Fly With Me

By RefinedJenny

387K 19.5K 5.1K

(COMPLETED) Highest rank under fanfiction category: Mar 19 - No. 6 Mar 20 - No. 6 Mar 21 - No. 6 Mar 22 - No... More

Chapter 1 - Howell Group of Companies
Chapter 2 - The Heiress
Chapter 3 - The Interview
Chapter 4 - The Galuras
Chapter 5 - The Project Execution
Chapter 6 - The Pamalican Island
Chapter 7 - The Rain
Chapter 8 - Feelings
Chapter 9 - The Hangar
Chapter 10 - Romantic Intensity and Profundity
Chapter 11 - Roses
Chapter 12 - Punta Fuego
Chapter 13 - Intimate Moments
Chapter 14 - It's Complicated
Chapter 15 - Confession
Chapter 16 - Decision
Chapter 17 - Choices
Chapter Part 18 - Stalking
Author's Note
Chapter 19 - Holiday Break
Chapter 20 - Doubts
Chapter 21 - New Year's Eve
Chapter 22 - It's Official
Chapter 23 - On Fire
Chapter 24 - Just Love
Chapter 25 - I'll Fight For You
Chapter 26 - I'll Fight For You Too
Chapter 27 - The Test
Chapter 28 - Close Your Eyes
Chapter 29 - I Will Do Everything For You
Chapter 30 - Distance And Time
Chapter 31 - You're My Inspiration
Chapter 32 - Pure Love
Chapter 33 - I Am All Yours
Chapter 34 - The Song
Chapter 35 - The Promise
Chapter 36 - The Two Emirates
Chapter 37 - Memories
Chapter 38 - Conspiracy of the Universe
Chapter 39 - First Anniversay
Author's Note 2
Author's Note 3
Chapter 40 - Howell Sugar Mill
Chapter 41 - Tagaytay Highlands
Chapter 42 - The Lake and the Volcano
Chapter 43 - Revisit The Old Folks
Author's Note 4
Chapter 44 - The Sleepover
Chapter 45 - Birthday Surprises
Chapter 46 - Love Bracelets
Author's Note 5
Chapter 47 - Do You Still Love Me?
Chapter 48 - I Wanna Grow Old With You
Author's Note 6
Author's Note 7
Chapter 50 - Don't Say Goodbye
Epilogue
Author's Note 8

Chapter 49 - Beautiful In White

7.2K 312 188
By RefinedJenny

Nagtataka si Rhian. Ano ang gagawin nila ni Glaiza sa rooftop? Siguro ay gusto ni Glaiza na mag late breakfast doon? Kahit nagtataka ay nagtungo siyang muli sa elevator. She immediately pressed 50 button which is the key to the top floor of the building.

Pagdating niya sa 50th floor ay halos wala namang room doon. Maliban sa isang stockroom. This is her first time to see the rooftop of this building. Well, she hasn't been into this building until Glaiza occupied one of its residential unit.

May nakita siyang pinto palabas. Binuksan niya iyon. May isang hall patungo sa mismong rooftop. She opened the second door. Hanggang bumungad sa kanya ang mismong rooftop.

Wala roon si Glaiza. Pero biglang lumakas ang tibok ng kanyang puso sa nakita... totoo ba ito? Halos dinig niya ang pagdagundong ng kanyang puso. Is it only a dream?

Isang helicopter ang nakita niya sa helipad. May banner na nakasabit... at may nakasulat na ... Will you marry me?


Is it for her? Teka muna, baka hindi para sa kanya ito! Baka hindi si Glaiza ang may gawa nito! Pero sino ba ang nasa aircraft industry? Sino ba ang marunong magpalipad ng helicopter? Sino ba ang nagpapunta sa kanya sa rooftop? It must be for her! It must be from Glaiza!

