PHANTASIA DOMINUM: Rise Of Th...

由 _jammi

9.1K 530 60

This is Fantasy World Online's Second Book. FWO has ended. A new World Arise. Samahan uli natin sina Ashe, K... 更多

P R O L O G U E
AUTHOR'S NOTE
[P.D] CHAPTER 1: THE BEGINNING
[P.D] CHAPTER 2: WISH'S EMBARRASSING MOMENT
[P.D] CHAPTER 3: NEW GAME?
[P.D] CHAPTER 4: ASHE'S ASTONISHMENT
[P.D] CHAPTER 5: KIRO MEETS WARD CALEB WALLHAVEN
[P.D] CHAPTER 6: ASHE & WARD'S CONVERSATION
[P.D] CHAPTER 7: GOOD NEWS
[P.D] CHAPTER 8: THREE WORDS, EIGHT LETTERS
[P.D] CHAPTER 9: THE PROJECT'S COMPLETION
[P.D] CHAPTER 10: THE BREAKING NEWS
[P.D] CHAPTER 11: THE QUALIFIERS
[P.D] CHAPTER 12: MYSTERIOUS GIFT
[P.D] CHAPTER 13: KIDNAPPED
[P.D] CHAPTER 14: OVERPOWERED?
[P.D] CHAPTER 15: ADVICE
[P.D] CHAPTER 17: INESCAPABLE TOWN
[P.D] CHAPTER 18: THE ISLAND'S HISTORY & THE KEY
[P.D] CHAPTER 19: JOINT FORCES

[P.D] CHAPTER 16: 'UNKNOWN'

196 14 1
由 _jammi

A S H E

"Sobrang cool nung music! Sarap maglaro nito hahaha!" karamihang sigaw ng mga players.

"Oh yeah!"

I'm truly excited and worried at the same time dahil hanggang ngayon hindi parin kami nagkikita ng mga kaibigan ko. Ang weird lang kasi nasa iisang lugar lang naman kami. Dapat nakita ko na sila.

Wala akong tigil sa paghahanap sa kanila but it seems like there's really no sign of them. Dahil dun, nakaramdam nanaman ako ng kakaiba.

Naalala ko nanaman 'yung sa letter.

Ang sabi doon, nandito daw 'yung sagot sa mga katanungan ko sa PD kaya dapat hindi na ako magpatumpik-tumpik pa. Ang dami ko ng oras na nasasayang. I have to find them.

Deja vu huh? Parang nangyari narin 'to. Naghahanap nanaman ako.

Biglang may humawak sa balikat ko kaya napatingin naman ako sa kanya.

"Solo player?" tanong niya.

"Ah, oo." sagot ko naman.

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Mahaba ang buhok niya na kulay dark red at naka-braid ito. May sided-bangs din siya at kulay black naman ang mata niya. Ang angas din ng damit niya. Babae siya and from the looks of her overalls, she's an assassin.

"Gusto mo sumali sa guild namin?" tanong niya.

"Uh..." sabi ko ng nag-iisip. Wala pa sana akong balak sumali sa guild ngayon. Kapag sumali na ako, all of my time will be occupied. Mawawalan na ako ng oras sa paghahanap sa mga kaibigan ko.

"Pag-isipan mo. Sabihan mo lang ako anytime kapag nakapag-decide ka na." sabi niya at tumango nalang ako. She added me in her friends list and I accepted her. They might be helpful in the future kaya di na ako naging choosy.

Tiningnan ko ang wristwatch ko. Meron pang forty five minutes bago magsimula ang unang labanan. Nagsimula na akong tumakbo. Players are all scattered all over the place. Hinahanap na din ang unang halimaw na dapat patayin.

Napahinto ako nang may marealize ako.

Exactly! Pano ko sila mahahanap kung hindi ko alam ang itsura ng mga avatar nila? Oh no. This is hard. Pero mararamdaman ko naman 'yun. Maybe sa name bubble/virtual screen. Nabanggit nila noon na same IGN parin naman ang gagamitin namin and that's our rule.

Sana nga. Sana nga dahil iyon nalang ang pag-asa ko.

"Guys... please be safe."

Nakarating ako sa pinakadulo ng bangin at may nakita akong tulay.

Napahawak ako sa kwintas ko. Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko. Ang bigat din ng pakiramdam ko. I think I needed to cross this bridge. Pakiramdam ko, may naghihintay sa akin sa dulo ng tulay na ito.

Tatawirin ko na sana 'yun nang biglang may pumigil sakin.

"Iha." sabi niya at dali-daling apaturo ako sa kanya.

"Y-You're the woman before!" sabi ko sa kanya at tumango siya. Siya 'yung matandang babae na naghatid sa akin sa bahay ko dito sa PD.

"Sigurado ka bang tatawid ka dyan?" tanong niya sa'kin.

Napatingin ako sa napakahabang tulay. Hindi ko makita ang dulo nito dahil sa makapal na hamog na nakapalibot dito.

"Alam niyo po ba kung ano ang nasa kabilang dulo nito?" tanong ko.

"Hindi iha. Wala akong ideya kung ano man ang ang lugar na mararating mo sa dulo ng tulay na ito. Pero sigurado ka ba sa nararamdaman mo?" tanong niya.

May malaking thought na talagang nagtutulak sa akin na tawirin ko ito. Kailangan ko talagang tumawid sa tulay na ito.

"Follow your instinct."

Narinig ko ang mga katagang 'yan na biglang bumulong sa akin. Para siyang sumabay sa ihip ng hangin.

"Opo. At desidido ako dun." sabi ko sa kanya at tumalikod na.

"Mag-iingat ka." sabi niya at binigyan niya ako ng isang pampalubag na ngiti. Sasagot palang sana ako ng biglang may humatak sa kamay ko.


[The first monster has finally appeared! Ready players, LET THE GAME BEGIN!]


Nag-alarm ng napakalakas na parang tunog ng fire truck at lumabas ang warning na iyan sa itaas. Sa isang napakalaking virtual screen.

Napatingin agad ako sa lalaking nakahatak sa wrist ko. Ang higpit pa ng pagkakahawak niya dito.

"Hey!" sabi ko sa lalaking nakahawak sa kamay ko habang tumatakbo. Huminto ako kaya napahinto din siya. Kasalukuyan na naming tinatawid ang tulay.

"Anong ginagawa mo?!" tanong ko sa kanya.

"Uh, escaping?" kibit-balikat niyang sagot.

"Ano--"

"You talk too much. It irritates me." sabi niya at hinila niya nanaman ako.

"H-Hold on, hold on." sabi ko nang pigilan muli siya.

"What?" sabi niya at napa-awang pa 'yung bibig niya na parang naiirita pa siya. Come to think of it, parang nakita ko na ang lalaking 'to.

Tiningnan ko pa siyang mabuti at ngayon ko lang siya nakita ng buo. Ng malapitan. Ng detalyado.

(ctto of the image below)

It's him! Hindi ako pwedeng magkamali. Siya nga ang lalaking tumapos nun sa giant phoenix!

His voice. The way he talks. Don't tell me...

Siya? 'Yung lalaking masungit na nameet ko? Siya? Iisa?

What?! I'm sooo overwhelmed right now. Nahihirapan pa akong i-process lahat ng sabay-sabay.

Maya-maya, may lumipad na owl papunta sa may balikat niya. Hinaplos niya ang malaging balahibo nito at hinalikan sa ulo.

So ano namang klaseng gesture 'yun? Ugh I'm so confused!

"Ano naman 'yan? Some sort of pet?" nagtatakang tanong ko sa kanya habang nakapamewang. Maya-maya, lumipad narin agad paalis 'yung owl.

"Yes." sabi niya sabay ngiti ng nakakaloko. 'Yung kulang nalang ng sparkle effect sa ngipin niya para cool. Ganon. Hays jusko.

"Bakit ka may pet?" tanong ko sa kanya. "San mo nakita 'yan?" dugtong ko. Curious talaga ako eh.

"Hmm, none of your business." sabi niya at hinawakan niya nanaman ako sa wrist ko for the third time. "Okay sweetheart? Enough of the questions and let's get going." sabi niya at napasapo nalang ako sa noo.

Hindi ko alam kung bakit hinahayaan ko ang sarili kong magpahatak sa lalaking 'to.





*****





Hingal na hingal na ako.

Almost four hours na kaming tumatakbo pero ni katiting na puno o 'yung dulo man ng tulay na 'to eh wala parin akong nakikita.

"I need to breathe." sabi ko at sa wakas, binitiwan niya narin ako. Napaupo ako sa pagod.

"Alam mo ba..." hingal kong sambit. "Marami akong katanungan sayo. Bigla-bigla ka nalang susulpot at m-manghihila!" sigaw ko sa kanya.

Pilit kong hinihigop lahat ng hangin pero nahihirapan talaga ako. Muntikan na akong mahimatay dahil wala na akong hangin.

"You know what? You're unbelievable. Hingal na hingal ka na nga, nagawa mo pang dumakdak." sabi niya sabay abot sakin ng tubig. "Oh. Uminom ka."

Kinuha ko agad iyon at nilagok. Pagkatapos kong maubos lahat, nagbuga ako ng hangin.

"Tara--"

"Wait! Are you crazy?! Papatayin mo ba ako?!" I exclaimed and he chuckled.

"Anong nakakatawa?!"

"'Yung mukha mo." diretso niyang sagot. Umupo siya nang nakaharap sa akin.

Tch! Ang sama talaga ng ugali!

"I'm Eigen, by the way. Ako rin 'yung guy na nameet mo recently." sabi niya.

I knew it!

"Yeah I noticed. Sa pagsusungit mo palang eh." sabi ko naman sa kanya. "Asky." sabi ko at inihaya ko ang kamay ko sa kanya. Tinanggap niya naman ito agad.

"Nice to meet you, sweetheart." sabi niya at agad kong binawi ang kamay ko at binigyan siya ng disgust look. Tinawanan niya lang naman ako.

'Yung totoo? Bakit ba ang lakas mang-asar nito?

"Off game naka-face mask tas ngayon naka half mask naman." bulong ko pero yung maririnig niya naman. He kind of reminds me of myself nung nasa FWO ako.

Sasagot palang sana siya pero inunahan ko na. Alam ko naman na ang isasagot nito. Tss.

"Yeah, yeah. None of my business alright?" walang gana kong sabi as he crossed his arms and lean his back a little.

"Mabuti." sabi niya sabay tango. Napatingin ako sa name niya na nasa virtual screen sa may itaas.

"Eigengrau?" basa ko.

"Yes my dear, you read it right."

Tumingin ako ng masama sa kanya.

"Kanina sweetheart tapos ngayon my dear naman? I'm not your usa kaya wag mo akong ma-my dear my dear dyan." inis kong sabi sa kanya. Tinawanan niya lang ako.

Hays.

"Let's get to the real business. Alam mo ba kung ano ang patutunguhan natin dito?" tanong ko sa kanya.

"Sa simbahan." sabi niya naman.

Pinanliitan ko siya ng mata. Abnormal talaga 'tong taong 'to.

"Just kidding." bawi kaagad niya. "Isa lang din ako sa mga players dito. How will I know?" dugtong niya.

Sabagay.

"So why on earth are you escaping then?" tanong ko.

"Simply because it's boring. " sabi niya.

Huwaw. Boring. Big word.

"Eh kung boring pala, bakit ka pa pumasok dito sa PD?" tanong ko. Tumingin siya sa akin ng seryoso. Diretso sa mata.

"Because I need to." tipid na sagot niya. This time, I felt that he's serious when he uttered those words.

"Ow-kay? Tsaka bakit kailangan mo pang tumakas eh kaya mo namang talunin yung halimaw na 'yun? Diba nga ginawa mo pa 'yung flip sword then smash then woop! The monster then vanished into thin air." sabi ko na parang ginagaya ko pa yung moves niya.

"You were watching me." sabi niya ng nakakalokong ngiti.

"O-of course I was watching! A-ang galing mo nga dun eh! Y-your moves were incredible." papuri ko sa kanya. He then gave me a genuine smile.

"Thanks for the compliment though." sabi niya.

Nanahimik bigla ang paligid. Tanging hangin lang ang tunog na naririnig namin.

"U-Uhm Eigen, can I ask you something?" tanong ko at tiningnan niya ako. "Bakit, dito din ang path na pinuntahan mo? Sa dinami-dami ng lugar dito sa PD." sabi ko.

"I'm just curious. I want to know kung ano bang meron sa kabilang dulo ng bridge na 'to." sabi niya.

"Huh?"

"You haven't seen the map of PD don't you?" sabi niya.

"Ah-hehe." sabi ko sabay kamot sa ulo.

Ang galing mo talaga Ashe. Bilib din ako sa tapang mo no?

"There's this Island in the map called unknown. Don't know kung bakit siya tinawag na unknown. Baka wala lang maisip na pangalan." sabi niya at huminto siya sandali. "I think itong bridge na 'to ang daan papunta sa unknown island na 'yun. I want to see what's beyond this bridge." sabi niya.

Hmm.

"I think we need to continue walking. Nakapagpahinga ka naman na siguro." sabi niya at tumayo na siya.

Napatingin ako sa kanya. Wala naman sigurong masama kung may makakasama ako sa lugar na 'yun. Mas mabuti pa nga dahil matutulungan niya ako sa paghahanap sa mga kaibigan ko.

Tumayo narin ako pero nakahawak ako sa dibdib ko.

"Come on." sabi niya at nauna na siyang maglakad.

You don't have to be scared, I will protect you.

Napangiti ako sa naalala ko.

"I know you will Yume. I know you will."





*****





"I think we've finally reached the end of this bridge." sabi niya habang winawasiwas niya ang kamay niya para mawala ang mist na nakaharang sa daraanan namin.

"What's this place?" tanong ko.

Inilibot ko ang paningin ko. This looks like a town that has been abandoned for many years. Mga sira-sirang gusali ang nandito.

W-wala namang zombie siguro dito no?

Napalingon ako sa likod ko nang makarinig ako ng kaluskos.

*booooogsh*

'Y-'Yung bridge, biglang nasira!

"What the hell is happening?" tanong ko. Bigla akong nakaramdam ng takot.

"Let's move." sabi ni Eigen at sumunod lang ako sa kanya.

继续阅读

You'll Also Like

1.3M 19.3K 53
"She's hot, sexy, and beautiful." I exclaimed. "I'll take her." -Keither Andrew Montrose Highest Rank Achieved:#1 in Robot ...
184K 7.4K 51
Codes. Mystery. Adventure. And a lost city. Curious teenagers venture to the uncertainty. Pack your bags and prepare your travel suits. Buckle your t...
536K 28.7K 78
(This is a winner of Wattys 2020 under the Science Fiction category.) A group of students discover their unique abilities, and go through a mysterio...
249K 16.2K 55
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH After an unexpected apocalypse, Amira and her friends found themselves trapped inside the border of Luzon, in which the vir...