My Greatest Downfall (Publish...

By SweetAdmirer

15.1M 357K 73.5K

Sequel of Famous Meets Bad Girl: "I can admit, I'm a different person now than I was three years ago.." she s... More

MGD 1: Pretending to be Bad
MGD 2 - Bad and Wrecked Feelings
MGD 3 - Annoying Brother
MGD 4 - Philippine Airport
MGD 5 - Oh Please!
MGD 7 - Getting Tipsy
MGD 8 - Two Letters, No
MGD 9
MGD 9 - Yes or No
MGD 10 - Talking About Sacrifices
MGD 11 - Insane Bastards
MGD 12 - She made her decision
MGD 13 - He's Too Perfect
MGD 14 - Fell Off
MGD 15 - Red and Blue
MGD 16 - These Letters
MGD 17 - The Runaway Brat
MGD 18 - Magic Begins
MGD 19 - Stealing Kisses
MGD 20 - Stuck In A Moment
MGD 21 - The Bones
MGD 22 - Chase Me
MGD 23 - The Crazy Confession
MGD 24 - Clash of Bitches
MGD 25 - Ice Packs
MGD 26 - Freak & Monster
MGD 27 - Burning Sensation
MGD 28 - Forgive and Forget
MGD 29 - Pained
MGD 30 - Tear Jerking
MGD 31 - Originality
MGD 32 - Send A Selfie
MGD 33 - Sy Family
MGD 34 - Underwater
MGD 35 - Facing Death
MGD 36 - Sad Promise
MGD 37 - Damn The Both Of You
MGD 38 - Bleeding Heart
MGD 39 - Lipstick Stains
MGD 40 - The Culprit
MGD 41 - Live For Me
MGD 42 - His Death and Her Agony
MGD 43 - Unending Sorrow
MGD 44 - Ceremonial Farewell
MGD 45 - Time of Death
MGD 46 - Born Alone
MGD 47 - The Sleeping Prince
MGD 48 - The Six Keys
MGD 49 - Tic Tac Toe
MGD 50 - A, B, SY
MGD 51 - Mean Couple
MGD 52 - Counting Stars
Consequences
53
54
Final Chapter
Final Chapter
Epilogue
Final Note
SPECIAL CHAPTER - TERRENCE
Special Chapter - Trish

MGD 6 - I fuckin' miss you

329K 6.8K 1.5K
By SweetAdmirer

This is a great chapter so far, just wow! Please do vote!


***
MGD 6 - I fuckin' miss you

"I like you at sa ayaw o sa gusto mo ay liligawan kita.."

Nag-ring ang phone ko, pagtingin ko ay si Tristan. Kaagad ko itong sinagot, "Go home before 10pm." sasagot pa sana ako kaso ay ibanaba n'ya na kaagad. Leche ka talaga Tristan, wala ng mas sasama sa ugali mo.

Napatingin ako ulit kay Carl na kasalukuyang nakapamulsa, "What did you say?" tanong ko. Hindi ko narinig ang huli n'yang sinabi. Napakunot naman ang noo n'ya, "What?! Hindi mo talaga narinig? Tss!" naiiritang tanong n'ya.

"Itatanong ko ba sa'yo kung narinig ko?" mataray na pahayag ko. Hindi ko alam kung nagbobobohan ba 'yung lalaking 'to o sadyang bobo lang. Hays, kainis.

"Ehehe! Sabi ko nga.." napairap na lang ako sa kan'ya at tinalikuran ko na s'ya, "Pwera biro Master, hindi mo talaga narinig?" naiyukom ko ang palad ko. In just a span of time, ay tatama sa kan'ya ang kamao ko.

"Carlito Dominador." pagbabanta ko. Tumahimik naman s'ya. Ugh, bakit ba ganito ang mga tao ngayon?! Mas lumala sila!

Nakarating na ako sa harap ng kotse ko, papasok na sana ako ng kotse noong mahagip ng mata ko si Carl na nakasunod pa din sa akin, "Umaano ka?" itinaas ko ang kilay ko.