Mula sa passenger's seat ng helicopter sa kabilang side ay may bumaba. Legs lang ang nakikita niya. Naka aviation shoes ito. Naglakad ito patungo sa harap ng helicopter. Si Glaiza. May hawak itong bouquet of roses. This time, it's an assorted colour of red, pink and white. Kaya pala nagpapadala ito ng bouquet sa kanya sa loob ng tatlong araw, may binabalak pala ito!

Lumapit siya rito. It's funny dahil naka shorts at rubber shoes lang siya. Ang T-shirt niya ay napapatungan ng denim jacket. Glaiza is not also in a formal dress. Naka pants ito ng black. Ang white T-shirt ay napapatungan ng comouflage jacket. Maganda naman talaga ang girlfriend niya. Pero ng mga oras na iyon ay parang knight in shining armour ang tingin niya rito. Poging maganda o magandang pogi. Basta ganoon.

Iniabot nito ang bouquet sa kanya. "For you, love".

Parang gustong manginig ng tuhod niya ng mga sandaling iyon. Parang gusto niyang mag-collapse. Nakatitig sa nga mata niya si Glaiza.

"Rhi, with all the trials that we've been through, I realized that I can no longer survive another one. Gusto kong makasama ka habang buhay. Gusto kong pagdating ng hapon ay sa iyo ako uuwi. Gusto kong bago ako matulog ay ikaw ang katabi ko. Gusto ko rin na paggising ko sa umaga ay mukha mo ang una kong makikita"

Nakatitig din siya sa mga mata nito. Ramdam niya ang katotohanan ng sinasabi ni Glaiza. Maya maya pa ay naramdaman niyang tumutulo na ang luha mula sa kanyang mga mata.

May kinuha si Glaiza sa bulsa. Although, may banner na itong nakasabit sa helicopter, formal pa rin na lumuhod ito sa harap niya.

"Rhi, will you marry me?" Tanong nito sa kanya.

——————-

Last Monday, ipinatawag siya ni Mrs. Walton sa office nito. Wala siyang idea kung ano ang dahilan.

Pagpasok niya ay nasa sopa si Mark. May kasama itong isang lalaki. The two were having a coffee.

"Glaiza, have a seat." Wika ni Mrs. Walton.

Naupo siya sa visitor's chair na nasa harap ng desk ng ginang. Naghihintay siya ng sasabihin o instruction mula rito.

"Now, can you tell me. Do you have any problem? Your mind is wandering somewhere while we were in the meeting".

Nagulat siya. Akala niya ay may kaugnayan sa trabaho kaya siya pinapunta sa office nito. Napansin pala nito na mentally absent siya sa meeting. Ramdam niya ang concern ng ginang. Naging malapit sila sa isa't isa, higit pa sa pagiging malapit nila ni Mr. Walton, simula noong nakasama niya ito sa condominium unit niya sa loob ng dalawang linggo. Inalagaan niya ito na parang isang tunay na ina. At ramdam niya na parang anak din ang turing sa kanya ng ginang.

"Nothing, Mrs. Walton. I don't have any problem"

Walang anu-ano ay nagtanong itong muli. "How's Rhian? She is very pretty and smart. She is perfect for you".

Napatingin siya sa ginang. Nagtatanong ang kanyang mga mata. Alam nito ang tungkol sa kanila ni Rhian?

"Glaiza, I know about you and Rhian. When she visited you while I was in your unit, I can see in your eyes that you are inlove with her. And Rhian talked a lot about you. It's too obvious that you are into each other. Is she the reason why you seemed to be out of your mind earlier?"

Hindi siya makakibo. Nahihiya siyang lubusang mag open up sa ginang.

"You are like a daughter to me, Glaiza. And as a mother, I can feel what you are going through".

Nakisagot si Mark. "My mother is like a CIA agent, Glaiza. But don't you worry. She is the best agent in the world. She is a very understanding person".

Ngumiti siya. Nahuhulaan niya kung ano ang ibig sabihin ni Mark. Na tanggap ng ginang ang pagkatao ng anak. At marahil, pati ang lalaking kasama nito na sa hula niya ay partner nito.

"Mrs. Walton, my mind is preoccupied by Rhian lately." Pag-amin niya. "And I am thinking of how to make an engagement proposal for her. I wanna marry her, Mrs. Walton".

Napasigaw si Mark. "That's my girl!"

"Mark, can you please stop? We're talking seriously here"

"Mother, I am just happy because Glaiza is a very brave girl. If I am just straight, I want to have a girl like her. But... yuck! I just can't, hahaha!"

"Maaark?" Saway ni Mrs. Walton. Pero hindi ito tumigil. Parang nakakita ito ng kakampi sa katauhan ni Glaiza.

Natatawa siya kay Mark. He is a real description of a gay person.

"Glai, I can help you on how you'll make your proposal".

Wala nang nagawa ang ginang sa pakikialam ng anak sa usapan nila ni Glaiza.

"Ok. Talk to Glaiza later Mark. She'll be all yours later"

Humarap ang ginang sa kanya. Iniabot ang passport niya. "This is the reason why I asked you to come to my office. Your EB-3 green card is already approved. Congratulations!"

Napamulagat siya. Akala niya ay magtatagal ang processing nito. In three months, she had been a green card holder!

"Your qualifications plus an expert immigration lawyer made the process easier for us". Nakangiti si Mrs. Walton. Halatang masaya ito para sa kanya.

Lumapit siya rito para humalik sa pisngi at para yumakap.

"Thank you. You and Mr. Walton have done a lot of good things to me in just a short period of time. You are sent to me by heaven. I promise, I will do everything to make myself worth of your kindness".

"You are a good person, Glaiza. You deserve this". Tumingin ang ginang sa kanya na tila nanunudyo. "This visa is just in time for your proposal to Rhian..."

Napangiti siya. Alam niyang magiging masaya si Rhian kapag nalaman nito na isa na siyang green card holder.

Pagkatapos niyang magpasalamat sa ginang ay hinayaan na nitong kausapin siya ni Mark. Tama ang hula niya, ang kasamang lalaki nito ay partner niya. Siya si Jose David Alferez. Isang French-Spanish couturier na ngayon ay nakabase sa Paris. Kung titingnan and dalawa ay tila mga totoong lalaki ang mga ito. Katamtaman ang pangangatawan pero mga gwapo.

Sang ayon sa mga ito ay wala pa silang balak magpakasal. Both are already 35 years old. Pero matagal nang nagsasama ang mga ito. And they are willing to help Glaiza in her proposal to Rhian.

Ramdam na ramdam ni Glaiza, ang Walton family ay isang pamilya na walang bitterness. They only share positive energy. Kahit ang pagiging wheelchair dependent ni Mrs. Walton ay hindi naging dahilan para pigilan ang positibong pananaw ng mga ito sa buhay. Waltons are blessings to her life! And it seems that they are destined to be part of her life... and of Rhian's...


————-

Malakas ang tibok ng puso ni Glaiza. 9:30AM pa lang ay nakasabit na sa helicopter ang banner na ipinagawa niya. Sa passenger's seat sa likod ng helicopter siya naupo. Doon niya matiyagang hinintay si Rhian.

Ang sabi nito kahapon ay earlier than 10:00 AM ito darating sa unit niya. Kaunting minuto lang ang ipaghihintay niya.

"Rhi, please say yes... huwag mong tatanggihan ang proposal ko, please..." lihim na pag-asam niya.

Ang totoo ay matagal na niyang gustong makasama si Rhian. Gusto niyang maging legal ang pagsasama nila. She had been preparing for this since her girlfriend visited her in Dubai. Maraming opportunity para sa kanya sa ibang airline companies. Mas rewarding ang position at salary. Pero mas pinili niya ang Walton Aircraft Technologies para mapalapit kay Rhian. This is the moment that she's been waiting for!

Hindi nagtagal ay nakita niya ito sa pinto palabas sa rooftop. Matagal na nakatitig ito sa banner. Tila nagulat ito. Nag-iisip.

