Both Sides (BXB 2018)

By Ai_Tenshi

98.1K 4.5K 423

Base sa Korean BL na Night Flight Minsan ay kinakailangan mong lumakad sa bawat sulok sa buhay upang masabing... More

NOTE:
BS Part 1
BS Part 2
BS Part 3
BS Part 4
BS Part 5
BS Part 6
BS Part 8
BS Part 9
BS Part 10
BS Part 11
BS Part 12
BS Part 13
BS Part 14
BS Part 15
BS Part 16
BS Part 17
BS Part 18
BS Part 19
BS Part 20
BS Part 21
BS Part 22
BS Part 23
BS Part 24
BS Part 25: END

BS Part 7

3.6K 173 13
By Ai_Tenshi


PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Both Sides

AiTenshi

March 13, 2018

Nanatili akong nakahandusay sa lupa habang pinag mamasdan siyang lumakad ng mabilis palayo sa akin dala ang aking pera at ilang mahalagang papel.

Ilang sandali rin ako sa ganoon posisyon hanggang sa muli akong bumangon at pumara ng taxi pauwi. Mabuti na lamang at naka ugalian kong mag hulog ng barya sa gilid ng aking bag kasama ng mga kendi. Iyong ang ginamit kong pamasahe upang maka uwi.

Part 7

Pag dating sa bahay ay agad kong hinugasan sa gripo ang aking mukha. Si Conor na yata ang nag iisang taong kilala ko na galit sa mundo. Mistulan siyang isang mabangis na hayop na kapag nilapitan ay nananakmal o manlalapa ng buhay.

Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan habang binubuksan ang bintana sa aking silid. Dito lamang nag mumula ang preskong hangin dahil sa likod ang aking kwarto na malapit sa gawing bukirin kaya't malamig dito.

Marahan akong dumangaw doon at dito ay muling nag balik sa aking isipan yung mga babala ni Neil na huwag akong mag kakagusto sa isang taong straight.

Flash back.

"Diba ang sabi ko sa iyo ay huwag mong ipag tatapat sa kanya? Ano reaksyon niya? Nasuka ba siya sa sinabi mo?" ang tanong ni Neil

"Hindi ko ipinag tapat at wala akong balak gawin iyon." ang sagot ko naman.

"Huwag mo nang subukang sabihin sa kanya dahil mag mumukha ka lang kawawa sa bandang huli. Kapag straight ang minahal mo ay para ka na ring tumalon sa pinaka mataas na gusali dito sa bayan at pag bagsak mo ay buhay ka pa rin. O kaya ay para na ring nag lason, uminom ng muriatic acid, clorox o ng pamatay sa daga. Huwag kana mag ambisyon Juno." ang tugon niya habang bumubuga ng sigarilyo.

End of flashback

"Malalason ba nga ako? O unti unting madudurog?" ang tanong ko sa aking sarili habang naka tanaw sa aming bakuran.

Tahimik..

Naramdaman ko nalang na niyakap ko ang aking sariling tuhod habang nakatanaw sa kawalan. Malayo ang tingin na para bang may hinahanap ngunit wala naman talaga.

Kasabay ng mga katanungan sa aking isipan ay ang isang musikang ng mumula sa kabilang bahay na siyang nag paigting ng aking emosyon.

Sounds of Silence

Hello darkness, my old friend
I've come to talk with you again
Because a vision softly creeping
Left its seeds while I was sleeping
And the vision that was planted in my brain
Still remains
Within the sound of silence

In restless dreams I walked alone
Narrow streets of cobblestone
'Neath the halo of a street lamp
I turned my collar to the cold and damp
When my eyes were stabbed by the flash of a neon light
That split the night
And touched the sound of silence

And in the naked light I saw
Ten thousand people, maybe more
People talking without speaking
People hearing without listening
People writing songs that voices never share
And no one dared
Disturb the sound of silence

Habang nasa ganoong pakikinig ako at sa kalagitnan ng pag bugso ng aking emosyon ay laking gulat ko noong makita ni Conor na umaakyat bakod ng aming bahay.

Kaya naman agad akong tumayo para puntahan ito. Baka naman hindi pa siya nakontento at nais pa kaming nakawan ng gago. Iyon ang mga bagay na pumasok sa aking isipan.

Kumabila sa aming bakod si Conor at maya maya ay naupo ito sa silyang kahoy sa labas kung saan ako madalas tumambay kapag nag aaral. Noong makita ko siya sa ganoong posisyon ay agad akong lumabas upang lapitan siya.

Nanatiling nakatingin sa malayo si Conor habang may kinukuha sa kanyang bulsa. Maya maya ay inilabas niya ang perang kinuha niya sa akin at saka ito inabot bagamat hindi siya naka tingin sa aking mukha.

