BS Part 15

2.9K 151 3
                                    

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

P.S Hayaan nyo munang makatapos bago kayo mag react. Mayroon akong author's note sa huli ng kwentong ito.

*************

Both Sides

AiTenshi

March 27, 2018

Sana ay pinigil ko na lang ang sarili ko, ilang minutong ligaya lamang iyon ngunit ang kapalit ay pag kaguilty at pag iwas sa akin ng taong labis kong pinahahalagahan.

Dapat bang umiwas na rin ako? O dapat ay kumapit pa rin ako sa isang bagay na alam kong mag bibigay sa akin ng parehong sakit at kasiyahan.

Part 15

"Sa susunod na makita kong pinag ttripan ninyo ang mga bata ko, humanda kayo sa akin." ang wika ni Conor habang naka harap sa dalawang fresh man na bubog sarado ang mukha.

Bandang hapon noong mapadaan ako sa kanilang eskinita at iyon agad ang bumulaga sa akin.

Maya maya ay kumuha ng sigarilyo si Conor at inilagay sa bibig ng dalawang kaaway sabay ito sinindihan. "Ngiti, huwag kayong bumusangot dahil lalo kayo papangit." ang wika pa nito.

Naubo ang dalawang freshman mukhang hindi sila sanay manigarilyo. "Masasanay rin kayong dalawa." ang dagdag pa ni Conor sabay batok sa dalawang bata.

Plak!

Plak!!

Tig dadalawang kutos ang inabot ng dalawang pobreng biktima. "Pag nag sumbong kayo ay sasaksakin ko ang mga nanay ninyo. Diba kapatid mo yung nag aaral sa kabilang paaralan? Lalaslasin ko ang leeg nila na parang ginilitang manok." ang pag babanta nito kaya lalo natakot ang dalawang freshman.

"Sige na! Alis na!" ang salita ni Conor

Mabilis nag tatakbo ang dalawa palayo sa grupong kaaway at hindi naman ito hinabol ni Conor, kumuha lang ito ng yosi at inilagay sa kanyang bibig.

Dito na niya nakita ang aking prisensyang nakatayo sa di kalayuan..

Napatingin siya sa akin..

Napatingin rin ako sa kanya..

Tahimik..

Maya maya ay binawi niya ito at lumakad palayo kasama ng kanyang mga katropa.

Sa pag daan ng mga araw ay mas lalo ko pang naramdaman ang pag layo sa akin ni Conor. Noon akala ko ay maayos na ang lahat sa amin, ngayon ay naging malabo pa sa maduming ilog ang aming samahan. Mga bagay na nag papalungkot sa akin ng lubos.

Patuloy ang pag bagsak ng tuyong dahon sa parke kung saan ako naka upo. Halos malaki na ang pinag bago ng lugar na ito, parang kailan lang noong una kong makita si Conor, dito mismo sa lugar kung saan ako naka pwesto. Maraming taon na iyon pero hanggang ay naalala ko pa.

FLASH BACK

Binatilyo ako noon, halos 12 taong gulang ako noong madalas akong mag libot sa parke. Ito ay parang plaza, may mga palaruan, mga rides, maraming tinda. Selebrasyon noon ng kapistahan kaya't ang buong paligid ay punong puno ng makukulay na banderitas.

Habang abala ako sa pag lalakad hawak ang aking mga pinamiling pag kain ay naka pukaw ng aking pansin ang isang lalaking naka upo sa ilalim ng puno, patpatin ito at mugto ang mata, mahahalata mo sa kanya na galing siya sa matinding pag tangis.

Both Sides (BXB 2018)Место, где живут истории. Откройте их для себя