My Tag Boyfriend (Season 1)

Door OppaAnja

41.3M 686K 172K

Anong gagawin mo kapag may na-tag kang maling tao sa status mo sa Facebook? Ang masaklap pa nito, nabasa ng b... Meer

My Tag Boyfriend
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
A/N: MTB First Monthsary Celebration 02-02-14
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Ako Puso mo Lyrics
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50 (Special Chapter)
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Author's Note
My Tag Boyfriend Book

Chapter 56

514K 9K 3.2K
Door OppaAnja

Chapter 56

Kaizer's P.O.V

  "Tingin sa kamera!"

  "Hapitin mo pa yung partner mo please!"

  "Smile naman dyan! Kaizer! Ngumiti ka sa kamera!"

  Psh! Ngumiti daw.

  Paano naman ako ngingiti kung nakakainis yung kapartner ko?

  Tsk! Buti sana kung si TG yung kasama ko dito malamang ngingiti pa ako. Psh!

  "Pwede ba? Subukan mo na lang makipagplastikan kahit ngayon lang. Sumasakit na panga ko kakangiti dito tapos ikaw ginugulo mo lang?!"

  Hindi ko na lang pinansin yung sinabi ni Margaret sa akin.

  Hindi naman ako kagaya nya na plastik at wala akong makitang rason para ngumiti sa harap ng kamera lalo na kung sya lang din naman yung nasa tabi ko.

  Pasalamat na lang talaga sya at babae sya dahil kung hindi, siguro nasapak ko na sya dahil doon sa mga pinaggagagawa nya kay Sitti.

  Psh! Ewan ko ba kasi doon sa baliw na babaeng iyon at kinaibigan pa yung taong laging nananakit sa kanya. Pinatunayan nya lang talaga sa akin na baliw talaga sya!

  Napangiti ako nang bigla na lang pumasok sa utak ko yung mga kabaliwan na pinaggagawa ni Sitti sa buhay nya mula nang makilala ko sya.

  "Ayan! Perfect! Ganyan dapat! Mas nagiging effective na yung pagiging partner nyo!"

  Biglang sumimangot yung mukha ko nang marinig ko yung sinabi ni Patty--ang photographer namin para sa shoot na ito.

  Wag na kayong magtaka kung bakit sya ang kumukuha ng mga litrato namin para sa school advertisement posters. Passion nya na noong bata pa lang kami ang photography at mahilig lang talaga syang mag-angkin ng trabaho ng iba.

  Isa syang sobrang workaholic na babae. Tsk!

  "Ibaba mo na nga yan! Kanina mo pa kami kinukunan!" sabi ko sabay bitaw ng hawak doon sa bewang ng babae na yun.

  Tsk! Naiinis pa din ako kapag naiisip ko yung mga masasamang ginawa nya sa girlfriend ko. Nakakapika! At hindi ako gaya ni Sitti na basta-basta na lang magiging mabait sa isang 'to! Huh!

  "Ngingiti ka din naman pala ang dami pang arte!"

  Napalingon ako sa kanya nang sabihin nya iyon sabay pinaikot nya yung mga mata nya sa akin saka inayos yung buhok nya at umalis.

  Tsk! Tingnan nyo nga yung ugali ng babae na iyon! Anong nakita ni Sitti sa kanya at kinaibigan nya iyon?! At bakit parang ako lang ang hindi tumatanggap sa kanya sa grupo?! Tsk! Ano iyon? Tanggap na nilang lahat kasamaan ng ugali ng babae na iyon? Psh!

  "Ah Kaizer--"

  "ANO?!"

  Hindi ko napigilang magtaas ng boses nang may bigla na lang tumawag at kumalabit sa balikat ko. Tsk!

  "A-Ah...e-eh...k-kung tapos ka na..."

  Mariin akong pumikit nang makita ko yung vice president ng student council sabay ko hinilot yung pagitan ng dalawang mata ko at saka huminga ng malalim.

  "Pasensya na. Napagod lang ako sa pinapagawa ni Patty sa amin." sabi ko sa kanya sa mahinahon ng paraan. "Anong kailangan mo?"

  "Ah...eh...since okay ka na naman. Itatanong ko sana kung pwede ka naming ma-interview para sa school paper? P-Pero mukhang hindi ka pa okay kaya sa susunod na lang siguro."

  Papaalis na sana sa harapan ko ang vice president ng student council nang bigla ko syang tinawag.

  "Hindi. Sige na. Pwede ako ngayon. May gagawin pa ako mamaya kaya ngayon mo na lang ako tanungin."

  Nung una mukhang nag-alangan pa yung lalaki na yun na kausapin ako dahil nga sa biglang pagsigaw ko sa kanya kanina.

  'Psh! Kasalanan 'to ng babaeng iyon!' sa isip ko.

  "Okay sige. Doon na lang siguro tayo sa isang tabi. Kaunti lang naman 'to. Matatapos din tayo agad."

  Nakahinga ako ng maluwag doon sa sinabi nya.

  Mabuti naman at makakaalis agad ako ng maaga pagkatapos nitong interview na ito. May daraanan pa kasi akong flower shop mamaya.

  Anong okasyon? Tsk! First monsary namin ni TG at wala pa akong nabibiling regalo sa kanya.

  Isa pa, kailangan ko pang ipapaalala sa babaeng baliw na iyon mamaya yung tungkol sa monsary namin kasi paniguradong hindi nya alam na ngayon iyon. Psh!

  Naglakad kami sa bleachers ng gym at naupo ng magkaharap sa isa't-isa.

  Tsk! Sana naman matapos agad ang tanungan na 'to dahil baka wala na akong maabutang bulaklak mamaya.

  Saka isa pa, gusto kong panoorin yung girlfriend ko doon sa photoshoot nya kasama si Mobi.

