Both Sides (BXB 2018)

By Ai_Tenshi

98.1K 4.5K 423

Base sa Korean BL na Night Flight Minsan ay kinakailangan mong lumakad sa bawat sulok sa buhay upang masabing... More

NOTE:
BS Part 1
BS Part 2
BS Part 3
BS Part 4
BS Part 5
BS Part 6
BS Part 7
BS Part 8
BS Part 9
BS Part 10
BS Part 11
BS Part 12
BS Part 13
BS Part 14
BS Part 15
BS Part 16
BS Part 17
BS Part 18
BS Part 19
BS Part 20
BS Part 22
BS Part 23
BS Part 24
BS Part 25: END

BS Part 21

3.2K 176 20
By Ai_Tenshi

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Both Sides

AiTenshi

April 4, 2018

Part 21

"Juno ano bang nangyari dyan sa mukha mo? Sinong gumawa sa iyo niyan?" ang gulat na tanong ni mama noong makita ang aking mukha na tadtad ng band aid at pasa.

"Napaaway lang ako ma. Wala ito." ang sagot ko naman.

"Napa away? Mukhang mali yata ako ng desisyon na ipasok ka dyan sa all boys school na iyan! Baka naman puro haragan at walang modong lalaki ang barkada mo kaya ka nadadamay sa mga gusot at awayan na iyan? Mabuti pa ay pupunta ako sa campus ninyo upang makausap ang inyong head!"

"Ma, wag na. Ayos lang ako. Matanda na ako, kayang kaya ko na ang aking sarili."

"Basta Juno ha, alam mo na ang tama sa mali, huwag kang nakikipag barkada sa mga sanggano at mahilig sa gusot. Kunin mo yung ointment at panlinis doon sa cabinet. Hindi gagaling iyan kung tatakpan mo lang ng band aid."

Si mama mismo ang nag linis ng mga sugat ko sa mukha. Kitang kita ko ang pinag halong pag aalala at pag inis sa kanyang mata noong mga sandaling dumadampi ang bulak sa aking pisngi. Naasar lamang daw siya dahil parati akong nakikipag away hindi ko lang masabi sa kanya ang totoo dahil baka pati siya ay madamay pa. Kilala ko ang grupo ni Gary at habang tumatagal ay mas lalo silang nagiging atat na guluhin ang nais nila guluhin. Ilang beses na rin silang naireport sa pulisya ngunit dahil nga nakaka angat sila sa buhay ay napapawalang bisa lang ito.

Alas 9:30 ng umaga noong mag pasya akong pumasok sa campus. Bagamat late ako ng 15 minutos ay nag lakas loob pa rin akong pumasok sa classroom. Pag bukas ko ng pinto ay natingin lahat sa akin, ang iba ay nagulat dahil puro pasa ang aking mukha.

Katulad ng dati ay binahing nanaman ang mga kasamahan ni Gary at saka sila nag tawanan..

"Quite! Late ka Juno. Anong nangyari sa mukha mo?" ang tanong ni Sir Madrid

"Aksidente lang sir." tugon ko

"Take your seat." utos niya

"Achuuu! Amoy pamintang durog!" ang pag basag nila

Tawanan ulit..

Pati ang guro ay natawa rin. "Balita ko ay mag homo dito sa classroom. Parati ko kayong pina aalalahanan na huwag kayong magiging mga bakla dahil sayang ang mga titi ninyo kung pwet lang na may tae ang makikinabang. Hindi tanggap ng lipunan ng mga bakla at mababa ang tingin sa kanila. Gusto nyo bang maging katulad nila? Tama ba Juno? Ikaw ang homosexual dito diba? Kalat na kalat ang larawan mo sa all boys school na ito." ang diretsong wika ng guro.

Natahimik ako at nakaramdam ng panginginig sa aking katawan. "Ngayon ay pinag tatawanan ka. Alam mo naman na bawal ang bakla sa paaralang ito. Lahat dito sa paligid mo ay tunay na lalaki mukhang insulto sa kanila ang mahaluan ng itlog na bugok." ang wika pa ng guro na may halong discrimination.

"Achu!" bahing ni Gary

Tawanan nanaman sila..

"Tama na sir. Hindi naman yata tama na ikaw pa ang manguna sa pang iinsulto sa katulad ko. Isa kang guro at ang tungkulin mo ay turuan kami ng mabuting aral at hindi manguna sa pangungutya ng iba." ang sagot ko

"So sinasabi mo na ako ay masamang impluwensya ganoon ba?" ang tanong niya habang lumalapit sa akin.

