Good night, Enemy (Published...

By Serialsleeper

15M 676K 450K

(FHS#1) Braylee wants to make her friends happy, Denver wants to get some sleep. She's hell-bent on making th... More

Epigraph
1 : Are you okay?
2 : You'll be okay
3 : Hey there bear
4 : Bad bad bad
5 : The boy who can't sleep
6 : The Meme Lord
7 : Run Chicken Run
8 : The walking mess
9 : Denver
10 : The things we do for love
11 : Wolves
12 : First Date
13 : Remember the enemy
14 : Game Night
15 : TKO
16 : A November-night's dream
17 : The shitty things
18 : Here's to the enemy
19 : Splinter in her heart
20 : Brayleefy
21 : Bearable
22 : Weakling
23 : Heartstrong
24 : Of hate and kindness
25 : Trust issues
26 : Unhealthy
27 : Dilemma
28 : Broken
29 : The tipping point
30 : You're the worst
31 : Punchfest
32 : Master Denbear
33 : The Question
34 : Enemyship
35 : Bad Christmas
36 : Bet on it
37 : Camo
38 : In the middle
39 : The 5 stages of Drunk Braylee (Part 1)
39 : The 5 stages of Drunk Braylee (Part 2)
40 : Triggeredt
41 : Worst Case Scenario
42 : If only they knew
43 : Patched
44 : Aggression
45 : Remember This
46 : The past and the present
47 : The Favor
48 : Of all people
49 : You have no idea
50 : The Goner
51 : That thing called Depression
52 : The Secret
53 : Pang
54 : Numb
55 : Star-crossed
56 : I told you so
57 : Out of sight, out of mind
58 : Better
59 : Honestly
60 : Dwindle
61 : Too Late
62 : The thing about acceptance
63 : In the zone
64 : Validation
65 : Here's to the allies
66 : The stars in the sky
67 : You should know
Epilogue (Part 2 of 2)
Spin-off
Special Chapter #1
Special Chapter #2
ANNOUNCEMENT <3

Epilogue (Part 1 of 2)

196K 7.9K 8.6K
By Serialsleeper



2 years later


        Humahangos at tagaktak ang pawis ng isang binatilyong may sukbit na malaking backpack sa kanyang likuran. Napag-iiwanan na siya ng mga kasamahan sa gitna ng kadiliman kaya naman kahit pagod na pagod na ay pilit parin niyang inihahakbang ang mga hitang nanginginig na.

         "Coach Hawthorn! Are we there yet?" Humahangos na tanong ng binatilyo. Nilibot niya ang paningin sa nagtataasang puno na nakapaligid sa kanila at kinilabutan siya nang marinig ang huni ng mga kuliglig. Balot sila nang matinding kadiliman kung hindi lang sa mga asul na Christmas Lights.

         "Gago lang, talo na nga tayo sa game kanina tapos ngayon pinagha-hiking niya tayo rito sa Nature Park niya? Kanina pa ako nilalamok dito!" reklamo ng isa pang binatilyo habang kinakamot-kamot ang kanyang mga braso at tuhod.

         "Idol na idol ko si Kuya Thorn nung elementary ako. Akala ko ang cool ng dating niya pero ngayon ang weird niya pala," mahinang sambit ng binatilyo sa kanyang kasamahan.

         "I heard he's like that coz he doesn't have a girlfriend."

         "Hindi, may shota si coach kaso wala na."

         "Iniwan siya? Saklap naman nun pre."

         "Let's go find him a girlfriend! Baka sakaling tumino?"

         "Kingina ganyan talaga siya mula noon. Walang imik lagi at walang kinakausap maliban lang dun sa aso niya. Coach is a weirdo; with or without a girlfriend."

        "Atleast he smiles now, back then he never really smiled."

         Naririnig man ni Denver ang usap-usapan ng mga binatilyo sa kanyang likuran, patuloy parin siya sa paglalakad, diretso ang tingin sa karatulang nagliliwanag. Inilabas niya ang cellphone mula sa bulsa at nagpatuloy sa pagpapadala ng mensahe sa dalaga. 


Teddy

7:03 AM

You:

Good Morning Teddy

Another morning without you


12:04 PM

You:

Had lunch with Warren

I wanted to punch him when he told me he missed you

But who doesn't miss you?

I miss you, Braylee. Every waking moment.