  Mahirap na. Baka anong kabaliwan pa iutos sa kanila na Patty na gawin. Mabuti ng nag-iingat.

  "So, unang tanong. Kumusta naman yung experience mo bilang runner up na lang sa Mister and Miss Eastton University contest? Anong pakiramdam na naalis ka sa pwesto?"

  Binigyan ko muna ng bagot na tingin ang lalaki na ito bago ko sya sinagot.

  "Kung tatanungin mo ko para alamin yung nararamdaman ko dahil hindi na ako yung Mister Eastton ngayong taon, okay lang. Wala naman akong pakialam sa contest na iyan noong una pa lang. Kayo ang nagsali sa akin dyan at hindi ako."

  Sinulat ng vice president yung mga sinabi ko sa dala nyang notebook saka ako tinanong ulit.

  "Eh ano namang mapapayo mo sa bagong Mister and Miss Eastton? Balita ko best friend mo yung nanalo ngayong taon at girlfriend mo naman ang isa. Hindi ka ba natatakot na baka maagaw sa'yo ng bagong Mister Eastton yung girlfriend mong si Felicity Sandoval?"

  Tinitigan ko ng masama yung lalaki na iyon. "Sinong gumawa ng mga tanong mo?"

  "Ako!" masayang sabi ni Patty sabay upo sa bakanteng upuan sa pagitan namin nung vice president. "Ayos ba?"

  Tsk! "Sinasabi ko na nga ba at ikaw na naman may pakana nito eh! Ayoko ko na! Hindi na ako sasagot sa mga tanong nyo! May pupuntahan pa ako!"

  Papatayo na sana ako nang biglang hilain ni Patty yung braso ko dahilan para maupo ulit ako sa bleachers.

  "Ang korni mo talaga kahit kailan, Kaizer! Sagutin mo na lang kasi nang matapos na tayo!"

  "Ayoko."

  "Dali na!"

  "Ayoko."

  Tinitigan ako ng masama ni Patty nang tumanggi ulit ako pero mamaya lang ngumiti na sya sa akin...ngiti ng taong may binabalak na masama.

  "Bibigyan kita ng copy ng interview ko kanina kay Sitti kapag sinagot mo lahat ng mga tanong namin para sa'yo."

  "Ininterview mo din si Sitti?" kunot-noo na sabi ko.

  "Oo naman! Kailangan 'to ano! Ininterview ko lahat ng nanalo sa Mister and Miss Eastton contest kahapon saka ngayon. Ikaw na lang ang hindi pa kaya sumagot ka na lang sa mga questions namin!"

  "Ayoko pa din." sabi ko saka tumayo at nagsimulang maglakad palayo sa kanila.

  Kaya lang nakakailang hakbang pa lang ako, nagsalita na naman si Patty.

  "Vice President, ano nga ulit yung sinagot ni Sitti sa atin kanina tungkol doon sa ideal guy nya?"

  "Ah iyon ba? Teka! Pwede ko bang sabihin? Baka kasi may makarinig na ibang tao dyan eh!"

  Nilingon ko yung dalawa at kitang-kita ko sa mga ngisi nila na tinatrap nila ako.

  At dahil sa masyado akong baliw sa babae na yun at doon sa kung ano yung sagot nya tungkol sa ideal man nya, nagpahulog ako sa trap ni Patty. Psh!

  "Anong sinagot nya?" bale-walang tanong ko.

  "Bakit ko naman sasabihin? Exclusive lang iyon para sa mga sumagot sa interview namin ano!"

  "Tsk! Binablack mail mo ba ako Patty?"

  "Bakit?" sabi nya saka ngumiti sa akin ng ubod ng tamis...ngiti ng kasamaan. "Magpapablack mail ka ba?"

  Matagal kaming nagtitgan saka ako bumuntong-hininga at naupo ulit sa pwesto ko kanina.

  "Kapag iyang interbiew ni Sitti nilabas nyo sa school paper, magtatago-tago na kaya huh? Dahil hahanapin ko kayo at isa-isang kukutusan!"

  "Para namang kaya mong gawin sa akin iyon ano!" kibit-balikat na sabi ni Patty sabay kinuha yung notebook doon sa kamay ng vice president nya.

  Tsk! Mga black mailer mga official sa student council!Maliban na lang sa akin syempre.

  "So ano na? Anong sagot mo sa tanong ng VP ko kanina?"

  Sandali muna akong nanahimik at bumuntong-hininga bago ulit nagsalita.

  "May tiwala ako sa girlfriend ko. Alam kong hindi nya ako lolokohin..." sabi ko sabay sumimangot ulit ang mukha ko. "At lalong hindi nya ako ipagpapalit sa lalaking puro marshmallow na lang ang laman ng bibig! Hindi nya ako kayang ipagpalit sa isang alien! Huh! Sa gwapo kong 'to ipagpapalit nya ako?! Huh!"

  Napapatango sa akin si Patty habang sinusulat nya yung mga sinabi ko. "Hoy! Wag mong i-eedtit sinabi ko huh?! Kilala kita Patty!"

  Nag-angat ng tingin nya sa akin si Patty saka nya ako nginisihan. Ngisi ng mga taong guilty. Tsk!

  "Oo naman! Ako pa? Wala ka bang tiwala sa akin?"

  "Wala."

  "Grabe ka talaga kahit kailan Kaizer!" umarte pang parang nasaktan si Patty doon sa sinabi ko. Pero arte lang iyon. Tsk! "Okay next question! Anong masasabi mo ngayong alam na ng lahat ng mga schoolmates natin na kayo na si Sitti? May masasabi ka ba sa kanila?"

  Sandali akong nag-isip. "Wala akong pakialam kung alam na ng lahat. Hindi naman ako obligadong ipaalam sa kanila o ipakilala sa kanila kung sino ba ang girlfriend ko o hindi. Ngayon, mensahe ko? Kapag may nanakit ulit sa girlfriend ko, pasensyahan na lang dahil papatulan ko na silang lahat kapag inulit pa nila yung ginawa nila kay Sitti!"

  Naiinis pa din ako tuwing maaalala ko yung ginawa ng mga kaklase ko kay Sitti.

  Nang dahil sa kabaliwan ng mga babae sa eskwelahan na ito, na-ospital pa yung girlfriend ko! Tsk! Hindi na sila nadala!

  Inilayo na nga nila sa akin yung babaeng gusto ko noon tapos ngayon uulitin na naman nila?!

  Bigla akong napailing nang maalala ko ang tungkol sa ginawa nila noon maging sa babae na tinutukoy ko.

  Hindi ko na dapat sya naiisip! Tama! Si Sitti na ngayon yung nasa tabi ko at hindi sya.

  Umalis sya. Iniwan na nya ako. Ano pa bang karapatan nya para isipin ko pa sya di ba? Psh!

  "Okay got it! Sunod." putol ni Patty sa malalim na pag-iisip ko. "Ano naman masasabi mo sa pagkakaibigan nila Sitti at Margaret? Alam naman ng lahat yung tungkol sa relasyon nila noon at lahat ng mga tao ay nagulat nang makita na magkasama si Margaret at Sitti sa iisang lugar. Anong masasabi mo sa issue na ito? Okay ba sa'yo na maging kaibigan ni Sitti si Margaret?"

  Bagot kong tiningnan yung dalawang tao sa harapan ko saka ko sumagot.

  "Hindi porque galit ako sa Margaret na iyon eh pipigilan ko na yung girlfriend ko na makipagkaibigan sa kanya. Boyfriend lang ako. Hindi magulang. Hindi ko sya pipigilan sa mga gusto nyang gawin kasi malaki tiwala ko sa kanya. Kung anong gusto nya, susuportahan ko sya. Kasi mahal ko sya eh! Ganoon naman kapag mahal mo ang isang tao di ba? Isasantabi mo nararamdaman mo para mapasaya yung taong gusto mo? Hindi ako selfish na tao. Kung saan sya, doon din ako."

  "Wow! Very well said!" sabi ni Patty sabay pumalakpak yung dalawa. "Follow up question lang ano? Ano bang nagustuhan mo kay Sitti? Anong meron sa kanya na wala sa iba?"

  "Kailangan ba laging may rason kapag nagmahal ka ng isang tao? Hindi ba pwedeng mahal mo sya tapos?"

  "Pwede naman siguro..."

  Tinitigan ko ulit sa bagot na paraan si Patty saka ako ulit nagsalita.

  "Mahalin mo yung tao kasi gusto mo. Hindi dahil sa maganda sya, matalino sya, mayaman sya, mabait sya, o kung ano pa mang rason. Mahalin mo yung tao kasi iyon ang gusto mo...hindi dahil sa kung anong nakikita ng mata mo." sabi ko. "Ngayon kung tapos na kayo sa mga tanong nyo, aalis na ako."

  Hindi ko na hinintay pa na tawagin ulit ni Patty yung pangalan ko dahil gusto ko na talagang umalis sa lugar na ito.

  Psh! Ano-ano naman tinatanong nila na sa akin na walang kinalaman sa school eh! Panigurado ako na hindi din totoo yung interview na iyon. Gusto lang malaman ni Patty yung reaksyon ko sa mga nangyayari kaya tinatanong nya iyon. Psh!

  Kahit kailan talaga hindi na huminto yung babae na iyon sa pangengealam sa buhay ko!

  Bagay talaga sila nung baklang si Kris!

  Pababa na sana ako ng bleachers nang mahinto ako ilang hakbang ang layo mula sa baba nang makita ko ang pagpasok ni Sitti sa gym suot yung school uniform ng mga first years.

  Dito sa Eastton, iba't-iba ang uniform ang makikita mo depende na din kung anong year ka, anong course at kung ano-ano pang kagastusan na naiisip ng head ng school na ito.

  At sa totoo lang, pagkapasok na pagpasok ni Sitti sa gym, hindi ko maiwasang tumagal yung tingin ko sa kanya.

  Ang ganda nya kasi ngayon sa suot nyang first year uniform at inipit pa nila yung buhok nya patalikod kaya kitang-kita ko ngayon yung mukha nya. Hindi gaya nung dati na madalas matakpan nung bangs nya yung mukha nya.

  Para akong sira habang bumababa ako sa hagdan ng bleachers dahil hindi ko na naalis yung tingin ko sa mukha nya.

  Pasalamat na lang siguro ako at mukhang walang nakapansin ni isa sa mga tao sa gym sa presensya ko kaya walang nakakakita sa kung gaano ba kasira yung reaksyon sa mukha ko ngayon.

  At isa pa, nagpapasalamat din ako na walang nilagay na kolorete sa mukha ni TG. Kung meron man, hindi halata. Ayokong nakikita sya na naka-make up. Mas gusto ko yung simpleng itsura nya lang.

  Ngayon, nagsisimula na akong makaramdam ng inis para sa photoshoot na ito!

  Naiisip ko pa lang na madidikit sa buong pader ng school at maging sa labas ng school yung mukha ng girlfriend ko, naiinis na ako!

  Ano pa kaya kung nakikita ko na talaga yung advertisement poster maging yung billboard ay commercial? Psh! Nakaasar!

Sitti's P.O.V

  Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang naglalakad ako papasok sa gym.

  Tapos mas lalo pang nadagdagan yung kaba ko nang makita ko yung mga schoolmate ko na member ng student council at organizer ng photoshoot na ito na nakatingin lahat sa akin.

