The Ice Breaker [COMPLETED]

By keizaki56

56.9K 1.3K 403

Follow Ice , an easy-go-lucky boyish gal as she experience the ups and downs of love and life . *WARNING : If... More

The Ice Breaker (On-Going)
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
SP

Chapter 40

1.1K 26 7
By keizaki56

*

Nagmamadali akong lumabas ng unit ko kahit hindi pa ako nakakapagsuot ng sapatos . Hindi pa naka tali ang sintas kaya mabilis na natapid ako saktong paglabas ko ng pintuan . Nagmamadali ako kasi late na naman ako as usual . Mahuhusay na naman ako kay Sir Greg . Speaking of that guy , hindi pa sila masyadong ok ni Karing . Buti na lang mali lang ang intuition ni Karing na may ibang girlfriend kuno si Sir Greg . Hindi naman pala totoong kinakaliwa sya nito , naging OA lang talaga sa pag rereact si Karina .

"Aray , naknampuchupuchu !" sambit ko nang bumagsak ang katawan ko sa sahig .

Saktong nagbukas ang pintuan ng kabilang unit at iniluwa noon si Chester . Tumingin ito sa gawi ko .

"Ano - - -" pero hindi pa ako nakakatapos sa sasabihin ay iniiwas na nito ang tingin sa akin at akmang aalis na .

"Oyy , wait ! Chester , saglit !" Kelangan ko syang makausap , kasi may pasa na naman ang mukha nya . Ano bang problema ng batang ito ? Puro sya pasa ! Tumayo ako nang tumigil sya sa paglalakad .

"Chester , anong nangyari sa mukha mo ?" seryosong tanong ko . "Nakikipag bugbugan ka ? Bakit ganyan ang hitsura mo ?" humarap ako sa kanya kahit hindi sya nakatingin sa akin . Kahit late na ako , wala na akong pakealam . Mas seryoso akong malaman kung anong nangyayari kay Chester .

"Wala . Sige , mauna na ako ." sabi nya . Tumalikod na sya para umalis pero hinabol ko sya at hinarang ko ang sarili para hindi sya makaalis .

"Chester , anong nangyari sayo ? Sabihin mo sakin , please ." sabi ko .

Tumawa ito pero halata mo na hindi yun genuine . Hindi umabot sa mga mata nya .

"Kuya , you're making this hard for me . Diba ikaw mismo ang nagsabi sakin na itigil ko na itong nararamdaman ko para sayo ? Masunurin akong bata e , kaya kahit hindi ko maintindihan kung bakit gusto mong itigil ko ito , tina-try ko . Kasi ayokong sabihin mo na napaka selfish ko . Kaya kahit gaano kasakit , dumidistansya muna ako sayo . Pero ngayon , lalo mong ginagawang mahirap para sakin to e . Sadista ka rin talaga e , no ?"

Nagulat ako sa mga sinabi nya kaya hindi agad ako nakapag salita . Napahiya ako kasi tunay naman lahat ng sinabi nya . Ako nga naman ang may gusto nito . Sinabihan na rin ako ni Cherish na lumayo na rin ako sa kapatid nya habang maaga pa pero ano ito at ako pa ang lumalapit ? Eh kasi naman , concerned lang talaga ako sa kanya . Hindi ko naman mapigilan yun e ! Hello , puro pasa ang mukha nya at putok ang labi nya , anong hindi ko ipag aalala dun diba ?

"S-sorry ." sabi ko at umalis sa daraanan nya .

Ngumiti ito nang mapait . "Sorry na naman ? Di bale , dyan ka magaling e . Sa kaka-sorry pero paulit ulit naman akong nasasaktan . Alam mo kung ano ka Kuya ? Hindi ka lang basta bastang klase ng yelo . Dry ice ka ! Alam mo yun ? Yung tipong pag napadikit ako sayo , ang lamig lamig ng pakikitungo mo lagi . Pero pag aalis na ako sa tabi mo , masakit naman ! Naiintindihan mo ba ako ? Sana nagegets mo kung ano ang nararamdaman ko ngayon . Kaya kung pwede lang , kung wala ka rin lang namang matinong gagawin , wag ka na makealam sakin . Ok ?"

