Lipstick Lullaby

By RainbowColoredMind

25.3M 744K 350K

Miguel Imperial-Cordova's whole life revolves around perfection. He has the perfect family, the perfect caree... More

Saskia
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty - Final Chapter
Epilogue
Cordova Brothers Bundle (Self-publishing details)

Chapter Thirty Six

456K 15.9K 11.6K
By RainbowColoredMind

SASKIA

"Huwag ka munang mag-aasawa, ha?" Sabi ni Tintin habang nakahiga sa tabi ko at pinatutulog ko na siya. Sumiksik siya sa tagiliran ko at ipinulupot ko ang mga bisig ko sa kanya bago hinalikan sa noo.

"Bakit mo naman iniisip na mag-aasawa ko? Kahit ikaw lang ang makasama ko buong buhay ko, okay na okay na sa akin." Sabi ko.

"Eh kasi parang nanliligaw na sa'yo si sir Neil." Ngumuso siya at nalukot ang mukha.

Natawa ako ng bahagya. "Paano mo naman na sabi?"

"Palagi ka niyang pinupuntahan dito saka palagi siyang nagpapa-pogi points sa'yo. Sabi ni Jodie ang mga lalaki, magaling lang sa umpisa. Pag nakuha na nila ang gusto nila, nag-iiba na daw ang ugali." 

"Si Ninang talaga kung anu-ano ang sinasabi sa'yo." Nailing na lang ako bago isinuklay ang mga daliri ko sa mahaba niyang buhok. Ang buhok na namana niya pa kay Migs kaya nga madalas ay mapagkamalan siyang anak ng kano. Kamukhang-kamukha siya ng ama niya. Mula sa ulo hanggang sa talampakan. Kaya nga siguro hindi ko siya makalimutan. 

"Si Sir Neil, tinutulungan akong makakuha ng scholarship para makapag-aral ako sa magandang eskwelahan nang libre lang. Hindi pa sabi mo gusto mo akong makapagtapos ng pag-aaral at maging titser?" Tanong ko sa kanya.

"Paano yan? Hindi ba sa Maynila yung eskwelahan? Lilipat ka nang Maynila? Iiwan mo ko dito?" Lumabi siya.

Sandali akong natigilan. Bakit ba hindi ko naisip ito? Kapag nag-aral ako sa Maynila, maiiwan si Tintin at sina Mammy dito. Hindi ko yata kayang mahiwalay sa anak ko. Minsan na akong nawalan ng anak at ayaw ko na ulit mangyari iyon.

"Hindi kita iiwan. Kung nasaan ka, nandoon din ako." Sabi ko sa kanya. "Hindi na lang ako tutuloy sa Maynila. Tatapusin ko na lang ang pag-aaral ko dito."

"Paano kung sumama na lang ako sa Maynila? Hindi ba pwede yun?" Tanong niya.

Inipit ko ang ilang hibla ng buhok sa likod ng tainga niya. "Masyadong magulo sa Maynila saka masikip, mausok, mabaho..."

"Eh bakit sabi ni Yuka okay naman daw dun? Sabi niya dati daw nakatira kayo sa magandang bahay, may aircon pa nga eh." Kumunot ang noo niya.

"Eh alam mo naman yung babaeng yun, ilusyunada." 

"Bakit hindi tayo lumipat sa Maynila? Hindi pa kasi ako nakakapunta doon, eh." 

Bumuntong-hininga ako at yumakap ng mas mahigpit sa anak ko. "Alam mo, mabuti pa, matulog ka na. Tignan mo nga yang mata mo halos papikit na."

"Mahal na mahal kita, Saskia." Yumakap siya sa akin at isinubsob ang mukha sa dibdib ko.

"Mahal na mahal din kita." Sagot ko sa kanya at pinugpog siya ng halik sa mukha. 


"Sir Neil." Gulat na sabi ko nang buksan ko ang pinto at bumungad siya sa harap ko.

"Hi, Saskia. Good afternoon." Ngumiti siya sa akin.

"Pasok po kayo, sir." Niluwagan ko ang pinto at pinatuloy siya.

