BROKEN STRINGS (COMPLETED)

Por SweetKitkat

16.2M 249K 42.4K

COMPLETED | Y2014 - Y2015 ------ "H-Hindi kita kayang panagutan. I'm sorry." hinila ko ang braso nito. "P-Ple... Más

WARNING:
PROLOGUE
NEW BS #1: MOMENT WITH HIM
BS #2: TRUST ISSUE
BS #3: A NIGHT WITH HIM
BS #4: THE 'B' WORD
BS #5: POSITI--- WAIT! WHAT?!!
BS #6: THROWN AWAY
BS #7: WAKE UP
BS #8: WRIGHT
BS #9: AKO, SI REID AT SI JOLLIBEE
JUST WANNA KNOW
BS #10: THE ONE WHO LEFT BEHIND
BS #11: CHERRYPOP
BS #12: MORNING SUPRISE
BS #13: PIGGY BACK RIDE
BS #14: DESPERATE ASSH-LE
BS #15: AYAW PA
BS #15.5: COLD AS ICE
BS #16.5: MANIWALA KA, PLEASE
APAT NA HINAING!
BS #17: PIECE BY PIECE
BS #18: NO WRIGHT, NO REID (1)
BS #19: NO WRIGHT, NO REID (2)
BS #20: STUCK BETWEEN TWO STONE
BS #21: LIP-LOCKING
BS #22: TAKE ME BACK, BABY!
BS #23: I HAVE A CONFESSION TO MAKE
BS #24: BLAME ME ALL YOU WANT
BS #25: MAKE UP YOUR MIND
BS #26: SEVEN DAYS
BS #27: SURRENDER
BS #28: PAK!
BS #29: PAYONG KAIBIGAN
BS #30:LET'S MAKE UP
BS #31: WALA NA SIYA
BS #32: IT BURNS MY HEART
BS #33: LIVED HAPPILY EVER AFTER?
BS #34: SORRY FOR THE BURDENS
BS #35: ICE PACK
BS #36: LIFELESS WITHOUT YOU
BS #37: H.I.M.
BS #38: CHASING HAPPINESS
BS #39: ROAD TO HAPPINESS
BS #40: MY GIFT
BROKEN STRING (EPILOGUE)
SK NOTE:
SPECIAL CHAPTER(1)
SK NOTE:
ATTENTION:
SPECIAL CHAPTER (2)
SPECIAL CHAPTER (3)
NEWS
GREAT NEWS!

BS #16: KWARTO NIYA

363K 5.2K 1.2K
Por SweetKitkat

 BS #16: KWARTO NIYA

********

MELISSA QUIZON

Mabilis na dumating ang Huwebes. Ito ang unang araw ko sa bago kong trabaho. Hindi pa rin alam ni Reid ang tungkol sa bago kong trabaho. Ayokong magsinungaling pero mas maganda nang ilihim iyon sa anak ko. Baka maisipan niyang magtanong tungkol kay Wright at wala akong maisagot. Alam ni Eugene ang tungkol sa bagong trabaho ko. Kung kinailangan ko daw siya, pupunta agad ito.

"Susunduin kita mamaya, ha. Intayin mo si Mommy." Malambing kong sabi kay Reid.

"Opo." Tumango ito at hinalikan ako sa pisngi bago pumasok sa gate ng school niya.

Tumigil ito sa paglalakad at humarap uli sa akin. Kumaway siya at kumaway din ako bago siya tuluyang pumasok.

Pumara ako ng taxi para puntahan ang binigay na address ni Wright. Hinanda ko na ang sarili ko sa paghaharap namin. Hindi ako dapat magpadaig sa nararamdaman ko.

Oo, Mahal ko pa siya. Pero hindi ko na siya kayang makasama pa. Mas mahal ko na ang anak ko ngayon. Sa kanya na umiikot ang mundo ko.

Naputol ang pag-iisip ko nang huminto na ang taxi sa harap ng malaking bahay na nahaharangan ng malalaking gate. Iniabot ko ang bayad ko sa driver bago bumaba ng taxi. Lumunok ako ng maraming beses bago pindutin ang doorbell.

Humigpit ang hawak ko sa strap ng bag na nakasabit sa aking balikat nang may lumabas na katulong.

