Opposite Attracts (Heartthrob...

By CesMusickera

2.4K 91 56

We are very opposite. She loves to sing but I love to dance. She is very noisy pero ako yung tipong hindi m... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue

Chapter 18

55 2 4
By CesMusickera

Bianca's POV

Hindi ko alam kung bakit nitong mga nakakaraan ay nagpapadala ako sa mga yakap at pag-aalaga sa aming mag-ina ni Vincent. Pilit ko mang sabihin sa sarili ko na dahil lamang ito sa guilt na nararamdaman ko nang mamatay ang ama ko, pero puso ko na mismo ang nagsasabi na mahal ko pa din siya. Ayokong isipin ng lahat na nagkabalikan na kami. Sapat na sa akin ang makita ang anak ko na masaya kasama siya.


"'E ikaw? Masaya ka din ba na nand'yan si Vincent?"si Bes sa kabilang linya.


"Ha? M-masaya ako dahil nakikita ko ang anak ko na masaya."nauutal ko pang sabi.

"Bes, alaman na. Mahal mo pa 'di ba?"

"Colleen?"


"Okay, okay. Hindi na kita kukulitin about d'yan. Basta Bes, kapag tumibok ulit ang puso mo sa kanya... 'wag mo nang pakawalan pa."




"Bes, 'wag ako ang intindihin mo. Malapit ka nang manganak. Alagaan mo ang sarili mo ha. Bibisitahin kita kapag nagkaroon ako ng freetime."





Natapos ang tawag na 'yon dahil sa kailangan na daw ni Bes na umalis para sa buwanang check-up niya. Syempre, kasama ang asawa niyang si Garren. Napaisip lang ako bigla na ang swerte ni Colleen kay Garren. Alagang-alaga diya nito. Samantalang ako noon, ako lang mag-isa ang pumupunta sa OB para sa check-ups ko. Sabagay, kasalanan ko rin naman.




"Hayyssss!"mahabang pagbuntong-hininga ko.



"Kamusta?"

"Heto, busy sa paggagawa ng weekly test ng mga estudyante ko." Ibinaling kong muli ang atensyon ko sa ginagawa ko.




"Talagang kinacareer mo ang pagiging masipag na teacher."pagbibiro ni Harvey.

"Of course, para saan pa ang tinapos ko kung hindi ko magagamit. And besides, I'm a mother. I need money to feed my son."mataray kong sagot dito.



"Well, tama ka nga. Pero sana magkatime ka din para enjoyin ang buhay mo."


"I don't waste my time sa mga bagay na hindi importante. Ang libre kong oras ay nakalaan sa anak ko."

"At kay Vincent?"


"Bakit nasali dito si Vincent?"nakakunot-noo kong tanong dito.


"Is he curting you again?"


"Ano bang klaseng tanong 'yan?"inis ko nang sabi. Alam kong nagseselos siya kay Vincent. "He's the father of my son. Walang masama kung makikita mo kaming magkakasamang tatlo."


"Mahal mo pa ba siya?"bigla niyang tanong sa akin. "Bakit hindi ka makasagot? Mahal mo pa ba si Vincent?"




"I'm not sure."nakayuko kong sabi.


"Bakit hindi mo subukang ibaling ang pagmamahal mo sa iba?"




"Kanino? Sa'yo? I'm so sorry. Alam ko ang kahihinatnan kung gagawin kitang rebound. Masasaktan ka lang."


"Bakit Bianca? Bakit?" Hinawakan niya ng madiin ang magkabila kong balikat. "Bakit hindi mo ako pagbigyan? Bakit?"


"Nasasaktan ako, Harvey!"sigaw ko.


"Gusto ko akin ka lang! Akin ka lang!"


"No! He—" Sisigaw na sana ako ng tulong nang bigla niya akong siilin ng madiin at mapusok na halik. Itinulak ko siya ng buo kong lakas ko pero mas malakas siya. "A--no .... ba!"



Biglang bumukas ang pinto ng faculty. "Walanghiya ka!"narinig kong sabi ng pamilyar na boses. Bumitaw sa akin si Harvey at inudayan din ng suntok si..... si Vincent?




Naupo ako sa sulok ng faculty room dahil sa takot. Nanginginig ang buong katawan ko. Yakap ko ang sarili ko habng nakatulala lang.

Dumating ang ibang teachers para awatin sila. Napatingin ako sa mukha ni Vincent na ngayon ay putok ang labi pati na ang kilay nito. Habang si Harvey naman ay parang isang lantang-gulay na inaalalayan ng iba pang teachers.


"Okay ka lang?"si Vincent na agad lumapit sa akin. Nakatingin lang ako sa kanya. Hinawakan niya ang nanginginig kong mga kamay. "Buti na lang dumating ako."

"H—hindi ako makapaniwalang m—magagawa niya y—yun sa akin."nanginginig kong sabi. Isang mahigpit na yakap ang iginawad ni Vincent sa akin.




"Shhh.. nandito na ako. Wala nang mananakit sa'yo."pagpapakalma niya sa akin.

————————



"Don't worry Mr. Novales, nakakulong na po si Harvey. Hindi na din siya makakapasok sa company na pinagtatrabahuhan ni Miss Bianca."sabi ng pulis na umaasikaso sa ikinaso namin ni Vincent kay Harvey.


"Good."si Vincent.



"Akala ko mabait si Harvey. Obssess na pala ang lalaking iyon sa'yo, Bianca."si Teacher Charisma.

"Hindi ko din alam."


"Maswerte ka kay Mr. Dancer na si Vincent."malanding sabi nito.


"Tumigil ka nga d'yan."saway ko dito.