"Ikaw naman. Hanggang ngayon ba naman sir pa rin ang itatawag mo sa akin? Tapos naman na ang semester, hindi na kita estudyante." Lumawak ang ngiting naglalaro sa mga labi niya.

"Syempre, sir-"

"Niel na lang."

"Syempre, Niel, kahit naman tapos na ang sem, professor pa rin po kita." Sabi ko.

"Kaibigan ang tingin ko sa'yo, Saskia." Sabi niya sa akin.

"Saskia!" Narinig kong umiiyak si Tintin mula sa labas ng bahay. 

Bigla akong napaigti nang marinig ang iyak ng anak ko. Lumabas ako at nakita si Tintin na namumula ang mukha dahil sa pag-iyak at umaagos ang luha mula sa mga mata. Hawak-hawak niya ang isang hita niya at bumaba ang mga mata ko doon. Nakita ko ang malaking sugat sa sa tuhod niya.

"Ano'ng nangyari sa'yo?" Nag-aalalang tanong ko.

"Nadapa yang anak mo. Paano ba naman kasi, nakikipaghabulan pa sa mga bata d'yan sa labas. Ilang beses ko na yan sinabihan na pumirmi na lang dito at tulungan akong magtinda." Sabi ni Mammy na nakasunod kay Tintin.

"Ikaw naman kasi." Naiiling na sabi ko. "Pumasok ka na nga dito, gamutin natin yang sugatin mo."

"Ayoko, lalagyan mo na naman ng alcohol 'to!" Lalo siyang ngumawa.

"Bakit naman kasi takbo ka ng takbo sa labas? Tirik na tirik ang araw, o!" Pinagpag ko ang ilang dumi na nasa tuhod niya.

"Nasaan ba si Jodie? Isusumbong ko si Marie sa kanya. Inaasar niya kasi ako, sabi niya para daw noodles ng pancit canton ang buhok ko kaya hinabol ko siya." Lumabi ito. Si Ninang ang taga-pagtanggol ni Tintin. Hinding-hindi niya hahayaang maapi ang anak ko. Kapag may nang-aaway kay Tintin at alam niyang dehado ito,  ang malditang bakla kong Ninang ang unang sumusugod. 

"Ikaw din kasi. Masyado kang pikon. Huwag mo na lang pansinin pag inaasar ka." Naiiling-iling na sabi ko habang inaalalayan siya papasok. Binanlawan ko ang tuhod niya bago ko siya inupo sa sofa at inilabas ang alcohol at bulak.

"Ayokong lagyan mo ko ng alcohol! Masakit yan!" Lalo siyang ngumawa nang lumuhod ako sa paanan niya at hinawakan ang tuhod niya.

"Pag hindi nilagyan ng alcohol yan, lalabas ang tren d'yan." Sabi ni Neil sa kanya.

"Weh? Paano kaya yun? Eh ang laki-laki ng tren." Tumulis ang nguso ni Tintin.

Tumawa siya ng bahagya. "Eh, di lalaki din yang sugat mo hanggang sa kasya na ang tren. Gusto mo ba nun?"

Sunod-sunod na umiling si Tintin. Napasigaw siya nang buhusan ko ang alcohol ang sugat niya at kinabig naman siya ni Neil at hinaplos-haplos nito ang buhok niya habang umiiyak siya.

"Sandali lang 'yan sakit. Kaysa naman lumabas ang tren d'yan, mas masakit yun." Malumanay na sabi ni Neil sa kanya. 

"Okay na, tapos na." Sabi ko bago ko hinalikan ang tuhod niya bago pinunasan ang luha niya. 

"Sandali, may dala akong candy dito." Dumukot si sir Neil sa bodybag niya at naglabas ng candy. Inabot niya iyon kay Tintin at tinanggap niya naman iyon.

"Nagbebenta ka din ba sa classroom niyo ng mga pastillas, yema, saka kendi? Parang si titser." Tanong ni Tintin habang binabalatan ang candy.

"Hindi. Binili ko lang yan sa tindahan." Natatawang sabi ni sir Neil. "Bakasyon niyo na din, ano?"

