The Billionaire's Baby Maker...

By top13Arida

59.9K 1.6K 130

First installment of Babymaker Series. This story contains mature scene. Please be warned. Thank you. More

BLURB AND DISCLAIMER
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven

Chapter Five

3.2K 121 2
By top13Arida

Umaga palang ay napakabusy na namin sa club dahil sa anibersaryo ng The Shire ngayon, inaasahan na naming marami ang customer ngayong gabi at hindi nga kami nagkamali.

Isang linggo ang naging paghahanda namin ng mga kasama ko dahil sa magpeperform kaming lahat, at ang suhestiyon ni Michelle na sasayawin namin ay belly dancing. Sexy kasi itong tingnan at elegante. Anim kaming dancers na hina handle ni Michelle.

Hindi naman sa pagmamayabang ay madali lang naman iyon sa aming sayawin dahil ewan ko ba, sadyang likas na talentado lang talaga kaming anim. Hindi kasi kumukuha si Michelle ng hindi magaling sumayaw.

Marahil sa iba ay malaswa ang pagsasayaw namin dahil sa isang Club kami sumasayaw at nagsusuot ng kapirasong tela na tumatakip lamang sa mga pribadong parte ng katawan namin at puro mga lalaki pa ang mga customers namin, ngunit para sa amin ay ito ang bumbuhay sa amin at hindi naman kami nagpapagamit.

Nagsasayaw kami para ma entertain ang mga customers namin at hindi na namin masisisi ang mga lalaking customers kung bastusin man kami nila dahil sa nagsasayaw kami rito. Hindi na rin namin masisisi kung ang ibang tao ay iba ang tingin nila sa ganitong trabaho na meron kami, maging judgmental man sila ay alam namin kung ano ang totoo sa hindi. Hindi namin hawak ang pag-iisip nila.

"Girls? Be ready, okay?" Ani Ate Ski.

Pareho na kaming nakasuot ng costume naming pang belly dancing na kulay puti, ang maskara lang namin ang magkaiba ng kulay.

Ang maskara namin ay hanggang ilong lang ang matatakpan, pababa sa ilong ay isang see through na tela nalang iyon na may mga sequence, pareho ring nakapusod ang buhok namin.

"Of course, Ate! Para tayong mga genie, oh!" Nakangiting wika ni Hyacinth.

"Bakit ba naging kalahati nalang ang maskara natin?" Pagtatanong ni Adrianna.

"Para maiba siguro?" Kibit balikat na sagot ni Ate Siberia at humarap ulit sa salamin para tingnan ang mukha nito.

Maging ako ay nagtataka nga rin kung bakit naging kalahati na lamang ang maskara namin, hindi naman kami siguro makikilala kaagad dahil sa maliit na parte na lamang ng mukha namin ang natatakpan ng maskara.

"Walang sinabi ang management sa atin, kahit si Michelle. Sa palagay ko ay wala rin siyang kaalam-alam tungkol dito." Wika naman ni Persephone.

Napatango ako sa tinuran ni Ate Persephone, ayaw kasi sana ni Michelle na ganoon ang isusuot mamin ngunit wala na kaming nagawa pa. 'Yon raw ang susuotin namin utos ng nagmamay-ari ng The Shire.

"Siguro nga, Ate Pear," napairap naman si Ate Persephone sa akin nang marinig niyang tinawag ko siyang Ate. Ayaw niya kasing ina-ate ko siya, "medyo kinakabahan lang ako baka kase makilala tayo." Dutong ko.

Lumapit sa akin si Ate Adrianna at inayos ang buhok ko, ngumiti ito sa akin, "don't worry, Bibi girl. Hindi naman tayo makikilala kung makita man nila ang mga labi natin."

Napabuntong hininga ako at hinawakan ang kamay ni Ate Adrianna, "salamat, Ate."

"Girls? Are you all ready to own the stage and capture their hearts?"

Sabay-sabay yata kaming napalingon sa kung sino man ang nagsalita mula sa likuran namin, si Michelle pala.

"Of course!"

"Oo naman!"

Sabay-sabay nilang sagot habang ako naman ay tumango lamang kay Michelle, lumapit naman si Michelle sa aming anim at ngumingiting tiningnan kami isa-isa.

"I'm so lucky to have all of you," tila nasisiyahang sambit ni Michelle, "galingan niyo mamaya, huh? Ito ang unang pagkakataon na magsasayaw kayong anim." Aniya.

Sa ilang taon naming pagsasayaw rito ay ngayon lang nangyari na sabay kaming sasayaw na anim, siguro noon ay hindi pa kami ganoong sikat, pero, ngayon masasabi kong mas maraming dumarayo sa The Shire noong naging anim na ang sumasayaw sa entablado ng The Shire.

