School War Online

By Penguin20

5.2M 267K 87.5K

Online Game# 1: DANI X RAYDIN More

School War Online
Story Review
Prologue
Shoot 1 "New Game"
Shoot 2 "Playing the Game"
Shoot 3 "Welcome to SWO!"
Shoot 4 "Announcement"
Shoot 5 "New Friends"
Shoot 6 "Elimination Round"
Shoot 7 "Teaming up"
Shoot 8 "Party Quest"
Shoot 9 "Start of Practice"
Shoot 10 "First School War"
Shoot 11 "Meeting you"
Shoot 12 "Katana's Identity"
Shoot 13 "Request From Friend"
Shoot 14 "Start of mission"
Shoot 15 "War at the City"
Shoot 16 "Saving them"
Shoot 17 "Be part of us"
Shoot 18 "Mission Clear or Failed?"
Shoot 19 "Math Competition"
Shoot 20 "Unexpected Words"
Shoot 21 "Memorable Day"
Shoot 22 "Couple Quest"
Shoot 23 "Against the troll"
Shoot 24 "Parade"
Shoot 25 "Second School War"
Shoot 26 "REU Vs. BWU"
Shoot 27 "Club room"
Shoot 28 "Man in the Rain"
Shoot 29 "Going... or not?"
Shoot 30 "Meeting you"
Shoot 31 "Announcement"
Shoot 32 "Interview"
Shoot 33 "Mission of the Family"
Shoot 34 "Against Red Dragon"
Shoot 35 "Doubting him"
Shoot 36 "Success"
Shoot 37 "Christmas day"
Shoot 38 "Internship"
Shoot 39 "A lie"
Shoot 40 "Birthday Party"
Shoot 41 "Surprise her"
Shoot 42 "Her condition"
Shoot 43 "The thesis Partner"
Shoot 44 "Meet up Planning"
Shoot 45 "Concert Day"
Shoot 46 "Meet up"
Shoot 47 "Fate vs. Him"
Shoot 48 "End the connection"
Shoot 49 "His Absence"
Shoot 50 "Missing you"
Shoot 51 "Official"
Shoot 52 "Monster Raid"
Shoot 53 "Five meets five"
Shoot 54 "Third School War"
Shoot 55 "A date"
Shoot 56 "Unexpected Lie"
Shoot 57 "Doubting him"
Shoot 58 "Surprise"
Shoot 59 "End of Internship"
Shoot 60 "New Quest"
Shoot 61 "Representative"
Shoot 62: Meeting
Shoot 64 "Henosis"
Shoot 65 "Graduation Day"
Epilogue/ Last shoot
Author's note
School War Online Book 1
School War Online Book 2
Manila International Book Fair 2023

Shoot 63 "Joint Quest"

61.7K 3K 443
By Penguin20

"Hindi mo alam ang makakasagupa mo doon, Majesty, mag-iingat ka," Paalala sa akin ni Katana bago pa man ako makaalos mg BWU. Hindi ko nga alam kung bakit halos lahat ng estudyante ng BWU ay nandito, aalis lang naman kami ni Darkshadow para sa quest.

"Kung magpaalam ka naman ay parang sasabak ako sa gyera sa totoong buhay. Babalik din naman ako." Natatawa kong sabi.

"Be careful, Majesty." Sabi sa akin ni Lucky bago pa kami makaalis.

"Saan kayo magkikita-kita niyan?" Tanong ni Thatjerk sa akin. Ang tinutukoy niya ay yung iba pang representatives.

"Sa mismong port na sa bayan ng Talima para less hassle." Sabi ko sa kanya. Maayos naman kami nila Charm at maging ni-FurePhoenix. Naayos namin ang mga alitan sa pamamagitan ng meet up. Mas nakilala namin ang isa't-isa and somehow, nag-enjoy naman kami sa company ng bawat isa.

"Bring home the glory!" Sigaw nung isang player na level 28 at nginitian ko ito.

Pumito na si Darkshadow sa kanyang whistle at dumating ang kanyang mount na isang itim na kabayo. It's pathetic that everyone here at BWU considered us as their King and Queen. We are just regular players. Hindi ko kailangan nang ganoong klaseng titulo.

Sumakay na si Darkshadow at inalalayan niya ako para makasakay na rin ako. Nagpaalam ako kanila Katana sa huling pagkakataon bago paandarin ni Darkshadow ang kabayo.

Malamig na simoy ng hangin ang sumasampal sa aking mukha. Kinakailangan ko pang ayusin ang pagkakapusod ng aking buhok upang hindi ito hanginin.

"Next week, ga-graduate ka na," sabi ko kay Darkshadow. Sadly it's his last year at Northford University. "Ga-graduate ka pa bilang Cumlaude. Nakaka-proud ka."

"Bakit parang ang lungkot ng boses mo na ga-graduate na ako?" Narinig ko ang bahagyang pagtawa ni Darkshadow.