Tumango siya habang ngumunguya. "Best in Math ako saka Science at Filipino. Sa susunod, grade one na ako. Hindi ba, Saskia?"

"Oo." Ngumiti ako at hinalikan siya. 

"Bakit ka nga pala nandito ulit? Palagi ka na lang pumupunta dito kahit bakasyon na. Nililigawan mo na ba si Saskia?" Pumihit ang ulo niya kay Neil. 

"Tintin, ikaw talaga! Yang bibig mo, ah!" Nanlaki ang mga mata ko.

"Oo, nililigawan ko ang mama mo." Sagot naman ni sir Neil.

Gulat na napatingin ako kay sir Neil, tumaas ang dalawang kilay ko.

"Nililigawan ko siya sa scholarship na inaalok ko. Alam ko kasing hindi masasayang sa kanya kung sakaling ibigay sa kanya iyon. Masipag kasi ang mama mo sa pag-aaral saka gusto niya talagang matuto. Bihira lang ang taong ganon sa panahon ngayon." 

Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinagot niya. Akala ko kung ano na.

"Sa Maynila daw yan, di ba?" Tanong ni Tintin.

"Oo, sa Maynila." Tumango si sir Neil.

"Sa pangmayaman na school?" 

"May kamahalan ang tuition pero kung tatanggapin ng mama mo ang scholarship, wala na siyang babayaran." Sagot niya kay Tintin bago tumingin sa akin. "Bukod sa pagpapaaral at allowance, nag-open din sila ng trabaho para sa mga estudyante, Saskia. Since fourth year ka na sa susunod na semester, pwede ka nang maging teaching assistant. May suweldo ka rin doon."

"Yun naman pala, eh. Pwede na akong sumama sa'yo." Sabi ni Tintin.

"Ako din, Ate!" Biglang kumaripas ng takbo papunta sa akin si Yuka galing sa kwarto niya. "Sasama ako sa Maynila. Please, Ate, tanggapin mo na."

"Ate, tanggapin mo na, sayang naman ang opportunity." Sumingit si Cosme mula sa kusina. "Gusto ko din kasi sanang bumalik na nang Maynila, gusto kong makapag-aral sa UP."


MIGS

"Daddy..." Savina jumped into my arms after I picked her up from her ballet class. I lifted her up and gave her a kiss on the cheek as she hooked one arm around my neck. "How was work, Daddy?"

"Oh, it was exhausting." I feigned a tired exhale. "But a kiss will make me feel better."

"Mwah! Mwah! Mwah!" She showered me with tiny kisses all over my face before she cupped it with two hands. "I gave you a lot of kisses. Do you feel better now, Daddy?"

"So much better." I let out a wide smile. 

"I love you, darling." I hugged her tight. "You're the best thing that ever happened to me."

"I love you too, Daddy." She nuzzled her face into my neck.

"I was watching you in ballet class earlier. You were so good." I said as I was walking to my car with her still in my arms. 

"My teacher said I can already move to a more ad... um... adfrance class with the older kids." She said as I was putting her down her booster seat on the backseat of the car. 

"Advance class." I corrected her and kissed her on the forehead. "That's good news. It means you're doing a really excellent job."

"Mmhm!" She smiled and nodded her head. "Daddy, can we go to the toystore today before going to Papa Nick and Mama Cassie? Can you buy me a toy?"

"Well, since you've done well today, I'll buy you a toy." I smiled.

"Three?" She held up three fingers.

I stroked her dirty blonde locks and chuckled. "You knew Daddy can't say no to you, didn't you?"

She let out a wide grin and nodded her head. "Because you love me."

"Because I love you so much." I agreed before closing the door and walking to the driver's side. I slipped behind the wheel and started the car. 

As I was driving, I couldn't help but look into the rearview mirror to check on my little girl. I smiled to myself. She was the most important one in my life. I never thought it was possible to love a person as unconditionally as I love her. The first time I held her in my arms was the day I finally found the real definition of the word perfect. She was all I could ever ask for in this lifetime. 