Kahit na simple ang suot ay maganda pa rin ito. That slender figure that she loves. Those long legs that can easily make her turn on... tulad ngayon...

Bumaba siya ng helicopter. May dala siyang bouquet of roses. Assorted colour red, pink and white ito... combination ito ng kulay ng mga roses na ipinadala niya kay Rhian nitong nakaraang tatlong araw.

Kinakabahan siya. Halos dinig niya ang kabog ng dibdib niya... lalo na ng lumapit si Rhian sa kanya.

Iniabot niya ang bulaklak rito.

"For you, love" wika niya.

Parang gustong manginig ng tuhod niya ng mga sandaling iyon. Nakatitig siya sa nga mata nito. Nakatitig din ito sa kanya. Those beautiful eyes that she fell in love with...

"Rhi, with all the trials that we've been through, I realized that I can no longer survive another one. Gusto kong makasama ka habang buhay. Gusto kong pagdating ng hapon ay sa iyo ako uuwi. Gusto kong bago ako matulog ay ikaw ang katabi ko. Gusto ko rin na paggising ko sa umaga ay mukha mo ang una kong makikita"

Marahil, ang pagtulo ng luha ni Rhian ay indication ng pagsang ayon nito sa proposal niya. Lumakas ang loob niya na ipagpatuloy ito. Kinuha niya ang maliit na kahon mula sa kanyang bulsa. Lumuhod siya sa harap ni Rhian. Binuksan niya ang kahon. Inside is a 2-carat diamond in white gold ring. This is it!

"Rhi, will you marry me?"

Ngumiti si Rhian. Nakatitig pa rin sa kanya. Tumango ito.

"Yes, G. I will marry you..." mahinang tugon nito. Parang mas malakas pa ang kabog ng kanyang dibdib sa pagtugon nito.

Isinuot niya sa left ring finger ni Rhian ang singsing. Pagkatapos ay tumayo siya. Pinunasan ng dalawang hinlalaki ang luha na umagos sa pisngi ng babaeng nagpapatibok ng kanyang puso. Buong pagmamahal na tinitigan niya ang mga mata nito. Buong tamis na hinalikan ito sa labi. Ito ang babaeng nagpabago ng paniniwala niya tungkol sa tunay na pagmamahal. Ang babaeng naging inspirasyon niya. Ang babaeng papakasalan niya. Ang babaeng gusto niyang makasama habang buhay... matagal bago niya binitawan ang labing iyon.

"I love you, Rhi..." it is always like a first time saying these words to her.

"G, I love you too..." tugon nito.

Mahigpit silang nagyakap. Ito na ang simula ng panibagong antas ng kanilang relasyon. Ito na ang simula para bumuo sila ng pangarap para sa kanilang kinabukasan... Minsan pa, hinagkan niya ito sa labi... saglit lang...

"Let's go" wika niya.

"Where to?"

"Let's have a weekend in a resort". Inalalayan niya ito paakyat ng cockpit ng helicopter. Kung protective siya kay Rhian noon ay mas doble pa ang pag-iingat na ginagawa niya dito ngayon.

Inalis muna niya ang banner. Masinop na tiniklop ito at inilagay sa backseat. Hindi nagtagal ay naupo na rin siya sa pilot's seat. She started the rotor. And after a few minutes they are flying towards northeast of New York City. Their destination: The Surf Club at Montauk.


———————

The Surf Club at Montauk is a tourist destination in the northern part of New York. As the name suggests, this place is perfect not only for swimming but also for surfing. It faces the Atlantic Ocean. Si Jose na boyfriend ni Mark ang nag-suggest ng lugar.

Kapag April ay hindi masyadong matao sa The Surf Club. Ang peak season ay nagsisimula sa buwan ng June hanggang September. Kapag summer. Kapag ganitong April ay malamig sa Montauk. The temperature ranges from 3degC to 13degC. It's a cuddle weather. Perfect para sa mga lovers... tulad nina Rhian at Glaiza...


Bumaba sila sa helipad na malapit sa The Surf Lodge. Nagniningning ang mata ni Rhian.