Napatango na lang ako . Hindi ko na nagawang magsalita . Since kasi nung sabihin nya sa akin ang nararamdaman nya , ngayon lang ulit kami nakapag usap .

Pinigilan ko ang pagsunod ng tingin ko sa papalayo nyang pigura . Nanatili akong nakayuko . Kinagat ko na lang ang ibabang parte ng labi ko dahil naiiyak na talaga ako . Akala ko magiging madali ito pero bakit ganun ? Habang tumatagal , lalo akong nasasaktan . At ang mas nakakainis , ngayon , hindi ako lang ang nasasaktan . Nakakasakit na rin ako ng iba .

Bumuntong hininga ako pero tumulo pa rin talaga ang luha ko . Lintek , naiirita ako sa nangyayari . Hindi ko na alam ang gagawin ko . Hindi , hindi dapat ako magpadala sa emosyon ko . Nakapag desisyon na kaya ako . Kaya kong panindigan to !

***

"Ok ka lang po ba ?"

Ngumiti ako . "Actually Bev , hindi e ."

Tinawagan ko kanina si Bev at sinabi kong gusto ko syang makausap ng personal kasi kinakain na ako ng konsensya ko . Hindi ba dapat si Chester ay para kay Bev ? Baka kasi isipin ng batang ito na inahas ko sa kanya si Chester pag nalaman nya pa sa iba ang nararamdaman ni Chester para sakin . Mas maige na sa akin nya malaman ang totoo . At least nagging honest ako sa kanya .

Kumunot ang noo nito . "Anong problema , Kuya Ice ?" sabi nito at ipinatong na sa table ang in-order nitong pagkain .

Uminom muna ako ng soda bago ako nagsalita ulit . "Bev , tungkol ito kay Chester ."

Tumango ito . "Ok po . . . Anong meron sa kanya ?"

Ito na . Sasabihin ko na sa kanya . Kaya ko to . . .

"Ano kasi , Bev . . . Noong isang linggo kasi . . . Si Chester , may sinabi sa akin e ."

Tumango ulit ito at matamang nakinig sa akin habang kumakain ng burger .

"Ano . . . Sinabi nya sa akin na ano . . ."

"Wait . . . Sinabi nya na sayo ?" sabi nito bigla .

"Ha ? A-alam mo na ?" Kahit ako ay nagulat . Teka , baka naman mali ang iniisip nito . "Alam mo na sinabi nya sakin na g-gusto nya daw ako ?"

Kumunot ang noo nito . "Yun lang ang sinabi nya ? Sure ka Kuya ? Sure ka ang sabi nya ay GUSTO ka nya ?"

Ako naman ngayon ang naguluhan . Bakit parang walang bahid ng galit sa mukha nito ? bakit parang hindi ito nagulat man lang sa sinabi ko ? I'm not getting this . . .

"Bev , hindi ka galit ? Bakit parang okay lang sayo ?" nagtataka kong tanong .

Patuloy pa rin ito sa pag kain . "Uhm . . . bakit naman ako magagalit ?"

Lalong kumunot ang noo ko . "Ha ? ? ? Anong ibig mong sabihin ? Diba nililigawan ka ni Chester ? Diba may mutual understanding na kayong dalawa ?"

Bigla itong tumawa . Teka , anong nakakatawa ? bakit parang ako lang ang hindi nakaka gets sa nangyayari ? Ano bang meron ?

"HAHAHA ! Kuya Ice talaga , ang manhid mo pala talaga ! Gosh , kaya pala hirap na hirap si Chester sayo ! Whew ! Lupet !"

"Haaa ? Ano ?" Naguguluhan na talaga ako sa sinasabi nya .

Ipinatong muna nito ang pagkain sa table bago nagsalita ulit . "Kuya Ice, making kang mabuti sa akin ok ? Wag kang mag cut in . Ako muna ang magsasalita kasi halatang hindi mo maintindihan e . HEHE . Ok ?"

Tumango ako . "Sige ."

