Love Me Too

By Sweetmagnolia

6.9M 126K 22.7K

The story depicts the game of love and desires. Clarisse De Silva was a lawyer who was famous not only for he... More

LOVE ME TOO
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43 (Final)
Epilogue

Chapter 28

121K 2.4K 513
By Sweetmagnolia

                               

                                                  *****

CLARISSE

Paglabas ko ng sasakyan ay nakita ko ang kotse ni Lance na pumaparada rin mga apat na space ang layo mula sa pinagpaparkingan ko. Bigla akong nataranta. I turned my back from his direction at mabilis na binuksan ko ang likurang pinto ng kotse. Kinuha ko ang suitcase at baon kong mga files. Tinagalan ko ang pagkuha nito habang tinatantiya ang pagpasok ni Lance sa loob ng building.

Kinakabahan ako sa paghaharap namin. I was thinking all night kung papaano nalaman ni Pierce ang relasyon nina Lance at Scarlet. Nahuli kaya ng assistant niya ang dalawa? Inamin na ba finally ni Scarlet ang totoo kay Pierce? Anytime ba ay susumbatan na rin ako ni Lance? Ilang sandali akong nagkunwaring abala sa pagkuha ng aking mga gamit and after I had an assurance na nakapasok na  sa aming gusali ang iniiwasan kong tao ay saka ko lamang isinara ang pinto ng sasakyan.

"Ay pusa!" muntik nang matupi ang mga tuhod ko sa pagkabigla nang malamang nasa likuran ko lang pala si Lance at tahimik na nakatayo.

"Good morning," bati nito nang may tipid na ngiti. His eyes were looking at me differently as if there's a hidden seriousness in there kaya mas lalo akong kinabahan.

"G-Good m-morning," I stammered.

Inumpisahan ko ng ihanda ang aking dibdib sa mga maririnig kong salita. Napapalunok na tumingin ako kay Lance while waiting for him to scold me. He didn't say anything but instead tumingin siya sa aking mga dala-dala.

"Let me," alok nito.

Inabot ko ang suitcase at folders sa kanya and while receiving them, he accidentally held my hand. Pareho kaming natigilan ngunit hindi nakaligtas sa aking pakiramdam ang tila humihigpit na pagkakahawak niya sa palad ko. Dahan-dahang uminit ang aking mga pisngi and before they turn red, dali-dali kong binawi ang aking kamay.

"S-Sorry..." he apologized with an assuring face that it was purely an accident and there was no other meaning behind it.

"I-It's okay," I replied with a smile. You don't have to give me that look. Alam ko namang wala kang rason para hawakan ang palad ko. I wanted to tell him.

"Let's go inside," aya nito.

Maya't maya ko siyang pinapakiramdaman at lihim na sinusulyapan habang naglalakad kami papasok ng building. Based on his present behavior, mukhang wala pa rin itong alam. Pero hindi kaya nagpapanggap lang ito tapos later on bigla na lang akong susumbatan? I shook my head to erase the bad thoughts.

"What's wrong attorney? Mukhang malalim ang iniisip mo ah," puna nito nang mahuli akong umiiling.

"Ahhh....I-Iniisip ko lang yung gagawin kong communication letter."

When we reached the elevator, awkwardness engulfed us... or maybe just me... Pareho kaming tahimik at mas lalo akong naasiwa nang mapansin kong maya't maya akong tinitingnan ni Lance. I feel that there's a touch of coldness in the way he's treating me right now. He's looking at me with a blank face. It's very rare na hindi ako nito masyadong pinagkaka-usap. Dahil ba alam na nito ang tungkol sa relasyon nina Scarlet at Pierce? Or maybe he's starting to smell my hidden feelings for him?

"M-May mali ba sa mukha ko?" tanong ko just to break the silence.

"I notice that you're wearing light makeups lately," he commented.

"Bakit pangit ba? Di ba sabi mo mas bagay sa akin pag light lang ang makeup?"

I almost blush for what I just said. Palihim na kinurot ko ang aking sarili sa pagkakadulas. Your embarassing yourself Clarisse!

"It's alright...You look prettier."

Did he just praised me? This time, mukhang hindi ko na mapipigilan ang pamumula ng aking mga pisngi. I bit my lower lip at patay-malisyang ipinaling ang aking mukha sa ibang direksiyon. Mahiya ka nga Clarisse! Ano ka teenager para kiligin sa isang simpleng puri?!

Nagbukas ang pinto ng elevator. Pinauna niya akong lumabas while holding the door for me.