  Ang dami tuloy pumapasok sa utak ko ngayon.

  Panget ba suot ko? Panget ba buhok ko? Makapal ba make-up ko? Hindi ba bagay sa akin yung first year uniform blah blah blah!

  Pero naisip ko din, na panget naman talaga ako kaya malamang kaya sila nakatingin sa akin kasi di bagay sa akin yung damit.

  Halata siguro sa itsura ko na pabata lang yung mukha ko. Feeling first year kahit mukha na akong nagtatrabaho. Haggard. Panget.

  "Sabi na eh! Dapat hindi na ako pinasali sa photoshoot na ito!" mahinang sabi ko sa sarili ko.

  "Felicity ikaw ba yan?"

  Tatalikod na sana ako at aalis nang tawagin ng isa sa mga taong nandito yung pangalan ko.

  "Oo. Ako nga." sagot ko. "Oo na! Di na bagay sa akin! Sabi sa inyo eh! Si Margaret na lang kasi kuhanan nyo! Mas expert sya! Mas maganda! Mas bagay sya na maging model para sa school!"

  Nakita ko na nagtitigan yung mga taga-student council saka sila nagtawanan.

  Okay. Hindi pala si Margaret Torres ang ultimate bully sa Eastton kundi ang buong student council members--maliban kay Patty syempre!

  "Ano ka ba! Ang ganda mo nga ngayon sa suot mo eh!" sabi ni Mhay--ang head organizer ng photoshoot na ito. Kilala ko sya kasi classmate ko din sya ngayon.

  "Talaga?" dudang sabi ko. "Kung sinasabi nyo lang yan para hindi ako umalis, aalis pa din ako! Ayoko nga sabi ng photshoot-photoshoot eh!"

  "Ano ka ba! Ang ganda mo kaya!" sabi ulit ni Mhay sabay lagpas ng tingin nya sa likuran ko. "Di ba? Boyfriend ni Felicity?"

  Nung narinig ko yung sinabi nya, napalingon na din ako sa likuran ko saka ko nakita si Kaizer na nakatayo ilang dipa lang ang layo sa amin.

  Shocks! Bakit sya nandito?! Bakit nya kailangan makita ang epic fail na pagcocosplay ko?! Bakit?!

  Ang galing pa naman nya mang-asar! Nako! Paniguradong may ilalait na naman sya sa--

  "Oo. Maganda ka nga ngayon, TG..." sabi nya sabay lakad palapit sa akin.

  Nung isang dipa na lang yung layo nya sa akin, hindi ko naiwasang mapaangat ng tingin sa kanya at sya naman nakayuko sa akin.

  Kung bakit kasi ang tangkad ni Kaizer eh no?

  Saka tama ba yung narinig ko? Pinuri nya ako?!

  "Oy! Oy! Oy! Tama na yan! Trabaho muna! Mamaya na yung love life!" sabi ulit ni Mhay saka inutusan yung mga kasamahan nya na ayusin yung mga gamit para sa shoot namin.

  "Teka! Nasaan na si Mobi? Bakit wala pa sya dito?"

  "Present!"

  Napalingon kaming lahat nang marinig namin yung boses ni MM.

  "Ano yan?!" sabay-sabay na sabi ng mga taga-student council.

  Kahit ako din yun din sana ang itatanong ko nang makita ko yung tatlong medium size box na buhat-buhat ni MM habang suot na din nya yung first year school uniform ng Eastton.

  Hindi sinagot ni MM ang mga taga-student council saka nya binagsak sa sahig ng gym yung mga dala nyang box.

  Akala ko pa naman mabigat yung dala nya kasi nung nakita ko sya kanina na nagbubuhat, iisipin mo na mabigat yung dala nya dahil na din sa facial expression nya.

  Pero parang wala lang naman nung binagsak nya yung mga karton. Para lang syang nagbagsak ng karton na walang laman.

  "Ano 'to?" ulit ni Mhay sabay binuksan yung tatlong box.

  Anong laman noon? Puro marshmallows!

  "Nilabas ko na lahat ng marshmallows na inipon ko ng ilang taon para lang ibigay sa inyo kasi ayokong pinipicturan ako." sabi ni MM sabay kuha ng marshmallows sa isang supot na hawak nya.

  "Teka lang Dela Cruz ah?" sabi nung secretary ng taga-council na hindi ko alam ang pangalan. "Sinusuhulan mo ba kami?"

  "Hindi." sagot ni MM sabay lunok nung kinakain nya. "Binibigyan ko kayo ng mga marshmallows ko."

  "Eh di ba ganoon din yun?!"

  "Magkaiba iyon." sabi nya sabay nguya ng marshmallows ulit.

  Muntik ng matumba sa kinatatayuan nya yung secretary ng student council. Kahit ako muntik na ding matumba sa sinabi ni MM.

  Hindi daw nya sinusuhulan yung council. Eh anong tawag nya doon sa pagbibgay nya ng tatlong karton ng marshmallows?

  "Ay nako! Huli na para umatras kayo kasi kailangan na nating simulan 'to! Malapit na uwian o!" sabi nung organizer. "Pwesto na! Felicity! Mobi! Dalian nyo na ng matapos na! May group shoot pa kayo mamaya! President halika na!"

  Kahit labag na labag sa loob ko ang makuhanan ng pictures, no choice ako kundi ang sumunod na lang sa council. Baka magka-demerit pa ako sa hindi pagsunod sa kanila.

  "Best friend."

  "Ay kalabaw na manok!" biglang sabi ko nang bigla na lang ding sumulpot at nagsalita si MM sa tabi ko. "Ano ba MM! Wag mo kong ginugulat!"

  "Hindi kita ginulat." sagot sa akin ni MM sabay abot ng marshmallows nya sa katabi nyang taga-council.