Tumikhim ito . "Kuya Ice , NEVER akong nagustuhan o niligawan ni Chester . NEVER nya akong sinabihan na gusto nya ako o crush nya ako or what . It has always been YOU . Simula sa simula pa , since makilala ka nya , bukambibig ka na nya sa school . Isa ako sa mga very few trusted friends ni Chester sa school na lagi nyang nakakasama . Kaya I know all about you ever since ; kasi nga ikaw ang bukambibig noon . Lalo na noong ma-publish mo na ang Kiss Angel . Sobrang proud sya sayo noon sa school at ipinagmamalaki nya na kapitbahay nya daw ang author noon . Inaasar ko na sya noon pa , ang sabi ko crush ka siguro ni Chester kasi nga lagging ikaw ang bida sa mga animated stories nya . Pero noong una dine-deny nya . Natutuwa lang daw sya sayo . Pero sa huli , inamin nya na na-realize nya daw na matagal ka na pala nyang gusto . Tanga lang daw talaga sya kasi hindi nya agad na-realize yun . Kaya nga ang saya ko nang malaman ngayon na sa wakas , nasabi nya na sayo ang matagal nya na dapat sinabi ."

Nakanganga ako nang matapos mag explain si Bev . WTFH ?

"Kuya Ice, ok ka lang ? Bakit natulala ka na dyan ?"

"Ano . . . Seryoso ka ba sa sinasabi mo ?" In a daze pa rin talaga ako . Parang ayoko maniwalang matagal na syang may gusto sa akin at hindi pa matanggap ng sistema ko na hindi naman nya pala gusto si Bev .

Ngumiti si Bev . "Kuya Ice , he's been struggling with his feelings for a while . Natatakot lang syang sabihin sayo kasi parang iba naman daw kasi ang preference mo . Akala nya kasi nainlove daw sya sa isang lesbian . Kaya natakot sya . Pero nang sabihin nya sa akin na magpanggap akong "crush" nya para makita nya ang reaction mo , na-realize nya daw na babae ka at nagka hint sya na baka may pag asa sya sayo dahil sa nakita nyang reaction mo ."

Feeling ko sasabog ang utak ko dahil sa information overload ! Totoo ba tong mga sinasabi ni Bev ? Shit na malagkit naman !

"I'm so happy for him na nasabi nya na sa wakas yung feelings nya sayo . Kamusta naman pala ? Kayo na ba ? Wala kasi akong balita sa kanya these days kasi hindi ko pa sya nam-meet ulit tapos hindi nya naman ako nirereplyan pag nagtetext ako or nagc-call ."

Tumungo ako . "Actually , sinabi ko sa kanya na itigil nya na lang yung nararamdaman nya para sakin ."

Nanlaki ang mga mata nito . "Hala ! Bakit po ? Hindi mo ba sya gusto ? As in kahit konte walang chance ? Halaaaa ! Kawawa naman syaaa !" sabi pa nito .

Nagkibit balikat na lang ako . "Feeling ko ok lang yun , Bev . Isa pa , bata pa sya masyado at baka akala nya lang gusto nya ako pero baka nac-confuse lang sya . Baka hindi nya talaga ako gusto . . ."

Tinitigan ako ni Bev . "Kuya Ice , believe me . . . Hindi ka nga gusto ni Chester . Hindi din yanang sinabi nya sa akin e . . ."

Ngumiti ako . "Sabi na . Naguguluhan lang siguro yun . . ." Takte ang sakit ,hindi pala tunay ? Ano ba talaga !

"Kuya Ice , hindi ka daw nya gusto . MAHAL ka daw nya ."

***

Kahit pa birthday ko ngayon , hindi pa rin ako mapakali . Si Chester pa rin ang nasa utak ko hanggang ngayon . Lalo na nang sabihin sa akin ni Bev noong isang araw lahat ng tungkol kay Chester .

"Oyy , bakit ang smug ng mukha mo ? Adik neto , hindi mo ba gusto yung party prep ko ? HEHE !" sabi sa akin ni Kuya Andrew .

