Magus - UNFOLDING MAGIC

By ImTweentyOne

569 50 3

Do you believe in magic? Did you know where magic resides? You don't know, magic might be in you! More

PROLOGUE
MUM - 1
MUM - 2
MUM - 3
MUM - 4
MUM - 5
MUM - 7
MUM - 8
MUM - 9
MUM - 10
MUM - 11
MUM - 12
MUM - 13
MUM - 14

MUM - 6

29 3 0
By ImTweentyOne

Continuation.......

This is supposed to be a happy day for me, pero anong nangyari? Nasira ang lahat! Sinira ng mga walang hiyang nilalang na naka hood na yun! Sila ba ang kampon ni Morphell?

Teka? Si Morphell kaya iyung pumigil na patayin ni Garuto si nanay kanina? Kung ganun nga, bakit niya ginawa yun? Ano kayang mas masamang plano ang balak niyang gawin sa aking Ina. Baka bihagin din niya si Ina gaya ni ama.

Kaylangan ko silang hanapin. Pero Saan ako magsisimula? Paano ako makakapunta sa wizarding world? May portal ba na dadaanan? Anong gagawin ko? Napuno na ng question mark ang ulo ko.

Nandito na ako ngayon sa kwarto ko. Mula nang makabalik ako dito, wala na akong ibang ginawa kundi umiyak ng umiyak. Wala naman akong kayang gawin kundi ang umiyak na lang at magdasal na sana ay manatiling ligtas ang aking mga magulang.

Sa tuwing malungkot ako isa lang ang lugar na pinupuntahan ko. Ang batis!

Naupo ako sa isang malapad na bato at doon, lalo ko pang ibinuhos ang aking emosyon.

Natigilan ako ng........

"Nakakaramdam ako ng labis na kalungkutan at pighati!"

Isang boses ng babae ang aking narinig. Bakit ba sa tuwing nag-iisa ako may bigla nalang sumusulpot na kung ano-anong mga nilalang? Ano ba talaga ang pakay nila sa akin? Sa tuwing kaylangan ko naman sila eh wala namang lumalabas para sumaklolo.

"Bakit ka umiiyak munting binata? Sabihin mo sa akin kung ano ang dahilan ng iyung pighati?"

Sinuyod ng Mata ko ang buong paligid Pero wala akong makita.

Tumingala ako sa langit sa pag-Akala na isa naman itong pixie, Pero wala naman.

"Andito ako!"

Dumako ang tingin ko sa gitna ng ilog. Muntik na akong malaglag sa batong kinauupuan ko ng biglang lumitaw ang isang babae sa gitna ng tubig. Mahaba ang buhok nito, ang kinis at ang puti ng kanyang balat, maganda ang hubog ng kanyang katawan, ngunit napansin ko na hindi paa ang kanyang pambaba kundi buntot! Para siyang si little mermaid.

"Inaasahan ko na kakaripas ka na ng takbo dahil sa takot, ngunit kung nanaisin mong tumakbo huwag munang tangkain. Hindi mo ako matatakasan lalo pa't napapalibutan ka ng tubig. Tubig ang aking elemento kaya sinasabi ko sa iyo, huwag mo ng tangkain."

"Hindi ako takot sayo. Hindi lang ako naka-imik agad dahil namangha ako ng husto."

"Totoo ba ang iyong tinuran?"

"Oo, hindi ko inakala na totoo pala ang mga gaya mo? Akala ko sa mga libro at palabas lamang ako makakakita ng sirena, pero heto ka ngayon.....nasa harapan ko!"

"Mabuti naman at napawi ko saglit ang iyong kalungkutan, ngunit maari mo bang sabihin sa akin ang iyung pighati?"

"Mapagkakatiwalaan ba kita?"

"Oo naman, Magus!"

"Kilala mo ako?"

"Lahat kami ay kilala ka Magus."

Sa tingin ko ay nagsasabi ng totoo ang sirenang ito kaya ikinuwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari. Hindi naman siya nagulat sa sinabi ko. Sabi niya, inaasahan na daw nila na maghahasik ng kasamaan si Morphell pero hindi nila akalain na Ganito ka aga ang kanyang pagkilos!

Tila nagmamadali ito. Mukhang may ikinatatakot si Morphell.

"Magus, sa tingin ko ito na ang tamang oras para malaman mo ang totoo."

"Totoo? Anong ibig mong sabihin?''

"Magus, isa kang........"

Isang malakas na ugong ang aking narinig, nakakabinging Tunog!
Sa pagkaka-alam ko, kami lang naman ang nakatira dito. Hindi rin pwedi na si manang Ason dahil ayaw nun sa maingay. Sino naman ang magpapatunog ng tambol?

Ilang Sandali pa ay papalapit na ng papalapit ang Tunog, palakas din ito ng palakas. Nakaka-bingi ang lakas nito.

Ramdam kong kakaiba ang isang ito. Alam ko na hindi likha ng tao ang ingay na iyun.

"Anong ingay......" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng paglingun ko ay wala na sa gitna ng batis ang serina.

Nakaramdam ako ng takot. Pinaglalaruan lang ba ako ng mga malignong ito? Bakit palagi nalang nauudlot sa tuwing may magtangkang magsabi sa akin ng totoo? Pero sa sitwasyon ko ngayon, hindi ko na alam kung ano ang totoo. Hindi ko na alam kong sino ang pagkakatiwalaan ko. Dapat pa ba akong magtiwala?

Hindi na ako nag-aksaya ng oras. Sa tingin ko kaylangan ko nang lisanin ang lugar na iyun para na rin sa aking kaligtasan.

Sa bahay.........

"Magus?" Muntik ng lumabas ang puso ko sa dibdib ko ng biglang may tumawag sa akin. Ito na nga ba ang sinasabi ko, sa tuwing nag-iisa ako nagsusulputan ang mga kung sino-sinong maligno.

"Magus, ako ito!"

"Black?"

"Oo!" Sagot ni Black. Rumihestro naman sa kanyang mukha ang pagkalito. "Bakit Parang gulat na gulat ka, Magnus? May problema ba?"

Imbes na sagutin ang kanyang tanong nawalan na ako ng lakas na sumagot! Hindi ko  a nga alam kung dapat pa ba akong magtiwala sa kanya o kahit sino. May tampo akosa kanya, sa kanila. Ang sabi nila ay hindi nila ako pababayaan. Ang sabi nila ay nandito lang sila palagi sa aking tabi? Na hindi nila ako iiwan sa susuungin kong laban gaano man ka hirap at kapanganib ito. Pero Anong nangyari? Iniwan nila ako! Sa mga panahong kaylangan ko sila,nasan sila? Nung kaylangan ni Nanay ng tulong, nasan sila? Nung hindi ko malaman ang gagawin ko kung Paano ililigtas si Nanay dahil hindi naman ako marunong gumamit ng magic, nasan sila? Akala ko ba wala kaming iwanan? Naniwala ako sa mga sinabi nila, ibinigay ko ang buong tiwala ko. Ngayon, sabihin niyo sa akin dapat pa ba akong Magtiwala? Masisi ba ako kung ayaw ko nang Magtiwala? Naguguluhan ako!

"Sa Tingin ko ay mayroong hindi kanais-nais na nangyari, sabihin mo sa akin Magus!" Ramdam ko ang sensiridad sa boses ni Black. Ngunit hindi ko alam kong magpapadala ba ako sa sensiridad na iyun.

"Hindi mo na ako pinagkakatiwalaan, Magus?" Tila nagtatampong tanong ni Black.

Paano niya malaman? Hindi ko nga siya tinapunan ng tingin kanina pa eh, kaya Paano niya malaman?

"Ngayon nama'y nagtatanong ka kung Bakit alam ko ang iyung iniisip."

Gosh! He is reading my mind! Is this his magic? Or should I say, is this one of his magic? If it is, hiding my resume thoughts is not a good choice. Mababasa lang din niya ang mga iniisip ko.

"Wala akong kapangyarihan na basahin ang iyung isip, Magus." Sabi niya.

"Bakit parang alam mo ang iniisip ko? Paano mo nagagawa yun? O baka naman nagsisinungaling ka na naman? Baka kaya mo talagang basahin ang utak ko at ngayo'y may binabalak ka na kung ano ano, diba tama ako? Huh!" Ang pangbibintang ko sa Kay Black.

Matagal bago siya sumagot. Kinakabahan tuloy ako sa maari niyang isagot, totoo nga kaya ang mga bintang ko sa kanya? Nababasa nga kaya niya ang isip ko? Kikid-napin niya rin ba ako gaya ng pagkidnap ng mga halimaw na yun sa nanay ko? Ano na?

Lumungkot ang hitsura ni Black. Hindi ko matukoy kung ano ang dahilan, kung totoo nga ba ang bintana ko o baka naman........

