Almost, But Not Quite (COMPLE...

By beeyotch

29.1M 1M 497K

From strangers to friends. From friends to close friends. From close friends to lovers. When Joey met Psalm... More

About The Story
Beginning
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Epilogue (Part 1)
Epilogue (Part 2)

Chapter 37

456K 17.8K 8.3K
By beeyotch

#ABNQ37 Chapter 37

"Boyfriend mo," Jax said. Natigilan ako sa pagkain ko nung sabihin niya iyon.

"Ha?" naguguluhan na sabi ko sa kanya kasi ni wala man lang context iyong sinabi niya!

"Sa labas," sabi niya ulit tapos iniwan na ako. Tss. Ang sungit! Pagkatapos niya akong halos patayin sa gulat nung bumusina siya! Dahil mukhang wala sa mood si Jax makipag-usap sa akin, lumabas na lang ako.

And true enough, Psalm's car was there. Bagong sasakyan na naman. Hindi na talaga niya ginamit iyong sasakyan na pinag-iwanan ni Kia nung bangle niya.

"Good morning," he greeted with a smile pagpasok ko sa sasakyan niya. I was already dressed up kasi papasok naman na talaga ako sa school pagkatapos kong kumain. Hindi ko lang alam kung bakit nandito si Psalm kasi alam ko may training sila tuwing umaga kahit pa tapos na iyong season for this year.

"Bakit ka nandito?" I honestly asked.

"Tss," he replied. Kinunutan ko siya ng noo kasi parang na-offend siya sa tanong ko! "Masama bang sunduin 'yung girlfriend ko?"

Biglang nanlaki iyong mga mata ko sa sinabi niya. I felt my cheeks heating up because of what he said. Pakiramdam ko never akong masasanay na ganito si Psalm... na ganito siya ka-vocal sa mga gusto niyang sabihin sa 'kin.

"Di ba may training ka?"

He nodded. "Just finished."

"Tapos nagdrive ka agad dito?" He nodded again. Ako? I bit my lower lip so freaking hard para kunwari wala akong nararamdaman. Kasi ganito ba 'yun? Ganito ba 'yung feeling na ikaw naman iyong ineeffortan? Kasi dati, ako palagi 'yung nag-e-effort. Ako 'yung nagtetext. Ako 'yung nagtatanong kung kailan kami magkikita. Ako 'yung gumagawa ng paraan.

Tapos... tapos biglang ganito.

Ganito pala 'yung feeling.

Pakiramdam ko... pakiramdam ko nakaka-adik 'to.

"Have you eaten breakfast?" he asked.

"Hindi ka pa kumakain?" tanong ko. Umiling siya. Tumingin ako sa relo. Kapag sa resto pa kami kumain, baka ma-late kami. Ako, 'di ko na afford ma-late dahil baka 'di ako maka-graduate sa dami ng absent ko.

I pursed my lips, and looked at him. "Uh... gusto mong kumain sa loob?" dahan-dahan na tanong ko sa kanya. 'Di pa kasi alam nila Papa iyong tungkol sa 'min. Ayoko naman na ma-ambush siya sa loob bigla.

"Are you sure?" he asked back.

"Ano... kung gutom ka na talaga," sabi ko. Sasabihin ko rin naman talaga kila Papa, pero syempre naghahanap ako ng tamang tyempo. 'Di naman nila alam iyong kay Steele dati. Ngayon pa lang ako magsasabi sa kanila.

Psalm tousled my hair. "We can just go to drive thru," he said.

"Sure ka?"

He nodded. "Yeah. Told you we'll do everything at your own pace," he continued.

"Psh. Ang considerate mo masyado. Baka masanay ako niyan," sabi ko tapos natawa siya. Nabigla ako nung bigla niya akong hinatak tapos niyakap. Naramdaman ko na hinahagod niya iyong likod ko habang yakap ako. It felt so good. It felt nice to be inside his arms.

"It's okay. I'm not going anywhere," he whispered in my ears.

"Wag ka ng magpromise. Gawin mo na lang," sagot ko sa kanya. I felt him nodding, and tightening the hug.

We hugged for a few minutes. Parang ang tagal kapag inisip, pero kapag nandun ka na, parang ang sandali lang. Natigil lang kami sa pagyayakapan nung kumatok si Jax sa bintana tapos inabot sa akin iyong bag ko. Naiiling na natatawa si Psalm habang nagda-drive palabas ng village.

Dumaan muna kami sa drive thru bago pumasok sa school. Ang daming binili na pagkain ni Psalm! Iisipin mo na hanggang pangdinner na 'yun! Pero sabagay bakit pa ako nagulat? E sa bag pa lang niya akala mo may sari-sari store na, e.