Ngumiti ako . "Maganda naman e . Pero syempre kasi , wala pa sina Lola diba ? Mamaya pa daw kasi sila makakarating e . Thank you pala Kuya ha ?"

Inakbayan ako nito . "Anything for you , bro . Medyo kulang lang sa fun kasi wala pa si Mama . Na extend pa kasi yung stay nya dun e, badtrip ."

"Ok lang yun Kuya . Masaya kaya ako kasi at least ikaw nandito ."

Ngumiti ito at ginulo ang buhok ko . "Uyy , drama queen . May maganda daw na gift si Mama sayo . . ." Biglang nag ring ang cellphone nya . "Ay wait ha ."

Tumango ako at sinagot nito ang call . Biglang nagbago ang expression sa mukha nito . Biglang napalitan ng worry at anxiety ang kaninang masayang attitude .

"Kuya , bakit ? Ok ka lang ba ?"

"Ice , I'll be out for a moment . Mabilis lang , promise . Naaksidente daw kasi yung tropa ko , you know , Lyle , right ? Nag drunk-driving ang gago , naaksidente tuloy !Kritikal daw sya e , I have to go , pero babalik ako agad promise !"

Tumango ako . "Oo Kuya , puntahan mo na ang tropa mo , ok lang ako dito . Sana maging okay sya ." Tumango ito at hinalikan muna ako sa noo bago umalis .

Nilapitan ako ni Karina at Kuya Baste .

"Girl anong meron ? Bakit nagmamadaling umalis si Papa Andy ?" Tanong ni Karina sa malakas na boses . Ang gaga , nagpaparinig talaga kay Sir Greg e . Hindi pa rin talaga sila okay kahit alam na ni Karing na hindi naman tunay yung bintang nya kay Sir Greg . Loka talaga .

"May naaksidente daw na tropa e ." sagot ko .

Tumango si Karina .

"Eh bakit pati ikaw parang apektado ? Tropa mo rin ? HAHA !"

Sarap talaga pektusan ni Kuya Baste kahit kelan . "Hindi ! Nakiki simpatiya lang ! Walangya ka talaga kahit kelan !" naiinis na sagot ko .

Tumawa ito . Halos lahat ng nandito ay puro workmates ko lang at ilang kakilala galling sa Sauyo . kami-kamilang , simpleng handaan na bigay sakin ni Kuya . Malungkot lang ako dahil gusto ko sanang kasama si Chester dito . Feeling kokasi incomplete e .

Biglang nag ring ang phone ko . Kumunot pa ang noo ko dahil si Cherish ang tumatawag . Galit sya sakin diba ? Bakit kaya sya tumatawag ?

"Hello ?"

***

"Kuya Baste please paki bilis !" sigaw ko habang unti-unti nang napatak ang mga luha ko . "Paki bilisan mo mag drive please lang !"

Hinawakan ni Karina ang kamay ko . "Girl , easy lang . . . easy lang . . ."

"Lintek paano ako magiging easy lang , may nangyaring masama kay Chester !" sigaw ko .

Kanina nung matanggap ko ang tawag galing kay Cherish , nanlambot talaga ang tuhod ko . Sabi nya papunta na daw sila sa ospital dahil si Chester daw parang gulay dahil sa inabot na bugbog galing kay Tres ! Lintek na Tres yan , nakalabas na pala sa rehab ! Mapapatay ko ang walanyang yun pag may nangyaring masama kay Chester !

Buti na lang ipinahiram sa amin ni Sir Greg itong wheels nya para daw mabilis akong makarating sa ospital . Si Kuya Baste na rin ang nahila ko para ipag maneho ako since hindi ako marunong .

"Sige , baba na kayo ! Ipaparada ko lang ito ." sabi ni Kuya Baste nang makarating kami sa ospital .

Dali-dali akong bumaba at dumiretso sa Emergency Room . Hindi ko na hinintay pa si Karina dahil puno ng kaba at takot ang puso ko . Lintek , pag may nangyari lang talagang masama kay Chester , may kahahantungan yang Tres na yan sa akin !