  Kitang-kita ko sa mukha nung council yung pagtataka nang bigla na lang iabot sa kanya ni MM ung marshmallows nya ng walang pasabi.

  "Kung ginulat kita dapat nag-boo ako sa'yo."

  Okay! Naniniwala na ako! Totoong si Mobi na nga ang pinaka weird na nilalang sa Eastton!

  May sasabihin pa sana ako kaya lang nahinto yun sa lalamunan ko nang biglang ilapit sa akin ni MM yung isang braso nya.

  "Para saan yan?" tanong ko habang nakatingin sa braso nya saka doon sa mukha nya.

  "The arm of confidence."

  "Huh?"

  "Sa tagalog, braso ng makakapal ang mukha."

  Matapos nya sabihin iyon, bigla akong natawa ng malakas.

  Napatingin na nga sa amin sila Kaizer at yung mga taga-council pero hindi ko na lang muna sila pinansin kasi nagconcentrate ako sa pagtawa ko doon sa humor ni MM.

  Natatawa pa din ako nang tanggapin ko yung "the arm of confidence" ni MM saka ko ikinawit yung braso ko sa braso nya.

  "Kaya natin 'to di ba?" nakangiting tanong ko kay MM.

  Lumingon sya sa akin saka ngumiti. "Susubukan."

  Nakangiti ako habang lumapit kami doon sa lugar na napapaligiran ng ilaw at puti na background kung saan kami kukuhanan ng pictures ni MM para sa magiging advertisement poster ng Eastton sa darating na semester.

  Noong una kaming kinuhanan ni MM, parehas kaming parag tuod na nakatayo lang doon sa gitna nilang lahat.

  Hindi ako makangiti sa sobrang kaba. Pinagpapawisan na din yung kamay ko sa nerbyos.

  Pero laking pasalamat ako kasi nasa tabi ko ang best friend ko, si Marshmallow Monster, at sinasabihan ako ng ka-weirduhan nya kaya natatawa na lang ako at unti-unti na din naming na-eenjoy ni MM ang photoshoot na ito.

Kaizer's P.O.V

  Tsk! Ano kayang sinabi ni Mobi doon kay Sitti at natawa sya ng malakas? Ngayon ko lang sya nakita na ganoon kalakas tumawa ah! Parang sira lang! Lakas makatawa! Hindi pa sya tumatawa sa akin ng ganoon kapag magkasama kami. Psh!

  Pinaupo ako nung isa sa mga taga-council sa isang bakanteng upuan nila saka pinaood yung pagkuha nila ng mga pictures doon sa dalawang nasa harap.

  "Ang bagay pala nila ano?"

  Biglang kumunot yung noo ko at sumama timpla ng mukha ko nang marinig ko yung sinabi ng isang babae na ilang dipa lang ang layo sa akin.

  "Oo nga eh! Tingnan mo yung ngiti nila saka mga mata nila. Sumashine like a diamond sa kamera!"

  "Tama. Tapos ngayon ko lang napansin na ang gwapo pala ni Dela Cruz!"

  "Ay napansin mo din pala?! Nakita mo din ba kanina yung biglang nagseryoso yung mukha nya sa kamera? Shocks! Ang gwapo nya doon girl!"

  "Oo nga!"

  "KYAAAAAA!!! WE LOVE YOU NA MOBI DELA CRUZ!!!"

  Bigla akong napatakip sa tenga ko nang magtilian yung dalawang babae malapit sa akin.

  "Psh! Anong gwapo dyan?"

  Binalik ko yung tingin ko sa dalawa at bigla akong nanahimik nang makita ko silang dalawa.

  Mukhang ang saya-saya nga nilang dalawa habang kinukunan sila ng mga litrato. Para na ngang silang dalawa na lang yung nasa loob ng gym eh! Parang may sarili na silang mundo!

  Tsk! Tapos sasabihin nila kanina ayaw nila? Huh! Mga sinungaling pala 'tong mga 'to eh!

  "Very good! Ang ganda! Sige pa! Ngiti pa kayo sa kamera! Wag nyo na lang kaming pansi--"

  "Ang panget!"

  Nahinto si Patty sa pagkuha nya ng pictures doon sa dalawa nang bigla akong kumontra doon sa sinabi nya.

  "Anong panget?"

  "Lahat! Panget lahat!" sabi ko sabay tayo at lumapit sa tabi ni Patty habang hindi inaalis ang tingin ko kanila Mobi at Sitti. "Ulitin nyo! Ang plastik ng mga ngiti nyo sa kamera!"

  "Anong plastik doon? Ayos ka lang Kaizer? Ang ganda nga ng kuha nila eh! Tingnan mo!"

  Tinitigan ko nang masama si Patty nang ilapit pa nya sa akin yung kamera nya para ipakita yung mga kuha ni Mobi at Sitti ng magkasama, magkatabi at masayang nagtatawanan. Psh!

  "Ang panget ng kuha mo!" sabi ko saka tiningnan ulit yung dalawa. "Hoy! Kayo! Ayusin nyo! Mahiya naman kayo sa kuha namin ni Margaret kanina!"

  "Yung pictures nyo nga kanina yung may pinaka maraming panget na kuha kanina eh!"

  "Anong sinabi mo?!" nagtaas ako ng boses doon sa sinabi ni Patty. "Sa gwapo kong 'to? May panget na kuha sa akin? Huh! Magsalamin ka na Patty dahil malabo na mata mo!"

  "Ikaw nga malabo ang mata dyan eh..." pabulong na sabi nya.

  "ANO?!"

  "Wala!" sabi ni Patty sabay balik ulit sa pwesto nya at hinarap yung dalawa. "O ulit daw guys! May nagseselos kasi dito sa tabi ko kaya ulit daw!"

  "Hindi ako nagseselos!" sabi ko saka padabog na umupo ulit sa upuan ko.

