Almost, But Not Quite (COMPLE...

By beeyotch

29.1M 1M 498K

From strangers to friends. From friends to close friends. From close friends to lovers. When Joey met Psalm... More

About The Story
Beginning
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Epilogue (Part 1)
Epilogue (Part 2)

Chapter 36

474K 19.6K 13.4K
By beeyotch

#ABNQ36 Chapter 36

Psalm was biting his lower lip so hard na medyo nagworry ako na baka dumugo na iyong labi niya. Pero at the same time, gusto ko ring matawa... Ganito ba kiligin si Psalm? Sobrang halata na pinipigilan niya kasi ang daming tao, e.

"Balik ka na dun..." I said. The game was about to start and I also could hear his brothers calling his name.

"But you're serious, right?" ulit niya.

I rolled my eyes. "Oo nga," sabi ko kasi kanina pa kami paulit-ulit. Tanong siya nang tanong kung seryoso daw ba talaga ako at hindi nagjojoke. Mag-e-effort pa ba akong pumunta dito at isuot iyong varisity jacket niya (for the entire school population to see) kung hindi ako seryoso?

"Alright..." he said, nodding his head. He took a step back, but his eyes were still on me. Like he was afraid that I'd vanish if he blinks.

Natawa ako. "Go," I said. "Tinatawag ka na nila," sabi ko kasi ngayon, coach naman nila iyong tumatawag sa pangalan niya. Psalm didn't even turn around nung sinigaw ng coach iyong Gomez de Liaño. Pati number niyang #16 sinigaw na rin ni Coach, pero diretso pa rin sa akin iyong tingin ni Psalm.

"We'll talk. After the game."

I nodded. "Yes."

"You'll wait for me."

I nodded again. "Yes."

He still stared, not minding that his coach was already sounding mad dahil hindi siya pinapansin ni Psalm. Ang pasaway din ng Broccoli na 'to.

"Stay where you're seated," he reminded.

"Opo," sabi ko kasi parang si Papa na siya na maraming bilin. Sinabi na nga na naiintindihan ko pero ang kulit.

He groaned. "Don't use opo. It's dangerously distracting," sabi niya. Inirapan ko na lang siya. Mabuti na lang at maingay dito sa gym kaya wala masyadong nakakarinig ng mga lumalabas sa bibig niya. "I'll see you later, okay?" he asked again. I nodded. "Okay?"

"Oo nga, ang kulit. Bumalik ka na 'dun at baka magbago na talaga ang isip ko sa kulit mo," sabi ko. Natakot yata kaya tumakbo na pabalik sa bench nila. Pagbalik niya, kitang-kita ko na pinapagalitan siya ng coach nila pero ang magaling na Broccoli, naka-ngiti lang kahit halos mapatid na iyong litid ng coach nila kakasigaw sa kanya.

I shook my head while smiling. Bumalik na ako sa pwesto namin ni Kitty. She was eyeing me pagbalik ko.

"So... kayo na?" she asked.

I shrugged. "Maybe? I don't know. We'll talk about it after the game," I replied. Kitty just nodded, not saying anything at all. It kinda freaked me out because she's usually very opinionated about things like this. But right now, she looked like she's pondering on something.

But I didn't ask her. This thing with Psalm, I wanted this to be easy. I chose this to be easy. I promised I wouldn't overthink things, and for once, just try to enjoy things.

When the game officially started, I quietly sat there and watch. The game was good, but my eyes mainly were just watching the running Broccoli on the court. Kahit 'di talaga ako mahilig sa basketball, napapapalakpak ako tuwing nakaka-shoot si Psalm. At tuwing ang lakas ng sigaw at palakpak para sa kanya, naiisip ko kung ano ba ang nagustuhan niya sa 'kin? Because frankly, he could get whoever he wants.

I mean, he's a Gomez de Liaño for crying out loud!

"Ayos ka lang?" I asked Kitty who remained silent during the entire game. I was just worried baka may iba siyang iniisip.