"Sino po sila?" Magalang na tanong nito.

Pasalita na sana ako ngunit agad ring naumid ang dila ko nang bumukas ang pinto ng bahay at lumabas si Wright. Nakaputing V-neck shirt at naka-khaki short lang ito.

"Manang Flora.." Sinulyapan niya ako at binalik din agad sa katulong ang tingin. "Ako na po."

Tumalikod si Manang Flora at pumasok na sa loob. Napalunok ako nang lumapit na sa gate si Wright.

Those eyes held me in such a trance I felt dizzy. My body became alert like it had been called by its owner. My senses were heightened and my entire body prickled. Even from a distance, I knew his eyes were unique. He was tall, broad, but even with his gray cashmere sweater, his muscles were evident.

Nakangiting binuksan nito ang gate. "Pasok ka."

"Salamat." Tipid kong sabi at humakbang na papasok sa gate. Naglakad ako papunta sa pinto ng bahay niya ngunit napatigil ako ng maramdamang nag-slide ang kamay nito sa bewang ko.

Matalim ko siyang tiningnan at inalis ang braso nitong nakaalalay sa akin. "I don't need your assistance, Mister Agoncillo. I can perfectly walk without your hand supporting my back."

Kinagat nito ang ibabang labi. Tinitigan niya ako. Sa sobrang intensidad ng titig nito ay ako na ang unang nag-iwas. Umismid ako at nauna na sa kanyang maglakad.

I don't want to be rude. Especially to my employers. But, he's different. He's pushing all my buttons. Gusto kong ipakita na hindi na ako apektado pa sa kanya.

"Tito! What took you so long?" Napalingon ako kay Bobbie. Tumatakbo ito palapit sa amin. Nang makita niya ako ay agad siyang napatigil. Humigpit ang yakap nito sa teddybear na dala.

Binigyan ko ito ng matamis na ngiti. "Hi, Bobbie. Remember me?"

Nakita ko ang pag-aalangan sa mukha nito. Marahan itong tumango at nagtago sa likod ng hita ni Wright.

Humarap si Wright kay Bobbie at yumuko. Binuhat nito ang bata na agad namang sumiksik sa leeg nito.

"Tara na sa loob." Aya ni Wright sa akin at nauna ng pumasok sa magarang pintuan.

Pagpasok ko palang sa loob ay bumungad na sa akin ang puti at asul na kulay ng mga pader. Tumutunog ang taking na sapatos ko dahil sa wooden tiles na flooring nito. Tumingin ako sa taas at namangha sa kumikinang na chandelier. Ano pa ba ang inaasahan ko sa bahay ng isang Agoncillo? Hindi ko alam na may pinagawa pala siyang bahay dito. Nabalitaan ko kasi noon na naibenta na nila ang lahat ng lupain nila dito sa Pilipinas. Nakita ko si Wright na binaba si Bobbie sa upuan ng White Grand Piano. May binubulong siya sa bata ngunit hindi ko iyon marinig. Nang lumapit ako ay saka naglayo ang dalawa. Nagpaalam na si Wright sa amin dahil may i-skype pa raw ang isang sa mga investor niya kaya naiwan kami ni Bobbie sa magarang sala.

Sinimulan kong turuan si Bobbie ng basic Piano songs like Happy Birthday, Twinkle Twinkle at Row, Row your boat. Nagsisimula na akong magtaka dahil parang ang bilis matuto ni Bobbie ngunit inisip ko nalang na baka likas na sa dugo nito ang pagiging musician.

"Can I play a song?" Mahinang sabi nito.

Tumango ako. "Uh, s-sure."

Binaba nito ang yakap na Teddy Bear at nilapat ang mga daliri sa Piano Keys. Tumindig lahat ng balahibo ko nang tugtugin nito ang isa sa mga Piano songs ni Beethoven.

"Bobbie.." Napatigil si Bobbie nang marinig ang matigas na tinig na iyon.

Lumingon kaming dalawa kay Wright. May hawak itong tray na naglalaman ng cookies at juice. Mula sa pheriperal vision ko ay niyakap ni Boobie ang kanyang Teddy Bear.