"Cherish ! Cherish ! Si Chester ? ! ?" sigaw ko nang makita ko si Cherish .

Humarap ito sa akin at yumakap . Umiiyak ito . "Ate Ice , ikaw yung hinahanap nya simula pa kanina nang nasa ambulance car kami ."

Yumakap din ako sa kanya . "Ano bang nangyari !" naiinis na tanong ko .

"Hindi pa namin alam bakit sya nahanap na naman ni Tres at binugbog . Pero yung dahilan kung bakit sya kritikal ngayon kasi nung tumatakbo sya dahil hinahabol sya ni Tres ay nabangga sya ng kotse na may lasing na driver . Ate Ice , sobrang lakas ng impact nun , yung malaking parte ng windshield na glass , tumusok sa dibdib nya !"

Lalo akong napaiyak dahil sa sinabi ni Cherish . Nakakapamura ! Bakit nangyari ito ! "Nasaan sya ? Ooperahan ba sya ? Gusto ko muna syang makita !"

Tumango si Cherish . "Oo Ate , halika , bago sya mapunta sa Operating Room ." hinila ako ni Cherish papunta sa kinaroroonan ni Chester .

May mga doctor at nurses na nakapalibot sa kanya at nire-ready na syang dalhin sa OR . Naaawa ako sa nakikita ko dahil punong puno ng dugo ang katawan at ulo nya . Puno rin ng bagong pasa ang mukha nito . Natutop ko ang bibig dahil hindi ko kayang pigilan ang iyak ko .

"K-kuya Ice . . ." nagawa pang magsalita nito .

"Sir, wag po muna kayong magsalita . Makakasama po sa inyo ." sabi ng duktor .

"Doc , maooperahan na po ba sya ?" tanong ko .

"Opo , hinihintay lang po ang duktor na mag oopera sa kanya . Maya-maya po dadalhin na sya sa OR ."

"Doc , kakausapin ko lang po sya , ok lang po ba ? Mabilis na mabilis lang po , promise . . . Hindi ko rin po sya papagsalitain . Please po ?" nagmamakawang sabi ko .

Bumuntong hininga ang duktor bago tumango . "Mabilis lang . Ready na sya for operation e . Ok ? Mabilis lang ."

Tumango ako . Lumapit ako agad kay Chester at tinitigan ko sya . Kahit naniningkit ang mga mata nito dahil sa black eye at pasa , kita ko na nakatitig din sya sa akin .

Umuklo ako sa harapan nya . "Chester , makinig kang mabuti sa akin ha ? Wag kang magsalita ."

Nakita kong may sumilay na munting ngiti sa labi nito . Pinigilan ko ang sarili na maiyak na naman . Kailangan matapang akong tingnan . Para lumakas ang loob nya .

"Chester , kailangan maging success ang operation mo ha ! Kailangan yan ! Kasi . . . kasi magd-date pa tayo ! Naiintindihan mo ba ako ?"

"D-date ?" ang kulit nya talaga . Sabing wag na magsalita e .

Tumango ako . "Oo , may date pa tayo diba ? Kaya dapat ayusin mo sarili mo ha ! Hihintayin kita dito ok ? Hihintayin kita . . . " marahan kong idinampi ang labi ko sa labi nya . "Mahal din kita ." bulong ko .

Nakita ko na sumilay na naman ang ngiti sa labi nito . "T-tayo na ? G-girlfriend na kita ?"

Ang kulit nya talaga . "Oo , tayo na ."

At isinarado nya ang mga mata nya sabay ng pagsilay na naman ng isang ngiti . Sakto naman ang pagtulo ng luha ko .

---------------------

:D :D :D A/N : Gaaaah it's sooo frustrating ! Feeling ko ang korni ng chapter na to ! HAHAHAHA ! Chester ane be ! :p

Continue Reading

You'll Also Like

1M 41.3K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞
450K 24.2K 80
It's been five years ever since Avery lost contact with his one and only best friend. Five long years of not knowing the real reason why he just sudd...
207K 1.4K 200
Listen to your favorite song while reading with this Song Lyrics
133K 6.3K 43
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...