patalikod akbay pa rin ang asawa papunta sa dining yata nila. “Hala! Hindi ko gagawin ‘yon Wifey. Bakit? Kailan kita inuto? Kahit kailan hindi ko ginawa sayo ‘yon Wifey. Love na love kaya kita kaya hindi kita uutuin ‘no…” ‘Yan na lang ang narinig ko bago sila tuluyang nakalayo sa kinatatayuan ko. Ewan ko lang kapag hindi nahalata ni tita Max ang pagsisinungaling niya sa dami ng sinasabi niya ngayon. Isa lang naman ang tanong pero ang haba ng rason. Napailing na lang ako sa sarili saka naupo muli sa sofa.

“Hijo!” Muli akong napaangat ng tingin at hinanap ang pinanggalingan ng boses. Nakita ko si tita Max na naglalakad muli palapit sakin kasunod ang asawa niya. Agad naman akong tumayo. “Halika na doon sa kusina at nakapaghanda na ako ng almusal. Inutusan ko na rin si Colix na tawagin si Alice.”

 

“Sige po,” nakangiting sagot ko rito. Sa wakas, makikita ko na ulit ang babaeng ‘yon. Courting Alice Lax Grey, starts now.

***

 

Ilang minuto na akong nakaupo sa harapan ng dining at sa totoo lang ay hindi ako mapakali mula noong umalis si tita Max para kunin ang mga pagkain sa kusina. How can I sit here relaxed when there’s two tigers roaring beside me? Kulang na lang ay lapain ako ng mga ito sa sobrang tindi makatingin. Si tito Steve na nagkukunwaring focus sa pagbabasa ng dyaryo tuwing darating si tita Max at si Colix na abala kunwari sa pagkain, pero parehong nagbabago tuwing kaming tatlo na lang ang naiiwan dito sa lamesa. Hindi ko na nga lang inaalis ang tingin sa plato ko para makaiwas sa masasamang tingin ng mag-amang ito.

“Where’s Alice?” bungad ni tita Max habang nakatingin kay Colix dala ang plato ng toasted bread.

“Pababa na ma. Nag-aayos lang,” bored na sagot nito at nagpatuloy sa pagkain.

I sighed mentally. Sana naman bumaba na si Alice ng makaalis na rin ako sa deadly dining na ito. Pinagpapawisan na ako ng malapot sa totoo lang.

“Good. Kukunin ko lang ‘yong freshmilk ha?” Tumingin ito sakin. “Kain lang ng kain, Oz. Pababa na rin si Alice,” nakangiting saad nito na agad ko namang tinanguan. Umalis na ito kaya naiwan na naman ako sa dalawang tigre.

“Tandaan mo ‘yong tanong na hindi mo nasagot kanina. Hangga’t hindi mo nasasagot ‘yon, wala ka pang permiso. Tandaan mo ‘yan.” Napalunok ako ng marahas noong marinig ang halos pabulong na banta ni tito Steve sakin. Pasimple ko siyang sinilip pero hindi naman ito nakatingin sakin kaya si Colix naman ang binalingan ko ng tingin at bored lang din pala ako nitong tinitingnan. Bumalik na lang ako sa pagkain habang inaantay ang napakatagal mag-ayos na si Alice. What girls took so long? Tss. Nagpatuloy lang ang ganoong set-up hanggang sa nakarinig ako ng mga yabag ng paa. Kahit hindi ko tingnan, alam kong siya na ‘yan. Sa wakas.

“Ohayo!” masayang bati nito. Hindi ko na tiningnan kung ano ang pinaggagawa niya doon at palihim na lang na napapangisi. Naramdaman ko ang biglaang pagtigil ng paghatak ng upuan niya kaya dahan-dahan ko na itong tiningnan. Kitang-kita ko ang gulat sa mukha nito. Hindi ko tuloy naiwasan ang mapangisi.

“Ohayo, Alice.”

 

“W-What are you doing here?” she asked stuttering. Nagkibit-balikat lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Dumating na rin si tita Max kaya tahimik na ang dalawang lalaki samantalang hindi pa rin kumikilos si Alice sa kinatatayuan niya. “Ma! Bakit nandito ang lalaking ‘yan?!” nakaturo pa ito sakin.

“Susunduin ka. Teka nga, Colix! Bakit hindi ka na naman nakadamit na bata ka?” piningot pa nito si Colix kaya tuluyan ng nabalewala ang gulat na si Alice.

“Aray naman ma. Ganito naman talaga ako dito sa bahay ah!”

 

“Iba ngayon dahil may bisita. Saka, wala ka bang pasok ha? Bakit hindi ka pa nakabihis? Ang lamig-lamig ng panahon magdamit ka nga.”

 

“Aish! Mamaya pa ang pasok ko. Pakainin mo muna ako ma, huh. Onegai?” ani Colix habang inis na hinihimas ang taingang napingot. Wala naman ng nagawa si tita Max at napailing na lang saka bumalik sa tabi ni tito Steve.

“Ma!”


“Oh, Alice. Bakit nakatayo ka pa rin diyan? Baka gusto ng maupo at kumain ng makaalis na kayo ni Oz, diba? Kanina pa nag-aantay ‘yan sayo.”
Again, tita Max said with her famous casual tone.

“Pero ma-”

 

“Nani?” (What?)

“Pa! Kausapin mo nga ‘yan si mama,” inis na inis na sumbong ni Alice sa papa niyang patay malisya lang sa mga nangyayari. Ang cute ng babaeng ‘to, parang bata magmaktol.

Ibinaba nito ang hawak na dyaryo at seryosong hinarap si Alice bago balingan ng tingin si tita Max na kasalukuyang nakataas ang kilay habang nakatingin sakanya. Nagtitigan lang sila doon bago muling ibaling ang tingin sa anak niya na nagmamaktol pa rin. Nakakacurious kung anong irereact ni tito Steve lalo na at katabi niya lang ang asawa niya. Sino ba susundin niya sa dalawa?

Humalukipkip ito at seryosong tiningnan si Alice. Para siyang boss ng kompanya na magsesesante ng empleyado dahil sa itsura niya ngayon. “Alice, anak…” he started. “Sundin mo na lang ang mama mo. Alam niyo naman siguro ang kayang gawin ng mama niyo sakin kapag hindi ko siya sinunod diba? Cooperate mga anak.”

 

Gusto ko ng matawa dahil sa sinabi nito. Si tita Max pa rin ang commander ng mansion na ito. Tiningnan ko ang mga reaksyon nila. Mukhang normal na sakanila ang ganitong pangyayari. Ang kulit ng pamilya nila.

Ganito rin kaya kami ni Alice kapag kami na ang mag-asawa?

- - -

Hindi dapat ganito ang update pero ganito ang kinalabasan. Is my updates are boring? Sorry, I lost my track in writing kaya natagalan rin ang update. Ito lang ang kinaya ko ngayon. Sana naenjoy niyo pa rin. Gin Bezarius on the side. Jaa mata ne~

Continue Reading

You'll Also Like

20.2M 701K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...
She's the Boss By Zy

Teen Fiction

2.2M 40.6K 64
Andrew is the student council president. Athena is the rule-breaker. Araw-araw nag-aaway. Araw-araw sinisita siya ni Andrew pero ganun pa rin. Lumala...
56.6M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...
471K 7.7K 63
-- "Totoo ba ang vampires?" "Sinong una niyong kakagatin if naging vampire kayo?" "SYEMPRE YUNG CRUSH KO! para eternity kaming magsasama!" ~Julien Ch...