"Sasamahan ka! Ehehe!" nag-peace sign s'ya.

"Bawal ka sumama." madiin na sabi ko. Ngumiti naman s'ya ng pagkalapad lapad, "Ikaw na nga sasamahan ng gwapo, ayaw mo pa. Tss! Tara na, namiss kita Master." pinabayaan ko na lang s'ya na makapasok sa loob ng kotse.

"Hindi kita namiss. Pwe!" wala na talagang mas babaliw sa mga kaibigan ko dito, pareho sila ni Steph! Bakit ba ganito ang mga best friend ko? Puro sakit sa ulo at perwisyo.

"Ako na mag-ddrive Master.." bahala ka d'yan. Ginusto mo 'yan Carl, pagsisihan mi ang pagsama mo sa akin.

Ngumiti naman ako sa kan'ya, "Huwag na. Ako na lang Carl, nakakahiya naman sa'yo diba?" tinapakan ko na kaagad ang gas at pinatakbo ko kaagad ng 40km/hr.

Wala naman gaanong sasakyan sa dinadaanan namin o kung meron man ay handa ako mag-overtake at paihiin sa kaba 'yung baliw kong kasama.

"Woah! Chill lang Master! Masyado tayong mabilis.." napatingin s'ya sa speedometer ng kotse ko. Ginusto mo 'yan Carl, so hindi pa ako nag-eenjoy sa ginagawa ko.

"Wait, there's more.." kinindatan ko s'ya and I set my speed at 60km/hr.

"Shit!" napatingin ako ng saglit sa kasama ko. "Papatayin mo ba ako?!" inis na sabi n'ya. Mas lalo naman akong ginanahan sa sinabi n'ya.

"Paano kung sabihin kong oo?" tumawa ako at tumatakbo na ang kotse ko ng 80km/hr.

"Hahahahaha! Shit Carl, namumutla ka na. Kaya pa ba?" tanong ko sa baliw kong kasama na ngayon ay nakapikit na.

"Ahh! Shit Master! Ang bilis bilis natin! Ahhhhh!" tawa lang ako ng tawa habang nakikita ko s'yang nagdurusa. Ginusto mong sumama sa akin, so don't blame me.

Hindi ko na pinansin si Carl at pinatakbo ko ang kotse ko ng 95km/hr. Siguro ito na ang last na iseset ko 'yung speed ko. Ayaw ko ng lalagpas sa 100km/hr at baka kung saan na kami pulutin.

"F-CK! F-CK! IHINTO MO! IHINTO MO NA! MAMATAY TAYO WAHHH!" takot na takot si Carl. Hindi pa nga mabilis eh! Hindi pa umabot ng 120km/hr. Kaya before s'yang maihi sa takot at binagalan ko kaagad ang takbo ko. Hays, I miss this.

"Sarap sarap sa feeling 'no?" panunudyo ko. Halos, mamawis s'ya sa kaba. Naaalala ko tuloy 'yung time na bumiyahe kami papuntang Palawan, takot s'yang sumakay sa eroplano. Weak!

Sumimangot lang s'ya, "Iba ka talaga.." bulong n'ya pero sapat na para marinig ko. May bigla akong naalala, kamusta na kaya sila ni Steph?

"So, Carl.." tumingin naman s'ya sa akin, "Ano?" tanong n'ya.

"Kamusta na kayo ni Steph?" perfect talaga sila para sa isa't isa. Alam mo 'yun? Talagang match ang ugali nila at hindi ko rin malilimutan ang sinabi sa akin ni Steph na pagbalik ko ay sila na ni Carl.

"Si Stephanie?" napatango naman ako, "Medyo iwas s'ya sa akin since noong may nasabi ako." napahinto naman ako sa pagdadrive at ipinark ang sasakyan ko sa tabi ng kalsada.