Hindi ko alam kung anong dapat kong maging reaksyon kaya naman isang batok ang aking binigay sa kanya.

Pak!

Hindi siya umimik ni lumaban ay hindi niya ginawa.

Binatukan ko pa siya ng isa pang beses pero hinahayaan lang niya ako..

Pak!

Hindi pa rin siya kumibo at nanatili lang naka upo kaya naman sinipa ko pa siya..

Pero wala pa rin..

Kinuha ko ang pera at agad itong ibinulsa. Saka ako naupo sa kanyang tabi..

Kapwa kami tahimik at nakatanaw lang kung saan.

Tahimik ulit..

Mahangin sa paligid, tuloy pa rin ang aming pakiramdaman.

"Gago mo!" ang pag basag ko sa katahimikan.

Tumingin siya sa akin "Kelan ka pa naging bakla?" ang tanong niya

"Bata palang ako ay alam ko nang ganito ako. Noong makita noon sa parke ay ninais ko na agad na maging kaibigan ka. Ilang taon na rin ang nakakalipas, at hanggang ngayon ay iyon pa rin ang nais ko. Yung mapa lapit sa iyo." ang tugon ko naman. "Bakit may masama ba sa pagiging isang bakla?" ang tanong ko naman

"Wala. Pero dapat ay alam mo ang limitasyon mo. Tamang pag kilos at maging responsable ka sa iyong sarili. Alam mo naman ang konotasyon sa mga bakla, minsan ay pinag tatawanan o ibinubukod sa iba." ang wika niya

"Ibubukod mo rin ba ako? Kaya mo ito sinasabi?" tanong ko ulit.

"Hindi, ngunit kung ako ang nagugustuhan mo ay wala akong mabibigay sa iyo dahil hindi tayo talo. Babae ang hanap ko at babae rin ang nais kong makasama." ang wika niya na nag bigay kirot sa aking dibdib. Alam ko namang hindi talaga pwede pero masakit rin pala kapag nalaman mong wala talaga. As in isinampal sa iyong mukha na imposible ang nais mo.

Natawa ako kunwari. "Wala naman akong balak na isiksik ang sarili ko sa iyo. Okay na sa akin yun ganito. Kaysa naman malapit ka lang pero napaka layo mo sa akin." ang tugon ko.

"May maganda maidudulot rin ang pagiging malayo Juno. Kapag nakasanayan mong malayo sa iyo ang isang bagay o tao ay hindi mo na ito hahanapin pa."

"Gusto mo ba na hindi na kita hanapin pa?" tanong ko rin

Nag kabit balikat siya. "Ewan, basta ganyan ka lang. Lalaking kumilos at mag salita. Huwag kang lalambot dahil tiyak na hindi iyon magugustuhan ng mga kaklase nating makitid ang pang unawa." ang paalala niya sabay tayo sa kanyang kinauupuan.

"Teka, anong pumasok sa isip mo para pumunta rito at ibalik ang mga bagay na kinuha mo sa akin?" tanong ko sabay pigil sa kanya.

Nakatalikod lang siya at hindi na sumagot..

"Kung puso ko ba ang kinuha mo ay ibabalik mo rin katulad ng pag babalik mo sa perang kinuha mo sa akin?" tanong ko sa kanya.

"Oo.. Pero hindi ko naman binawasan ang perang kinuha ko diba? Buo ko itong ibinalik sa iyo. Siguro ay buo ko ring ibabalik ang puso mo.. Siguro ay sa iba ito nararapat." ang wika niya sabay lakad palayo.

"Teka.. Conor." ang pag tawag ko dahilan para mapahinto siya sa pag hakbang.

"Birthday ko sa makalawa. Isang magandang regalo na makasama kita. Kahit sandali lang." ang pahabol ko

"Susubukan ko." ang sagot niya sabay lukso sa aming bakuran palabas.

Muli akong napa upo sa bangkuan habang nakatanaw sa bakod kung saan lumundag si Conor. Tumitibok ng mabilis ang aking puso bagamat may kirot akong nararamdaman. Iyon ang katotohanan na isinampal sa aking mukha, maliit ang tiyansang sumaya kung tuwid na lalaki ang magugustuhan mo. Iyon ang nakakalungkot na parte sa lahat.

Music Playing

Hiding inside myself


I've been so alone all my life
I couldn't give my heart to anyone
Hiding in myself was a man
Who needed to be held like everyone

The days moved into years
I look for warmth between the tears
It never ever found me
Never ever found me
Yes, I did seem to grasp at straws
They surely broke all the time

So I hid inside
(Till) I almost died
Yes I hid inside and I cried
A loving heart in a sensitive man
Hiding inside myself

Then you came out of nowhere
I could not believe my heart
I didn't know how to tell you
Didn't know where to start
I know you understand

When I hid inside
I almost died
Oh, I hid inside and I cried
A loving heart in a sensitive man
I know you'll understand

(Instrumental)

I love you...