"Ibig sabihin kasi nito, hindi na kita makikita sa university. Hindi natin magagawa yung mga ginagawa ng couples na nasa college. We can't go to watch movies afterclass, hindi tayo makakatambay sa library kapag vacant, hindi natin magagawa na manuod ng mga kung ano-anong events sa school." Paliwanag ko. Pangarap ko pa naman gawin iyon.

"I still have a week, pwede naman natin gawin iyon." Sabi ni Raydin. "Hindi pwedeng hindi matupad 'yang mga gusto mong mangyari." He said. Bumaling ako sa kanya but he just planted a kiss on my cheeks.

"Tsansing ka pa." Sabi ko sa kanya pero nginitian niya lang ako.

Mas binilisan ni Raydin ang pagpapatakbo upang makarating kami sa bayan ng Talima nang sakto sa oras.

***

Pagkarating namin sa bayan ng Talima, masyadong busy ang buong lugar dahil isa ito sa mga sentro ng kalakalan dahil malapit sa dagat.

Pagkarating namin sa lugar ay agad kong ni-chat si Jace. Nasa friend list ko si Jace dito sa game kung kaya pwede ko siyang maka-chat kahit taga-ibang school siya. Honestly, lahat ng representatives ay in-add kong friend.

Majesty: Saan na kayo?

CoolJace: malapit na kami but sina Charm ay nasa pub malapit sa port. Puntahan ninyo na lang.

Majesty: okay-okay.

CoolJace: bespren, ang pangit mo.

Majesty: Nagsalita ang gwapo. Kahiya naman.

CoolJace: talaga naman!

Majesty: eeew. Bilisan ninyo na lang makapunta rito.

"Anong sabi ng bespren mong mukhang kulangot?" Sabi ni Darkshadow at natawa naman ako sa kung paano niya i-describe ang kaibigan ko. Naiinis daw siya kay Jace sa pagiging clingy nito sa akin, pero anong magagawa niya? Before maging kami ay si ganyan na talaga si Jace.

"Papunta na sila. Ang sama mo kay Jace," sabi ko sa kanya. "Nasa pub daw yung iba. Doon na lang tayo." Sabi ko sa kanya.

Naglakad kami papunta sa Pub at habang naglalakad kami ay may nakakasalubong kami na eatudyante mula sa ibang school. "Isa rin kayo sa mga representatives 'diba?"

Tanong sa amin nung nakasalubong naming player. Mukhang mula siya sa WKA.

Sweetdisguise
Level 53

Tumango ako bilang sagot sa kanya. "Galingan ninyo para sa quest." It makes me happy na nagiging stepping stone itong quest na ito para mawala ang inis ng ibang sa school sa iba pang school.

Pagkapasok namin sa pub ay isang sweet music ang tumutugtog, inilibot ko ang paningin ko at nakita ko naman si Charm na kasama sina Digitalic, MockingJay, Bloodbath. Si Charm at BloodBath ay parehas galing sa WKA samantalang si Digitalic at MockingJay ay sa YRA galing.

"Kanina pa kayo?" Tanong ko kanila Charm.

Umiling ito sa akin. "Kakarating lang din namin. Pinag-uusapan namin kung ano ang mangyayari sa quest mamaya."

"Panigurado naman na magagawa natin ang quest dahil pinaghandaan natin ito. It will be easy for us to bring home the bacon," sabi ko kay Charm at ngumiti sina Digitalic na parang uma-agree sa aking sinabi.

"Idagdag mo pa na sinusuportahan tayo ng lahat ng school so wala tayong choice kun'di mai-success yung quest. The pressure is real." Napatawa naman ako sa sinabi ni BloodBath.

Nakakatuwa lang isipin na naging stepping stone itong quest na uto para magkasundo ang limang school. This is the start, this quest can prove that all schools can be united.

Mayamaya lamang ay dumating na sina ClassicDeath at Grimreaper na kapwa mag-aaral ng Evergreen. "Pasensya na guys kung medyo na-late kami." Medyo malayo kasi ang Evergreen Academy sa bayan ng Talima. Naintindihan naman namin iyon dahil nasa itaas pa ng bundok ang kanilang paaralan.

A couple of minutes later ay dumating na rin sina FirePhoenix at CoolJace. Akmang aangkla sa braso ko si Cooljace ngunit mabilis na tinapik ni Darkshadow ang kanyang kamay.

"Majesty oh! Pagsabihan mo 'yang boyfriend mong pinaglihi sa sama ng loob. Kakapit lang, eh!" Parang batang nagsusumbong na sabi ni Jace at napatawa kaming lahat.

Sama-sama kaming sampu na naglakad papunta sa port. Lahat ng players na aming makasalubong ay napapatingin sa amin. Paano ba naman kasi, nagsama-sama ang lahat ng malalakas na players at kalat-kalat sa buong SWO world ang tungkol sa quest.

