Chapter 19

126K 2.2K 399
                                    

                                     

                                                                       ••••••

CLARISSE

Kanina lang ayokong sumakay ng elevator at ngayong nandidito na ako sa floor ng firm namin, ayoko namang lumabas. My feet are both hesitant to take steps to the hallway. Kinakabahan ako kung papaano haharapin si Lance.

I took a deep breath as I step forward at napaiktad ako nang tumunog ang hawak kong cellphone. Thinking about that guy, eto na nga tumatawag na siya. I've been holding my cellphone since this morning. Pinagtitiyagaan ko talagang hawakan ito kahit pa nakabenda ang isa kong kamay. I'm wondering why he hasn't texted me since I woke up. It's very unlike him.

Nalaman na kaya nito ang tungkol kay Pierce at Scarlet? Did his girlfriend finally couldn't handle the guilt at nagtapat na ito sa kanya? Galit kaya ito sa akin for not telling him what I knew?

Napalunok muna ako ng ilang beses bago sagutin ang tawag. I almost slap myself para matauhan sa wala sa lugar na pagpapanic ko. So what if I didn't tell him? In the first place wala naman akong karapatan manghimasok sa problema nilang dalawa. I shook my head, sighed and cleared my throat.

"Yes Lance?" I answered coldly pero ang totoo ay kinakabahan ako.

"Hi! Attorney good morning!"

Napatingin agad ako sa hawak kong cellphone. Tama bang kay Lance ang masiglang boses na naririnig ko?

"Good morning!" ulit nito nang walang matanggap na sagot.

"Oh yeah good morning!"biglang bawi ko nang maibsan ang pagtataka.

He's okay, so it means he doesn't know yet... My guilt starts to strike again.

"I might be late for office today, I'm here at the university registrar getting my records. Hinihintay ko lang na dumating yung pipirma ng transcripts ko. Pasensiya na attorney inagahan ko nang pumunta dito but unfortunately matatagalan pa rin pala ako," paliwanag nito.

Sa mga panahong ito parang kahit anong pabor na hingin ng assistant ko ay pagbibigyan ko. "No problem. Take your time, hindi naman tayo gaanong busy today," maamong sagot ko. Kaya pala ni wala man lang akong natanggap ni isang text mula dito dahil maaga pa lang ay busy na ito. 

"Ah Lance tutal nandiyan ka na rin lang sa UP, why don't you take the chance to visit Scarlet too," suggestion ko. Taking too much of his time is somehow part of my guilt. Siguro kaya nagkaroon ng pagkakataong magkakilala sina Pierce at Scarlet dahil medyo hindi na napaglalaanan gaano ni Lance ng oras ang girlfriend. He's taking his job very seriously. Nahahawa na rin ata ito sa akin.

Love Me TooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon