BS Part 13

3.2K 160 8
                                    

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Both Sides

AiTenshi

March 25, 2018

"Bakit hinahayaan mong bastusin ka nila? Hindi ka ba marunong lumaban?" tanong ko

"Mag hahanap lang ako ng sakit ng katawan. Bakit ako lalaban kung alam kong talo lang din ako? Hindi naman sa lahat ng pag kakataon sagot ang pakikipag basag ulo sa problema."

Natahimik siya napaisip "Kung parati mong hahayaan na ganunin ka nila ay iisipin nila na ayos lang iyo. At magiging gawain na nila ito."

"Ikaw ang boss nila diba? Kakampihan mo ba ako?" tanong ko

"Hindi. Pero gigitna ako." ang sagot niya

Natawa ako at tumalikod sa kanya. "Walang kwenta ang pag labas mo sa bakery, bumalik kana doon." ang sagot ko naman sabay lakad sa kanya palayo. Talagang nilabas pa ako ng mokong para lang engganyuhin na makipag basag ulo sa mga kabarkada niya.

"Sandali." ang pag habol niya dahil para mapahinto ako.

"Bakit?" tanong ko

"Bukas yung bag mo." ang wika niya sabay talikod at muling tumakbo pabalik sa loob ng kainan. Ako naman ay agad sumakay pauwi dahil nakaramdam na rin ako ng pag kainis. Kung sa bagay sino ba naman ako para ipag tanggol niya.

Part 13

"Dito mo nalang dalhin iyang cake sa bar. Nandito ang mga kawork ko at para naman makilala ka rin nila. Yung ninang mo ay nandito rin, ang tagal kana niyang hindi nakikita." ang text ni mama.

Kaarawan niya ngayon, at gusto niya ay doon ko dalhin ang kanyang cake sa bar. Syempre nandoon yung mga friends niyang late bloomer katulad niya na kung kailan tumanda saka umawra ang husto. Ewan ko ba naman, parang tumatanda sila ng paurong, kung kailan sumosobra ng hinog ay doon pa sila nag mumurang parang isang kamatis.

Bandang alas 8 ng gabi noong sadyain ko ang bar kung saan nag cecelebrate si mama ng birthday kasama ng kanyang mga katrabaho.

Pag dating ko doon ay agad akong nag tungo sa kanilang table at iniabot kay mama ang kanyang cake. "Iyan na ba ang anak mo? Ang laki na pala at ang gwapo pa." ang bati ng mga kaibigan niya

"Oo naman. Sa akin mana iyan." ang naka ngiting wika ni mama.

"Teka hijo, may girlfriend kana ba?" ang tanong ng aking ninang noong mag mano ako sa kanya.

"Naku, bawal siyang mag girlfriend, kailagan muna niyang makatapos ng pag aaral. Alam mo naman ang kabataan ngayon masyadong mapupusok, pag naging mag ON ay sa kama agad ang bagsak!" hirit ni mama.

"Naku mare, naalala ko nga pala. Yung anak ng kaibigan ko, ganyang edad rin naku kaya pala walang girl friend ay dahil bakla. Ayun nahuli ng tatay na may lalaking chinuchupa sa cr nila. Bugbog sarado ang pobre." ang hirit ng kaibigan niyang isa.

Tawanan sila..

"Naku, lalaking lalaki ang inaanak ko. Yung anak ng kaibigan mo ay talagang bakla iyon dahil bata palang ay nag aahit na siya ng kilay noh" pag tatanggol ng aking ninang.

Habang nasa ganoong pag kkwentuhan sila ay bigla akong kinalabit ni mama at binulungan. "Hindi ba iyon ang kaibigan mo? Yung nag punta sa bahay?" tanong ni mama sabay turo sa kinalalagyan ng isang lalaking umiinom ka table ang mga babaeng pokpok ng taon sa bar.

Both Sides (BXB 2018)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin