The Legendary GANGSTER Meets...

By kellylee0101

3M 34K 4.1K

Isang unbeatable legendary gangster meets miss geek famous girl. Si gangster na isang playboy at si geek girl... More

♕ PROLOGUE ♕
TLGMMBG ♕1
TLGMMBG ♕2
TLGMMBG ♕3
TLGMMBG ♕4
TLGMMBG ♕5
TLGMMBG CAST
TLGMMBG ♕6
TLGMMBG ♕7
TLGMMBG ♕8
TLGMMBG ♕9
TLGMMBG ♕10
TLGMMBG ♕11
TLGMMBG ♕12
TLGMMBG ♕13
TLGMMBG ♕14
TLGMMBG ♕15
TLGMMBG ♕16
TLGMMBG ♕17
TLGMMBG ♕18
TLGMMBG ♕19
TLGMMBG ♕20
TLGMMBG ♕21
TLGMMBG ♕22
TLGMMBG ♕23
TLGMMBG ♕24
TLGMMBG ♕25
TLGMMBG ♕26
TLGMMBG ♕27
TLGMMBG ♕28
TLGMMBG ♕29
TLGMMBG ♕30
TLGMMBG ♕31
TLGMMBG ♕32
TLGMMBG ♕33.1
TLGMMBG ♕33.2
TLGMMBG ♕34
TLGMMBG ♕35
TLGMMBG ♕36
TLGMMBG ♕37
TLGMMBG ♕38
TLGMMBG ♕39
TLGMMBG ♕40
TLGMMBG ☠41☠
TLGMMBG ☠42☠
TLGMMBG ☠43☠
TLGMMBG ☠44☠
TLGMMBG ☠45☠
TLGMMBG ☠46☠
TLGMMBG ☠47☠
TLGMMBG ☠48☠
TLGMMBG ☠49☠
TLGMMBG ☠50☠
TLGMMBG ♡51♡
TLGMMBG ♡52♡
TLGMMBG ♡53♡
TLGMMBG ♡54♡
TLGMMBG ♡55♡
TLGMMBG ♡57♡
TLGMMBG ♡58♡

TLGMMBG ♡56♡

30.5K 491 64
By kellylee0101

CHASE

Gusto kong magtampo sa tadhana dahil sa kinahinatnan ng buhay ko pero kasalanan ko rin naman at hinayaan ko lang na mangyari ang lahat. Nanahimik lang ako habang nagaganap ang mga bagay-bagay na kaya ko sanang kontrolin.

Gusto kong sumigaw at magwala sa tuwing nakikita ko siya na nahihirapan at nasasaktan nang dahil sakin. Gusto kong basagin ang mukha ng taong sumira ng buhay ko pero hindi ko kaya, kasi baliktarin mo man ang sikmura ko, tatay ko pa rin ang halimaw na gumagawa nito sa buhay ko at kahit papano respeto pa rin sa kanya ang pinapairal ko.

Para akong atomic bomb na bigla na lang sasabog dahil sa sobrang gulo ng lahat ng nangyayari. Patong-patong na kasalanan at kasinungalingan na hindi ko na alam kung paano nagsanga-sanga. Pero isa lang ang sigurado ako, mawala man ako sa sarili ko alam kong si Sam lang ang daan pabalik ko.

Tsk. Kung pwede ko lang talagang aminin sa kanya na walang kasalang naganap sa pagitan namin ni Cassie, na hindi ko siya kayang iwan na lang ng basta, na mas mahalaga pa siya sa buhay ko, na never akong nawala sa tabi niya, na lagi lang akong nakamasid at nagbabantay sa kanya. Pero kahit yun lang hindi ko magawa. Hindi pa ganun kalaki ang resources ko para kalabanin ang Dad ko.

Marami na akong sinakripisyo para lang basta ako sumuko kaya hindi pa pwede. Hangga’t kaya kong tiisin ang sakit at hirap gagawin ko. Basta para sa kaligtasan at katahimikan ni Sam at Mama, kayang-kaya.

Okay lang naman na ako ang patayin niya, pero yung idamay niya si Mama at si Sam sa mga banta niya ibang usapan na. Alam na alam niya kung paano niya ako papaikutin sa mga palad niya kaya ito ang nangyari.

Ang taong alipin ng pera kahit kelan hindi makakawala sa anino ng pera. Nakakaputa.

Si Dad, kaya din niya sinusunod ang lahat ng kabaliwan ni Cassie ay dahil ang lahat ng trust funds ng Papa ni Cass ay nakapangalan sa kanya and the only way to accumulate all their wealth was to seduce Cassie’s Mom and be Cassie’s puppet. Oo nga’t buhay pa ang Papa ni Cass, pero—lantang gulay na ito dala ng iba’t ibang komplikasyon dulot ng kanyang diabetes simula pa nung 2009. Never naman inalagaan ni Cass ang Papa niya, kumuha lang sila ng private nurse para dito. Masyado nang kinain ng kasakiman sa pera ang Dad ko, kaya pera din ang ipanglalaban ko. Yung Mama naman ni Cass sakim din sa pera kaya kahit walang pagmamahal sa pagitan nila ni Dad nagsama sila.

__

2 years ago nang ipadala niya ako sa Ireland kasama ang baliw na si Cass, akala nila mapipilit nila akong ipakasal sa kanya o kahit ‘man lang mahulog sa kanya dahil magkasama kami sa malayo pero baliin ‘man nila ang lahat ng buto ko sa katawan, lamugin ‘man nila ako sa bugbog, gutumin ng ilang araw, hindi nila nakuha ang gusto nila. Akala ko talaga nung panahon na ‘yun katapusan ko na, kulang na lang ma-comatose ako sa sobrang bugbog pero nakalimutan nila na leader ng gang ang kinalaban nila kaya hindi ako lang ang nag-iisang bumabagsak sa ospital.

Ilang buwan din akong na-confine dahil dun at pilit na nagpagaling. Ang hirap maka-recover lalo na kung sa tuwing susubukan kong lumaban at tumakas, pinapabugbog at tinatakot ako ni Dad na uubusin niya ang lahat ng taong naiwan ko sa Pilipinas. Dahil sa wala akong magawa doon na lang nila pinalabas na ikinasal kami ni Cass dahil sa matagal silang walang balita sakin at alam nilang wala akong aksyong magagawa dala na rin ng kalagayan ko.

Pinilit kong magpakalakas para kay Sam, para makabalik ako sa kanya, at para na rin makaganti sa lahat ng kasamaan na ginagawa ni Dad. Doon ko na rin naisipan ituloy ang pag-aaral ko, na kunyari payag ako sa lahat ng balak niya. Nag-aral ako ng kung ano-ano na connected sa pagpapatakbo ng negosyo para mas handa ako, para alam ko ang pasikot-sikot sa business world kapag naagaw ko na ang lahat sa kanya hanggang sa sumuko at bumagsak siya.

 Hindi ko maiwasan na sumama ang loob at kasakiman siya pero dahil sa wala pa akong magawa at sa tuwing naiisip ko ang lahat ng ‘yun wala akong magawa kundi kapitan ang alak. Pakiramdam ko napakahina ko, ni hindi ko sila kayang ipaglaban dahil si Chase lang ako. At kinakalaban ko ang demonyo sa lahat ng demonyo.

Minsan nga mapapaisip na lang ako na kung anak kaya talaga kami ni Kuya Chad.  Ni minsan hindi namin naramdaman ang pagiging ama niya o kahit man lang ang presensyang matino nya sa buhay namin. Puro lang siya mando na dapat ganito, ganyan, dapat dito, doon, dahil para daw mas lumaki pa ang pera niya at mas maging maimpluwensya siya.

Bwisit na buhay ‘yan. Puro pera na lang.

__

“The usual..” Order ko ‘dun sa bartender sabay minix niya agad ang hiningi kong alak at iniabot sakin. Napatakbo tuloy ako agad sa bar dahil sa dami ng gumugulo sakin kapag nag-iisa ako. Nababaliw ako.

Napasinghap lang ako sabay straight nung alak. Sumenyas naman ako ng isa pa sa bartender kaya hindi siya nag-atubiling bigyan ulit ako.

“Hi Chase?” Bati sakin nung isang babae pero hindi ko siya pinansin, sabay lagok lang ako nung alak. Badtrip ako, hindi man lang ba makakahalata at aalis?

                                 

“Hi Babe, don’t you remember me? I’m Clara?” Sakbit naman agad si babae sa leeg ko. Sinaksak pa talaga sa balikat ko yung cleavage niya.

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. “Miss, wala ako sa mood makipaglaro sayo kaya kung ako sayo habang nasa katinuan pa ‘ko at kinakausap kita ng ayos aalis ka na.”

“Ano ka ba Chase! Ako ‘to si Clara! Di mo na ba talaga ko naalala? We used to hangout and you know—“ She bit her lower lips. “play a lot back then.”

I flashed out a small grin yet half annoyed. “Mara, clara, o kung sino ka ‘man—uhm..sorry ha? Pero hindi talaga kita nakikilala at kung ano ‘man ang nakaraan natin, o kung meron ‘man nga, sorry dahil dala lang for sure ng kapusukan at ng murang isip ang lahat ng ‘yun. Pasensya na ha? Pero I’m explaining everything to you in my most gentleman way pero pwede bang tigilan mo na ang pagkaskas ng katawan mo sakin? Hindi magandang tingnan at kinikilabutan ako. Tyaka hindi ako interesado sa alok mo kaya makakaalis ka na.” Inilayo ko naman ang katawan ko sa kanya pero panay ang kapit niya sakin.

“Ano ka ba, okay lang ‘yun. We use to do this a lot. Uhm—you ready for tonight?” Sabat naman niya.

Naiirita na ko sa babaeng ‘to. Nase-stress na nga ako sa tatay kong hinayupak dumagdag pa ‘tong linta na ‘to. Bat ba kasi ang landi ko nung kabataan ko? Kairita. Landi ko sobra, pang-ilan na ‘to. Kaya ayoko minsan tatambay sa bar eh, akala lagi ng mga babae tulad pa rin ako ng dati.

Baka kung kabataan ko sinunggaban na kita pero malaki na talaga ang pinagbago ko. Napa-facepalm na lang ako sabay hatak ng braso ko na kinapitan niya. “Seryoso ako Clara, maayos kitang pinapaalis kanina pa pero makulit ka kaya—back off please. I’m a married man na and I don’t have any plan to flirt with anyone else besides my wife. Makakaalis ka na.”

Napaatras lang yung Clara at kitang kita ang naghalong galit at taka sa mukha niya. “Jerk.” Hinampas pa ko ng clutch bag bago umalis, bwisit na yun.

“Tss. Flirt.” Bulong ko naman pag-alis niya. Baka nga nung kabataan ko pinatos kita pero ngayon nganga ka. Layas!

Nagpatuloy lang ako sa pag-inom nang—“Wooooh—is that for real? Chase? One woman man? Tumanggi sa babae? Totoo ba ‘yung nakita ko o guni-guni?”

Napailing lang ako. “Gago nagbago na ‘ko.” Sumenyas ako ulit ng isa pa sa bartender.

“Since when?” Pang-uusisa nya. Siya naman pumalit sa pwesto nung Clara.

“Ever since I met her.” Seryosong sagot ko.

“Her who? Your wife? Sweet peach. I’m so touched.”

Ever since I met Sam, you idiot. I hissed to myself. Buntong hininga sabay—“None of your business, Seyd. Manahimik ka nga. Babae ka ba? Ang chismoso mo.” Iritable kong sagot. “Badtrip na nga ako dun sa babae, sinusulsulan mo pa.” Dagdag ko. 

“C’mon, tayo-tayo lang naman.” Siniko pa ko ng gunggong.

“You heard me right kanina kaya manahimik ka na. Wala na kong dapat ipaliwanag sayo.  Daig mo pa yung mangkukulam na dinadatnan ko sa unit ko sa pag-iinterogate sakin.” Mangkukulam na sumira ng buhay ko; Cassie.

Itinaas lang niya ang mga kamay niya above his head as a sign that he surrenders and I guess his letting this issue go.

“I’ll have the same please..” Seyd told the bartender. “Nag-iisa ka yata? Nasan mga alipores mo?”

Hindi lang ako kumibo at nagtaas lang ng balikat saglit sabay segway nang— “Kamusta naman si Sam?” I asked. Ilang araw ko na din kasi siyang hindi nakikita. Busy ako tapos busy sya. Ayoko naman abusuhin yung pagiging casual naming dalawa at kulitin siya. Ugh. Fuck. Namimiss ko na si Amazona.

Binabanggit ko pa lang yung Amazona napapangiti na agad ako. :)))))))

He sips some of his drink. “She’s doing great. Masigla kesa nung mga nakaraan pero parang may bumabagabag lang na hindi ko maintindihan.”

“Ano naman ‘yun?”

 

“I don’t know. Baka demanding clients?”

Tumango lang ako at dumaan ang ilang saglit ng katahimikan. Ang awkward kahit kelan kausapin ni Oliver Seyd, pakiramdam ko kasi any minute from now bigla na lang kaming magbabangayan at magsusuntukan. Nanahimik lang ako at nakiramdam.

“Sinong mag-aakala na dadating ang araw na ganito.” Sabi ni Seyd na natatawa pa. Medyo nagulat ako kasi lumilipad na kanina pa yung isip ko.

“Ha? Araw na ano?”

 

“Yung ganito. Yung makakapag-usap tayo ng hindi nagbabasagan ng mukha.”

 

“Adik ka. Kayo lang lagi ang basag ang mukha at umuuwing luhaan, never nangyari sakin ‘yun. Mga bobo kayo kaaway e. Suntok ewan.”

 

“Wow nahiya naman kami sa katalinuhan mo.”

 

“Don’t mention it, alam na alam ko naman na genius ako.”

 

“Aba matinde.”

 

“Aba may angal ka?”

Natawa lang kaming dalawa sa utuan portion namin. Para kaming mga tanga na tawa ng tawa sa mga nangyari samin nung highschool kami. Yung mga isip bata naming away, yung konting angasan lang maghahamunan na ng duelo kahit saan abutan. Sino nga bang mag-aakala na sa lahat ng nangyari sa buhay namin, darating ang araw na ganito. Yung para lang kaming magtropa na nagkayayaan mag-inom dahil may problema yung isa. Baka nga kapag makita kami nila Boom pagtawanan kami nun. Akalain mo, dalawang gang leaders nag-uutuan.

“Pero maiba ko Seyd—pwede bang pakiingatan si Sam. Wag na wag mo sana siyang iiwan kahit na anong mangyari. Palagi mo sanang iisipin ang kapakanan niya, yung nararamdaman niya lagi mong uunahin. Mature mag-isip ‘yun pero nangangailangan pa rin yun ng pag-aaruga, ng konting lambing. Gustong gusto nun yung sino-sorpresa siya, yung simpleng movie marathon, ice cream na chocolate flavor, okaya naman libro lang masaya na. Mababaw lang na tao si Sam kaya alam ko na hindi mo ko bibiguin.”

 

“Ha? E—Bakit mo sinasabi sakin ang lahat ng ‘to? Tyaka bakit ko naman gagawin ‘yun lahat para sayo?”

 

“Tanga para sa ikabubuti ‘rin yung ni Sam at ng pagsasama niyo. Dahil alam ko na kaya mo siyang pasayahin sa paraang hindi ko naibigay sa kanya. Dahil alam ko na kaya mo siyang mahalin ng hindi siya masasaktan, nang walang ibang taong masasaktan at madadamay.”

 

“Pero dude hindi kita naiintindihan—“

 

“Tol alin ba sa alagaan at pasayahin si Sam ang hindi mo naintindihan? I-english ko pa ba o i-mandarin ko para mas maliwanagan ka? Tol naman, talaga bang dapat sa bibig ko pa manggaling na mahal mo siya at nagde-date na kayo? Uto neto, masakit na nga sa damdamin ko gusto mo pa na ipagsigawan ko, dagukan kita eh. Sinabi na nga kasi sakin ni Sam nung nakaraan na nagkasama kami. Tanggap ko na, pero actually nung una hindi ko talaga gusto na sa lahat ng lalaki ikaw pa, pero sa totoo lang—never ko pa lang nagustuhan na ikaw ang dine-date niya kahit hanggang ngayon naman, hahaha pero kailangan kong tanggapin kasi ikaw na yung gusto niya tyaka dahil simula nung nawala ako ikaw ang nasa tabi niya at ikaw ang mas nakakaunawa sa kanya. Atsaka yung makarating ka ngayon sa puntong dine-date mo na siya ibig sabihin nakarating ka na sa puso niya at nagawa na niyang mag-move on sa mga pasakit na naidulot ko sa kanya. Kaya please lang Seyd, pasayahin mo si Sam. Ipinagkakatiwala ko siya sayo. Kapag pinaiyak mo siya, ililibing ko yang dalawang balls mo.”

 

“Bilib talaga ko sayo Chase..”

 

“Ha? Bakit naman?”

 

“The fact na nagagawa mong sabihin ang lahat ng ‘to sakin, isa lang ang ibig sabihin.”

 

“Ano naman aber?”

 

“Na sobrang mahal mo pa siya. Na sa sobrang pagmamahal mo sa kanya kaya mo siyang ipagkatiwala sa iba kahit pa mahirap para sayo yun. Pero kung ganun ‘man, bakit nagpakasal ka sa iba? Bakit nawala ka ng matagal despite everything else?”

Tiningnan lang niya ko ng derecho sa mata. Hindi lang ako nag-react  at naghintay na lumipas ang katahimikan. Gago rin ‘to eh, hina-hot seat ako.