We walked into the toy store and she came hopping around, looking for toys to buy. Seeing my daughter happy was the sole joy I'd experienced since she came into my life. People could say I spoil her. Which was probably true but seeing the smile on her face and hearing her cute giggles, I feel like I'm the spoiled one. I was spoiled with seeing her happy. 

"How many toys do we already have here?" I asked, looking at the basket I have in hand. 

"Um..." She took a peek. "Not a lot."

"There are already three toys in the basket. These are enough for now." I said.

"But Daddy, I really want shopkins too." She pouted.

"Then you'd have to get rid of one of the toys here in the basket." I cocked a brow.

"I'll be a really, really good girl. I'll sleep early tonight and I won't... well, I'll try not to cry when Yaya Rita wakes me up in the morning. Just one more. Please?" She pouted, giving me aa sad puppy-dog eyes. 

I let out a deep exhale. "Fine. Put it in the basket."

"Yay! I love you, Daddy!" She beamed. It was the most beautiful sight ever.

"You know I love you, too." Sabi ko.

We lined up to the cashier to have her toys checked out. Savi, feeling bored, began to play by herself. She hopped around and checked out some toys on the rack.

"Sav, don't wander too far." I told her, my head turning to see her right in front of the doll racks.

"I'm just right here, Daddy." She said. 

I stepped up to the counter when it was already my turn and paid for her toys. After I was through, I looked around and my daughter was nowhere in sight. I felt a rush of anxiety flow throughout my whole body. 

"Savi!" I called out her name. "Sav, baby?"I turned my head and I saw her walking around right outside the toystore. I quickly ran to her and grabbed her by her wrist.

"Do you want me to have a heart attack, young lady?" I said as I held her wrist. "Jesus! Why did you go out of the store?"

She looked up at me and just blinked.

"Here are your toys." I handed her the paper bag full of toys before pulling her. "Let's go so we can have our dinner at Mom and Dad's."

We went to the parking lot and I buckled her down her booster seat. She started rummaging through the bag.

"Wow! Ang daming laruan!" She exclaimed, amusement in her voice.

"Of course, you picked all that out, didn't you?" I smiled.

She quietly opened all the toys in the backseat and played with it until I pulled up in front of Mama and Dad's house. 

"Let's go." I said as I opened the door to the backseat and unbuckled her.

"Sandali. Nasaan tayo?" She asked, her brows crumpling. "Nasa palasyo ba tayo?"

"We're at Mama and Dad's." My brows furrowed. "Are you okay, Sav?"

"Ha?" She just looked at me again and blinked.

"Let's just go in. Baka nagdidinner na silang lahat sa loob." I pulled her inside and we went straight to the dining room.

"Kuya, nagluto ako ng ravioli." Ronnie proudly said. "I'm sure you'll love it!"

"O, why aren't you giving Papa a hug and a kiss?" Dad asked, looking at Sav who just stood next to me like a statue.

"Okay ka lang ba, Sav? Are you feeling good? Bakit parang namumutla ka?" Mama walked up to her and felt her forehead.

"Your cousins are all in the music room. Gusto mong puntahan natin sila?" Asked Drey.

"Savi, they're talking to you." I bent one knee down and cupped her face. "Are you okay, honey?"

"Manong, uuwi na ako. Baka hinahanap na ako nina Mammy Lola. Ayoko na ng laruan, gusto ko nang umuwi." She said.

It was as if time stood still for a moment. Everyone stopped and everything went quiet. All the attention was turned to a little girl standing in front of me.


SASKIA

"Sir Neil, sobra-sobra na po ang tinulong niyo sa amin at sa pamilya ko. Salamat po, sir." Nahihiyang sabi ko habang kumakain kami sa Jollibee. Pagkatapos namin maayos ang mga gamit namin sa bagong bahay na inupahan namin dito sa Maynila ay nag-aya si sir Neil na lumabas kami para mapasyal si Tintin at ang mga kapatid ko. May konti naman akong perang natira kaya pumayag na rin ako para naman malibre ko si sir bilang pasasalamat man lang. 