"Hindi sa ganoon, ngunit ang iyong mga salita ay dapat isinasaayos at pinipili dahil isa kang propesyonal. Sir, kahit kailan ay hindi naging masama sa mata ng lipunan ang mga bakla, hindi sila mababang uri at lalong hindi sila itlog na bugok katulad ng iyong sinasabi. Alam mo kung ano ang mababa? Ang mga utak ninyo! Ang inyong mga mata ay makasalanan dahil kayo mapanghusga." ang sagot ko

"Huwag kang umasta na parang napaka talino mo, ako pa rin ang guro mo kaya't sa akin ka pa rin makikinig."

"Tatakpan ko nalang ang tenga ko kaysa makinig sa iyo. Ang mga guro ay ang pangalawang magulang namin, kayo dapat ang nag tatanggol at umuunawa sa aming kalagayan, pero mali. Ikaw pa mismo ang nang hihila sa amin pababa. Guro ka ba talaga o nag papanggap lang?"

Bumakas ang galit sa mukha niya at tila nakaramdam ito ng malaking pang iinsulto. "Drop kana sa klase ko at humanda ka dahil ipapa kick out kita dito! Shit ka! Putang ina mo!" ang galit na galit na salita nito sabay batok sa akin ng kanyang libro.

"Hindi mo na ko kailangan ipa kick out dahil ako na mismo ang aalis sa paaralang ito. Hindi ako nababagay sa mga makikitid ang utak at mapang husgang mag aaral dito!" ang sigaw ko. Isang discrimination ang pinaiiral ng aking guro. "Huwag mong turuan ang mga mag aaral dito kung paano maging makitid ang utak. Hindi ka guro sa aking paningin."

Binatukan nya ulit ako ng libro ang ulo. Tatlong beses na malalakas.

"Putang ina sasagot ka pa!!"

Hindi na ako nakapag pigil "Putang ina mo rin sir! Hindi ka dapat igalang!" ang sigaw ko at kasabay noon ay ang mabilis na pag tayo ni Conor sa aking likuran.

Lumapit siya sa aming guro..

"Plak!"

Isang malakas na suntok sa mukha ang iginawad niya dito. "Bakla ka rin kaya huwag kang mag malinis. Baka gusto mong saksakin ko ang live in partner mong batang highschool sa apartment mo." ang wika ni Conor at isa pang malakas na suntok ang pinakawalan niya sa mukha nito.

Maya maya ay lumapit siya kay Gary.

"Plak!!"

"Plak!"

Inupakan niya ng dalawang beses ang mukha nito at saka iniuntog sa desk.

Mabilis na lumakad patungo sa akin si Conor at hinawakan ako sa braso. Hinila niya ako palabas ng classroom kung saan humahabol ang guro na galit na galit at tumutulo ang dugo sa basag na ilong.

Nag tatakbo kaming dalawa palabas ng gate. Hila hila niya ako habang nakahawak sa aking kamay.

Mahigpit ang kanyang pag hawak na para bang sinasabi niyang tumakas kami sa tunay na mundo.

Hindi ko na alam kung ilang minuto na kami tumatakbo basta natagpuan namin ang aming mga sarili na naka upo sa roof ng lumang gusali kung saan kami madalas tumambay ni Neil. "Nasaktan ka ba?" tanong ko kay Conor

"Tsk, sila ang nasaktan. Matagal nang namumuro sa akin ang gagong teacher na iyon. Parati rin akong pinag iinitan noon." ang wika ni Conor sabay upo at nag sindi ito ang sigarilyo.

"Salamat ulit sa pag tatanggol sa akin." ang wika ko naman.

"Ayos lang. Dapat ay matuto kang ipag tanggol ang sarili mo. Sa marahas na pamamaraan. Minsan ang mga salita natin ay nakakahiwa ngunit hindi ito sapat upang matuto ang pinag sasabihan mo dahil kadalasan ay papasok lang ang mga sinasabi mo sa kanang tainga niya at lalabas sa kaliwa. Ang kinakailangan ay samahan mo ito ng mag asawang sapak para may markang maiiwan." ang wika niya habang bumubuga ng usok.

"Hindi ako marunong non." ang sagot ko na may halong hiya habang tumatabi sa kanya.

"Lahat ng galit mo ay ilagay mo sa iyong kamao pag katapos ay BOOM ihataw mo sa kalaban. Tingnan ko lang kung hindi sila matuto ng leksyon."

Natawa ako..

Maya maya ay tumahimik ang paligid..