She shook her head, and smiled. "Okay lang. Napuyat lang ako sa binasa ko kagabi," she said, then showed me her usual grin. "So... aalis ba tayo after the game or may date kayo ni Psalm?"

Bigla akong namula sa tanong niya. It felt... weird?

"H-ha?" nauutal kong tanong kasi hindi ko talaga alam kung paano sasagutin. I mean, do I say yes? Do I say no? Paano ba? Hindi ako sanay sa ganito kasi dati pumupuslit lang naman kami ni Steele.

Kitty laughed. "Cute mo," she said. "If may date kayo, okay lang naman. Gusto ko na rin umuwi kasi inaantok na ako, e," she said, then yawned. Medyo gumaan iyong loob ko kasi akala ko talaga may problema siya sa amin ni Psalm.

Sasagot na sana ako nang marinig ko na may tumawag sa akin.

"So... that's my cue," Kitty said, looking behind me. Hindi pa man siya nagsasalita, alam ko na agad kung sino iyong nasa likod ko. Mabilis akong napahawak sa dibdib ko. Ramdam ko iyong unti-unting pagbilis nito dahil lang alam ko na nasa malapit siya.

Nang makaalis si Kitty, tumalikod na ako. Nakita ko si Psalm sa harap ko.

"May awarding pa," I said. Nasa gitna kasi ng court iyong mga players tapos iaannounce na kung sino iyong MVP pati part ng Mythical Five. Tapos itong lalaking 'to, nandito.

"It's fine. Can we talk now?" sabi niya.

Biglang tinawag iyong pangalan niya. Part pala siya ng Mythical Five.

"Pumunta ka nga 'dun!" sabi ko sa kanya kasi dalawang beses na tinawag iyong pangalan niya, pero walang pumupunta sa gitna para kunin iyong trophy. Ang kulit nito!

Psalm groaned again. "Fine. But I'll be back."

I nodded. "Oo nga. Dito lang ako. Promise," I said, even raising my hand para maniwala na siya. May pagdududa pa rin sa mga mata ni Psalm, pero napilitan na siyang bumalik sa court dahil mukhang bibigyan niya na talaga ng atake sa puso iyong coach nila.

Utak broccoli talaga.

I watched as Psalm jogged back to the court. Inabot sa kanya iyong trophy tapos tumayo sila sa gitna. Saint got the MVP award, and it was well-deserved. Grabe rin kasi talaga si Saint maglaro, akala mo doon nakasalalay ang buhay niya.

After the quick picture taking, nakita ko na naman si Psalm na naglalakad pabalik sa pwesto ko. Nag-aalisan na iyong ibang mga tao. Iyong iba naman, nagpapapicture sa mga players. I could even see some girls approaching Psalm para magpapicture. Gusto kong matawa kasi halata sa mukha ni Psalm na conflicted siya kung papayag siya o pupuntahan niya agad ako. But since he's Psalm, he agreed to take pictures first.

"Sorry, I got sidetracked," he said. There were still sweat beads on his forehead, and it was awfully cold inside the gym. Baka magkasakit siya. I got the towel inside my bag, and handed it to him.

"Punasan mo 'yung pawis mo, baka magkasakit ka," I said.

Instead of immediately getting the towel from my hand, naka-tingin lang siya sa 'kin. Tapos halata na nagpipigil ng ngiti.

"Ano?" tanong ko kasi naka-tingin lang talaga siya sa 'kin. Tapos ayaw pang kunin iyong towel. Kapag talaga siya natuyuan niyan ng pawis! Malapit pa naman na iyong finals kaya bawal na magkasakit.

"Nothing..." he said, finally getting the towel from my hand. "It just feels nice to have someone take care of me."

I pursed my lips kasi ang epal niya. "Di ka ba inalagaan nung bata ka?"

Psalm frowned. "Tss," sabi niya tapos pinunasan na lang niya iyong pawis niya. Pinigilan kong matawa kasi halata na frustrated siya sa 'kin. Kasi naman... ewan ko. Gets ko naman na mutual iyong feelings namin, pero it's still weird.

It's weird to say sweet things to him.

To Psalm.

To someone who used to be just my friend.