"Love, I wanna go surfin' but I didn't bring swim suit with me". Sabi niya sa fiancee.

"Hmm... don't worry, love. May dala akong swim suit para sa iyo. Pero mag lunch muna tayo sa hotel, then mag check-in sa The Surf Lodge". Wika nito sa kanya. Parang naka plano na talaga ang lahat para rito.

Iniwan muna nila ang gamit sa helicopter. May pouch lang na dala si Glaiza. Naglakad lakad muna sila ng tatlumpung minuto. Tiningnan ang kabuuan ng resort until they decided to go to the hotel restaurant.

Dahil hindi naman matao sa lugar ay pinayagan silang makapag check-in sa lodge bandang ika-isa ng hapon.

It's their first time to be in a room as an engaged couple. Rhian is starting to unpack their belongings. Isa isa niyang inilalagay sa dresser ang mga damit nila ni Glaiza.

Habang nasa likod niya si Glaiza ay niyakap siya nito. "Hmmm... you're now starting to do your role as my wife?"

Ngumiti siya. Humarap siya rito. Nakayakap ito sa baywang niya. "Do you want your future wife to do some hot stuff for you?"

Nakita niya kung paanong nag blush si Glaiza. Bumulong siyang muli rito. "It's very cold here, love. Do you want a living blanket?"

Nakadikit na halos ang labi niya sa labi nito. Ramdam niya ang mabilis nitong paghinga na tila naghihintay ng susunod niyang gagawin. Idinikit niya ang gitnang bahagi ng kanyang katawan sa katawan nito. It's like a switch on button. Hindi na nakapagpigil si Glaiza. Mabilis na hinagkan siya nito. Nag-aalab agad. Mainit ang hininga na tila pumapaso sa kanya.

Nagpaubaya siya. Glaiza deserves her love and affection. Gusto niyang paligayahin ito ngayon. Katulad ng kaligayahan na nararamdaman niya kapag kasiping ito...

—————-

Nagtungo sila sa dagat pagsapit ng ika-apat ng hapon. Tamang tama lang ang alon ng dagat para sa surfing. Hindi naman sila ganoon kabihasa para makipaglaro sa matataas at malalaking alon. Sapat na sa kanila ang masanay muna sa balancing. Maybe in the future, they can try surfing in the big beaches in the Philippines.

There is a surfing board to rent from the resort. Pinili ni Rhian ang blue board samantalang red board naman ang kay Glaiza. Mas risk taker si Rhian kaya madalas na sa mas malaking alon siya sumasabay. Pero hindi naman siya masyadong lumalayo sa aplaya.


Ng gabing iyon ay nagkulong lang sila sa kwarto. Masayang ikinwento ni Glaiza kay Rhian ang mabilis na processing ng kanyang visa. As a green card holder, pwede siyang mag-apply ng citizenship sa US after five years kung gugustuhin niya. Ipinakita rin niya ang current status ng share niya sa WAT. By this time, she already has accumulated a total of USD110,000.

Nagsimula na rin silang magplano para sa kanilang kasal. They want to have it happened on January 3. Glaiza's month and Rhian's number. May eight months pa sila para ayusin ang tourist visa ng mga magulang ni Glaiza.

Nakaupo sila sa harap ng table. May hawak na deskpad na may logo ng The Surf Lodge. Gumawa sila ng checklist.

Simpleng ceremony at party lang naman ang gusto nila. They listed down the names of their sponsors. Kasama sa primary sponsors ang mag-asawang Walton at si Mr. Johnson. Sa secondary sponsors naman ay ang kuya Jaime ni Rhian, si Alchris, si Mark at si Thibaut. Sa babae ay kasama sa listahan sina Bianca, Sheena at ang mga pinsan ni Rhian na sina Steph at Julia. Hindi pa kumpleto ang listahan nila pero hanggat maaari ay gusto nilang US based ang idadagdag para hindi magkaroon ng problema sa pagkuha ng visa.

