Almost, But Not Quite (COMPLE...

By beeyotch

29.2M 1M 498K

From strangers to friends. From friends to close friends. From close friends to lovers. When Joey met Psalm... More

About The Story
Beginning
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Epilogue (Part 1)
Epilogue (Part 2)

Chapter 32

392K 18.6K 12.5K
By beeyotch

#ABNQ32 Chapter 32

I spent the whole weekend inside my room. My family didn't ask any questions kahit na ramdam ko na alam nila. They offered their silence as I kept on crying because... hindi ko alam. Siguro kasi nasasayangan ako? Kasi sobrang mali ng timing?

I didn't know how I'd face Psalm now that I know how I feel about him.

Noong hindi ko pa alam na ganito iyong nararamdaman ko para sa kanya, sobrang nasasaktan na ako sa tuwing iniiwasan niya ako... Paano pa kaya ngayon na naamin ko na sa sarili ko na gusto ko siya?

May mas isasakit pa ba 'yun?

When Monday came, nagulat ako nang pumasok si Mama sa loob ng kwarto ko. I was staring at nowhere when the door suddenly swung open. Nakita ko si Mama. Alam ko na nakita niya kung paano namamaga pa rin iyong mga mata ko. Pero kahit na ganoon, wala akong nakitang awa sa mga mata niya. She still looked at me like I was just Joey.

"Ma," banggit ko nang maglakad siya palapit sa akin. Nabigla ako nang maupo siya sa kama ko. She looked at me seriously, and I knew she meant business.

"Tapos ka na bang umiyak?" she asked in her no-nonsense tone. Napaawang ang labi ko, hindi alam kung ano ang sasabihin. "Joey, dumaan din ako sa kabataan kaya alam ko 'yang pinagdadaanan mo. Normal lang 'yan. Pero kung anuman 'yang nangyayari, 'wag mong idamay 'yung pag-aaral mo. D'yan ako magagalit talaga sa 'yo."

Nagsimula na namang magtubig iyong mata ko dahil sa sinabi niya.

"Okay lang na iyakan 'yang mga lalaki na 'yan. Okay lang masaktan. Pero 'di okay na pabayaan mo 'yung pag-aaral mo para lang sa lalaki. 'Di na pagmamahal 'yun. Katangahan na 'yun," she calmly said. "Maniwala ka sa 'kin na marami ka pang makikilala na mas sa lahat ng bagay. Pero kung kayo talaga niyang iniiyakan mo, kayo talaga. Pero sa ngayon, umayos ka."

My mother's words were always harsh, but truthful. I knew she meant well, but every word felt like stab in my chest. She was the dose of reality that I needed amidst the ocean of pain I was letting myself drown in.

"Papasok na ko sa trabaho. Maligo ka na at pumasok. 'Di kami nagpapaka-hirap magtrabaho para lang magsayang ka ng tuition," she finally said before going out of the room. Ilang segundo akong naka-titig sa pinto matapos siyang lumabas. Ilang luha pa iyong tumulo mula sa mga mata ko bago ako nagsimulang gumalaw.

Tama naman siya. Okay lang masaktan... pero iyong itigil mo iyong mundo mo para lang 'dun? It's never okay. It will never be okay. Love is supposed to make you a better person, to inspire you to do better... but if it's causing you pain and creating a monster out of you... is it really love?

Jax offered to drive me to school, but I declined his offer. I didn't want anyone to coddle me because it would only make me feel like I couldn't go through this shit alone. Kaya ko naman. Kinaya ko na dati, e.

Pagdating ko sa classroom, agad akong nilapitan ni Kitty. I knew this would happen dahil weekend pa lang e binubugbog niya na ako ng text at tawag—so much so na dahil sa kanya na-deadbatt iyong phone ko. Kaka-charge ko lang kanina. 'Di ko pa nababasa lahat ng dumating na message na sa tingin ko ay kalahati galing kay Kitty.

"Nasaan ka last Friday?!" she asked. Medyo kinurot niya pa ako!

"Aray naman!" sabi ko sa kanya. "Nandun naman ako... maaga lang umuwi," I tried to explain. I wanted to be honest with her because she's my friend, but I really had no idea where I'd start.