I still couldn't comprehend what exactly changed.

"Psalm," biglang tawag ng isang teammate niya sa kanya. "Pool Club later," he continued. Psalm just nodded, then looked back at me.

Biglang lumitaw sa isip ko iyong huling party na nakita ko si Psalm. Iyong may kasayaw siyang iba. Iyong may Kath na sumasayaw pababa sa kanya.

Alam ko biglang sumama agad iyong itsura ko.

"Hey, what's wrong?" he asked.

Umiling ako. Ano naman ang sasabihin ko? Na ayaw kong pumunta siya sa mismong Victory Party nila kasi baka kung sino na naman sayawan niya? Sabi pa naman ni Matt grabe si Psalm kapag nalasing.

Tinignan ko siya nang mabuti.

"Nothing," I replied. I tried to smile, but maybe it came out as a grimace because now, Psalm looked genuinely concerned about me. Ayoko naman sabihin na ayoko siyang papuntahin kasi parang sobrang immature naman nun. At saka parang sobrang wala naman akong tiwala sa kanya?

At saka ayokong maging girlfriend na pinagbabawalan sa lahat iyong partner nila. Kasi kahit ako mismo, ayoko na pagbawalan ako ni Psalm sa mga gusto kong gawin.

"Are you sure?" he asked.

I nodded, though the image of a drunken Psalm dancing with someone else kept on flooding my mind.

* * *

Psalm quickly changed first bago kami umalis. We were delayed for a little while dahil naharang ng mga babae si Psalm nung papalabas kami. I kept on inhaling deep breaths habang kung saan-saan hinahawakan si Psalm nung mga babaeng nagpapapicture sa kanya. I kept on reminding myself na 'wag akong parang tanga.

"Where do you want to go?" he asked.

I shrugged. "Di pa namn ako gutom. Saan mo gusto?"

"I'm good whenever you wanna go, Joey," he said, his hands gripping on the wheel.

"Saan mo ba gusto?" I asked kasi hindi naman talaga ako nagugutom. Siya 'tong nagtatakbo sa court kaya malamang siya iyong gutom.

He shrugged. "Anywhere. You're the boss," he said.

"So, ganito? Ako ang masusunod palagi?" I asked, arching my brows because he's being ridiculous. Pipili na lang ng kakainan, e!

Bumaling si Psalm sa akin. He was looking at me... intently. I shifted on my seat because of the way he was looking at me. Na para bang gusto niya akong tunawin.

"I told you. I just need you with me. I don't care about anything else anymore."

I bit my lower lip so hard to stop myself from smiling. Ang ewan! Nakakainis! Bakit sa kanya parang ang dali lang magsabi ng ganito? Bakit ako feeling baka maiyak muna ako sa harap niya bago ako makapagsabi ng mga ganoong bagay?

We originally went to a samgyupsal place, pero nakita agad namin si Saint pati iyong girlfriend niya kaya lumipat kami ng ibang kakainan. Ang awkward kasi seryoso yata iyong pag-uusapan namin ni Psalm, so we both preferred to go somewhere na wala kaming kakilala.

"Mamaya na tayo mag-usap. Kumain ka muna," sabi ko sa kanya. And like a kid, Psalm nodded and began eating. Tahimik lang siyang kumakain habang patingin-tingin sa akin na para ba talagang mawawala na lang ako bigla.

After he was done eating, we both just stared at each other.

"You said we'll tell our friends," panimula niya. I nodded. "When?"

"Hindi ko alam. Kailan mo ba gusto?"

"I just want you comfortable with every decision we'd make," sabi niya. Nakagat ko na naman iyong ibabang labi ko dahil sa sinabi niya. We'd make. May we na pala talaga.

I nodded. "Uhh... sasabihin na ba agad natin? Pwedeng next week na lang?"

He nodded. "Yeah, of course," he replied. "Anything else you want to say? Or to make me do?"

I bit my lower lip, and stifled a laugh. "Grabe, para namang alipin kita d'yan sa pagsasabi mo."