Manghang-mangha ang anak ko sa mga naglalakihang gusali na nakita niya dito. Ngayon lang kasi nakalabas yun sa Sitio San Antonio at nakapunta sa siyudad. Nakakatuwa nga ang reaksyon niya kanina. Nagpapapicture ngayon ang malditang anak ko kay Yuka sa bawat sulok yata ng mall. Game na game naman ang ilusyunadang tiyahin niya at pina-papose pa siya nang kung anu-ano.

"Wala yun. Basta ikaw." Binigyan niya ako ng matamis na ngiti. "Naniniwala ako sa'yo at sa kakayahan mo, Saskia. Alam kong malayo ang mararating mo." 

"Salamat po ulit, sir. Hinding-hindi po kayo mapapahiya sa akin." 

"Alam ko." Sagot niya.

"Ate..." Tumakbo si Yuka sa akin.

"O, bakit?" Kumunot ang noo ko.

"Nakita niyo ba si Tintin?" Tanong niya.

Bigla akong napatayo sa kinauupuan ko. "Hindi ba kasama mo siya?"

"Oo. Nagpipicture lang kami kanina tapos... tapos may tinignan akong bag sa boutique. Akala ko  nakasunod siya sa akin..." Mahinang sabi niya.

"Yuka naman! Bakit hindi mo binantayan mabuti si Tintin?" Napuno ang dibdib ko nang pag-aalala. 

"Sorry, Ate..." Mangiyak-ngiyak na sabi ni Yuka.

"Nasaan ba si Mammy at Ninang? Baka naman kasama lang nila si Tintin." Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko.

"Hindi, Ate. Kanina pa umalis sina Mammy. May titignan daw sila sa department store." Sabi ni Cosme na nakaupo sa tabi ko. "Mabuti pa ipa-page na lang natin."

"Oo nga, Saskia. I'm sure she's just around here somewhere." Sabi naman ni Sir Neil.

Lumabas na kami sa Jollibee at pinapunta namin sina Cosme at sir Neil sa customer service habang nag-iikot kami ni Yuka para hanapin siya. Kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko. Paano kung may kumuha kay Tintin at ibenta ang laman loob niya? Hindi ba iyon ang nababalita sa TV ngayon? Diyos ko, ikababaliw ko na kapag isa na naman sa mga anak ko ang nawala sa akin.

"Ate! Ate, nakita ko na si Tintin!" Sabi ni Yuka at tumakbo ito sa isang sulok.

Nakita ko siyang nakatayo doon at tahimik na umiiyak. Napatakbo ako at niyakap siya nang mahigpit.

"Tintin, pinag-alala mo naman ako, anak. Akala ko kung saan ka na napunta." Halos naiiyak na nasabi ko.

"Ano yung sinasabi ni Cosme na nawawala daw si Tintin?" Nag-aalalang tanong ni Mammy nang lumapit sa amin.

"Nakita na, Mammy." Sabi ni Yuka.

"Salamat naman sa Diyos." Hinawakan ni Ninang ang flat na dibdib niya. "Ikaw talaga, Yuka, kahit kailan ka. Hindi ka talaga pwedeng mapagkatiwalaan. Pasalamat ka walang nangyari d'yan sa pamangkin mo, malamang kinalbo na nang Ate mo buhok mo kasama na yang bulbol mo."

"I want my daddy..." Umiiyak na sabi ni Tintin.

"Ano daw?" Lumapit si Mammy sa kanya. "Ano'ng sabi mo, Tintin?"

"Can you take me back to my daddy, please? I want to go home." Humihikbing sabi niya.


Continue Reading

You'll Also Like

6.7M 137K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
13.2K 710 7
Delilah Ysabelle Diaz, 24, has lost her parents in a tragic accident. Starting a new life, her aunt convinces her to live with her in Brooklyn, New Y...
13.3M 435K 90
Fourth The mischievous man who's always pretending. SPG | R-18
11.7M 295K 62
Miss Prim and Proper and the university's top student Daphne Madrigal has a secret that can destroy her perfect image. But what if the university's n...