Ani ng isa sa nasa top management ay in demand daw kaming anim kaya isa rin 'yon sa rason nila kaya pagsasayawin kaming anim ngayong gabi para sa selebrasyon ng anibersaryo ng The Shire, kaya nga isang linggo lang ang preparasyon namin dahil last minute raw naisip ang ganitong pakulo.

Ibinuka niya ang kanyang nga kamay kaya yumakap kami sa kanya.

"Good luck, Girls!" Aniya at maya-maya pa ay umalis na ito.

Bumalik na kami sa kanya-kanya naming pwesto kanina at hinanda ang sarili namin, narinig na namin ang pag-alarm ng relo na nasa table, 11:40 P.M. na, hudyat na na dalawampung minuto na lang ay sasayaw na kami.

Sinuot namin ang silk robe namin at ang maskara namin at lumabas na kami ng dressing room namin, marami kaming nakasalubong na mga waitress at waiters. Lahat sila ay ngumiti sa amin at nagbigay ng thumbs up.

Nang nasa backstage na kami ay nagtitinginan lang kami, walang nagsasalita dahil bawal na kaming magsalita kapag lumabas na kami ng dressing room namin. Isa kasi lle 'yan sa rules kapag dancer ka, mahirap na at baka may makarinig sa boses namin at makilala kaming anim. Pero, minsan, hindi maiwasan na magkausap kami sa labas pero, sinisigurado naming kami lang ang tao at walang makakarinig ng mga boses namin.

"Are you feeling bored tonight?" Ani Michelle sa mikropono, narinig naman naming may ilang humiyaw na customers.

Ang management lang daw kase at kaming dancers ang may alam na sasayaw kami, hindi ito inanunsyo para surpresa raw. Ang alam lang ng customers ngayong gabi ay magpeperform kaming anim ngunit hindi nila alam na sabay kaming anim sa iisang stage.

"Well, papainitin natin ang The Shire ngayong gabi! Let's all welcome my six goddesses!"

Pumalakpak ang mga customers, "and, oh! Please do remember that, no touching." Ani Michelle.

Biglang umingay ang paligid, mukhang excited na sila dahil sasayaw na kami. Kaming anim lang naman kasi ang may no touching policy sa The Shire, nahubad na namin ang aming mga roba at isinabit iyon sa rack na nasa gilid lang ng backstage.

Nang magdim ang ilaw ay isa-isa na kaming umakyat sa stage at pumwesto, mariin akong napapikit at bumuga ng malalim na hangin. Ako ang nasa gitna dahil sa ako ang pinakamaliit sa kanila, nasa 5'4" lamang ang katangkaran ko, habang ang lima kong kasama ay nasa 5'5"-5'9" ang katangkaran.

Naghiyawan ang mga customers ng nag-umpisa ng umintro ang music na sasayawin namin, pareho kaming lahat na nakatalikod sa madla.

Nag-umpisa nang gumalaw ang katawan namin at mas umingay pa ang paligid ng dahil sa hiyawan ng mga customers ng The Shire, ilang beat pa ng musika at sabay-sabay kaming humarap at doon ko lamang napagtanto na sobrang dami nga talaga ng customers at halos hindi na sila magkasya sa loob ng Club, mula rito sa ground floor hanggang sa third floor ay punong-puno ng mga tao.

Lahat ng mga mata ay sa amin nakatingin, mapababae man o lalaki, pati na rin ang mga katrabaho namin. Mas ginalingan ko pa ang pagsasayaw habang ang mga mata ko ay malayang napagmamasdan ang mga tao sa loob ng Club hanggang sa napatigil ang mga mata ko sa isang mesa na nasa anim ang nakaupong mga lalaki.

Biglang kumabog ng mabilis ang puso ko at parang mabilis akong pinagpawisan, nakaupo roon si Alejandro, nasa pinakagitna ang kanilang table at malapit lang sa stage. Kasama niya ang lima pa niyang kaibigan sa mesang iyon.

Nagtama ang aming mga mata, hindi ko alam pero mas bumilis pa ang tibok ng puso ko. Hindi niya inaalis ang mga titig niya sa akin kaya nailang ako, napailing ako sa aking isipan at iwinakli ko na lamang sa aking isipan ang kanyang presensya at ang mga titig nito sa akin.

Ilang linggo na rin ng huli kaming magkita, pagkatapos ng araw na tinulungan niya ako ay hindi ko na siya ulit nakita pa. Pagkagising ko kase sa Condo niya ay wala na siya, kinausap lang ako ng isang tauhan niya at sinabi na umalis na raw ang boss niya dahil may importante itong pinuntahan kaya umalis na rin ako doon, nag-iwan nalang ako ng note at idinikit sa ref niya.