"Di kaya ma-empacho ka niyan?" I asked. Kinunutan lang ako ni Psalm ng noo habang kumakain siya ng burger.

"What?" he asked na parang naguguluhan.

I rolled my eyes. 'Di nga pala masyadong nakakaintindi 'to ng malalalim na Tagalog. Pero kapag mura... lahat yata ng dialect alam.

"Ang dami mong kinain. Baka sumakit tyan mo," I repeated.

"It's all right," he said. "I exercise a lot."

Habang kumakain siya, kinuha ko iyong tumbler niya tapos inabot sa kanya. Si Psalm na parang tanga, ngiting-ngiti e inabot ko lang naman sa kanya 'yung tumbler!

Nang magtext si Matt na nasa room na 'yung prof namin, nanlaki iyong mga mata ko. Mabilis kong sinabi kay Psalm na pumasok na kami kasi 'di talaga ako pwedeng ma-late kasi sagad na sagad na 'yung absences ko sa halos lahat ng subject ko. Gusto ko sanang tumakbo papuntang classroom, pero kapag tumakbo ako, tatakbo din si Psalm. Baka magka-appendicitis naman siya kapag tumakbo.

"Can I hold your hand?" he asked while we were walking towards our building.

"Napaka-weird ng mga tanong mo!"

"So... pwede ba?"

"Baka awayin ako ng fan girls mo," sabi ko na lang kasi naiilang ako na tinatanong niya pa ako ng ganito! I mean, 'di ba talaga pwede na hawakan niya na lang?! Nakakailang talaga kapag ganito na tinatanong ako ni Psalm palagi sa mga gusto niyang gawin, e!

Agad na kumunot iyong noo niya. "Why? Is there anyone—"

"Wala," I cut him off.

"Are you sure?" he asked again.

I nodded. Mukhang hindi siya convinced. Humarap ako sa kanya kasi gusto kong pisilin iyong ilong niya sa sobrang kulit niya, pero napansin ko na may mayonnaise na naiwan sa gilid ng labi niya.

And when I halted, Psalm also halted. Na para bang ramdam niya agad iyong gagawin ko. Mabilis kong tinaas iyong kamay ko at pinunasan iyong gilid ng labi niya. Parang slow-mo na nakita ko kung paano umawang iyong labi ni Psalm habang pinapanood ako.

Whatever I do, Psalm seems to always, always be fascinated.

Pero mabilis na napatigil 'yung ginagawa ko nang mahagip ng mga mata ko si Marcus. I was about to smile, and wave at him nang mapansin ni Psalm kung nasaan iyong mga mata ko.

Bumilis iyong tibok ng puso ko. Wala naman akong ginagawang masama but... this felt so wrong.

Marcus was looking at us. Para siyang napako sa kinatatayuan niya. Ilang segundo siyang naka-tingin lang sa amin bago siya bahagyang ngumiti, at tumalikod.

Hindi ko alam iyong gagawin ko. Pakiramdam ko dapat kong kausapin si Marcus, pero alam ko rin na dapat manatili ako sa tabi ni Psalm. Kahit hindi ako naka-tingin kay Psalm, ramdam na ramdam ko iyong titig niya sa 'kin.

"Let's go," he said, grabbing my hand. He began to walk kaya napa-sunod ako sa kanya. Hindi siya nagsasalita kaya hindi ako makapagsalita. Kasi ano namang sasabihin ko? Sorry dahil nakita tayo ni Marcus? Sorry kasi nakita mo siya?

What was I even sorry about?

Pagdating namin sa classroom, wala iyong prof namin pero may sinasagutan iyong mga classmate namin. Thank God they were all focused on their papers because I really couldn't handle any more attention right now.

Mauupo sana ako sa bakanteng upuan sa tabi ni Kitty nang maramdaman ko na hawak pa rin ni Psalm iyong kamay ko. I looked at him, questioning why he was still holding my hand kasi 'di ba galit siya sa 'kin? For some fucking reason.

"Sa tabi ako ni Kitty uupo," I said in the most inaudible way possible because I didn't want any of our classmates to hear what we're talking about.

"You'll sit beside me," he authoritatively said. Malayong-malayo sa Psalm na kasama ko kanina.

"Ayoko. Galit ka," matapang na sabi ko. May ilan na na napa-tingin sa amin. Naiinis ako kasi ayoko ng drama in public! Lalo na at alam ko naman na may chismis pa na kami ni Marcus kahit hindi naman talaga.

"I'm not mad at you. I'm mad at the situation. There's a difference," he said, gently tugging me hanggang sa mapa-sunod na ako sa kanya. Doon kami naupo sa pinaka-dulo, away from the prying eyes and listening ears of our classmates.