She glared at me. "Wag ka ngang sinungaling. May attendance list 'yung mga dumating. Wala ka 'dun."

I bit my lower lip, and looked around. Medyo maaga pa naman. Napaaga kasi iyong alis ko sa bahay dahil sa takot kay Mama. Baka magalit na kasi talaga kapag 'di nga ako absent, late naman. Siya kasi iyong tipo na 'di nagagalit talaga kasi as much as possible, pinapabayaan niya kami ni Jax. Pero kapag nagalit, talagang nakaka-takot. Naalala ko dati napabayaan ni Jax iyong pag-aaral niya dahil na-adik sa pogs nung bata pa. Ayun, sinunog ni Mama sa harap niya. Iyon siguro ang dahilan kung bakit naging dakilang nerd 'yung kapatid ko. Na-trauma yata kay Mama, e 7 years old pa lang siya nun.

"Sa cafeteria tayo," I said. Madaling tumayo si Kitty. I looked at Anj. "Sama ka?" I asked. Alam ko naman na naririnig niya. She's still my friend, no matter what happened in the past. Ayoko lang palakihin pa iyong drift kasi pareho naman kaming may mali dati.

Dahil wala pa iyong prof namin, dumiretso kami sa cafeteria. Walang masyadong tao dahil maaga pa.

"So, ano'ng nangyari nung Friday? Ano'ng nangyayari nitong mga nakaraang linggo? Hindi na ako busy ngayon, so update mo na ako," utos ni Kitty habang naka-tingin sa 'kin.

I sighed.

"Ano kasi..." I said, uncertain on how I'd tell things without making anyone look back. We're all at fault here. I didn't want to blame anyone because I knew that I was equally at fault. "Naalala mo 'yung nasa bahay tayo last time?" she nodded profusely. "Psalm... he kinda confessed."

Nanlaki iyong mata ni Kitty. Si Anj, natawa.

"For reals?!" Kitty shouted, at hinampas na naman ako. "Masama kang kaibigan! Bakit hindi mo agad sinabi sa 'kin?! Alam mo bang inaabangan ko 'yan?! Mas invested pa nga ako sa drama niyo ni Psalm kaysa sa sarili kong buhay, e!"

"Wala naman kasing dapat sabihin... I turned him down."

Napa-awang iyong labi nila.

"I said I just wanted to be friends. I was at fault for how things turned out dahil hindi ko napaliwanag sa kanya nang mabuti iyong gusto kong sabihin... I just didn't want to be with anyone yet. Nung sinabi niya sa 'kin na gusto niya ako, ang unang naisip ko agad iyong nangyari kay Steele. Na paano kapag hindi nagwork? Ganon ulit? Mag-iiwasan? Kasi ganoon na ganoon iyong nangyari dati. Alam mo 'yun? Sobrang close kami ni Steele. Ngayon, bilang na bilang ko iyong pagkakataon na nag-uusap kami. Ni hindi nga namin kaya na maiwang dalawa kasi alam mo 'yun? Hindi na talaga mababalik iyong kagaya nung dati."

Nagsisimula na namang sumikip iyong dibdib ko habang sinasabi ko iyong nangyari. I was just talking about it, yet my heart was already hurting so bad.

"Iba naman si Psalm kay Steele..." Anj said. "Steele's my friend, but he's an asshole when it comes to girls. Pero si Psalm? Alam mo naman na mabait 'yun, Joey. 'Di gagawin nun sa 'yo 'yung ginawa ni Steele."

I nodded, feeling my chest tightening with every word. "Alam ko naman... Hindi naman siya 'yung problema. Ako naman. Ako 'yung 'di pa handa. Ako 'yung 'di pa buo. Ayoko naman na sabihin sa kanya na okay kahit ramdam ko na hindi pa. Mas unfair naman kasi kung papayag ako kahit ang dami kong gustong ayusin sa sarili ko."

Kitty smiled at me, and hugged me. "I'm with Joey on this one. Kung 'di kalahating tanga si Psalm, dapat alam niya na na-traumatize si Joey sa mismong gawa ng best friend niya. He should've known better. He could've waited until she's okay. Mali din naman kasi timing nung kulot na 'yun."

I tried to smile. "Wag na nating pagtalunan. Tapos na. Ayoko rin na maging issue 'to sa grupo kasi wala namang kwenta."