"K-Kumusta ang lakad niyo kagabi ni Scarlet?" tanong ko habang naglalakad kami sa hallway patungong opisina.

"It's fun," tipid nitong sagot nang hindi tumitingin sa akin.

Dumaan ulit ang katahimikan. Mabuti pa ang aming mga sapatos nakakagawa ng ingay kesa sa aming mga bibig.

"By the way..." this time he's looking at me while talking. "We met your husband at the bar last night."

Bigla akong natigilan sa paglalakad. My heartbeat started to race. "W-We?...S-Sinong we?"

"Scarlet and I," kunot noong sagot nito.

He stopped and waited for me to take steps but I remain motionless. Ramdam ko ang unti-unting pagkawala ng kulay sa aking mukha.

"Attorney are you alright?" He patted my shoulder.

"A-Anong n-nangyari sa pagkikita niyo?" natutulalang tanong ko.

"Nothing much," he shrugged. "I introduced Scarlet to him."

"Pagkatapos?... Did Pierce do something weird?"

Tumahimik ng ilang saglit si Lance as if he's hesitating to answer. He stared at my eyes while swallowing hard. "N-No. H-He was lightly chatting and drinking moderately with friends."....

                                       ----

Dumaan ang maghapon na iwas at malamig ang trato ni Lance kay Clarisse. Pati mga kaopisina'y nagtataka sa pag-iiwasan ng dalawa. The two are acting like their playing some sort of game. Pinapadaan muna ni Clarisse sa secretary ang mga gustong sabihin kay Lance o di kaya isinusulat sa post-it at ganoon din ang lalaki sa abogada. Hindi lumalabas ng silid niya si Clarisse unless nasa labas ng opisina si Lance. Gulung-gulo ang mga staff sa kakaibang kilos ng dalawa. Naiisip tuloy ng mga ito na baka ginugoodtime lang sila dahil mukhang hindi naman magkagalit ang mag-amo.

Lance sorted out his feeling. And finally tanggap niya nang nahuhulog nga siya sa abogada. Desisyon niyang habang maaga ay putulin na ito. It's his fault in the first place. He didn't guard his heart and never anticipated that he'd fall for her. Sa laki ng pagmamahal niya kay Scarlet, he trusted himself a lot na hinding-hindi siya mahuhulog sa ibang babae. His only intention for getting extra closer to the attorney was to bring out her real personality para hindi na ito mamisunderstood ng mga taong nakapaligid dito. Pero mukhang kabaliktaran ang nangyari, instead she was the one who brought out another personality in him.

Habang maaga pa lang ay itatama niya na ang nararamdaman. Both of them are committed individuals so these are the feeling na hindi dapat kinukunsinti. He doesn't want to become unfaithful to the woman he loves. And he wants to protect the image of Atty. De Silva too. Ano na lang ang iisipin ng mga tao pag mahalatang interesado sa abogada ang isang lalaking madalas nitong kasama?

Lumapit lang si Lance kay Clarisse nang mag-uuwian na. He entered his office to discuss some matters na hindi niya pwedeng ipadaan sa mga kasamahan. He needed to get a decision sa oras ding yun kaya napilitan siyang kausapin ito. At least he has an excuse para huwag masyadong mahalata sa pag-iwas na ginagawa.

"Yes?" seryosong salubong sa kanya ng abogada pagbungad niya pa lang sa pintuan.

Nauna pang bumilis ang tibok ng dibdib niya kesa sa pagbuka ng kanyang bibig. "A-Attorney I received today thru e-mail the official invitation for the Young Lawyer's Convention that will be held at Subic and they're waiting for your confirmation sa pagiging guest speaker mo."

"Oh my! I forgot about it. Kelan nga yan?" namimilog ang mga matang bulalas ni Clarisse.

"This coming weekend. We'll be staying there for three days starting this Friday."

Natigilan si Clarisse. She and Lance are going out of town and will be staying in same resort?

"I won't attend," she decided hastily.

Napakunot ng noo si Lance. "B-But why?"

He felt a bit disappointed but at the same time relieved. Disappointed dahil hindi na mangyayari ang pinakahihintay niyang out of town kasama ang lawyer. Relieved dahil maiiwasan ang mga pagkakataong maaring lalo pa siyang mahulog dito. But he carefully thought about the decision of the lawyer. If he's going to be objective, malaking kasiraan sa pangalan ng abogada kung hindi ito pupunta. It's also a bad move for her budding career.

"I forgot my gagawin akong importante this weekend," kaswal na katwiran ng babae.