"I'm sorry, Tito." Napatingin ako kay Bobbie. Nakayuko ito habang mahigpit na niyayakap ang Teddy Bear.

Napalunok ako. Sa itsura nilang daalwa, mukhang may nangyari na hindi nila nagustuhan. Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pagtatanong. "Marunong kang tumugtog ng Piano, Bobbie?"

Tumango ito. "I can play instruments like guitar, violin, and drums."

"Iyan ba ang dahilan kung bakit ayaw mo ng pumasok sa school? Dahil lahat ng matutuhan sa school ay alam mo na?" Sana hindi tama ang hinala ko na minanipula ako ni Wright.

Umiling ito. "I want to help my Tito."

"Tutulungan saan?" Mula sa pheriperal vision ko ay nilapag ni Wright ang tray sa lamesita.

"I won't tell. We pinky-promised."

Lumuhod ako sa harap at ngumiti. "Malay mo, makatulong din ako sa problema niyo. Sabihin mo na sakin."

Umiling muli ito. "I'm sorry. I won't."

"Bobbie.." Lumapit sa gawi namin si Wright. Lumayo ako ng kaunti dahil nagtama ang mga balikat naming nang lumuhod ito. Hinaplos nito ang pisngi ni Bobbie. "Go to your room. Mag-uusap lang kami ni Teacher Melissa, Ok?"

Tumango si Bobbie at bumaba na sa upuan. Sumunod ang tingin ko sa habang tumatakbo ito paakyat sa hagdan. Tumayo na rin ako dahil nangangawit na ang tuhod ko sa pagluhod.

Tumikhim si Wright kaya napatingin ako sa kanya. Maligalig ang mga mata nito at hindi makatingin sa akin ng direstso. Nagsisismula na akong mainis. "Sa.. S-Sa Lanai tayo."

Sumunod ako sa kanya. Nakayukom ang mga kamay ko hanggang sa makarating kami sa Lanai. Umupo ako sa harap ng mahogany table na nasa gilid ng man-made falls. Nakakarelax man ang scenario na iyon, hindi ko pa rin na-enjoy dahil nasa harap ko si Wright. Mukhang alam ko na.. Napagtugma-tugma ko na lahat. Naglalaro na naman siya.

Humalukipkip ako at matalim itong tiningnan. "This is your plan, no?"

"Yes." Tang-na!

"Bullshit, Wright." Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Nagpupuyos ako ngayon sag alit.

Napasinghap ito. "Ito lang kasi ang alam kong paraan para.."

Marahas akong tumayo. Gigil na gigil ako sa kanya ngayon. Pinaglaruan na naman niya ako. Putcha! "Ilang beses ko bang sasabihing 'Ayoko na'!"

Tumayo na rin ito. This time, nakakatingin na siya sa akin ng diretso. "May karapatan pa rin ako sa anak ko, Melissa."

Damn you! "Nawala na ang karapatan mo nung sinabi mong, ipapalaglag ko siya!"

"M-May dahilan ako.." Nanginig ang boses niya at nagsimula ng mamula ang kanyang mga mata.

"Kahit ano pa ang dahilan mo, hindi solusyon ang pagpapa-abort ng bata!" Madiin kong sabi. Dinuro ko ito. Hindi pa ba niya kami titigilan?! Bakit ba pinagpipilitan niyang angkinin ang una palang ay itinapon na niya! Alam kong ang basura pwedeng i-recycle o i-reuse, pero hindi kami bagay ng anak ko. Itinapon na niya kami, hindi na niya pwedeng pulutin at angkining muli.  "Kaya wala na akong pakielam sa tang-nang dahilan mo. Itago mo nalang 'yan, hindi ko kailangan."

Lumapit ito sakin ngunit umatras din agad ako. "Hindi.. K-Kailangan mo 'tong marinig."

"Ayoko." Matigas kong sabi atsaka tumalikod na.

"Sandali lang.. Mel.." Parang napaso ako nang hawakan nito ang braso ko. Nagpumiglas ako mula sa hawak niya. Pumunta ito sa harap ko para harangan ang daraanan ko. Ang sumunod ang hindi ko inaasahang mangyari..

Lumuhod ito sa harap ko at iniyakap ang mga braso sa aking bewang.