  Pinanood ko yung dalawa at yung paglapit ng mukha ni Mobi sa mukha ni Sitti saka sya may binulong sa tenga ng GIRLFRIEND KO sabay namula naman yung mukha ni Sitti at umiwas ng tingin sa akin. Tapos binulungan din nya si Mobi.

  Ito namang magaling na marshmallow monster na ito, tumingin pa sa akin tapos nginisihan pa ako tapos may binulong na naman kay Sitti na ikinatawa nya.

  Okay! Sige na! Nagseselos na ako sa kanila!

  "Hindi pa ba tapos yan?!" bagot na tanong ko kay Patty na busy pa din sa pagkuha sa dalawa.

  "5 shots pa. Di ko pa nakukuha yung picture na gusto ko."

  5 shots pa daw. 5 long shots pa! Aish!

  Tumingin ako sa paligid ng gym saka ko nakita yung isang rolyo ng tissue paper.

  Sandali kaming nagtitigan nung tissue paper saka ako dahan-dahang napangiti nang may maisip akong gawin para matigil na ang kalokohan na 'to!

Sitti's P.O.V

  "Last 2 frames guys! Ngiti pa sa kamera!"

  Kahit na hindi sabihin ni Patty, ngumingiti na ako sa kamera.

  This time, wala ng hiya-hiya, wala ng pilit at wala ng awkwardness sa mukha ko.

  Paano ba naman kasi yung mga joke ni MM nakakatawa! Nakakatawa sa kakornihan!

  Gaya nung sinabi nya kanina...

  "Anong uri ng hayop si Pooh?"

  "Si Pooh? As in yung friend ni Piglet?"

  "Oo."

  "Ah...eh..." sabi ko saka sumuko sa pag-iisip. "Ano ba? Yellow na bear?"

  "Hindi." sagot ni MM sabay ngumisi, pinipigilan yung tawa nya. "Poohsit!"

  Matapos kong marinig yun, ang lakas tawa ko ulit dahilan para hindi na mawala yung ngiti sa labi ko kahit na anong pagpipigil ko pa.

  Sana nga lang hindi magmukhang sira yung picture na ilalabas nila sa akin.

  "Ready na guys? Dalawa na lang 'to at matatapos na tayo. Smile na kayo sa kamera!"

  Papangiti na sana ako at si MM nang bigla na lang may lumipad na nilukot na tissue paper sa mukha namin.

  "Oops! Sorry! Nagkamali ako ng shoot!"

  Sinundan ko ng masamang tingin yung nagsabi noon.

  Tapos nakita ko ang salarin...si Kaizer Buenavista!

  "Sige! Tuloy nyo lang! Wag nyo akong intindihin!" sabi nya sabay nagshoot na naman ulit ng tissue paper sa ring na nasa ibabaw ng ulo namin.

  Tsk! Kung bakit kasi ang yaman ng school na 'to tapos yung pagkukuhanan lang pala sa amin ay sa gym ng school tapos ang malala pa dito, yung puting background namin, nakalagay sa ilalim ng isang ring dito sa gym.

  Pero ang mas nakakainis dito, ngayon pa naisipan ni Kaizer magshoot kung kailan naman kinukuhanan nila kami! Grrr!!!

  Sobrang sama ng tingin ko sa kanya at alam ko na napapansin nya yun kasi yung reaksyon sa mukha nya, yung ngiti sa labi nya, sobrang lapad!

  At obvious na obvious na sinasadya nya kaming guluhin ni MM para mas matagal kaming matapos! Grrr!!!

  "Ano ba?!" inis na sabi ko nang may bumagsak na naman na tissue paper sa ulo ko. "Itigil mo na nga yan!"

  "Bakit?" sabi nya sabay galaw ng ulo nya sa gilid. "Anong masama sa ginagawa ko? Nagpapractice shooting lang naman ako ah? Nakalimutan mo na ba na may laro kami bukas?"

  "Eh bakit ngayon mo pa naisipan magshoot? Kita mo namang di pa kami tapos di ba?!"

  Nagmartsa ako palapit sa kanya saka ko hinampas sa dibdib nya yung tissue na nasa ulo ko pa.

  "Doon ka sa kabilang ring magpractice!"

  "Gusto ko dito eh! Saka malayo yung kabilang ring! Mapapagod lang ako. Kaya dito na lang!"

  "Eh di mamaya ka na magpractice kapag tapos na kami!"

  "Ayoko. Gusto ko ngayon na!"

  Nagbattle of titigan kami ni Kaizer. Ako, inis. Sya naman ngiting-ngiti. Alam nyo yun? Yung ngiting nang-aasar? Ganoon! Ganoon ang mukha nya!

  "Ah alam ko na!" sabi ko nang makaisip ako ng pwedeng ipangbato sa pang-aasar nya. "Siguro nagseselos ka nga kay MM ano?"

  Natigilan si Kaizer sa sinabi ko. At aminin man nya o hindi, nakita ko yung panlalaki ng mata nya sa gulat sa sinabi ko.

  Kahit ako nagulat doon sa binulong ni MM sa akin kanina.

  Nagseselos daw sa kanya si Kaizer! Hahaha!

  Si yabang? Magseselos? Hahaha! Pinaka nakakatawang joke ever!

  "H-Hindi ah!" depensa nya.

  Siningkit ko yung mata ko sa kanya saka ko mas nilapit yung mukha ko sa mukha nya.

  "Wee? Nagseselos ka yata eh!"

  "H-Hindi nga sabi eh!

  "Talaga lang huh? Eh bakit binabato mo kami ng tissue? Saka bakit nauutal ka?"

  "H-Hindi ako nauutal! At hindi nga ako nagseselos! Si Mobi? Pagseselos ko?! Hindi no!"