Papasok na sana kami sa port ngunit may isang player ang lumapit sa amin.

SWOGuardian
Level 99

Pamilyar ang ganitong username, hindi siya basta-basta isang player lang bagkus ay isa siyang game master. Kumikinang ang lahat ng suot nito na parang mataas na naka-upgrade.

"Maligayang pagdating sa bayan ng Talima! Kayo ba ang representatives ng bawat school para sa magaganap na joint quest?" Tanong niya sa amin. Nagkatinginan muna kaming sampu bago tumango sa kanya. "That's a nice thing to know. Pero dahil hindi basta-basta ang quest na inyong gagawin ay hindi kayo sa barko sasakay,"

Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi.

"Pero tatanungin ko muna kayo kung desidido ba talaga kayo na gawin ang quest na ito? Sa quest na ito ay bawal kang mag-logout hangga't hindi nagagawa ang misyon," ibig sabihin nito ay mata-trapped kami sa lugar na iyon if ever.

Will you accept the quest?
Yes
No

"Guys, before we accept the quest, kumain na ba ang lahat?" Tanong ni Digitalic. Kailangan talaga na kumain muna since wala ngang logout-an 'to.

"Kumain na 'ko," everyone said sinve it's already late evening.

Tumingin ako kay Darkshadow. "Ikaw, kumain ka na ba?"

"Para kang tanga, diyan nga ako nag-dinner sa inyo." Oo nga pala, dito siya kumain nung hinatid niya ako kanina. Pinilit siya ni mama.

Since wala naman naging problema, we all accepted the quest. Sa mga oras na ito, there is no turning back. Ang tanging choice lang namin ay maipanalo ang quest na ito.

"Sana lamang ay hindi kayo magsisi sa inyong desisyon at sana'y umayon ang swerte sa inyong mga kamay." May inihagis na bilog na bagay si SWOGuardian sa sahig at may isang liwanag na sumilaw sa aming mga mata.

Ilang segundo ang makalipas ay may liwanag na oara bilog na sa aming harapan. "Iyan ang portal papasok sa map kung saan magaganap ang inyong quest. Mag-iingat kayo, matatapang na manlalaro ng SWO!" Sabi ni SWOGuardian at nakatingin na lamang siya sa aming gagawing pagpasok.

Tinignan ko ang estado ng portal na aming papasukan.

Map: ???
Monster level ???-???

Naging mahigpit ang kapit ko sa aking golden m4a1 at ikinasa ito. Isa-isa na kaming naglakad papasok sa portal.

Pagkapasok namin sa loob ay naging itim ang paligid ng ilang segundo pero agad din nagbago iyon. "Nasaan tayo?" Tanong ko sa kanila.

GrimReaper opened his flashlight kung kaya't nagkaroon ng liwanag. Naririnig dito ang patak-patak na tulo ng tubig at sobeang init sa paligid. "I think we are on a tunnel" Sabi niya.

Kinuha ko rin sa inventory ko ang flashlight at inilivot ko ang aking paningin sa paligid. Para kaming nasa isang underground na taguan.

Quest objectives:
•Eliminate all the enemies
•Reach the safe zone
•Save the town mayor

As I read the objectives ay mukhang normal quest lang pala itong gagawin namin.

Nakatutok sa kung saan-saang sides ang mga baril namin at binabantayan namin ang bawat isa. Mabagal ang paglakad namin at hangga't maaari ay walang magawang ingay ang aming bawat hakbang.

"May liwanag sa dulo," sabi ni Digitalic kungbkaya't mas humigpit ang hawak ko sa baril.

"Everyone, position," sabi ni Firephoenix.

Unti-unti kaming nakalabas ng tunnel at isang magulong siyudad ang sumalubong sa amin. Maririnig sa paligid ang malakas na putok ng baril at mga pagsabog na nagpapayanig ng lupa.

Mas magulo pa ito ke'sa sa mga war zone.

"Tago!" Sigaw ni Darkshadow kung kaya't napadikit ako sa pader.

Isang malaking pulang dragon ang lumilipad mula sa himpapawid.

Red Dragon
Level93

What the shit! Ano ba itong quest na pinasok namin?!

Continue Reading

You'll Also Like

214K 12.6K 70
Cold-blooded murder. A psychopath serial killer on the loose. Two of Eastwood's greatest detective agents in the same labyrinth of mystery. Time is r...
2.8M 101K 44
Exactly 17 years after book one comes the story of Scarlet Cress and how her life changed when she accidentally 'fell' in Middle Kingdom and met Prin...
973 108 5
❈ ONGOING ❈ Hinirang na Anito #10 Sa likod ng bawat kidlat, tambol ng kulog sa mga ulap, at sa pagbuhos ng ulan, nakatanaw ang makapangyarihang nila...
34.6K 746 26
A group of teenagers became the toys of the ruthless psycho-gang, Anonymosities. How would they survive the game they don't even know how to play? ...