"Shit. Anong ginagawa mo?!" Sigaw ko. Pilit kong tinatanggala g mga braso niya sa bewang ko.

"Please, Melissa. Nagbago na ko." Tumakas ang isang butyl ng luha mula sa mata nito. Kung ako lang ang Melissa noon, malamang ay napatawad ko na si Wright. Pero hindi, nagbago na ako. Mas naging matatag ako at binalot ko na ng yelo ang puso ko. "Pinagsisihan ko na lahat. Patawarin mo ko parang awa mo na."

"Awa?" Tumawa ako ng pagak kahit na may namumuong bara sa lalamunan ko. "Wala ng natirang awa sa puso ko para sa'yo, Wright. Honestly speaking, wala ka na talagang puwang sa puso ko. I despise you! Bitiwan mo nga ako!"

"Melissa.. Naghirap kami.. Wala akong magawa.." Yumugyog ang balikat nito ngunit pilit ko pang inaalis ang mga braso niya. "Nagmamakaawa ako, pakinggan mo ko.. Yung dahilan ko.."

Tinutulak ko ito ngunit mas humigpit pa ang pagkakayap niya. "Let me go! Ano ba!"

"Ayoko. Ayokong mawala kang muli." Patuloy pa rin ang panginginig ng boses nito. "Hindi ko na kaya."

"Urgh!---- What the heck?!" Hahampasin ko na sana ito ngunit may malamig na tubig ang bumuhos sa katawan ko.

"You're hurting my Tito! You're a bad person!" Naibaba ko ang kamay ko at tinignan ang nagbabagang mata ni Bobbie. Hawak nito ang baso na kanina ay pinaglalagyan ng juice.

"Bobbie?" Tumayo si Wright at agad na nilapitan si Bobbie Kinuha nito ang baso mula sa mga kamay ng bata. Pinunasan nito ang luha na nasa pisngi niya bago harapin si Bobbie. "Why did you do that?"

"Why are you like that? Wala ka pong pinagkaiba kay Papa! Lahat kayo sinasaktan at pinapaiyak ang mga mahal ko.” Maalab na sabi niya sa akin bago tumakbo papasok sa loob ng bahay. Hindi nakatakas sa paningin ko ang luhang tumulo sa pisngi ng bata. Napatulala ako nang makita ang sakit sa mga mata nito.

"Bobbie!" Sigaw ni Wright ngunit parang hindi siya narinig ni Bobbie. Lumipat sa akin ang tingin ni Wright. Dahan-dahan itong lumapit sa akin kaya napunta sa kanya ang tingin ko. "I-I'm sorry---- Geez! Your blouse!"

Napasinghap ako ng makita ko ang itsura ng blouse ko. Puti kasi iyon at nang mabasa ay bumakat kaagad ang itim kong bra. Aga dong tinakpan ng mga braso ko ang aking dibdib.

"I-Ikukuha kita ng t-shirt." Panic na sabi ni Wright.

"Hindi na. Uuwi nalang ako." Malamig kong sabi. Lalagpasan ko n asana siya ngunit agad nitong hinawakan ang braso ko.

"No. Hindi kita hahayaang bumiyahe ng ganyan ang damit mo. Ayoko." Matatag nitong sabi na parang hindi ito nagmakaawa sa akin kanina. Hindi na ako nagsalita pa. Hinayaan ko siyang hilahin ako papasok sa loob ng bahay. Hinang-hina ako habang inaalala ang malinaw na sakit sa mga mata ni Bobbie. Ganun din ba ang makikita kong ekspresyon ni Reid kapag nalaman niyang nagsinungaling ako sa kanya? Makakaya ko ba kung dumating ang pagkakataong iyon?

Naiwan ako sa gitna ng sala at inintay bumaba si Wright. Ayoko kasig sumama sa loob ng kwarto niya kaya nagpaiwan nalang ako dito.

Nakita kong bumababa si Wright sa hagdan. Nang malapitan na niya ako ay ibinigay niya sa akin ang puting damit. "Sa CR sa taas ka nalang magbihis. Kumaliwa ka lang at makikita mo na."