“Gusto ko sanang gawin ang lahat ng sinabi mo Chase pero—“

 

“Pero ano? Ngayon mo na-realize na hindi mo na siya gusto kung kelan nagde-date kayo? O may gusto ka ng iba? O baka naman may fiancé ka na? o ayaw ng magulang mo sa kanya? Pare, ang labo mo, chance mo na ‘to. Ikaw na yung gusto niya pero ikaw naman ngayon yung tumatanggi. Sagwa naman nun bro. Sabi mo sakin dati kapag nakuha mo na siya hindi mo na siya papakawalan? Gara naman bro. Akala ko pa naman nakatapat na si Sam ng matinong tao—“ May sasabihin pa sana ako nang biglang may naglanding na kamay sa bibig ko para takpan ito.

“Tangena Chase ang daldal mo. Kung pinapatapos mo muna kasi ako adi sana naintindihan mo agad. Tae ka. Ang daldal mo, ang haba ng litanya mo.”

 

Tinanggal ko naman yung nakatakip na kamay niya sa bibig ko. “Tapos ka na? Oh go na. ikaw naman ngayon ang maraming satsat. Next time kapag hahawakan mo ko hugas ka muna kamay ha? Tangena ang alat ng palad mo san mo ba ‘yan hinawak.” Sabay dura ako ng dura pero pabiro lang.

Napapikit si Seyd na halata mong nairita ng saglit. Tumango lang ako. “Tuloy ka na..kaya mo ‘yan.” Sabay wink.

“Kadiri Chase.” Natawa lang siya sabay nagpatuloy. “Una sa lahat oo mahal ko si Sam. Mahal na mahal pa nga. Pangalawa botong boto ang magulang ko sa kanya to the point na mas close pa sila kesa sakin. Ikatlo, wala akong fiancé, at pang-apat at huli sa lahat—“ Huminto pa muna siya at humingan ng malalim. “Hindi ko alam kung matutuwa o madidisappoint ka. Pero sorry hindi kami nagde-date ni Samantha. Never naging kami at walang kami.”

“Yun naman pala e, so anong problema mo?—Wait. What? Ulitin mo nga yung pang-apat.”

 

“We are not dating. Never.”

 

“Ha? Paano nangyari yun eh she clearly told me that you guys are starting to see each other.”

 

“How I wish Chase, God knows how badly I want that to happen pero hindi talaga eh. Nawala ka man o bumalik ikaw pa rin. We remained friends, mula noon hanggang ngayon. Kung totoo man na kami ngayon Chase, hinding hindi mo na malalapitan si Sam pero nagagawa mo pa rin diba? Kasi nga hindi kami. Kaya lang niya siguro sinabi yun para ma-assure niya sayo na okay na siya. Na dapat matahimik ka na kasi kasal ka na. Pero never naman siyang naging okay since nung nawala ka. She’s cold as ice, ayaw niya akong papasukin sa puso niya. Simula nung umalis ka hanggang ngayon na bumalik ka ikaw ang hinihintay niya. Ikaw lang. Pero ang pinakamasakit sa lahat eh mukhang yung hinihintay niya nakapangasawa na ng iba.”

 

“Sa kabila ng lahat ng sakit..bakit? Paano? Bakit ako?”

 

“Hindi pa ba sapat na dahilan yung hindi nawala ang pagmamahal niya sayo? Na kahit ano pang nangyari noon handa ka niyang tanggapin isang sabi mo lang. Pero bumalik ka nga sa kanya, kasal ka naman sa iba.”

 

“Pero—walang kasal na naganap.” Mahinang bulong ko.

 

“Ha?”

 

“Wala dude. Sige salamat, una na ko. Salamat talaga sa lahat Seyd. May utang na loob ako sayo, babawi ako some other time.” Agad akong napalayas sa kinauupuan ko at iniwan mag-isa si Seyd. Ni hindi na ako nag-atubili pa at nagmadaling sumugod sa bahay nila Sam.

_______________

To Be Continued…

A/N:

Hi guys! Alam ko sooooobrang tagal bago ako ulit nakapaga-update pero sana ma-enjoy niyo 'tong chapter na 'to. Kung umabot ka na sa puntong binabasa mo 'to, wow wow salamat talaga dahil hanggang ngayon sinusuportahan mo 'to. I love you na!

COMMENT

VOTE

MESSAGE MO KO KUNG TRIP MO, FYI HINDI PO AKO SNOB DAHIL LAHAT SINASAGOT KO KAHIT INAAWAY AKO. LOL :))))

SALAMAT TALAGA GUYSSSSS! :)))))

Continue Reading

You'll Also Like

11.5M 335K 68
X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET. Do you want you to know about it? Let's...
158K 7.5K 54
Archana Louisse Young - President of the Student Council. She is trusted by the Reed family to regulate Lauxshire University's policy. She is known...
1.2M 23.8K 56
just for fun
You By author j

Fanfiction

323K 6.2K 82
JeDean ❤