Lumapit sa amin si Vincent matapos kausapin ang pulis na humahawak sa kaso ni Harvey. "Okay ka na ba?"tanong nito sa akin.  Tumango lang ako dito.


"Sige Teacher Biancs, una na muna ako ha."si Charisma saka umalis.


Umupo sa tabi ko si Vincent. "Pasensya ka na ha. Kung napaaga lang sana ako ng konti, 'di sana hindi—"

"Salamat."


"Gusto ko kayong protektahan kayo ni Cal. Mas mabuti siguro na doon muna kayo sa mansyon mamalagi. Mukhang magiging delikado kung doon kayo sa apartment."


"Pag-iisipan ko."

Nagring bigla ang phone ni Vincent. "Excuse me. I need to answer this call." Ngumiti lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung tama ba ang sinabi ni Bes sa akin. Hindi ko din nasagot si Harvey kanina dahil.... dahil mahal ko pa rin si Vincent hanggang ngayon.



————————————

Vincent's POV

Hinintay ko nang matapos ang klase ni Bianca. Sabay kaming pupunta sa attorney ni Dad na si Atty. Diaz na siyang tumawag sa akin kani-kanina lang. Okay na naman daw si Bianca kaya bumalik ito sa pagtuturo matapos ng nangyari.



"Let's go."yaya ko dito.




Habang nasa byahe ay tahimik lang si Bianca. "Tinawagan ko na ang yaya ni Baby Cal. 'Wag ka na mag-alala sa anak natin."pagbasag ko sa katahimikan.



"'Yung inaalok mo sa akin kanina—"




"Okay lang sa akin kung ayaw mo. Pero magpapadala ako ng magbabantay sa inyo. Masyado nang delikado."


"Pag-iisipan ko pa rin."



"Okay."




Sa mansyon na kami dumeretso ni Bianca. Ilang minuto lang din kaming nauna kay Atty. Diaz. "Okay, Mr. Novales gave me his last will and testament before he died." Iniabot nito ang note ni Dad sa amin ni Bianca. Agad namin binasa ang nakasaad dito. Hindi na ako nagtaka sa mga nabasa ko. Ang kompanya at 10 percent ng iba pa niyang ari-arian lang ang iniwan ni Dad sa akin. Samantalang ang 90 percent ng lahat ay kay Bianca at kay Baby Calvin iniwan nito.



"Hindi ko po matatanggap ito."si Bianca matapos ibalik ang note sa attorney. "Masyado po itong malaki. At s-saka, kaya ko naman buhayin si Baby Calvin sa pagtuturo ko."


"Wala po akong ibang pagbibigyan nito kundi sa inyo lamang po. Pinasasabi din sa akin ni Mr. Novales na sa ganitong paraan man lang ay makabawi siya sa'yo Miss Bianca."si Atty. Diaz.



"Bianca? Please accept this. Para sa'yo at kay Baby Cal 'yan. Isipin mo ang magiging future niya sa paglaki niya."saad ko at pangungumbinsi ko din dito.




"Wala akong alam sa mga business na 'yan. I'm sorry."


"That's why I'm here. I'll help you."



"Pag-iisipan ko po Attorney."si Bianca.




"Okay. Just call me within this week para maayos ko na lahat ng papeles at mailipat sa mga pangalan n'yo." Tumayo na ito at isinaayos lahat ng papers sa envelope na dala niya. "Thank you Miss Bianca and Mr. Novales."



"Thank you Atty. Diaz."



"Bakit tinatanggihan mo ang lahat?"tanong ko kay Bianca nang makaalis si Attorney.


"Ang sabi ko, pag-iisipan ko."



"Bakit ayaw mo aminin sa sarili mo na kailangan mo ng tulong? Kailan mo kami... Kailangan mo ako?"malakas kong sabi dito.




"I don't waste my time for this none sense topic. I have to go." Akmang aalis na sana siya nang matigilan siya sa sinabi ko.




"Lintik na pride mong 'yan. Kailan mo ba ibababa 'yan?!"sigaw ko.




"Buhay ko 'to. Kaya wala ka nang pakialam kung anuman ang maging desisyon ko o gawin ko."matigas na sagot naman niya sa akin.


"I care! May pakialam ako kasi hanggang ngayon MAHAL PA RIN KITA!" Diininan ko talaga ang pagkakasabi ko na mahal ko siya para mas maramdaman niya kaya ko ginagawa ko lahat ng ito.



"I'm sorry." Nakita kong pinahid niya ang mga luha niya sa kanyang pisngi saka dali-daling umalis. Napaupo na lang ako at napayuko. Tama ba ang ginawa ko? Ano ba ang ibig sabihin ng mga ikinikilos niya? Ng pagluha niya? Ayaw na ba niya talaga sa akin? Naguguluhan na ako. Pero isa lang ang sigurado ako..., ang itinitibok ng puso ko.







——————————

Ano pa kayang mangyayari? Tatanggapin ba ni Bianca si Vincent? Maaamin na ba ni Bianca na mahal din  niya si Vincent?




Daming tanong ahahaha...
Unedited.

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 58.4K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
85.7K 1.4K 11
Magiging Bayarang Impostora si Hazel dahil sa matinding pangangailangan ng pera para sa kanyang naghihingalo na kapatid. Ano Kaya ang kanyang magigin...
956K 18.4K 44
Nawalan siya ng memorya kaya wala akong choice kundi ang kupkupin siya dahil ako ang nakakita sa kanya. Hindi ko akalain na mayaman pala ang kanyang...
291K 6.3K 18
Im not that Childish and Dumb Zooey Anymore!