Huminga ako ng malalim at kinuha ang damit sa kamay nito. Hindi na ako nag-abala pang magpasalamat dahil kasalanan naman niya kung bakit nangyari ito sa akin. Kung hindi sana niya ako minanipula, hindi sana ako matatapunanng juice at hindi sasama ang impresyon sa akin ni Bobbie.

Umakyat ako sa taas at kumaliwa. Ngunit daawa ang pinto na naroon. Una kong binuksan ang may kulay asul na pinto. Halos lumuwa ang mga mata ko nang makita kung ano-ano ang mga nakalagay roon. Kusang gumalaw ang mga paa ko at pumasok sa loob niyon.

Crib. Cute wall décor. Toddler Bedding. High Chair. Robots. Dolls. Milk Bottles. Blue and Pink Stroller. Clothes and Bedsheets. And lots of baby stuffs.

"A-Anong----"

"Wrong door."

Humarap ako sa taong nagmamay-ari ng tinig na iyon. Nkatayo sa may pinto si Wright at tumatagos sa katawan ko ang titig nito. Kumalabog ng husto ang puso ko nang magsimula na itong maglakad papasok sa loob.

Nilagpasan niya ako at pumunta sa may Crib. Pinihit nito ang laruan na nakakabit doon at nagsimula iyong lumikha ng pampatulog na kanta.

"This room is my stress reliever." Sumighap ito bago igala ang paningin sa buong kwarto hanggang sa mapunta sa akin. Ngumiti ito ng malungkot. "Ako mismo ang nagdesenyo ng kwarto na 'to. Kahit yung mga toys, bedsheets, this crib, lahat.. ako mismo ang pumili. Hindi ko kasi alam kung babae o lalaki ang anak natin kaya hinati ko ang kwarto." Hinaplos nito ang crib. "Kwarto niya 'to. Kwarto ito ng anak natin."

"Why did you do this? All of this?" Nagtataka kong sabi. "Ayaw mo sa anak ko, hindi ba? Tinalikuran mo kami."

Ilang beses itong lumunok at nagbuntong hininga saka lumapit sa akin.

"Melissa.. I used you. I used you to bring my first love back. To make her jealous. To make her crawl back to me." Tumigas ang panga ko dahil sa sinabi nito.At mas lalo na nang banggitin nito ang pangalang unang sumira sa kinabuksan ng anak ko. "Si Claire."

Malamig ko itong tiningnan. Hindi ko na ata kayang pakinggan ang sasabihin pa niya. "Aalis na ko."

Bago pa man ako makalabas sa kwarto ay agad na sumara ang pinto. Hinarap ako ni Wright sa kanya at itinukod ang mga braso sa magkabilang gilid ko. Hindi ako nagpatinag sa intensidad ng titig nito, nilabanan ko siya.

"Atleast, hear the whole story before you drop to conclusion." Tila naghihirap na sabi nito.

Okay.

I’m giving him a chance to explain. Nasa akin naman yun kung iintindihin ko siya.

Hindi ko sinabing binibigyan ko siya ng chance para magkaroon siya ng puwang sa buhay namin ng anak ko.

Ayoko na. Sawa na akog masaktan ng paulit-ulit dahil sa kanya.

-------

UNEDITED! Sorry sa typos and grammatical errors. Sorry sa matagal na UD. Sorry kung nabitin ko na naman kayo kahit sobrang haba na ng ni-UD ko. Sorry. Sorry. Sorry. Sorry.

UPLOADED: JUNE 22, 2014

SWEETKITKAT
XOXO

Seguir leyendo

También te gustarán

15.1M 585K 48
(Game Series # 5) Lyana Isobel Laurel never wanted complication. She never dreamed of marrying into a wealthy family-a family that's way out of her l...
160K 4.6K 62
Girl and boy hates each other. Typical. Cliche even. But who knows, they might just be the perfect match for each other.
3.8M 106K 53
"Walang mangyayaring kasalan!" Asik sa akin ni alec. Napairap ako sa kawalan at kaagad na padabog na tumayo sa sofa na kinauupuan ko. "I want to be y...
31.1K 1.5K 21
Spin-off of My Not So Ideal Man Classmates Series Book 1 Noong high school ay may crush si Owen kay Jeraldine, hence, the "Crushmate" endearment. Per...