They both nodded. "Pero ano nga nangyari last Friday?" Kitty asked. God, she wouldn't stop.

"Lately, si Kia—"

"Ugh! Kia! Umagang-umaga sinisira mo agad araw ko, Joey!" Kitty fumed before I could even finish what I was saying. "Pero ano? Ano na naman ginawa nung mang-aagaw ng kaibigan na 'yun?"

Napa-buntong-hininga ako. Talking about them was like reliving the pain all over again. I hated feeling this way, but I owe it to my friends.

"Hindi ko alam... Wala naman silang ginagawang masama ni Psalm, pero tuwing nakikita ko silang magkasama, naiinis ako. Nagagalit ako. Tapos, na-realize ko na nagseselos pala ako," sabi ko habang sabay na napaawang iyong bibig nila. Kinuyom ko iyong kamao ko kasi kailangan kong matapos sabihin 'to. Kasi alam ko na ito na 'yung huling beses na sasabihin ko 'to.

"Nung Friday... Nung Friday, gusto kong sabihin pero hindi ko natuloy. Kasi nakita ko na naman silang dalawa. Magkasama na naman sila. Tapos... tapos parang pinanghinaan ako ng loob. Kasi paano naman? Nung sinabi ko kay Psalm na ayoko, sinunod niya naman 'yung gusto ko. Nirespeto niya naman. Kaya naisip ko, kung iba na 'yung gusto niya, 'di ba dapat ganun din 'yung gawin ko? Na irespeto ko rin? Kasi ayoko namang maging selfish. Kasi 'di niya naman deserve 'yun."

Naiinis ako kasi umiiyak na naman ako. Na kahit ano'ng pigil ko, hindi ko nagawa kasi ang sakit talaga.

Ang sakit kasi sayang.

Ang sakit kasi wala kami sa tamang timing.

"Sana sinabi mo sa 'min, sa 'kin... We would've ditched that party in a heartbeat!" Kitty said. Tuluyan niya na akong niyakap. Pahigpit nang pahigpit iyong yakap niya habang binubulong kung gaano kagago si Psalm at ka-sumpa-sumpa si Kia.

I laughed and smiled at reaction.

My experience with love, by far, has sucked, but I couldn't deny how lucky I am with my family and friends.

"Pinaghirapan mo 'yung party..." I said.

"Ako na nag-ayos nun kaya sasamain na sila sa 'kin kung may masusumbat pa sila," she said. I laughed again. Kitty may be a lot of things, but as a friend, she's everything.

"Sorry, Joey. Sana nasamahan ka namin nung Friday..." Anj said.

I smiled. "It's okay. May kasama naman ako."

"Sino? Si Jax? Napaka-buting kapatid talaga nung mahal ko..." Kitty said.

I laughed again. "No. Si Marcus."

Kitty and Anj's jaws dropped.

"Oh, my God!" panay sabi nilang dalawa. They kept on asking me details, but I kept my mum. I didn't want to divulge anything because that night felt personal kahit sa totoo lang, iniyakan ko lang naman si Marcus Isaiah Nicolas, ChemEng student, President ng Student Council, at member ng swimming team.

Maybe that night would be our little secret.

* * *

Thankfully, nagstart na ang klase kaya wala nang nagawa sila Kitty tungkol kay Marcus, but I knew that that wasn't the end of it. Pagdating namin sa classroom, lumipat ng upuan iyong dalawa para kaming tatlo na iyong magkakatabi. I knew the guys found it weird, but isang malutong na irap lang ang nakuha nila sa munting kuting.

After class, nilapitan agad kami nung mga lalaki.

Nandun si Psalm.

Hinawakan ni Kitty at Anj iyong magkabilang kamay ko at pinisil nila. It was like they were telling me that they're with me.

"Jo, 'di ka namin nakita nung party," Matt said.

"Busy siya. May kasama siya," Kitty answered bago pa man ako makapagsalita.

"Whoa, ano na naman nagawa ko at sinusungitan mo ako?"

"Hmp!" sabi ni Kitty sabay irap. "Pupunta na kami sa cafeteria. Pwede kayong sumabay sa 'min basta 'di niyo kasama si Kia."

Ayokong tignan sila.

Mas ayokong tignan si Psalm.

At mas lalong ayokong marinig na ipagtanggol ni Psalm si Kia. Kahit alam ko na dapat. Kahit na alam ko na wala naman siyang kasalanan.

Couldn't I be irrational? Kahit ngayon lang? Kasi nasasaktan ako, e...

"Kitty, you're being too much," I heard Psalm said. I also heard something inside me shattering.

Humigpit iyong hawak ni Anj at Kitty sa kamay ko. Kitty answered again. "No, Psalm, you're all being too much. Alam niyo naman na 'di kami okay sa kanya, pero pinipilit niyo siya sa group. Okay lang naman sa 'min na samahan niyo siya, but at least do it kapag 'di niyo kami kasama. Kasi sobrang insensitive lang na alam niyo naman na 'di okay pero pilit niyong sinasama. Tapos kapag nagkakaganito, ano? Kami na naman masama? Kami pa? E in the first place sinabi naman sa inyo na 'di namin siya gustong kasama."

Napaawang iyong labi ng mga lalaki sa sinabi ni Kitty.

"Stop being a brat, Kitty," sabi ni Simon. Ramdam ko iyong paghigpit ng hawak ni Kitty sa akin. Si Simon iyong laging kumukunsinti sa kanya... to hear him tell her that she's being a brat would hurt so bad. "The world doesn't revolve around you. Grow up."

Mabilis na bumitiw si Kitty sa akin.

Mabilis siyang umalis sa classroom.

Hindi ko alam ang gagawin ko dahil masyado akong nabigla sa mga pangyayari. Totoo ba na ilang linggo na lang at matatapos na ang klase namin pero ganito pa ang nangyayari? Ito ba iyong memories na dadalhin namin pagka-graduate namin?

"Dude, magsorry ka..." Matt said. "Sobra ka naman 'dun."

Simon shook his head. "She needs to hear it. Tayo, kaya nating mag-adjust sa kanya. Paano na pagkatapos nating grumaduate? Hindi lahat ng tao mag-a-adjust sa kanya. Hindi lahat ng tao kayang itolerate 'yung ugali niya."

"I get your point, but you could've said it in a better way. It's not what you say, but how you say it. Ang sobra lang nun, dude," Matt said.

Nagtatalo si Matt at Simon tungkol kay Kitty. Ako, hindi binitawan ni Anj iyong kamay ko.

"Hahanapin ba natin si Kitty?" Anj asked.

I shook my head. "Nagpapa-lipas ng inis 'yun. Magpapakita 'yun kapag okay na," I said.

Hindi kami sumama sa boys sa cafeteria kasi sa totoo lang, nainis ako sa ginawa nila kay Kitty. I felt like a sucky friend because I wasn't able to stand up for her when she was just doing that for me. Masyado akong nabigla sa bilis nung pag-uusap nila kaya 'di agad ako nakapagsalita.

Bumili kami ni Anj ng pagkain. Naghanap kami ng table, pero masyadong puno iyong cafeteria. We saw Matt waving at us dahil nagsave sila ng bakanteng upuan para sa 'min.

"Sa bench na lang tayo sa labas," Anj said nung makita niya na nandun si Psalm. He wasn't even looking at me. Nasa phone niya na naman iyong atensyon niya. Malamang ka-text na naman si Kia.

I shook my head. "Doon na lang tayo," I said because I didn't want to widen the rift. Matatapos na. Ilang linggo na lang.

Naupo kami doon. Walang nag-uusap. Ramdam pa rin namin iyong tensyon sa nangyari kanina.

I was focused on finishing my food when my eyes widened upon seeing Kitty... with Marcus.

"Kung pwede kayong magdala ng Kia sa group, magdadala din ako ng Marcus!" Kitty said, then pointed at the vacant chair near me. "Dun ka maupo, Marcus!" 

Continue Reading

You'll Also Like

11.6M 471K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
1M 28.9K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...
15.1M 586K 48
(Game Series # 5) Lyana Isobel Laurel never wanted complication. She never dreamed of marrying into a wealthy family-a family that's way out of her l...
573K 17K 86
Kayla is not your ordinary girl. Why? Because she really isn't. May kakayahan siyang hindi naiinitindihan ng ibang tao. She has a third eye. Hindi n...