Salamat ulit sa pagtulong mo sa akin, Aled.

-Kathnisse

Hindi na ito nagagawi sa Club, ngayon nalang ulit pagkatapos ng ilang linggo. Minsan nakikita ko ang mga kaibigan niya, paisa-isa lamang at tyempo pang kapag may sayaw ang iba ko pang kasama. Ngayon ko lang sila nakitang nakumpleto ulit.

Hanggang sa matapos ang pagsasayaw namin ay ramdam ko ang bawat titig niya sa akin kaya mas hindi ako makatingin sa kanya, sa ibang customers ako tumitingin o di kaya ay sa ibang bagay.




Nang makapasok kami sa dressing room namin ay pasalampak akong napaupo sa harapan ng salamin, yumuko ako at marahang hinaplos ang dibdib ko.

Paanong bumibilis ng ganito ang kabog ng dibdib ko? At bakit kapag nakikita ko lamang siya ay ganoon kabilis ng kabog nito? May problema ba ako sa puso?

Pumasok si Michelle at ni congratulate kaming lahat, marami raw ang sobrang natuwa ng dahil sa sumayaw kaming anim sa iisang entablado at marami raw ang gusto kaming makasama kahit isang gabi lamang. Lahat kami ay umayaw sa ideyang iyon, ngunit inutos ng pinakaboss o may-ari ng Club na ito na pwede kaming makasama sa loob ng Club. Hindi kami pupwedeng ilabas at hindi raw kami makakahindi dahil VVIP ang makakasama namin.

Susunod pa rin daw sa rules, ngunit nababahala ako. Hindi ko kilala ang magiging kasama ko ngayong gabi, hindi ko alam kung ano ang pwedeng mangyari sa akin, ngunit ipinangako naman ng boss kay Michelle na hindi raw kami sasaktan at papakialaman ng kung sino mang lalaking makakasama namin ngayong gabi.

Lahat kami ay tahimik lamang sa kinauupuan namin, parehong nakabihis na. Walang gustong magsalita dahil lahat kami ay nagulat sa ganitong pangyayari, matagal na kaming nagsasayaw ngunit hindi pa nangyari ito. Kahit anong pilit pa sa pinakaboss at kay Michelle ay hindi talaga kami pinapatable kahit isang minuto sa customer, pero bakit ngayon napapayag nila ang pinakaboss?

Sino-sino sila? Sadyang makapangyarihan ba sila para hindi matanggihan ng boss? Kahit pa umayaw kami o si Michelle ay wala kaming magagawa, siya pa rin ang masusunod dahil siya ang boss namin.

Isa-isa kaming sinamahan ng bouncer ng Club sa mga VVIP rooms ng club na ito, lahat kami ay nakabooked ngayong gabi. Habang naglalakad kami patungong VVIP rooms ay maraming negatibong pumapasok sa isipan ko, subalit napapailing na lamang ako at tahimik na nananalangin na sana ay walang mangyaring masama sa akin at sa mga kasama ko.

May tiwala naman ako kay boss at kay Michelle, alam kong hindi nila kami ipapahamak.

Nang nasa tapat na ako ng VIP room ay napabuga ako ng hangin, "kaya ko 'to!" Ani ko sa isipan ko. Marahan kong pinihit ang seradura ng pintu'an ng VVIP room. Kinakabahan ako.

Nasinghot ko ang mabangong pabango ng kung sino man ang makakasama ko ngayong gabi, ang bango nito at hindi masakit sa ilong, lalaking-lalaki ang amoy. Pamilyar nga sa akin ang pabangong ito, ngunit hindi ko maalala kung kanino ko naamoy ang pabangong 'yon. Siguro isa sa mga naging customers ko noong mga nakaraang araw?

Unti-unti akong humarap at hinakbang ang paa ko, ngunit parang nabitin ito sa ere at halos nahigit ko ang aking hininga nang makita ko kung sino ang nakaupo ngayon sa leather couch sa gitna ng VVIP room na kinaroroonan ko ngayon. Mariin kong pinaglapat ang mga labi ko, bakit siya pa?

Ngunit hindi ba ay palaging nasasagi sa isipan ko kung bakit hindi ko siya makita sa Club? Bakit ngayong nasa harapan ko na siya ay parang nawalan ako ng dila?

Si Alejandro.

Prente lang siyang nakaupo sa leather couch at matamang nakatitig sa akin.