"Why? I thought okay kayo?" sabi kasi sa akin ni Steph last month ay okay naman daw sila ni Carl and she also said na malapit na talagang maging sila. So I am thinking, why and what happened?

"P'wede ba huwag na lang natin munang pag-usapan?" naramdaman ko naman na hindi talaga sila okay kaya minabuti ko na lang na itahimik ang bibig ko, buhay nila 'yan at dapat hindi ako masyadong nangingialam sa kanila. But I was so sad because of that.

The drive went smooth, ni hindi ko nga alam kung saan ako papatungo, "Saan ba talaga tayo pupunta?" tanong sa akin ni Carl.

I shrugged, "Hindi ko din alam." baliwala kong sagot. Malay ko ba, marami na ding nag-iba sa dinadaanan namin. Marami na pala talagang nagbago.

Malapit na kami sa mall, noong maalala ko na sikat nga pala ang kasama ko, "Bawal tayo mag mall? Pagkakaguluhan ka dun." napatingin sa akin si Carl na nakakunot na ang noo, "So maghintay ka d'yan. Wait until I finish shopping.." akmang bubuksan ko na ang pinto ng kotse ko noong pinigilan ako ni Carl.

"Ano na naman?" naiinis na tanong ko. Kanina ko pa napapansin na lagi n'ya akong hinawakan sa kamay, ano bang meron? Mas naging clingy 'yung best friend ko na 'to.

"That's Steph's café.." itinuro n'ya 'yung isang kulay pink na may pagkamodern 'yung design nung store. So ito pala ang sinasabi n'yang pinagkakaabalahan n'ya? Bakit nga ba hindi ko kaagad naisip 'to? Nasabi rin sa akin ni Steph na magtatayo s'ya ng isang café.

"Oh? That looks fancy not bad.." maganda ang pagkakatayo nung café, maganda ang landscape sa labas, tanaw na tanaw ko dito kung gaano n'ya pinagkagastusan 'yung café n'ya, "I'll go to Steph.." tumingin ako saglit sa reflection ko sa salamin, perfect!

"I'll go with you.." hawak hawak ko ang pouch ko na tadtad ng swarovski crystal, inilugay ko rin ang kulay scarlet kong buhok, nakakulot ang dulo nito at poise akong naglakad papasok ng café n'ya.

Si Carl naman ay nakasunod lang sa akin habang ang dalawang kamay n'ya ay nakataas at nakalagay sa likod ng ulo n'ya, umaangat ang shirt n'ya kaya nakikita ko ang waistband ng boxer n'ya. Umirap na lang ako noong napansin n'ya na nakatingin ako sa kan'ya.

Halos nagulat ang guard ng café noong nakita n'ya kaming dalawa ni Carl na naglalakad papalapit, buti na lang talaga ay naisipan ni Carl na magsuot ng beannie, so hindi s'ya gaanong kapansin pansin ng mga naglalakad sa kalsada. Ako naman ay, as usual lang, maraming napupukaw na mata ang kagandahan ko.

Pinagbuksan kami ng guard ng pinto at taas noo akong pumasok sa loob, inilibot ko ang tingin ko, "Not bad..good choice of colour.." napangiti na lang ako sa isip ko. Hindi ko akalain na si Steph ay makakapagtayo ng sarili n'yang negosyo. Kapansin pansin ang eleganteng chandelier na nakasabit sa kisame, ang mga couches at wooden tables and chairs, ang counter na punong puno na masasarap na pangalan ng pastries at kape. Malamang, café 'to.

Napatingin sa akin ang mga tao sa loob ng café at sa lalaking kasama ko, inalis ni Carl ang beannie n'ya at nagsuot ng shades. Ginulo gulo n'yan ang buhok n'ya, "I think I know him.." sabi ng isang dalagita sa isang gilid.

Naglakad ako papuntang counter, sadyang binagalan ko ang lakad ko para naman maagaw ko atensyon nila, nasaan na ba si Steph?