  Haha! Ako na panalo sa laban na ito!

  "Talaga lang huh?" sabi ko saka mas siningkit pa yung mata ko sa kanya. "Si Kaizer nagseselos! Si Kaizer nagseselos! Si Kaizer nag--"

  Hindi ko na natapos yung sasabihin ko nang bigla na lang bumaba yung labi ni Kaizer sa labi ko saka nya ako hinalikan.

  HINALIKAN NYA AKO!

  Nanlalaki yung mata ko nang lumayo na yung labi ni Kaizer sa labi ko. Wala sa sarili na nailagay ko yung isang kamay ko sa tapat ng bibig ko saka ko naramdaman na totoo nga yung ginawa ni Kaizer na paghalik sa akin...sa harap ng mga schoolmates at kaibigan namin!

  "A-Anong..."

  Ihahakbang ko pa lang yung paa ko paatras nang bigla na lang ilagay ni Kaizer yung kamay nya sa likod ng bewang ko saka nya ako hinila palapit sa kanya.

  Malapit. Sobrang lapit.

  Nakita ko na unti-unti na namang binababa ni Kaizer yung mukha nya sa mukha ko kaya bigla kong naipikit ng mariin yung mata ko.

  Nung akala ko dadampi na naman yung labi nya sa labi ko, nagulat ako nang maramdaman ko yung noo nya sa noo ko. Saka ko lang idinilat yung mata ko...na pinagsisisihan ko kasi nakalimutang ko na sobrang lapit pala ng mukha nya sa mukha ko!

  "Oo na. Nagseselos na si Kaizer." mahinang bulong nya sa akin para walang ibang makarinig sa sinasabi nya sa akin. "Ano? Masaya ka na ba na nagseselos si Kaizer sa inyo?"

  Sobrang seryoso nung mga mata nya habang derecho itong nakatingin sa mata ko.

  Bigla tuloy uminit yung mukha ko dahil sa lapit ng mga mukha namin at syempre dahil na din sa...k-kiss.

  "J-Joke ba 'to?" nauutal na sabi ko.

  Dahan-dahang ngumiti si Kaizer sa akin. "Namumula ka TG. Nauutal ka pa. Kinikilig ka ba?"

  Bigla kong tinulak palayo si Kaizer nang sabihin nya iyon pero hindi naman ako tuluyang nakalayo sa kanya kasi hawak nya pa din ako sa bewang ko. One arm length away lang kami sa isa't-isa pero okay na yun kaysa one inch away gaya nung kanina.

  "H-Hindi ah! Hindi ako k-kinikilig sa'yo no! Huh! Ang y-yabang mo talaga!"

  Si Kaizer naman ngayon ang nagpasingkit sa singkit na nyang mata sa akin saka nya muling pinatong yung noo nya sa noo ko.

  "Talaga lang huh? Eh bakit ka nauutal?"

  "H-Hind ako--"

  "Kapag ba inasar din kita gaya nung pang-aasar mo sa akin kanina..." pabitin na sabi nya saka ngumisi sa akin. "Hahalikan mo din ba ako?"

  Mas lalong namula yung mukha ko doon sa sinabi nya.

  Nung itutulak ko na ulit sya, sya na mismo ang lumayo sa akin at saka nya binitawan yung bewang ko.

  Pinanood nya yung pamumula ng mukha ko sandali saka nya binaba yung ulo nya sa akin para magtapat ulit yung nga mukha namin. Iniwas ko ang ulo ko para maiwasan ko yung tingin sa mata nya.

  Para kasi akong natutunaw at nanghihina kapag sobrang lapit nung mukha at mata ni Kaizer sa akin eh!

  "Happy first monsary, TG."

  Nanlaki mata ko doon sa sinabi nya saka ako muling humarap sa kanya.

  "Ngayon ba iyon?"

  Biglang naging poker face yung mukha ni Kaizer saka sya umayos ng tayo nya sa harapan ko. Narinig at nakita ko din yung malalim na pagbuntong-hininga nya. Napansin ko din yung paghilot nya sa pagitan ng mga mata nya.

  "Sabi na nga ba. Nakalimutan mo na ngayon 'yun..." sabi nya sabay buntong-hininga ulit at tumingin sa akin.

  Nung akala ko sisimangutan na nya ako at pagagalitan dahil nakalimutan ko ang tungkol sa monsary namin...

  Bigla syang ngumiti sa akin.

  "Pero alam ko na naman na makakalimutan mo kaya okay lang." sabi nya sa akin.

  Biglang nilapit ulit ni Kaizer yung mukha nya sa akin, as in sobrang lapit. Bigla ko ngang naiatras yung ulo ko palayo nang lumapit yung mukha nya sa akin eh!

  "Happy monsary, my tag girlfriend." ngumiti sya sa sarili nya sabay marahang umiling. "Mali pala. True girlfriend na pala ang ibig sabihin noon."

  "H-Happy monsary din, m-my tag--t-true boyfriend pala.! nauutal at naiilang at nahihiyang sabi ko.

  "Hindi mo ba sasabihin iyon?"

  Bigla akong napatingin sa mukha ni Kaizer doon sa tinanong nya. "Huh? Sasabihin ang alin?"

  "Yung magic word?"

  "Anong magic word?"

  Bagot akong tinitigan sa mukha ni Kaizer. "Yung sinagaw mo noon nasa Eigaku tayo."

  Sandali akong nag-isip kung ano ba yung sinigaw ko.

  Tapos bigla na namang namula yung mukha ko nang maalala ko yung sinigaw ko pati na din yung ginawa kong pulang puso sa bond paper na hiningi ko sa schoolmates ko noon.

  "A-Ako..."

  "Ako?"

  Tinitigan ko ulit mukha ni Kaizer at nakita ko na naman sa mukha nya yung pang-aasar...o iba?