"Come here." Utos nito na ikinatango ko naman kaagad sa hindi ko malamang dahilan.

Para akong nahipnotismo, para akong genie at siya ang master ko na sa isang utos niya lamang ay handa akong sumunod ng walang reklamo.

Bakit ako ang napili niyang makasama ngayong gabi? Hindi niya naman ako makakausap at lalong-lalong hindi niya ako makakatalik! Sa dinami-dami ng magaganda at seksing babaeng nasa club, bakit ako? At paanong napapayag niya ang boss? Sino ba talaga ito? Bukod sa mayaman ito at sa pangalan niya ay hindi ko na siya kilala.

Umupo ako sa couch, ngunit may space sa pagitan namin. Narinig ko ang mahinang pag-ingos nito at nanlaki ang mga mata ko nang hinapit niya ako sa bewang ko papalapit sa kanya. Hindi niya ako pupwedeng hawakan!

Bakit pakiramdam ko ay nakakapaso ang balat niya? Mariin akong napalunok at mahinang ikinakalas ang pagkakahapit niya sa bewang ko pero parang bakal ito. Gusto ko sanang magsalitang bitawan mo ako ngunit hindi maaari, bawal akong magsalita, ngunit hindi ba't bawal din akong hawakan?

"Don't you dare!" Maotoridad na wika nito.

Nanayo ang mga balahibo ko.

"So beautiful." Mahinang bulong nito.

Kahit na may suot akong maskara ay ramdam na ramdam ko ang pamumula ng pisnge ko. Kalahati lamang ng mukha ko ang natatabunan ng mukha ko, kung kaninang nagsayaw kami ay may see through pa na nakatabon mula sa ilong pababa sa leeg ko, ngayon ay wala na.

At ano ang sinabi niya? Na maganda ako? Paano niya naman nalaman 'yon? E, hindi niya nga ako kilala kung sino talaga ako dahil nakamaskara ako.

"I know who you are."

Gulat akong napalingon sa kanya na agad ko namang pinagsisihan dahil sobrang lapit ng mukha niya sa akin, nanlaki ang mga mata ko. Aatras na sana ako ngunit mabilis nitong nahawakan ang pisnge ko at marahang hinaplos ito. Napatitig siya sa aking labi pataas sa mga mata ko.

Napailing ako. Hindi niya dapat ako makilala! Hindi iyon maaari!

Napangisi ito sa akin, "too late."

Nanlaki ang mga mata ko nang inangkin niya ang mga labi ko, nakatikom lang ang mga labi ko sa sobrang gulat.

Ang f-first kiss ko!

"Open your mouth." Utos niya.

Iiwas na sana ako pero mabilis niyang naangkin ulit ang mga labi ko, mapusok ang bawat hagod ng mga labi niya sa akin. Hindi ko alam kung paanong napapasunod niya ang mga labi ko sa galaw ng labi niya, ang mga mata ko ay nakapikit din.

Bumaba ang isang kamay niya papunta sa leeg ko, sa aking balikat at papunta sa likuran ko. Malambing niyang hinagod ang likuran ko pataas at pababa.

"Damn, Babe!" Usal nito.

Habol-habol namin ang aming paghinga ng magkahiwalay ang mga labi namin, agad akong napatalikod sa kanya.

Anong ginawa ko? Bakit ako nagpahalik? At bakit ako tumugon sa halik niya? At bakit ibang-iba ang reaksyon ng katawan ko sa tuwing nasa malapit lang siya?

Hinaplos ni Alejandro ang t'yan ko at marahang idinikit ang likuran ko sa katawan niya.

"I like how you kissed me." Aniya at hinawi ang buhok ko pakaliwa.

Gusto kong magsalita na itigil na niya ang ginagawa niya sa akin ngunit ayaw ko namang marinig niya ang boses ko dahil baka makilala niya ang boses ko. Hindi ko alam kung nagsasabi siya ng totoo na kilala niya ako, mas mabuti ng maingat ako, ikinalas ko ang pagkakapulupot ng kanyang braso sa t'yan ko pero ayaw niya akong bitawan.

Napasinghap na lamang ako nang maramdaman ko ang paghalik niya sa balikat ko pataas sa leeg ko, gumalaw ako para sana tumigil na siya, ngunit ang lakas niya. Hindi ako makawala sa kanya.

"Sooner or later, I'll have you..."

Nanlaki ang mga mata ko at nanayo ang mga balahibo ko sa sinabi niya.

"And you can't say no."














A STORY WRITTEN BY:
TOP13ARIDA/MEXICA

Continue Reading

You'll Also Like

224K 12.9K 33
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
27.7M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
6.9M 140K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
32M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...