5:03 PM

You:

My students are all bummed about losing the game earlier

Going to take them to your Treehouse

I hope this will make them feel better the way you always made me feel better


7:38 PM

You:

I could see the neon sign of your Tree house

Brings back your memories again

Wish you were here with me


         Huminga nang malalim si Denver at ibinalik ang cellphone sa kanyang bulsa. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa madaanan ang hardin na sagana sa mga makukulay na rosas, mga rosas na paboritong-paborito ni Braylee. Dahil gabi na, dahil narin sa asul na mga ilaw, nagmimistulang kulay asul ang mga rosas sa paligid.

         Nang marating ang malaking puno, malapit sa bangin na lagi nilang pinupuntahan noon ni Braylee, nilingon niya ang mga estudyante at buong pagmamalaking itinuro ang neon lights sa karatula na bumubuo ng salitang "Braylee's Treehouse".

         "Finally!" sigaw ng isa sa mga binatilyo at agad na nag-unahang magtakbuhan patungo sa kanyang direksyon. Inunahan pa siya ng mga ito sa pag-akyat sa mataas na hagdan ng napakalaking Tree House. Napabuntong hininga na lamang si Denver at sumunod sa mga ito.

***

     "Ang sarap ng hangin!"

     "Talaga anong lasa?"

    "Dude hurry, take a photo of me! I'll send this to my girlfriend!"

    "This place is awesome! Dadalhin ko talaga yung nililigawan ko rito para sagutin na niya ako!"

     "That won't happen! Haha!"

    "Damn it! I should've brought my camera!"


       Napangiti si Denver nang makita ang tuwa sa mukha ng kanyang mga estudyante habang nakadungaw ito sa bintana ng treehouse, tinatanaw ang buwan at mga bituing tila ba nasa ibabaw ng kumikislap na dagat.

      "Wish you were here to see the happiness on their faces," mahinang sambit ni Denver sa kanyang sarili.

      "Coach saan po tayo magbo-bonfire?" lumingon sa kanya ang isa sa kanyang mga estudyante, punong-puno ng galak ang mukha nito. 

     "Coach can we go swimming?" tanong naman ng isa pa.

     "There's a bonfire spot on the balcony and there's a diving board by the side," tipid na sagot ni Denver na labis pang ikinatuwa ng kanyang mga estudyante.


****


     Umaalingawngaw ang tawanan at sigawan ng mga binatilyo kasabay ng tunog ng pagtilamsik ng tubig dagat. Kanya-kanya sila ng talunan at langoy sa dagat. Bakas ang kasiyahan sa kanilang mukha, hindi alintana ang kalaliman ng dagat at gabi.

      Hindi nagtagal, umahon ang tatlo sa mga estudyante mula sa dagat sa pamamagitan ng pag-akyat sa mahabang hagdan. Dahil sa labis na lamig, kanya-kanya sila ng yakap sa mga sarili saka nagtatakbo patungo sa bonfire na katatapos lang gawin ni Denver.

      "C-coach this place is awesome!" manginig-nginig ang labi nang sabihin ito ng isa sa mga binatilyo.

      "I know," tipid na na sambit ni Denver at inabutan ang mga ito ng mga tuwalya at bote ng root beer.

      Naupo ang tatlo palibot sa bonfire; sa tabi ni Denver. "Coach, hanep 'tong Tree House niyo! Sayang, bakit sa gabi niyo lang pinapabuksan 'tong nature Park?" tanong ng isa sa mga estudyante.

       "Oo nga, coach! Ang tagal na naming nagtataka, bakit ba sa gabi niyo lang binubuksan 'tong Nature Park para sa publiko? Diba dapat sa araw para makita ng lahat ang ganda ng tanawin dito?" kunot-noong tanong naman ng isa sa mga estudyante.

       "Pansin ko rin sa'yo coach, ba't lagi kang nakatingin sa langit? Everytime we practice outdoors at night, I always notice how you look up at the sky?" curious na tanong naman ng isa pa sa kanyang mga estudyante.

      Tipid na ngumiti si Denver at napatulala habang nakatitig sa malaking apoy sa kanilang harapan. "Someone once asked me... what do you like more? Day or night?"

     "Day, siyempre!" sigaw ng isa sa mga binatilyo habang tinatanggal ang takip sa bote ng kanyang root beer.

      "What was your answer, coach?" tanong ng isa pa.

      "Day, I answered. Because I see things clearly just the way they are. Beautiful." Tugon ni Denver at saka uminom mula sa hawak na bote ng root beer.

      "How about now? What do you like more? Day or Night?" tanong sa kanya ng isa sa mga binatilyo.

        Habang hawak ang bote ng root beer sa kanyang kamay, unti-unting napatingala si Denver sa madilim na kalangitang tadtad ng mga bituwin at napangiti. "Night. Because looking at the stars at night reminds me of Braylee Emanuel." 

        Agad na nagkatinginan ang mga estudyante, kunot-noo at may pagtataka sa mga mukha.

       "Si Ate Naruta?" kunot-noong tanong ng isa sa mga ito kay Denver. "Teka, kilala mo si Ate Naruta?"

       "Girlfriend ko siya," mahinang natawa si Denver at uminom mula sa hawak na bote.

       "Wow!" manghang-mangha ang mga binatilyo sa narinig. 

       "Kuya nakakainggit ka naman! Crush na crush ko talaga si Ate Naruta noon! Paano ba kayo nagkakilala?!" At dahil sa naging tanong nito, bumalik sa alaala ni Denver ang gabing una niyang nakilala si Braylee.


(Theme: Better with you by Jesse McCartney)

        7 years ago

        Bilang selebrasyon sa pagkakapanalo ng Basketball  Team ng Rosepike University, nagtipon-tipon ang  lahat sa isang resort para sa kanilang Bonfire Party at Pep Rally.

       Nagsasaya ang lahat; nag-iinuman, nagsasayawan, at masayang nakikipaghalubilo sa kahit na sino, maliban na lamang kay Denver. Nakasuot ito ng kulay itim na jacket at bahagyang natatakpan ng mukha dahil sa hood ng kanyang jacket. Wala itong kabuhay-buhay habang nakatayo sa isang tabi, nakatulala at animo'y nasa malayo ang pag-iisip. 

       "Dude!" sinunggaban siya bigla ng lasing na si Cohen at inakbayan. Patawa-tawa ito habang siya ay walang kaemo-emosyon ang mukha. 

        "Come on! You won the game! Atleast celebrate! See those girls? They're waiting for your bang!" giit ng lasing na si Cohen kay Denver sabay turo sa dalawang babaeng kanina pa nagbibigay ng kakaibang ngiti sa kanila.

        "Get lost, Cohen," tipid na sagot ng walang kaemo-emosyong si Denver.

        "What the fuck happened to the Thorn of Rosepike, man?! Your Mom died, not you! And so what if you were the illegitimate son all along? To hell be with that! Don't let that get you down!" paalala ni Cohen at muling lumaklak mula sa kulay pulang basong naglalaman ng alak.

        Winakli na lamang ni Denver kamay ni Cohen na nakaakbay sa kanya at dire-diretsong dumaan sa gitna ng mga kabataang nagsasayawan at nag-iinuman. Umabot na sa sukdulan ang iritasyon na kanyang nararamdaman. Gusto niyang umalis, gusto niyang lumayo mula sa lahat, gusto niyang maglaho sa paningin ng lahat.

       Naglakad lang nang naglakad si Denver hanggang sa makasalubong niya ang dalawang guro na mabilis na naglalakad at tila ba nagpupuyos sa galit.

       "Ano ba naman 'tong resort na'to! Kung mag-aalaga sila ng unggoy, dapat sinisiguro nilang hindi nambabato ng guests!"

       "Oo nga eh! Bwisit na unggoy, ang pwet ko pa ang pinuntirya!" reklamo ng matandang lalake habang hawak parin ang pwetan niya. 

       "Dapat hulihin na ang unggoy na yon!"

       "Oo nga! Yung mga sasakyan dun baka masira pa!"

        Sa sobrang abala nito sa pag-uusap, ni hindi man lang nila napansin ang si Denver.

        Nagpatuloy sa paglalakad si Denver hanggang sa mapansin niyang nakarating na siya sa parking lot ng resort. Walang katao-tao ang parking lot ngunit punong-puno naman ito ng mga sasakyan.  Dahil gabing-gabi na at mabibilang lamang ang mga poste ng ilaw, hirap si Denver sa paghahanap ng kanyang sasakyan.

      Biglang tumunog ang kanyang cellphone kaya mabilis niya itong kinuha.


10:34 PM

Apollo:

Thorn where are you?!

Coach is looking for you!

They're going to give you that award!


You:

Where the hell did you parked my car?


Apollo:

You're leaving?! Dude you just got here! Hintayin mo man lang na makuha mo yung award mo!


You:

I don't care

where the hell is my car


Apollo:

Shit hanap ka na ng dean!


        Akmang magre-reply muli si Denver nang bigla niyang marinig ang isang bagay na para bang tumama sa sahig. Napalingon siya at nakita niya ang isang malaking bunga ng mangga na gumulong sa sahig.