Tumayo si Psalm para kumuha ng questionnaire sa table. Inabutan niya ako tapos binigyan din ako ng yellow paper. Kulang na lang pati ballpen ko tanggalan niya rin ng takip. Naka-simangot siya habang ginagawa niya 'yun. Pero hindi daw siya galit sa 'kin.

Psalm was starting to piss me off, but I pushed myself to focus on answering the quiz first. Nangako ako kay Mama na 'di ko papabayaan 'tong Broccoli na 'to na sirain iyong edukasyon ko. Mamaya ko na siya aawayin.

Nang matapos ako, mabilis akong nagpasa ng quiz tapos lumabas na ako agad. Wala pang ilang segundo, naka-sunod na agad sa 'kin si Psalm.

"Bakit ka ba naka-sunod agad? Tapos ka na bang magsagot?" naiinis na tanong ko sa kanya kasi nung nagpasa ako, medyo malayo pa siya sa dulo ng quiz.

"Bakit ka kasi lumabas?"

"Masama ba?"

Psalm pursed his lips, and I could see him breathing deeply. Na para bang nagpipigil siya sa 'kin.

"We were okay earlier. Why are you being like this?" he asked, sounding a bit frustrated. Hindi ako sumagot. Naka-tingin lang ako nang masama sa kanya. "Is it because of Marcus?"

"Puro ka Marcus! Crush mo ba?!" naiinis na sabi ko kasi pinaliwanag ko naman na sa kanya na wala namang kung anuman sa amin ni Marcus! At saka wala namang ginawa si Marcus kanina! Hindi naman lumapit pero itong lalaki na 'to, bwisit na bwisit agad!

May iba ng lumalabas na classmates namin at napa-tingin agad sila sa amin. Bakit ba kasi naghahamon ng away 'tong si Psalm sa gitna ng hallway?!

I began to walk again dahil ayoko na mag-away sa harap ng mga classmate namin. Ramdam na ramdam ko na naka-sunod agad si Psalm sa akin. May pila sa elevator kaya doon ako dumaan sa hagdan.

"Joey," tawag niya sa akin habang nagcoconcentrate ako sa paghakbang dahil baka mahulog ako sa sobrang inis sa kanya.

"Joey, please," he said again.

Tuluy-tuloy lang sa pagbaba sa hagdan. Nang mapagod ako, bigla akong huminto. Naka-sunod pa rin si Psalm sa akin.

I stopped, and looked at him.

"Huling beses ko na 'tong sasabihin sa 'yo kaya makinig ka," sabi ko sa kanya habang seryosong naka-tingin sa mga mata niya. "Walang kami ni Marcus. Wala dati, wala ngayon, at kung titigilan mo 'yang pambu-bwisit sa akin, malamang wala rin kami sa future. Please lang, Psalm, 'wag kang magselos sa kanya kasi wala ka namang dapat ipagselos. Ikaw 'yung kasama ko, 'di ba? Ikaw 'yung gusto ko. 'Di pa ba sapat 'yun? Bakit ka nagseselos?"

Psalm was staring at me. He wasn't saying anything. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya, pero kinuha ko iyong pagkakataon para sabihin sa kanya iyong mga gusto kong sabihin. Kasi ayokong lagi naming pag-awayan 'to.

"I know... I know the feeling of being jealous kasi 'di ba naramdaman ko rin 'yan? Pero 'wag naman nating pag-awayan palagi kasi... kasi baka mapagod tayo. Ayoko ng ganon."

I didn't even know if I was still making sense. If I was able to get my message across because I was feeling mad and angry and frustrated.

We were standing there, both staring at each other.

"Okay," he said after a few seconds.

"Okay?" I asked.

He nodded. "Yeah..." he lazily said. "I can't promise not to be jealous, but I'll try to reign it in." Sumimangot ako. "That's the best I can do, Joey. I can't not be jealous. I'll always feel afraid that someone will take you away from me."

"Bakit ba ang takot mo?"

"Because when you finally find the person you want to spend the rest of your life with, you'll do everything to keep her," he said, staring straight into my eyes. "So, don't expect me not to feel jealous, Joey, because I can't. I just realize that I'm pretty possessive. I won't back down when it comes to you. I'll fight until I can't anymore."

I bit my lower lip. "Dami mong alam."

A lazy smile appeared on his lips. "So, are we okay now?"

I nodded. "Ikaw lang naman. Umaga pa lang inaaway mo na ako."

And again, he pulled me inside a hug. "It's okay. I love fighting with you," he said, planting a kiss on top of my head. 

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 54.7K 56
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
52.6M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
24.1M 707K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
1.8M 86.9K 25
(Yours Series # 4) Marian Eliana Nicolas just wanted to be left alone. She knew that she's not exactly the kindest person-definitely not the first pe...