"Hahaha, anong nangyayari sayo Juno? Bakit pilit mong hinahabol ang isang taong mabilis tumakbo? Wala ka namang tiyansang abutan siya at nag papakapagod ka lang sa wala. Gumising ka nga! Humanap ka ng lalaking titi rin ang hanap at hindi lalaking kumakain ny talaba!" ang wika ni Neil

"May rason ako kung bakit ko siya hinahabol. Hindi ko lang alam kung paano ko ito sisimulang sabihin dahil kahit ang sarili ko mismo ay hindi ito maunawaan." ang sagot ko.

"Ang rason mo ay ang katangahan mo. Walang ibang rason kundi ang ka eng engan mo. Eto itry mo itong bagong social media para sa mga bakla, paminta at lalaking bumabaliko sa gabi. Sa ganito site tayo nag kakilala diba? Tapos nag meet tayo at nag sex agad. Ang nakakatuwa ay hindi tayo nag kalimutan. Hindi katulad ng iba na kapag nakantot kana at nakaraos sila mamaya ay hindi kana kilala." ang wika niya

"Aanhin natin ang social media na iyan? Makikipag meet tayo sa ibang tao at makikipag sex. Diba ganoon naman ang kalakaran ngayon, tikiman lang. Kaya nga walang matagal na relasyon sa taong "tikim" lang ang intensyon." ang tugon ko

"Atleast pinatulan ka, kesa naman nag hahabol ka sa isang taong di ka naman papatulan. Kahit mag hubot hubad ka sa harap niya o patigasin mo pa iyang ga hintuturo mong titi hindi ka niya papatulan at susukahan ka lang niya hanggang sa ikaw na mismo ang lumakad palayo." ang wika niya na halong pag aasar

"Ang pag ibig daw ay parang sugal diba? Minsan panalo, minsan talo. Pero alam mo yung pinaka mahirap? Yung panalo ka sana pero hindi ka tumaya!" tugon ko

"Kahit tumaya ka araw araw sa sugal ng pag ibig mo sa kaibigang mo straight ay mamumulubi ka lang! TALO ka pa rin! O eto ang bagong site na kinababaliwan ng bakla! Go kana!" pambabara ni Neil

Hindi ako naka imik dahil totoo naman na ang lahat ng sinasabi niya ay parang patalim na palihim sumasaksak sa akin. Hindi ko naman itinuturing na pag kakamali ang nararamdaman ko at hindi ko rin maaaring sisisihin ang aking sarili dahil naramdaman ko ito. Kung pwede nga lang sana ay nag turok nalang ako ng anethesia sa dibdib upang mamanhid ito at wala na akong maramdaman pa.

"So anong plano mo?" tanong niya

"Wala. Ang mga ganyang bagay ay hindi na pinag pplanuhan. Lilipas rin ang lahat, iyon ang pinang hahawakan ko ngayon." ang sagot ko naman sabay tanaw sa kalayuan.

Alas 7 ng gabi noong maka uwi ako sa bahay. Heto nanaman ako sa aking nakagawiang pag higa sa aking kama at tumitig sa kisame na wari'y may hinahanap ngunit wala naman talaga. Malalim ang iniisip at sa sobrang lalim nito ay hindi ko na mawari kung ano at paano ko ito bibigyang pansin. Magulo e, katulad ng nararamdaman ko. Alam kong hindi pwede ngunit nag pupumilit ang aking dibdib, sumisigaw ito at nag sasabing habulin ko ang aking kasiyahan.

"Habulin ang kasiyahan.." ang bulong ko sa aking isipan habang naka titig sa malamlam na ilaw ng aking silid..

At bago ko pa mapag tanto, ang kasiyahang iyon at nakatakbo palayo sa akin.

Itutuloy..

Continue Reading

You'll Also Like

687K 17K 60
Hesiod Cruz is just a typical home grown Baguio boy. Nagmula sa simpleng pamilya. Nag-aral sa mga pampublikong paaralan mula elementarya at high scho...
7.1K 585 39
RAIN.BOYS VII [Teen Fiction|Yaoi|BXB] "Sa tuwing umuulan nakakaramdam ako ng matinding takot at lungkot. Para sa akin tanging masasamang alaala lang...
223K 4K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
403K 16.6K 40
At ngayong 2019, malugod kong inihahandog sa inyo ang pinaka huling miyembro ng grupo. Si Gorien Merrick Raval "Gomer" ang tinaguriang "The Last Pogi...