An amused expression was on his face. Nasa ibabaw ng mesa iyong kamay ko. Halos tumalon mula sa dibdib ko iyong puso ko nang abutin niya iyon, at saka hawakan.

"Joey..." malambing na sabi niya. Slowly, he intertwined our fingers, and I could do nothing but to watch it. My heart was being wild inside my chest. My heart felt like bursting with emotion with just this simple gesture.

"I know you're not used to this, but thank you for trying," sabi niya habang hawak ang kamay ko. "I won't force you to do things, but let me do things like this with you."

Iniangat ko iyong mga mata ko, at sa kanya naman tumingin. I still couldn't believe that this was happening. That I was with Psalm. Si Psalm na hindi ko masyadong kinakausap nung first year kami kasi akala ko hindi marunong magsalita ng Tagalog. Iyong iniiwasan ko dati kasi parang mayabang pero hindi naman pala. Iyong lalaki na kahit hindi kami sobrang close, hindi nakakalimot bumati at magbigay ng regalo tuwing birthday ko.

It's amazing how far we've come.

"We'll do this one step at a time. For now, let's just hold hands... Is that okay?"

I nodded, feeling my face flushed. "O-okay."

* * *

We finished at about 8:30. Hinatid ako ni Psalm sa bahay. Mabuti na lang wala sila Papa dahil nasa trabaho pa yata. Though Jax saw Psalm's car dahil kakauwi niya lang galing school.

"You want me to talk to Jax?" Psalm asked.

Umiling ako. "No, ako na. At saka may pupuntahan ka pang ano 'di ba... 'Yung victory party?" sabi ko kahit parang ang pait sa dila nung salitang victory party.

"I can ditch," he said.

"Parang tanga 'to. Ikaw kaya captain."

"I'm their captain, but you're my captain," he said, staring directly at my eyes.

Kinurot ko siya bigla. "Ang ewan mo!" sabi ko habang pinipigilan na naman iyong sarili ko na mangiti sa sinabi niya. Ang ewan talaga! Daming alam!

"But seriously, I can ditch the party... Or you want to come with me?" he asked. Mabilis akong umiling. Pag pumunta ako doon, panigurado mababadtrip lang ako sa dami ng babae na magpapapansin kay Psalm. Tapos kapag nabadtrip ako, baka mabadtrip din si Psalm. Ayoko naman na sirain iyong gabi niya kasi champion sila sa basketball.

"No, ayos lang ako. Enjoy ka," I said, smiling this time. I wanted Psalm to enjoy. He deserved that. I should work on my own issues, and not ruin Psalm's night. Besides, if I couldn't trust him, ano'ng sense na magkasama kami? Palagi lang ba akong mapaparanoid tuwing wala siya?

"Alright," he said. "I'll pick you up tomorrow?"

"Baka may hangover ka," I said.

"I won't drink," he said.

I frowned. "Uminom ka kung gusto mo. Just because we're together now, 'di mo na gagawin 'yung mga gusto mo. Ayoko ng ganon."

Psalm bit his lower lip, fighting a smile. "Yes, Cap."

I rolled my eyes. "Tss. Sige na. Enjoy ka. If nalasing, 'wag magdrive pauwi."

Psalm insisted on waiting until I get inside bago siya nagdrive paalis. I told him not to text me while he's driving. Pagpasok ko sa loob, agad kong nakita si Jax.

"What?" sabi ko dahil naka-tingin siya sa 'kin.

Umiling siya. "Nothing. Tulog ka na."

Pag-akyat ko sa kwarto, sinubukan kong matulog. Sobrang sinubukan ko talaga kaya lang hindi ako maka-tulog! Para bang palabas na laging nagfa-flashback sa isip ko iyong nangyari dati. Na may kasayaw si Psalm. Na baka may kausap na naman siya sa fire exit.

Paano kapag nandun si Kia?

Paano kapag nandun si Kath?

Paano kapag may bagong letter K?

"Ugh!" I said, rolling on my bed dahil hindi talaga ako makatulog! Naupo na lang ako. I tried watching FRIENDS para kahit papaano e mahimasmasan ako. I tried to entertain myself, but at around 3am, I finally gave in.