"Mas importante pa kesa convention na to?" he said unconvinced.

"I-It's a family gathering at nakapangako akong pupunta. L-Lagi na lang akong wala sa mga previous gatherings kaya this time hindi pwedeng wala pa rin ako."

Hindi makapaniwalang napangiti si Lance. Her reason was definitely a weak one. "B-But this is a very important event too. Basta-basta mo na lang ba pakakawalan ang chance na ma-boost ang career mo at ang magandang pangalan mo bilang lawyer?"

"Marami pa namang conventions at events na pwede kong puntahan next time."

"Attorney that next time might no longer be as good as this one dahil sira na ang impression sayo ng mga associations. How could you back out on the final minutes? Umoo na kayo sa pagiging speaker niyo and now they just want a formal confirmation. Anong idadahilan ko? Because you have a family gathering?"

Clarisse silenced herself. Kitang-kita sa mukha ng kausap na hindi ito natutuwa sa desisyon niya.

"Ano bang nangyayari sa inyo? I'm hoping I'm wrong... but I couldn't help but notice na medyo hindi niyo na yata pinaprioritize lately ang mga commitments niyo sa trabaho."

She couldn't talk back because he's right. Kung pwede niya lang sanang ipagsigawan sa harap nito na it's all because of him. For being so cautious, hindi niya namamalayang unti-unti niya nang napapabayaan ang trabaho. And right now, she's starting to feel ashame to herself. It looks like her reaching the peak of her immaturity kung pati trabaho ay isasakripisyo niya because of her shallow personal reason.

"Are you going with me in that convention?" walang reaksiyong tanong niya.

Unti-unting nawala ang mga lukot sa noo ni Lance. "O-Of course... it's part of my job."

"Sige I'll attend but in one condition..." ika ng abogada.

"What condition?"

"Isama mo si Scarlet," she said without hesitation.

"B-Bakit naman napasok si Scarlet dito?" nagtataka ngunit napapalunok na sagot ni Lance. Biglang kinabahan ang lalaki. Nahahalata na ba ng attorney na may gusto siya dito? Is she doing her own move to push him away?

"Because I'm aware that lately nawawalan na kayo ng oras sa isa't isa. This is a good chance for the two of you to have an out of town vacation."

At the back of Clarisse's mind, she has two concerns why she wants that woman to join them. Una, para masiguradong hindi siya gaanong pagtuunan ng atensiyon ni Lance. At pangalawa, ikinakatakot niya na habang nasa Subic sila ay palihim uling magkita sina Pierce at Scarlet.

"A vacation?" natatawang bigkas ng lalaki. " Are you forgetting na trabaho ang pupuntahan natin Atty. De Silva? How can I have time para asikasuhin si Scarlet kung isasama ko siya?"

Clarisse crossed her legs and folded her arms. Kalmadong tiningnan niya ang mukha ng di sumasang-ayong kausap. "I'm the one who's only needed in that convention. Huwag kang mag-alala I won't take much of your time. Hindi mo ako kailangang samahan sa venue so you can stay with your girlfriend at the resort. Tatawagan na lang kita in case I'll be needing your help."

"P-Pero attorney..." pagtutol pa ring sambit ni Lance.

Clarisse stood up and cleared her table. "Wala ng pero-pero...If you want me to attend that event, then bring Scarlet with you or else I'll go to my family gathering this weekend," salita niya habang naghahanda nang umalis ng opisina.

Lance took a deep breath. "Fine...I'll talk to her about it..."

"Good. Do your best to convince her. Just consider this as my gift for the two of you. Since it's a business trip, the firm will be paying for all your expenses," she said while wearing her coat.

"I'm going home now. Give me news after you talk to her," she added.

Dumaan si Clarisse sa harap ni Lance at biglang hinawakan ng binata ang braso ng abogada. " Wait...L-Let's leave together.."

Natigilan si Clarisse at napapalunok na napatingin sa nakahawak na kamay sa braso niya. His grip is getting tighter kaya't naasiwang inalis niya ito.

"S-Sorry," he uttered na halatang nabigla sa ginawa.

"I told you not to touch me randomly."

"I know. That's why I'm apologizing."

Umirap si Clarisse at sabay ingus. "Ano pang hinihintay mo dyan, akala ko ba sasabay ka? Hindi ka pa ba mag-aayos ng gamit?"

"Oh sorry I forgot!" sabay balik ng binata sa table nito at dali-daling nag-ayos ng gamit. Lihim namang napapangiti si Clarisse habang pinagmamasdan ang lalaki.
 