Napako ang aking paningin sa kalayuan at kasabay nito ang pang gigilid ng luha sa aking mga mata. "Wala naman akong ginagawang masama. Bakit kailangan akong saktan ng ganito?" ang tanong ko naman.

"Isipin mo nalang na mas superyor ka sa mga ordinaryong tao sa paligid mo. Mas malawak ang pang unawa mo sa mga bagay bagay higit sa kanila." sagot ni Conor sabay sabot ng panyo sa akin.

"Teka, bakit parati mo akong sinasamahan? Lalo kang mapapahamak sa ginagawang pag tatanggol sa akin."

"Mapahamak? Patawa ka ba? Matagal na akong napapahamak. Hindi na ako takot. Masaktan ka, maging masaya, o kahit ano pang gawin mo. Lahat ng iyan ay kasama sa kahulugan ng buhay." wika ni Conor habang naka lingon rin sa kalayuan.

Maya maya ay napa buntong hininga siya at nag salita ulit.

"Kahulugan ng buhay. Marami iyan dahil halos lahat ng bagay sa ating paligid at nag bibigay ng kahulugan dito.

Sabi ng pako "Tanggapin mo ang lahat ng sakit kahit paulit ulit ka nilang pinupukpok at sinasaktan."

"Dapat ay cool ka lang" iyan naman ang sabi ng freezer

"Maging marahas ka at saktan mo ang nais mong saktan." ang sabi ng Martilyo.

Ang sabi naman ng kutsilyo ay "dapat maging matalim ka at matalas sa lahat ng pag kakataon."

"Mag bigay ka ng liwanag at maging tanglaw sa buhay ng iba." iyan naman ang wika ng Apoy

"Dapat ay parati kang nasa oras at parating updated." iyan naman ang hirit ng orasan at kalendaryo.

"Mag tipid ka at matutong mag laan para sa iyong sarili." ang sabi ng iyong pitaka.

"Matuto ka at maging aral ang lahat ng pang yayaring pinag daanan mo para sa susunod ay hindi kana madadapa ulit." iyan naman ang sabi ng ating pag kakamali.

Halos lahat ng iyan ay napag tanto noong mag isa akong kumakayod para sa amin ni nanay. Halos lahat yata ng aral ay napag daan ko kaya heto naging matigas ako at hinubog ng pag kakataon. Ang mundo, sa totoong buhay ay hindi yung makukulay na paintings o larawan na nakasabit sa dingding. Hindi ito yung may rainbow, may araw, may puno at makukulay na bulaklak." ang wika ni Conor habang nakatanaw sa kawalan.

Ang mga salitang binigkas niya ay puno puno ng aral na labas nag pahanga sa akin. Marahil nga ay talagang hinubog na siya ng hirap kaya't mas lumawak ang kanyang pang unawa at mas maging mahusay sa diskarte. Tunay ngang hindi lahat ng aral ay matutunan sa apat na sulok ng classroom, dahil hindi ka tuturuan ng math, english at science na maging matatag at matapang sa lahat ng pag kakataon.

Tahimik ulit..

"Salamat." ang bulong ko kay Conor

Tumingin siya sa akin at inabutan ako ng yosi "Gusto mo?" tanong niya

Kinuha ko ang yosi..

At inilagay ito sa aking bibig..

"Hindi ako nag yoyosi. Gusto ko lang na parehong may nakalagay sa ating bibig." ang wika ko naman.

"Natatakot ka pa ba?" tanong niya

Umiling ako. "Hindi.. Dahil alam kong nandyan ka."

Walang reaksyon si Conor sa aking sinabi. Bumuga lang siya ng usok sa bibig at inakbayan ako.

Kapwa kami naka upo sa rooftop at naka tanaw sa paligid. Mukhang dito lang kami hanggang sa lumubog ang araw sa kalangitan.

Itutuloy..

Continue Reading

You'll Also Like

324K 8.6K 58
Don't forget to VOTE 😘😊 #blseries #boyslove May mga bagay talagang hindi inaasahan kahit sa isang bagay na nakagisnan na, tulad na lang ng basketba...
224K 6.7K 40
Third book of One Look Second Generation.
7.1K 585 39
RAIN.BOYS VII [Teen Fiction|Yaoi|BXB] "Sa tuwing umuulan nakakaramdam ako ng matinding takot at lungkot. Para sa akin tanging masasamang alaala lang...
806K 41.2K 98
Kung gusto mong tumawa, humalakhak, mabwisit, maimbyerna, mang-gigil, umiyak, kiligin at ma-inlove, ano pang inaantay mo. Basahin mo na to. HAHAHA