Chapter 1

301K 4.4K 194
                                    

                                                             *****

 CLARISSE

I just took a hot shower. Nakasuot ako ng puting bathrobe at binalot ko ng tuwalya ang aking basang buhok. My hand gently wiped the cloudy mirror above the bathroom’s sink. Tinitigan ko ang aking sarili habang may subo-subong toothbrush.

I closely checked my face. May nakikita na naman ba akong bagong maliit na linya sa ilalim ng aking kanang mata? I grabbed an eye cream from the set of toiletries beside me at pinahiran ko ang nagbabantang wrinkles. I should take good care of my face dahil isa na lamang ito na sa mga natitirang dahilan kung bakit may mga tao pang pumupuri sa akin.

I sighed deeply and thought about my age. Clarisse Fiona De Silva, you're 29 years old already. I reminded myself once again. Ika nga, isang tulak na lang ay mawawala na ang edad ko sa kalendaryo. Ilang hakbang na lang, nasa borderline na ng pagiging old maid.

Ngumiti ako nang matamlay sa mukhang gumaganti ng mga titig sa akin. Ito ang mukhang pinupuri ng karamihan ngunit siya ring nagiging point of comparison sa aking pag-uugali. Sabi nila kung gaano daw kaganda ang hitsura ko, ganun din daw kasama ang ugali ko. People see me as a monster woman who happens to have an angelic mask. Maaliwas ang hitsura ngunit nakakatakot kasama. Sabi nila wala daw magtatagal na sinuman sa tabi ko because of my horrible personality. They said I've got an intolerable attitude problem.

I always receive unfair prejudices. Mga panghuhusgang tahimik ko na lang na tinatanggap dahil anuman ang sabihin nila... alam ko kung sino ako.

Matapos makipagtitigan sa aking sarili, itinuloy ko ang pagsisipilyo. I went out of the bathroom and walked directly to my walk-in closet. The room is filled with expensive clothings. Buying clothes is one of my stress reliever pati na rin ang pangongolekta ng mga bag, sapatos at accessories. Eyeglasses is one of the accessories I collect.

Ngunit sa kabila ng pangongolekta ko, kahit ako mismo ay napapailing sa aking taste. Inspite of many clothes hanging in my closet, iilang istilo at kulay lang ng mga damit ang meron ako. There’s a hanger rack kung saan lahat kulay itim na mga coats lang ang nakasabit. And next to them are the pencil skirts na pawang mga dark colored din lamang. Iba pa sa karamihan na meron ako sa closet na ito ay mga plain long sleeves, white polo shirts, itim na slacks pants, body fit cotton shirts at mga maong na pantalon. I want to fill my closet with styles and colors too but whenever I go shopping, I always end up buying the clothes I’m comfortable to wear.

Tiningnan ko ang istante ng aking mga sapatos. Most of the shoes have the same style too. Black closed heels. And the bags? They have different brands, pero halos iisa rin lang ang design. A type of handbags kung saan kaya kong isalaksak kahit isang buong folder.

I went out of my closet holding a white long sleeve, black coat, black skirt and a pair of black high heels. Ipinatong ko sa kama ang mga damit habang ingat na ingat na huwag ang mga itong magusot. Inilapag ko naman ang bitbit na sapatos sa sahig. I blow dried my hair. I put on my clothes. Umikot-ikot ako sa salamin at nang makuntento na ako sa hitsura ko, I sat on the dresser.

Love Me TooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon