Lipstick Lullaby

By RainbowColoredMind

25.2M 743K 350K

Miguel Imperial-Cordova's whole life revolves around perfection. He has the perfect family, the perfect caree... More

Saskia
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty - Final Chapter
Epilogue
Cordova Brothers Bundle (Self-publishing details)

Chapter Forty One

594K 16.2K 10.4K
By RainbowColoredMind

MIGS

I woke up with only one of the twins cuddled against me. A soft smile etched across my lips when I looked down and saw Tintin's head pillowed on my chest. I kissed her on the forehead, stroking her golden hair. Her arms tightened around me and so I pulled her closer to me and inhaled the scent of her hair. She smelled of innocence and sweetness, a little sunshine with sweet tarts. 

I turned to my other side to check on Savi, only to find her cuddled to her mother. Saskia and Savi were facing each other, their arms wrapped around one another. How many times have I dreamt of a day like this? When I'd be able to give my daughter the complete family I'd always wanted for her. The existence of Tintin was an unexpected bonus. She brought a different kind of happiness in my life. 

I kissed each of my girls and couldn't help but stare at their mother. Saskia looked peaceful in her sleep as she cradled our daughter in her arms. I could only imagine what life would have been like had we never seperated years ago. I could have given my daughters the family they deserved. 

I softly grazed my hand against Saskia's cheek as I stared at her beautiful face. This woman was the woman who birthed my children. I wanted to hate myself for not listening to Saskia and letting my emotions get the best of me. Tintin wouldn't have had to grow up without me and Savi wouldn't have been without a mother for six years. She would've been my wife. 

"Migs?" Her eyes fluttered open.

"Good morning." Feeling embarrassed, I pulled my hand away.

"Kanina ka pa ba gising?" She asked, sitting up and looking down at our sleeping daughter. 

"Hindi naman. I woke up just a few minutes ago." I answered.

She bent her head down and showered her with kisses. "Ang ganda talaga ng mga anak natin. Kamukhang-kamukha mo."

"They had your beauty..." I quietly said as I watched her.

Nag-angat siya ng tingin sa akin. She gave me a slight smile. "Mas nagmana sila sa inyo. Lalo na doon sa kapatid mong si Drey. Siguro paglaki nilang dalawa kasing ganda sila ng Tita Drey nila. Migs, gusto ko pa lang magpasalamat sa'yo kasi hindi ka nahiyang ipakilala si Tintin at ang pamilya ko. Ang bait-bait nila sa amin lalo na sina ma'am Cassie at sir Phoenix."

"Of course, your family and my family are one now. Itong dalawang  ito ang habang-buhay na nagdudugtong sa akin sa'yo. You gave birth to the two most important girls in my life. As long as they're here, you and I will forever be connected. My family is their family and yours as well." I nipped her chin and made her look at me. "You are the mother of my children. You gave me the greatest gifts anyone could ever give me."

My eyes lowered down to her  lips. They were naturally pink and plump. I thanked God for giving me the privilege to taste those perfect lips. I had already kissed her twice since we'd met again and I didn't think I'd ever get enough of it. My head began to move towards hers and she stared at me, her lips parting in a curious awe.

"M-migs..." She pulled her head away just as I was about to kiss her. She then shook her head and let out a deep sigh. "Mali ito. Hindi dapat natin ito ginagawa. Hanggang sa mga bata na lang sana ang responsibilidad mo. Mas mabuti siguro kung magiging magkaibigan na lang tayo."

My shoulder sagged at what she said.  It was as if my hopes of building a family with her and our daughters came crushing down. She had indeed grown not only as a mother but as a woman as well. I wanted to be proud of her and what she had become now but at the same time, I was mourning for the Saskia I used to know. The Saskia who loved without any inhibitions. Amazing how life experiences and maturity can change a person.

"Lalabas na muna ako." Paalam niya sa akin bago tumayo sa kama.

All I did was watch as she walked out of the room, leaving me with our two daughters. I felt an ache in my chest knowing that she didn't want us to be anything more than friends.  


SASKIA

Tanga na kung tanga pero nasasabik pa rin ako sa halik ni Migs. May parte pa rin sa akin na baliw na baliw pa rin sa tatay ng mga anak ko pero kailangan kong pigilin ang sarili ko. Umiwas ako sa halik niya dahil hindi pa ako nagtooth brush.  Ayaw ko naman masabi niyang may bad breath ako. Saka isa pa, natuto na ako sa mga pagkakamali namin noon. Tama nang maging ama na lang siya sa mga anak namin, hindi naman na kailangan na asawahin niya pa ako. Ayaw ko na ulit na maramdaman na bayarang babaeng sinusutentuhan at ibinabahay ni Migs. Kaya nga ayaw kong lumipat kami ni Tintin sa bahay niya kahit ano'ng pilit niya sa amin. Kasi katulad din ng dati naman ang kalalabasan nun. Ibabahay niya ulit ako at susustentuhan ang pamilya ko. Walang magbabago sa tingin niya sa akin. Para sa kanya, magiging isang pokpok lang ako na nadampot niya noon sa stag party na naanakan at ibinahay niya.

Noong gabing ipagtabuyan niya ako, doon ko naramdaman kung gaano ako kababang babae. Hinding-hindi ko makakalimutan kung gaano ako nangliit sa sarili ko nang akusahan niya akong ginagamit ko ang anak namin para perahan siya. Akala ko kasi hindi ganon ang tingin niya sa akin, na hindi lang ako isang bayarang babae sa kanya. Sa huli, nalaman kong katulad din pala siya ng iba. Iba man ang pinararamdam niya sa akin, isa lang ang tingin nila sa akin. Hindi ako tao para sa kanila, walang ibang mahalaga sa akin kung hindi pera, isa lang akong karneng buhay na walang pakiramdam. Hindi niya nakita ang ako sa likod ng trabahong pinasok ko noong magkakilala kami. Minahal ko si Migs at siguro nga may puwang pa rin siya sa puso ko pero may mga anak na ako. Ayaw kong pati sila ganon ang maging tingin sa akin. 

Nabuo ko ang sarili ko noong iwan ko si Migs at hindi ko na hahayaan mawasak ulit ang binuo kong iyon ngayong nagbalik siya sa buhay namin. Hindi na ako bayarang babae. Isang taon na lang, gagraduate na ako at matutupad na ang pangarap kong maging guro. Nilaro-laro ko ang maliit na pendant kung nasaan ang abo ni Baby Migs. Hindi ko man pwedeng maitama lahat ng pagkakamaling nagawa ko ngayon, gusto kong bumuo ng magandang hinaharap para sa mga anak ko. Para balang-araw may maipagmalaki ako sa kanila.

"Ano, Saskia, happy p na naman ba?" Nakasimangot na tanong sa akin ni Ninang pagkalabas niya nang kwarto.

"Ano na naman yun, Nang?" Kumunot ang noo ko habang umiinom ng kape sa mesa. 

"Happy pukelye. Akala mo hindi ko alam na hindi lumabas si Migs kagabi sa kwarto niyong mag-iina. Mahiya naman kayo sa mga anak niyo." Umarko na naman ang isang kilay niya.

"Wala naman kaming ginawa. Nakatulog lang siya sa kwarto. Hindi ko na ginising kasi mukhang pagod na pagod na. Naawa na ako kaya hinayaan ko na." Sabi ko.

"Yan na nga ba ang sinasabi ko. Kilala kita, eh. Pag naaawa ka kay Migs, bumibigay ka." Naiiling na sabi niya.

"Good morning, Mommy." Napalingon ako kung saan nanggagaling ang boses ni Savi at nakita ko si Migs na palapit sa amin, buhat ang dalawang bata sa magkabilang braso.

"Morning, Saskia, Ninang Jodie." Magalang na sabi ni Migs.

"Hindi kita inaanak." Mataray na sabi ng bakla.

"Ang taray mo naman, Jodie." Depensa ni Tintin sa ama habang nakapulupot ang mga bisig sa leeg nito.

"It's okay, sweety." Natatawang hinalikan ni Migs ang noo ni Tintin. Inupo niya ang mga anak niya sa mesa at inasikaso ang dalawang bata. Nagluto siya nang almusal para sa lahat at pagkatapos ay pinakain ang mga ito. 


"Ten, twenty, thirty, forty, fifty, sixty, seventy, eighty, ninety..." Pinanonood ko ang mag-aama ko habang tinuturuan sila ni Tintin na mag chinese garter sa labas ng bahay namin. Isa sa mga paborito niyang laro noong nasa Sto. Antonio pa kami. Tuwang-tuwa naman si Savi na pinanonood ang kapatid habang nagtatatalon ito, nakapulipot sa paa niya ang isang dulo ng garter at ang isang dulo naman ay sa ama nila. 

"Daddy, sara mo paa mo. Masyadong magkalayo yung garter." Reklamo niya.

"Oh, sorry." Natatawang sabi ni Migs at isinara sinunod ang utos ng anak.

"One hundred!" Sabi ni Tintin.

"My turn!" Excited na sabi ni Savi at pumalit naman si Tintin sa pwesto niya. 

"Kaya mo na yan. Madali lang naman, di ba?" Sabi ni Tintin sa kambal.

"Watch me, okay?" Nakangiting sabi ni Savi. 

"I watch you, sister." Masayang sabi naman ni Tintin.

Medyo natututo naman si Savina dahil kanina pa siya tinuturuan nang kapatid niya. Parang permanenteng nakaukit na ang ngiti sa mga labi ko habang pinanonood ang mag-aama ko. Hindi ko naiwasang hawakan ulit ang pendant ko at hilingin na sana nandito si Baby Migs. Kumpleto na sana ang pamilya namin. 

"One hundred!" Tumalon si Savi at inapakan ang dalawang tali ng chinese garter.

"Ang galing naman ng baby ko!" Tuwang-tuwang sabi ko bago ako lumapit sa dalawang kambal at pinunasan ang mga pawis nila gamit ang maliit na bimpong nakapatong sa balikat ko. 

"Naghanda ako ng turon. Kumain na muna kayo." Lumabas si Mammy dala ang isang platong turon.

"Wow! May langka ba yan Lola Mammy?" Tanong ni Tintin habang kumakaripas ng takbo papunta kay Mammy.

"Oo, dinamihan ko kasi alam kong iyon ang gusto mo." Sabi ni Mammy at inabutan ng turon si Tintin. "Kumain kayo ng kumain. Papasok lang ako, baka masunog yung iba pang niluluto ko."

"Savi, masarap ito. Nakatikim ka na ba ng turon?" Tanong ko sa kanya habang hawak ang kamay niya at naglalakad kami papunta kay Mammy. Kinuha ko siya ng turon at isinubo ko sa kanya. "Masarap ba, anak?"

"Opo!" Tumango-tango si Savina habang nginunguya ang pagkain. "It tastes really good."

"Ako din, Saskia, subuan mo ko." Nainggit naman ang kambal niya at ibinaba ang turon niya. Sinubuan ko din siya katulad nang ginawa ko kay Savi at nangingiting ngumuya ito. "Si Daddy din dapat." 

Nag-angat ako ng tingin kay Migs at binigyan niya ako ng isang tipid at tila nahihiyang ngiti. 

"Dali na, Saskia, subuan mo na si Daddy. Nahihihiya pa kayo. Para naman wala kayong anak." Pilit sa akin ni Tintin.

"Yeah, Mommy!" Parang kinikilig na humagikgik si Savi. "Do it just like in the cartoon Daddy and I watched."

Lumawak ang ngiti ni Migs at binuhat si Tintin. "Susubuan ako ng Mommy niyo pero kailangan mula ngayon Mommy na ang itatawag mo kay Saskia. Hindi na pwedeng Saskia lang, okay? Mommy ang tawag ni Savi kay Saskia kaya dapat ganon ka rin."

"Mommy..." Sabi ni Tintin habang nakatingin sa akin. 

"Yeah, that's more like it." Hinalikan ni Migs sa pisngi ang anak namin. Hindi ko maiwasan na medyo maluha nang marinig ko iyon sa bibig ni Tintin. Kasi naman, kahit kailan hindi ko pa narinig na tinawag niya akong Mommy. Saskia na talaga ang nakalakihan niyang itawag sa akin. Parang gustong matunaw ng puso ko.

"Mommy, subuan mo na si Daddy..." Nakangising sabi ni Tintin.

Inangat ko ang kamay ko at sinubuan si Migs. Nagtama ang mga mata namin at hindi ko maiwasan ang mapangiti nang makita ko siyang nakangiti din. Tuwang-tuwa at parang kinikilig naman ang dalawang bata habang nanonood. 

"Para kayong magsyota." Sabi naman ni Tintin.

"Hay nako, Tintin, kung anu-anong natututunan mo, ha? Ang bata-bata mo pa." Kunwaring naiiling ako pero ang totoo niyan kinikilig lang ako. 

"Okay, girls. Eat up. Finish your food." Sabi ni Migs sa mga bata. 

"Saskia!" Narinig ko ang isang pamilyar na boses at nang pumihit ako ay nakita ko si Sir Neil na palapit sa amin.

"Hi, Tito Neil!" Kumaway naman si Savi sa kanya. Nagkakilala na sila dahil si Sir Neil ang kasama ko noong nagkapalit si  Savina at Tintin.

"Tito?" Umarko ang kilay ni Migs.

"He's Mommy's friend." Sabi ni Savi sa ama niya. 

Napako ang tingin ni Neil sa kinatatayuan ni Migs.

"Neil, ito nga pala si Migs. Siya ang ama ng kambal." Pakilala ko sa kanya at tumingin naman ako kay Migs. "Migs, si Neil. Siya ang nabanggit ko sa'yo noon na tumutulong sa amin."

"Nice to meet you, pare." Inilahad ni Neil ang kamay niya kay Migs.

Bumaba ang tingin ni Migs sa kamay ni Neil bago iyon tinanggap. "Likewise."

Hindi maitatanggi ang tensyon na namamagitan sa dalawa. Nang mabawi nila ang kamay ng isa't-isa ay pinagtuunan naman ni Neil ng pansin ang kambal. Ngumiti siya sa mga bata. "Magkamukhang-magkamukha talaga kayo. Sino na ba dito si Tintin?"

"Yung mas maganda." Sagot naman ni Tintin.

"But Mommy said we're both beautiful." Lumabi si Savi.

"Oo naman, pareho kayong maganda. Walang mas." Sabi ko sa kanila.

Natawa na lang si Neil sa tinuran ng bata. "Pag nagsalita pala, doon makikilala kung sino si Tintin at si Savina. Pwede ba tayong mag-usap, Saskia?"

"Oo naman." Sabi ko.


MIGS

"Ayoko na, Daddy. Busog na ako." Tintin put down her half-eaten turon. The girls were sitting beside me while their mother was walking around with Neil as they have something important they needed to talk about. I could see them from where we were at. 

"You have to finish that. Sabi ni Daddy we shouldn't waste food kasi maraming bata ang nagugutom." Savi told her twin sister.  

"Ano naman ang konek? Mabubusog ba sila kapag naubos ko yan?" Tintin shrugged. "Daddy, ayoko na. Puputok na tiyan ko."

"It's okay. I'll just finish it for you." I said, my eyes still on Saskia and Neil. 

"Nagpapa-pogi points na naman yan si Sir Neil, Daddy." Tintin said, probably noticing that I had been watching their mother and Neil. "Noong nasa Sto. Antonio kami, palagi din niyang pinupuntahan si Saskia. Ay, si Mommy pala. Saka dalawang beses na niyang hinatid si Yuka saka si Mommy pauwi. Hindi naman ginagawa yun ng teacher, di ba?"

"Boyfriend na ba ng Mommy mo si Neil?" I couldn't help but ask. Was he the reason why she wanted us to just remain friends?

"If she's Mommy's boyfriend then they get married, we'd have another daddy?" Savi's eyes widened.

"No, you're not going to have another daddy. Ako lang ang daddy niyo, do you two understand?" I firmly told them, my jaw clenching.

"Ayoko ngang magka-boyfriend si Sas- Mommy." Tintin made a face and shook her head. "Bakit kasi hindi na lang kayo? Mas bagay kayo kasi mas gwapo ka kaysa kay Sir Neil. Saka ayokong mag-asawa siya ng iba, no!"

I didn't want to play favorites but I loved the way Tintin was peptalking me right now. She was indeed a smart little one, a little girl ahead of her age.

"Bakit hindi ka pa nagpapa-pogi points? Baka maging syota niya na yan si Sir Neil." Tintin's face crumpled. 

"Paano ba magpa-pogi points?" I asked, cluelessly.

"Mmm... Palagi ka dapat mabango." Tintin started.

I sniffed myself. "Bakit? Hindi ba mabango si Daddy?"

"Pag bagong ligo ka mabango." Tintin grinned.

"Daddy always smells good." Savi wrapped her arms around me.

"Pero si Sir Neil sabi ni Jodie, naliligo sa pabango pag pinupuntahan niya si Saskia sa bahay." Tintin said. 

"Mommy. You call her Mommy from now on." I corrected her. "Ano pa?"

"Dapat palagi mo siyang sinasabihan maganda."

"What else?"

"Buy her flowers!" Savi suggested. 

"Oo nga. Isang beses nagdala si Sir Neil ng bulaklak kay Sas-- Mommy. Pero isang beses lang yun." Tintin said. "Saka mag-date kayong dalawa."

"Yeah, take Mommy out on a date. Just like in the Lady and the Tramp."

"Aahh!" We were all startled when we heard Saskia's scream then I saw her wrapping her arms around Neil. "Thank you, Neil. Sobrang salamat!"

The sight of her hugging another man made my blood boil. I had to take in a few deep breaths to calm my nerves and resist the urge to walk up to them and break the hug. After pulling away from the hug, she started excitedly running towards us.

"Savi, Tintin, nakuha ko ang scholarship!" She was over the moon, her eyes shone with so much happiness. "Scholar na ako! Makakapagtapos na ako ng pag-aaral at meron na din akong trabaho."

I lifted the girls up from my lap and brought her to Saskia. "Hug niyo ang Mommy niyo. Let's congratulate her."

"Congratulations, Mommy!" Savi sweetly said and hugged her mother. 

"Malapit ka nang maging teacher!" Masayang sabi ni Tintin.

She hugged the twins, her eyes misty with tear.

"We are so proud of you, Saskia." I embraced her, too.  

She lifted her gaze up while still in  my arms and I looked down at her. We exchanged quiet glances at each other. I felt nothing but warmth as I held in my arms the three most important women in my life. It was so perfect that I didn't want this moment to end.

Neil cleared his throat from behind Saskia and we pulled away from the hug. 

"You start this coming, Saskia. We'll have a quick orientation and after that, pwede ka nang magsimulang magtrabaho."

Saskia walked up to Neil and took his hand in hers. "Promise, Neil, hindi ka mapapahiya sa akin. Hindi ka magsisising nirekomenda mo ako." 

"Alam ko naman 'yon, Saskia. Kaya nga ikaw ang kinuha ko." His eyes shone with utter admiration when he looked at her.

"Thank you! Thank you talaga, Neil! Ang laking bagay itong ginawa mo para sa akin." She squeezed his hands. 

I would be lying if I say I wasn't threatened by Neil's presence. He was a decent-looking man and a college professor. Saskia's more comfortable with him than she was with me. I was just the father of her kids and she didn't want to see me as anything more than that. 


SASKIA

Katatapos ko lang nang unang araw ko sa trabaho bilang isang  assistant. Magaan pa lang naman ang trabaho dahil wala pang masyadong estudyante at summer class pa lang ngayon. Siguro kapag nagsimula na ang pasukan, itataon ko na lang ang mga klase ko bago ako pumasok sa trabaho. Pwede naman daw iyon sabi ni Neil. Mag-schedule na lang ako ng maagang pasok dahil medyo late naman na ang start ng shift ko. Part-time lang nman iyon, para talaga sa mga estudyanteng kailangan ng extra-income.

"Saskia." Paglabas ko ng building ng school ay narinig ko ang boses ni Migs na tumatawag sa akin. Napalingon ako at nakita siyang palapit suot ang uniporme niyang pangtrabaho, naka-roll na ang sleeves niya hanggang siko at bukas ang ilang butones sa taas nito. 

"Migs, ano'ng ginagawa mo dito?" Kunot ang noong tanong ko.

Nagkibit-balikat siya. "Naisip ko lang na puntahan ka. Isa lang din naman ang uuwian natin kaya naisip kong isabay na kita."

"Hindi ka na sana nag-abala." Sabi ko sa kanya.

"It's nothing. Malapit lang din naman ang office dito." 

Kumunot ang noo ko. Nakapunta na ako sa opisina nila noon. "Parang hindi naman."

Naglakad kami papunta sa kotse niya at nagulat ako nang buksan niya ang passenger's side at may mga bulaklak na nakapatong sa ibabaw ng upuan. 

"M-migs?" Takang-tanong ko sa kanya nang makita iyon.

"I just want to give you a little something to congratulate you on your first day of work." Kinuha niya ang bouquet ng bulaklak mula sa upuan at inabot sa akin.

Hindi ako nakagalaw ng ilang segundo. Nananaginip lang ba ako? Binigyan ako ng bulaklak ng isang Miguel Cordova?

"Salamat, Migs." Sabi ko nang makabawi sa pagkabigla at kinuha ang bulaklak bago ako umupo. Isinara ni Migs ang pinto ng kotse at umikot siya papunta sa driver's side.  Nang makapasok ay sinimulan niya nang paandarin iyon.

"Do you want to get something to eat before we head home?" Tanong niya.

"May pagkain na siguro sa bahay, magtitira naman yun si Mammy. Saka baka hinihintay na tayo ni Savi at Tintin." 

"They have each other to keep them company. Ilang minuto lang naman ito. Kakain lang tayo at uuwian na din natin sila ng pagkain." 

"Sige." Kibit-balikat na sabi ko at kumulubot ang ilong ko. "Migs, wala bang natapon na pabango dito?"

"Bakit? Is there any problem?" Kunot ang noong tanong niya.

"Parang ang tapang kasi ng amoy." 


Nagulat ako nang dalhin ako ni Migs sa dating pinagdalhan ko sa kanyang kainan. Sa may mga ihaw-ihaw. Nandoon pa rin nga ang tindahan na dating  kinakainan namin nina Mammy. 

"Kung nandito si Tintin, tuwang-tuwa siguro iyon. Mahilig pa naman yun sa inihaw na hotdog." Sabi ko habang kumakain kami.

"We'll take Savi and Tintin with us next time." 

"Bakit naman dito mo ako dinala? Ang lakas maka-throwback." Nakangiting sabi ko. 

"On the way lang din naman at alam kong magugustuhan mo dito." 

"Naaalala ko, buntis pa ako kay Baby Migs noong dinala kita dito." Napabuntong-hininga na lang ako. "Paano kaya kung nabuhay siya, ano? May Kuya na sana ang dalawa. Alam mo minsan hindi ko maiwasan isipin na siguro siya ang naging kabayaran sa mga kasalanan natin kay Hazel."

"Don't say that..." Mahinang sabi niya.

"Tuwing naaalala ko si Baby Migs, pumapasok din sa isip ko si Hazel." 

"Hazel had already forgiven me. Please, don't think that way. Wala kang kasalanan sa mga nangyari. All you did was give me three precious angels." Sabi ni Migs.

"Sana kung nasaan man si Baby Migs alam niya kung gaano natin siya minahal. Sana alam niya na hindi natin siya nakakalimutan."

Tumango-tango si Migs. "He would have been lucky to have you as his mother." 

Sandali kaming nagkatitigan ni Migs. Napangiti ako sa sinabi niya. Ang sarap palang marinig iyon mula sa ama ng anak ko. 

"You raised our daughter well, Saskia. Lumaking matalino, bibo, at matapang si Tintin. She has a personality as colorful and vibrant as yours." Nakangiting sabi ni Migs. "I just wish I could've been there for her."

"Ganon din naman ako kay Savi. Ilang beses kong hiniling na sana nandoon ako habang lumalaki siya. Hindi ko man lang narinig ang unang salita niya, hindi ko man lang nakita yung unang hakbang niya."

"And I wish I was there to see you when you were pregnant with our twins."

"Ang laki-laki ko kaya noon." Humagikgik ako. "Alam ko may picture pa ako sa bahay. Pakikita ko sa'yo pag-uwi. Ilang buwan ko din hindi nakita ang mga paa ko."

"I'm sure you were still beautiful." Umikot ang malamlam na ngiti niya sa mga labi habang nakatingin sa akin. "You're beautiful, Saskia."

"S-salamat." Nahihiyang nagbaba ako ng tingin.

"What was Tintin like when she was growing up? Ano'ng hilig niya? Ano ang mga gusto niya?" Sabik na tanong ni Migs.

"Si Tintin, mababaw lang din kaligayahan niyan. Bigyan mo lang limang piso yan pangbili ng candy tuwang-tuwa na yan. Medyo matalas lang nga ang tabas ng dila, nakuha niya kay Ninang yun. Siya halos kasi nagpalaki kay Tintin, sa kanya ko iniiwan kapag pumapasok ako sa eskwelahan. Taklesa si Tintin pero mabait na bata naman yun. Buti nga nagmana sa'yo pagdating sa talino. Best in all yan sa klase niya saka palaging line of 9 ang grades niyan, palaging perfect sa mga exams." 

"Matalino ka din naman. And you're strong-willed. Hindi ka makakakuha ng scholarship kung hindi. Pinilit mong makapag-aral ulit habang pinalalaki mo si Tintin at binubuhay ang pamilya mo." 

"Gusto ko lang naman may maipagmalaki sa mga anak ko. Ayaw ko nang maliitin ako ng mga tao." Mo.

"I'm very proud of what you've achieved, Saskia. As a person and as a mother. You've grown so much. Ang laki na ng pinagbago mo." May kung anong emosyon sa mata ni Migs na hindi ko mabasa.

Ngiti lang ang naisagot ko sa kanya. Kinailangan kong kagatin ang loob ng pisngi ko para mapigilan ang kiliti sa tiyan ko. 

"Ikaw naman ang magkuwento sa akin, Migs. Gusto kong mas makilala pa si Savi. Paano mo siya pinalaki? Kumusta siya sa eskwelahan? Hindi ba siya minsan naghahanap ng ina?"

"I think she's gone through that stage. Nagtataka kasi siya noon kasi puro Mommies ang umaattend ng PTA at ako lang and Daddy doon. Ipinaliwanag ko naman sa kanya ang lahat at naintindihan naman niya. My family and I gave her all the love she could ever want or need. Drey treated her like her own. Wala kasing anak na babae si Drey kaya sabik sa babae. Nandyan si Mama, si Ronnie, at si Anais. Drey and Anais actually helped me raise my daughter. Sila ang nagpapabreastfeed kay Savi noong baby pa siya kasi halos magkakaedad lang sila ng triplets at ni Pixie."

"Sana pala sinabi mo sa akin para naman napasalamatan ko si Anais at Drey. Kumusta naman ang pag-aaral ni Savi?"

 "She does well in school, she gets decent grades but she excels the most in dancing. She loves to dance. Sabi nga ni Dad na mana niya iyon kay Mama dahil cheerleader si Mama noong college siya. We were watching Barbie in the pink shoes years ago and all of a sudden, she decided that that's what she wanted to do. She talks about ballet, she'd try to copy what she sees in the cartoon, and then decided to sign her up to a ballet class. She was absolutely passionate about it, Saskia. She's very strong-willed just like you. Iyan ang na mana sa'yo ng mga anak natin and your resilience." Kita ko ang ningning sa mga mata niya habang nagkukuwento tungkol kay Savi.


MIGS

I had done what my girls told me to do to earn some 'pogi points', as what Tintin calls it. I brought flowers for her, I sprayed about half a bottle of cologne on me, I took her out on a date, and told her shes's beautiful. It was working. Saskia was slowly loosening up. She was laughing and starting to open up.

"Migs, ano na kaya ang nangyari sa dating bahay na tinirhan natin noon?" She asked as I was driving back to their apartment.

"It's still there. Sa'yo pa rin nakapangalan ang bahay." I answered.

"Hindi mo ibinenta?" Her eyes widened.

"No. Why would I? That's where I keep my memories of you and Baby Migs. It's still very well-maintained. Minsan pumupunta din ako lalo na kapag namimiss ko ang baby natin at-" I paused. and swallowed, my heart suddenly pounding a bit faster. "Gusto mo bang silipin ulit?"

"Sige..." She answered silently.

It took me only a few minutes to drive to the village. I pulled up on the driveway and we both walked into the house. I have the house ocassionally cleaned and maintained. Ayokong maluma na lang ang bahay. But other than that, I'd left everything untouched.

"Parang wala pa rin nagbago." Saskia said as her eyes wandered around. 

"Even Baby Migs' changing table and crib are still in our room."

She turned her head to me and a sad smile etched across her face. "Migs, nandito na rin naman tayo. May gusto sana akong ipakilala sa'yo."

I watched as she took something from inside her blouse. A pendant? She fondly touched the small cylinder silver pendant. My brows furrowed as eyed it.

"Ito si Baby Migs." 

"W-what?" I was dumbfounded.

"Nandito ang abo ni Baby Migs. Pina-cremate namin siya." Saskia's voice shook with impending tears. "B-buong bata na siya nang mailabas ko. Maliit lang siya pero tao na siya, Migs. Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na iyon. Nakita ko siya. Lalaki ang baby. May limang maliliit na daliri sa bawat kamay at paa."

"Shhh..." I said, pulling her to me. She cried into my chest and all I could do was try to comfort her. My chest felt like it was being squeezed, it was so heavy and painful reliving these again. I may not have seen my son but I had already loved him. After so many years, I could still feel the trauma Saskia had with seeing our son's fetus. I felt even more bad than I already feel. I was supposed to be there for her when she was mourning. I would forever hate myself for pushing her away when she needed me. "K-kasalanan ko kung bakit nawala si Baby Migs. Siguro kasi hindi ako nakakain sa tamang oras o hindi kaya sa pagpupuyat ko o kaya hindi ko nainom ang vitamins ko.

"No, it's not your fault. Wala kang kasalanan. Stop blaming yourself. I'm sorry. I'm so sorry..." I whispered as I kissed her hair, tears trickling down my cheek. If anything, I was the one to blame. 

I cupped her face and kissed her. I kissed her as if she was the sole thing in the universe that existed. I pulled her to the sofa, my lips still on hers. It took awhile but she answered back. We found comfort in the familiary of our passion for each other. I sat Saskia on my lap and my hands wandered around her intimate parts. 

I dipped my tongue into her mouth and she welcomed it with hers. We were lost in our passion as her tongue began sparring with mine. 

Continue Reading

You'll Also Like

619K 6.8K 6
Blood is always thicker than water. Family comes before love. Parents are always right. Dawnirey Faith Del Guerio lives a luxurious life. She couldn'...
13.2K 710 7
Delilah Ysabelle Diaz, 24, has lost her parents in a tragic accident. Starting a new life, her aunt convinces her to live with her in Brooklyn, New Y...
Mío By Yiling Laozu

General Fiction

86.1K 2.4K 42
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
33.9M 672K 49
Published Under Summit Media (Pop Fiction) Are you prepared to fight for your own feelings for someone even though you know you can't? #BSS2