  Lumanghap ako ng maraming hangin saka ako tumingin ng derecho sa mukha nya at sinigaw ang mga salita na iyon.

  "AKO PUSO MO, KAIZER BUENAVISTA!!!"

  Dahan-dahan kong idinilat yung mata ko matapos kong sabihin ng malakas ang mga salitang iyon.

  Sobrang pulang-pula na siguro yung mukha ko ngayon. Mahihiya sa akin yung color na red dahil sa pula ng mukha ko.

  At nang maidilat ko na yung mga mata ko, isang masaya, kontento at nakangiting Kaizer Buenavista ang sumalubong sa akin.

  "Ako puso mo din, Felicity Sandoval."

  Matapos nyang sabihin iyon, dahan-dahan na namang bumaba yung labi ni Kaizer sa labi ko.

  Pero ang pinagkaiba lang nung sa kanina, hindi ito binigla. Hindi ako umiwas. Hindi ito kiss ng gumaganti lang sa nang-asar sa kanya.

  Ito yung tinatawag na magical kiss.

  Nung maramdaman ko yung labi ni Kaizer sa akin, naramdaman ko yung mga nababasa ko sa mga story na spark. Yung emotion.

  Yung love.

  Sandali lang naman iyon nagtagal pero pakiramdam ko, tinattoo na ni Kaizer sa akin yung feeling ng halo-halong emosyon.

  Ngumiti sya sa akin matapos noon at di katagalan binalik ko na din yung ngiti na iyon sa kanya.

  "Happy monsary, TG."

  "Happy monsary din, TB."

  "Ako Puso mo. To infinity and beyond?"

  Napangiti ako nang gayahin na naman ni Kaizer yung boses ni buzz lightyear doon sa huling sinabi nya.

  "Ako puso mo. To infinity and beyond."

  "And that's a wrap!"

  Nagulat ako nang bigla kong marinig yung boses ni Patty matapos may nagflash na ilaw sa direksyon namin ni Kaizer.

  "O to the M to the G! Ang ganda ng kuha nyo!"

  Napakunot-noo na lang ako nang makita ko na nagkakagulo yung mga taga-council, kasama na din si MM, sa pagtingin ng kuha namin sa kamera.

  "Okay! Ito na ang gagamitin natin sa advertisement poster ng school!"

  "Tsk! Nakalusot na naman ng kalokohan nya si Patty!"

  Biglang nanlaki yung mata ko nang i-akbay sa ni Kaizer sa balikat ko yung isang braso nya.

  Napaangat ako ng tingin sa kanya habang sya naman napapailing na lang habang pinapanood sila Patty na nagkakagulo sa kuha namin kanina.

  Nang biglang lumingon si Kaizer sa akin, sya namang iwas ng tingin ko sa kanya.

  Tapos noon bigla nyang hinigpitan yung kapit ng kamay nya sa balikat ko sa kanya ako hinila palapit sa kanya sabay ipinatong nya yung pisngi nya sa ulo ko.

  Para akong tuod na nakatayo sa tabi nya. Mas matigas pa ako ngayon kasya nung una kaming kinuhanan ng picture ni MM kanina.

  Nung hindi kumilos at nagsalita si Kaizer, muli akong napaangat ng tingin sa kanya at nakita ko yung sobrang saya na ngiti sa labi nya.

  Tapos bigla na namang tumibok ng sobrang bilis yung puso ko.

  Sabi na. Tama yung hinala ko kanina...

  Sobrang na-in love na ako kay Kaizer Buenavista.

Kaizer's P.O.V

  [Matulog ka na ng maaga! Ichicheer mo pa ako bukas sa laro namin!]

  Nakangiti ako na parang sira nang pindutin ko yung send para sa mesage ko kay TG.

  Matapos ng photoshoot namin sa gym ng school, niyaya ko si TG na lumabas para magcelebrate at naging okay naman ang araw ko ngayon.

  'Kasi nga, in love ka na sa kanya!'

  "Oo na!" sabi ko sa sarili ko at sagot ko doon sa bumulong sa utak ko.

  "Anong oo na?"

  Nahinto ako sa pagpasok ko sa condo ko nang may marinig akong nagsalita.

  Nang i-angat ko ang ulo ko para hanapin yung nagmamay-ari ng pamilyar na boses na iyon...

  Nakita ko sya. Nakatayo sa tapat ng pintuan ng condo ko. Nakangiti sa akin sabay nagtaas ng kamay nya at marahang kumaway.

  "Long time no see, Kaizer!"

  Napadiin ang hawak ko sa cellphone ko. Hindi ko na nga nagawang pansinin iyon nang biglang iyong tumunog.

  Nakatingin lang ako sa kanya. Titig na titig lang ako sa mukha nya.

  Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

  At alam kong hindi ko lang imahinasyon yung nakikita ko ngayon.

  Talagang nandito na ulit sya. Nagbalik na sya.

  "Mia."

Author's Note:

Required kayong magcomment ng mahaba sa chapter na ito. Kaya comment po kayo okay? ^___^v

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

1.2M 51.4K 59
C O M P L E T E D Trigger Warning: anxiety attack, depressive episodes, rape content, physical abuse, psychotic episodes, eating disorder, child abus...
44K 1.3K 19
Ako si Adam, at isa akong multo, pero hindi ko maalala kung ano ang unfinished business ko kaya hindi matahimik ang kaluluwa ko. Iyon ang dahilan kun...
15.1M 357K 62
Sequel of Famous Meets Bad Girl: "I can admit, I'm a different person now than I was three years ago.." she said. She was intently looking at the man...
5.6K 247 57
"You will always be my Angel, My Angela Marquez." - Angelo Flores Started: January 6, 2019 Finished: April 20, 2019 Edited version: July 26, 2020