Sabay na nilisan ng dalawa ang opisina at pagdating sa harap ng building ay nagpakiramdaman muna ang mga ito bago magpaalaman. Magkatabi silang nakatayo sa tapat ng entrance. Hindi nila napansin kung gaano sila kadikit isa't isa until their arms started to rub each other. No one moved. Parehong tila ayaw pang magkanya-kanyang punta sa kanilang mga kotse. And no one has the courage yet to say goodbye or see you tomorrow.

Natutukso si Lance na hawakan kahit man lamang dulo ng daliri ng babae but he controlled it. And before his heavy breathing turned obvious, tumikhim siya at tumingala sa kalangitan. He's finally ready to part ways subalit nang mapalingon siya sa katabi'y nahuli niya itong nakatingin sa kanya. Her beautiful face suddenly melt his heart and all his courage.

"D-Do you want to have a dinner first?" sa halip ay sabi niya nang hindi inaalis ang pagkakatitig ng seryoso sa abogada.

Clarisse is about to open her mouth....

"Her answer is no."

Nagulat ang dalawa at sabay na napatingin sa sasakyan ni Clarisse na noo'y malapit lamang ang pinagkakaparadahan sa kanilang kinatatayuan. Nakasandal si Pierce sa kotse ng abogada habang nakangisi't nakahalukipkip na pinagmamasdan ang dalawa.

Lance hesitantly took a step away from the lawyer.

"P-Pierce? What are you doing here?" napapatangang sambit ni Clarisse.

"I'm here to pick-up my wife," he replied while glaring at Lance.

" I-I have a car. Bakit kailangan mo pa akong sunduin?" naguguluhang tanong ng babae.

"That's why I didn't bring my car so we can use yours."

Lumapit si Pierce sa kinaroroonan ng dalawa. And Lance noticed how Atty. De Silva's face turned uncomfortable. Pasimpleng umatras ito mula sa papalapit na asawa.

"Nakakagulat naman ata ang bigla-bigla mong pagsundo ngayon. H-hindi mo naman to dating ginagawa di ba?" she said with a fake smile and a humble tone while trying to act nice in front of her assistant.

"Anong nakakagulat? It's very normal for a husband to pick-up her wife after work. Right, Lance?" nakakalokong sambit ni Pierce at sabay akbay nito kay Clarisse. "Let's go, Hon."

Nakaakbay na niyakag ni Pierce ang di makapalag na abogada. Pasimpleng tinatanggal naman ni Clarisse ang nakapatong na kamay sa kanyang mga balikat ngunit sa tuwing ginagawa niya ito ay mas lalo siyang kinakabig papalapit ng lalaki. Hindi niya na muling nilingon pa si Lance upang huwag nitong makita ang napapahiya niyang mukha.

"Give me the car key," utos ni Pierce.

"Ano na naman bang pumasok diyan sa kukote mo at bigla-bigla ka na lang sumulpot dito?!" pabulong na reklamo ng babae.

"I'm gonna take you on a date tonight," Pierce replied confidently.

"Date? Anong date ang pinagsasabi mo. Did I even agree to it?!"

"Bakit naman ako mag-aaksayang tanungin ka kung alam ko namang tatanggihan mo lang ako," ngingiti-ngiting sagot ni Pierce.

Meanwhile, Lance is silently staring at the couple while the husband is opening the car door for his wife. Di niya alam kung nakakahinga pa ba siya. His heart is being wrecked and smashed into pieces. Napakuyom siya ng kamay. Ngunit kahit masakit ang nakikita, buong tapang pa rin niya itong pinagmasdan. He needs to face the reality. This is not the only chance na pwede niyang masaksihan ang ganitong eksena. He must get used to it. Mabuti na rin ang ganito para mas lalo siyang mapaalalahanang mali ang kanyang nararamdaman.

'This is the pain you're about to suffer Lance. Because even the world turned upside down, that woman would still belong to that man.' He reminded himself...

Continue Reading

You'll Also Like

8.9K 156 63
How will you going to do if you going to meet your boss in a meeting because you are a manager of one of the branch of his company and you going to m...
901K 33.6K 49
Sa edad na 22 years old ay nbsb pa rin si Ava. Wala rin syang experience sa dating. Zero ang love life nya. Never been kissed never been touched. Paa...
7.3M 184K 29
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
31.3K 905 28
He suffered an excruciating pain after being hurt by his loved one. He's so broken to the point that he did something new-nature tripping. He promise...