       "What the--"bago pa man matapos ni Denver ang kanyang sinasabi bigla na lamang tumama sa kanyang mukha ang isang hilaw na mangga na kasing laki ng isang cellphone. Bahagyang nahilo si Denver sa nangyari kaya napahakbang siya paatras at agad na nasapo ang noo. 

       "Bwisit!" napasigaw si Denver sa sakit at agad na sinundan ang tingin kung saan ito nanggaling. Walang katao-tao sa parking lot, tanging mga sasakyan lamang ang narito kaya dumako ang kanyang tingin sa parteng hindi na hagip ng mga poste ng ilaw; sa kakahuyan. Ngunit sa sobrang dilim, tanging ang mga anino lamang ng naglalakihang mga puno ng mangga ang kanyang naaaninag.

       Dahil sa inis, pinulot ni Denver ang mangga at binato ito sa direksyon ng puno.

      Akmang magpapatuloy si Denver sa paghahanap ng kanyang sasakyan nang bigla na lamang niyang marinig ang isang hagikgik at sigaw na para bang isang batang babae.

      "Thank you for trying po!" sambit ng boses dahilan para agad makunot ang kanyang noo.

      "Hindi ka unggoy?" wala sa sariling nakapagsalita si Denver.

      "Nope! I'm a strong and independent cutie!" nakarinig siya muli ng sigaw mula sa ibabaw ng puno. Ngunit sa dami ng mga puno, hindi niya masiguro kung saan ito nanggagaling. Magpapatuloy nalang sana si Denver sa paghahanap ng kanyang sasakyan nang muli na naman siyang pinagbabato nito ng mangga.

      "Akala mo ha?" mahinang sambit ni Denver dahil sa inis at agad na pinagpupulot ang mga Mangga at gumanti sa pambabato kahit pa hindi niya parin nakikita kung sino ang nambabato sa kanya.

      Tila ba isang gyera ang nangyari sa pagitan ng dalawa; Kaliwa't-kanang nagbatuhan ang mga ito ng Mangga. Panay ang pag-ilag ni Denver at pagpulot sa mga mangga sabay bato sa direksyon ng pinanggagalingan ng nambabato sa kanya. Panay ang batuhan nila hanggang sa isang iglap ay bigla na lamang umalingawngaw ang isang malakas na kalabog na animo'y may nalaglag mula sa ibabaw ng puno.

       Nagulat si Denver sa nangyari kaya naman mabilis siyang tumakbo sa direksyon pinanggalingan ng ingay. Kinuha niya ang cellphone mula sa kanya at pinaandar ang flashlight. 

      "You okay?" mabilis na tanong ni Denver nang makita ang isang taong nakasuot ng teddy bear costume, nakahadusay ito sa damuhan at tila ba tawa nang tawa. Dahil sa suot nitong makapal na costume, hindi ito masyadong nasaktan mula sa pagkakalaglag.

      Habang tumatawa, unti-unti itong naupo. At nang magawa nitong maupo, tinanggal nito ang head piece ng costume dahilan para magulat si Denver.

     "Babae ka?" kunot-noong sambit ni Denver.

     "No!" sigaw ni Braylee sabay taas ng daliri nito. "I'm a shtrong and independent cutie!" pagmamalaki ng lasing na si Braylee sabay flex ng muscle nito. 

      Bago pa man makapagsalitang muli si Denver, laking gulat niya nang bigla na lamang winakli ni Braylee ang kanyang kamay at mabilis at walang kahirap-hirap itong umakyat sa puno. Napailing-iling si Denver at napabuntong-hininga. "Mukhang tanga 'tong babaeng 'to."

      Akmang babalik na si Denver sa parking lot nang marinig niya ang isang pamilyar na boses. Dali-dali niyang pinatay ang flashlight.

     "Andito lang yung si Denver, hanapin natin!" Boses iyon ni Apollo.

     "Ano ba kasing problema ng lalaking 'yon!" Iritadong bulalas ni Magno.

     "Just let him be," sambit naman ni Jethro.

     "No, we gotta find him. Sayang yung girls na mame-meet ko dahil sa kanya," giit naman ni Haji.

       Napabuntong-hininga si Denver nang marinig ang boses ng mga ito. Alam niyang hindi ito titigil sa paghahanap sa kanya kaya naman imbes na umalis sa kadiliman, mas pinili niyang manatili at umakyat na lamang sa puno gaya ni Braylee.