"Aalis ka?" sabi ni Jax. Nasa sala pa rin pala siya, at nag-aaral.

I nodded. "Yeah..." I said, getting the keys from the holder. "Wag mong sabihin kay Mama, ha?"

"San ka pupunta?"

I sighed. "Sa Pool Club. Sisilip lang ako tapos uuwi agad ako."

Natawa si Jax. "Paranoid," he said, then walked towards me, and got the key from my hand. "I'll drive."

"Seryoso? Nag-aaral ka pa, e."

"It's alright. Bibili na rin akong kape," sabi niya tapos lumabas na kaming dalawa. I was grasping on my phone while we were on the way. Kanina pa iyong huling text sa akin ni Psalm na nasa Pool Club na raw siya. I told him to enjoy, and to stop texting me tapos hindi na nga nagtext!

Pagdating namin doon, I frowned dahil ayaw akong papasukin nung guard. By invite lang daw kasi iyong party kaya hindi ako pwedeng papasukin. I tried calling Psalm, pero cannot be reached na siya ngayon. Sila Matt naman, hindi sumasagot.

"Baka umuwi na," Jax said, trying to pacify me.

"Paano kapag wala?"

"Tignan muna natin. Ang paranoid mo," sabi ni Jax bago nagsimulang magdrive papunta sa bahay nila Psalm. Pagdating namin doon, naharang na agad kami ng sandamakmak na guards sa bahay nila.

"Uh, Joey po—"

"Cleared na po kayo, Ma'am," naka-ngiting sabi nung guard. Kumunot agad iyong noo ko dahil dati naman, nagbibigay pa kami ng ID tuwing pupunta dito kasi nga grabe talaga security. "Dinagdag na po kayo sa list, Ma'am. Congrats po sa inyo ni Sir Psalm. Mabait po 'yun."

Napaawang iyong labi ko.

"Part of the family ka na pala," nanunukso na sabi ni Jax habang automatic na bumubukas iyong gate. Pinigilan ko na lang iyong sarili ko kasi... gosh, Psalm Christian! Wala pa kaming one day, pero kung anu-ano na pinaparamdam niya sa 'kin!

Paghinto ni Jax sa harap ng pinto, huminga ako nang malalim.

"Paano kung wala siya dito?" kinakabahang tanong ko. Jax looked like he's about to drop some bomb of truth again kaya mabilis na akong lumabas sa sasakyan. Naglalakad pa lang ako papunta sa pintuan, nagulat ako nang lumabas si Psalm. Mabilis na napaawang iyong labi niya.

"Joey?" sabi niya tapos kinusot pa iyong mga mata niya. Mabilis siyang napa-tingin sa relos niya. "What are you doing here?"

I stood in front of him, my hands slightly shaking.

"Sabi mo ako 'yung masusunod, 'di ba?" I asked, and he nodded. "Okay lang na magparty ka, pero isama mo ako. O kapag hindi ako, basta kasama mo sila Matt. O basta magparty ka, pero magtext ka naman, bwisit ka! Mamamatay na ako kakaisip kung may sinasayawan ka na naman!" mabilis na sabi ko na halos maubusan na ako ng hininga dahil gusto ko na talagang ilabas lahat.

Psalm's lips parted, but a smile quickly dawned on his face. "God, Joey, you're really making me crazy," he said, then pulled me in a hug... na agad naputol dahil nagulat kaming pareho nang biglang bumusina si Jax. 

Continue Reading

You'll Also Like

10.3M 499K 63
Karaminah Viel Trajano has always been told that she's... peculiar. She just doesn't like the things that girls her age are expected to like. But she...
6.7M 136K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
1.6M 78.4K 18
(Yours Series # 3) Kelsey Fuentes thought that after her failed experience in marriage, she would never dare try again. She was contented with her wo...
156K 595 23
Full name | Nickname | Lover | Children. • Game Series | 𝐋𝐚𝐰 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 • Yours Series | 𝐌𝐞𝐝 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 • Just Trilogy • Gomez de Liaño Ser...