Nakarating ako kaagad sa harap, nakita ko kaagad ang mga barista n'ya, hindi na ako magugulat kung ang lahat ng crew n'ya ay lalaki at puro may itsura, "Where is Stephanie?" I asked. Halos nakanganga ang barista, "You're drooling, ew." maarte kong sabi. Natawa naman ang kasamahan n'ya.

"May meeting po Ma'am.." magalang na sabi n'ya. Napataas naman ang kilay ko at napatingin kay Carl. Ibinalik ko ang tingin ko sa barista, "Where?" balak kong puntahan si Steph kahit may meeting s'ya.

"Bro, walang meeting si Miss Steph, may kausap lang Miss beautiful.." napaangat ang kilay ko sa kan'ya.

"Where is she?" kanina pa ako atat na atat na makita si Steph, ang tagal ko na kayang hindi nakakausap si Steph at miss na miss ko na s'ya.

"Nasa taas po, sa office n'ya po." kaagad akong naglakad papunta hagdanan.

"Stay there, don't follow me." I send my famous deadly glares. Napasunod ko naman kaagad si Carl, hindi na s'ya sumunod sa akin at nanatili na lang nakaupo sa isang couch.

Pagkaakyat ko sa taas ay maganda pa rin ang ambiance.

Kapansin pansin ang isang pink room, ito na siguro 'yung office ni Steph.

Hindi naman ako kinakabahan kaya agad akong kumatok, ilang saglit pa ay may nagsalita, "Pasok!" boses ng baliw kong best friend 'yun. Kaagad kong binuksan ang pinto.

"Ang baboy mo kumain! Hahaha!" nakita ko si Steph na pinupunasan ang gilid ng bibig ni..Terrence.

"Freak. . ." halos lumaki ang singkit n'yang mata noong makita n'ya ako. Si Steph naman ay halatang nagulat sa pagdating ko, wala nga pala silang kaalam alam na dadating ako.

Tumayo s'ya at biglang yumakap sa akin, "Finally, you're back. . I fuckin' miss you Trish.." masyado s'yang matangkad kaya naman ay nakadikit ang tainga ko sa dibdib n'ya, mabilis ang tibok nito. Mahigpit ang pagkakayakap n'ya sa akin at parang walang balak na pakawalan ako. Hinaplos n'ya ang mahahaba kong buhok, mabigat ang paghinga n'ya. Nagising ako sa realidad noong maalala ko ang pinunta ko dito, itinulak ko s'ya na naging dahilan upang magkaroon ng distansya sa pagitan naming dalawa. Kumunot bahagya ang noo n'ya dahil sa ginawa ko pero ilang saglit ay nakangiti pa rin s'ya at hindi makapaniwala na nanditon na ako sa harap n'ya.

Napansin ko ang pagtaas ng kilay sa akin ni Steph, "So you're back? Great!" hindi rin nakalampas sa paningin ko ang pagngiti n'ya ng mapakla. Hindi ko alam ang mararamdaman ko, basta ang alam ko. Hindi ko gusto ang inaasta n'ya ngayon and right after that ay pumasok si Carl at halatang nagulat sa nasaksihan n'ya.

"Am I interrupting the both of you? Nice one, so kailan pa?" mataray na pahayag ko. Napansin ko naman ang pagbabago ng ekspresyon ni Terrence, nawala na sa labi n'ya ang kan'yang ngiti, "Oh please, spare the drama."

*****
Steph Montecarla on the side 

Continue Reading

You'll Also Like

13.4M 127K 90
This is the jeje version and I don't wanna touch this one.
36.8K 3.1K 42
Compilation of Short stories, One shot, Poems at kung anu-ano pa na bumabagabag sa aking isipan.
4.7M 147K 51
Inakala ni Kaizer at Sitti na magiging okay na sa kanila ang lahat dahil sa mahal na nila ang isa't-isa. Na hindi na lang pagkukunwari ang relasyon a...
68.6K 1K 44
A best friend is a person who you love and value above other friends in your life. What if you fell in love with your best friend? Is friendship wort...