       Nang makarating sa sangang kinauupuan ni Braylee. Nakita ni Denver ang mismong pagbato ni Braylee ng Mangga kay Apollo. Tumama ito sa pwet ni Apollo kaya naman hindi niya napigilang matawa nang mahina.

     "My ass!" sigaw ni Apollo.

     "The hell is wrong with your ass?" gulat na sambit ni Jethro.

     Nakita ni Denver na akmang babatuhin ni ulit ni Braylee ng Mangga ang mga ito kaya naman mabilis niyang inagaw ang mangga sa kamay nito at siya na mismo ang bumato nito.

     "Ano yun?" napasigaw si Haji sa takot nang tumama ang Mangga malapit sa kanyang paanan.

     Kapwa nagkatinginan sina Braylee at Denver. Kahit hindi nagpapalitan ng mga salita, tila ba nagkaintindihan sila. Walang ano-ano'y nagsimula silang pumitas ng mga mangga at nagtulungan sa pambabato ng Mangga sa walang kalaban-labang grupo nina Apollo.

      Hindi nagtagal, walang nagawa sina Apollo kundi magtakbuhan palayo.

     "That's right you poging mortals, leave, leave," sambit ni Braylee sa malalim at malademonyong boses, humalakhak pa ito nang humalakhak dahilan para agad mapalingon si Denver sa kanya.

      "Are you drunk?" kunot-noong sambit ni Denver at tinitigan nang maigi ang mukha ni Braylee. Kahit papaano ay nakikita niya ang mukha nito dahil sa liwanag na dala ng buwan at mga bituwin sa kalangitan.

      "No, I am baby satan," tugon ni Braylee gamit muli ang malademonyong boses habang may ngisi sa kanyang mukha.

      "You're drunk alright--wait is that a video camera?" tanong ni Denver nang mapansin ang video camera na nakasabit sa leeg nito. 

      "Yup, and this is beer," sabi ni Braylee at kinuha ang isang bote ng alak mula sa malaking de-zipper na bulsa na nasa harapan ng kanyang costume. Pilit na binuksan ni Braylee ang bote ngunit hindi niya magawa kaya inagaw ito ni Denver at siya na mismo ang nagbukas nito para sa dalaga.

      "Baby Satan thanks you," wika ni Braylee gamit parin ang malalim at mala-demonyong boses. 

      "Are you sure you can handle more alcohol?" tanong ni Denver sabay abot kay Braylee ng bote. Nag-aalangan siyang ibigay ito ngunit mabilis itong kinuha ni Braylee at tinunggan na para bang wala nang bukas.

      Biglang tumunog ang video camera, hudyat na nag-shut down ito dahil naubusan na ng baterya. Dahil dito ay tumigil si Braylee sa pag-inom at napatitig sa video camera na nakasabit sa kanyang leeg.

      "Why does it keep on happening?" mahinang sambit ni Braylee gamit ang normal na boses at kilos. Hindi nakakibo si Denver dahil sa kalituhan at nanatili na lamang na nakatitig kay Braylee habang walang kaemo-emosyon parin ang mukha.

      Nag-angat ng tingin si Braylee at napatitig sa mga mata ni Denver. "People, suffering?"

      Hindi nakaimik si Denver dahil sa sinabi ni Braylee.

      Napabuntong-hininga si Braylee at napatitig sa kalangitang tadtad ng mga bituwin. "What do you like more, day or night?" tanong ni Braylee.

     "Day." Wala sa sariling napasagot si Denver habang nakatitig sa mukha ni Braylee. 

     "Why?" tanong ni Braylee gamit ang malamig na tono ng pananalita.

      Ilang sandaling hindi natahimik si Denver hanggang sa makaisip siya ng rason. "I see things clearly just the way they are. Beautiful."


       Bukod dito, napakarami pang napag-usapan ang dalawa. Ngunit ang lahat nang ito'y hindi na naalala pa ni Braylee dahil sa labis na kalasingan.



TO BE CONTINUED XXX






Continue Reading

You'll Also Like

8.7K 102 41
Your online guide to learning Bisaya, quick and easy! Have you ever heard someone speaking Cebuano/Bisaya? Are you curious about what they're talking...
83.1K 2.4K 15
WATTYS 2021 WINNER - ROMANCE CATEGORY Cassidy Prim, a public figure who despises being in the spotlight, headed to a lesser-known island to get away...
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...
3.3K 675 10
THE CALLALILY AWARDS SHORT STORY CHAMPION MAY 2020 Seira is a writer who used to write letters and poems about her "The One that Got Away". When 2020...