"Hindi mo na nga ako pinagkakatiwalaan Magus." Sabi niya at tumungo.
"Ito na nga marahil ang tamang panahon upang sabihin sa iyo ang buong katotohanan."

Anong katotohanan na naman ba ang sinasabi niya? Baka katulad lang din siya nung serina na tinakasan lang ako.

"Magus, hindi ka isang ordinaryong bata lamang....."

"Alam ko yun!" Pag-singit ko.

"Alam mo?" Parang nabigla naman siya sa sinabi ko. Tumango naman ako bilang sagot.

"Paano?" Hindi ata makapaniwala si Black. Ano Akala niya sa akin? Slow? Haler!

"Hindi ako ordinaryo kasi nga anak ako ng isang wizard at witch, diba?"

Bumuntong hininga muna si Black bago nagsalita uli.

"Akala ko pa naman alam mo na talaga....."

"Ano pa ba ang dapat kong malaman? Mayroon ka pa bang hindi sina-sabi sa akin? Sumagot ka Black?"

"Masusunod Young Master!" Sabi ni Black at yumuko ito.

Sandali, anong tawag niya sa akin? Young master? Tama ba ang dinig ko? Bakit niya naman ako tatawaging young Master? Butler ko ba siya? Eh di na nga namin halos afford ang tuition fees a school ngayon may pa young master pa siyang nalalaman? Ano to? Lokohan? Sinungaling nga ang mukhang .........ahh never mind!

"Hindi ka lang ordinaryong anak ng wizard at witch." Napa-kunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Basi sa sinabi niya sa akin nung nakaraan, powerful daw ang parents ko kaya siguro hindi ako ordinary. Ganun siguro!

"Namana mo ang kapangyarihang taglay ng iyung pinakamalakas na ninuno. Si Olivia!"

"O-olivia?" I never heard her name! Imbento na naman ba to ni Black?

"Opo, young master! Si Olivia ang pinakamalakas na witch sa wizarding world."

"A-ano?“ hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Black? Paano nangyari yun? "Madaan na ang sinasabi mong Olivia?"

"Wala na siya young master!"

"Anong ibig mong sabihin na wala na siya? Linawin mo ang sinasabi mo!"

"Pinaslang ang Dakilang si Olivia ng pinuno ng mga Dark wizards!"

"K-kung Makapangyarihan siya bakit siya nagawang paslangin ng kaaway? At ano na naman yang sinasabi mong Dark Wizards?" Naguguluhan na talaga ako sa mga nangyayari? Pati sarili ko ata pinagdududahan ko na? Sino ba talaga ako?

"Mabuting tao si Olivia, napakabuti kaya iyun ang ginamit ng kaaway Upang maisahan siya. Ngunit ang panglilinlang na yun ay hindi nagtagumpay dahil na rin sa bihasa si Olivia sa Divination. Dahil dun naka-ligtas siya sa unang tangka na paslangin siya...

Ngunit hindi pa doon natapos. Nagtangka uli ang mga dark wizards ngunit gaya ng nauna, nabigo na naman sila hanggat sa nasundan pa ito ng nasundan at nasundan! Ngunit nabigo lamang sila sa bawat tangka nila.

Masyadong nakampante si Olivia dahil kahit anong tangka ng kaaway ay palagi niya itong natatalo. Kaya hindi niya namalayan ang patagong pagsalakay sa kanya. Lingid sA kanyang kaalaman na ang kapangyarihang taglay ni Draco ay ang kontrolin ang isip ng sinuman at yun ang pagkakamali na kanyang nagawa. Sobra-sobra ang tiwala ni Olivia sa isang tao na pinakamalapit sa puso niya....."

"S-sino ang t-taong iyun?" Sa hindi maipaliwanag na Dahilan bakit ako kinakabahan? Bakit ako nakakaramdam ng takot? Ano to?



To be continued.........

Continue Reading

You'll Also Like

24.3M 985K 41
Napansin agad ni Laura Arden ang mga kakaibang bagay sa bayan ng Van Zanth sa unang araw niya pa lamang dito. Lalo na noong nalaman niyang sa isang l...
463K 33.5K 53
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
68.4K 3.5K 40
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man. Language used: Tagalog and English Status: Ongoing Date Started:...
7.3M 435K 114
Isa ang Merton Academy sa mga kilalang paaralan sa buong Pilipinas. Karamihan sa mga nag-aaral dito ay mga kabataang may talento pagdating sa akademi...