They also started to look for a reception venue. Marami namang available sa New York City. Dapat lang ay mai book nila ito ng maaga para siguradong naka block na ito sa wedding date nila..

They can apply for a marriage license by November. May 60 days validity ito until the ceremony and until the wedding chancellor signs the license. Kadalasan, Mayor or Governor ang nagkakasal sa New York City.

Gusto sana ni Glaiza na siya lang ang gumastos sa kanilang kasal. May gratuity naman siya na nakuha sa dating employer sa Dubai. Mayroon din siyang savings. Pero ayaw pumayag ni Rhian.

"Love, let's make it 50:50. Ang laki na ng expenses mo buhat ng dumating ka dito sa US". Hindi niya tinanong kay Glaiza kung magkano ang love bracelet na ibinigay nito noong birthday niya. Hindi rin niya tinanong kung magkano ang engagement ring niya. Alam niyang matipid ito, pero pagdating sa kanya ay galante ang fiancee niya. Alam niyang gumastos na ito ng more than one million pesos sa mga ibinigay nito sa kanya.

Hindi rin niya itinatanong dito ang total renumeration package galing sa Walton. Ang alam niya ay medyo malaki rin ang salary nito bilang qualified aircraft engineer. Bukod pa rito ang pagkakaroon ng condominium unit ay malaking bagay para makatipid ito sa monthly expenses. But then, her own salary is more than enough for her. Gusto niyang tumulong sa gastos nila sa nalalapit na kasal.

"It's ok, love. I just wanna give the best I can give for you. Saka na tayo mag-ipon, 'pag kasal na tayo".

Niyakap niya ito. "Pleaseee... pumayag ka na." Hinalikan niya ito sa pisngi.

Hindi na ito nakatanggi sa paglalambing niya. "How can I say no to my beautiful wife".

Ngumiti siya. Napaka sweet ng pagkasabi ni Glaiza ng beautiful wife. Nakakakilig. Alam niya, maraming nangangarap na maging Mrs. Galura. Si Trixie. Ang ibang babae sa HGC building. Baka nga may iba pa na hindi niya alam. Her fiancee is a gender bender. Pero... siya ang napiling pakasalan nito. Teka... Mrs. Galura? Instinctively, her mind suggested that she'll soon be Mrs. Galura.

Then, she thought of insinuating Glaiza to use Howell as her last name.

"Do you want to be a Mrs. Howell, love?"

"I want you to be Mrs. Galura. We will build our own family. May legacy na ang Howells because of your dad, love. Let us create our own legacy as Galuras. Would you be amenable for that?".

Mabilis ang naging pagsagot ni Glaiza. Mukhang napag-isipan na nito ang tungkol dito. Sa isip niya, hindi naman siguro magiging problema sa family niya kung magpalit siya ng surname. Kung nagkataon na sa lalaki siya magpapakasal ay isusunod din naman niya ang apelyido rito.

"Sure, love. But I want to keep my dad's surname before yours. I will be Rhian Denise Ramos Howell-Galura". Napapangiti siya sa idea na dadalhin niya very soon ang apelyido ni Glaiza.

Nakangiti rin si Glaiza. Sa tingin niya ay kinikilig din ito.

"Sounds good!" Wika nito.

Tumayo siya. Lumapit kay Glaiza. And across, she sat down on her lap. Nakaharap siya rito. Buong pagmamahal naman na niyakap siya nito. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito at banayad na hinalikan sa labi.

Glaiza was ready for that. Tinugon nito ang mga halik niya. Until they both decided to lay down in bed. Passionately... they made love...


———————

Kinabukasan ay nag-swimming muna sila sa beach bago nag breakfast. Sa paglalakad nila ay hindi maiwasang humawak ang isa sa kanila sa baywang. Lalo na si Glaiza na laging nakaalalay si fiancee niya. May ilang tao sa resort ang napapalingon sa kanila. Hindi naman talaga maiiwasan iyon. Sa ganitong uri ng relasyon, kahit pa nasa New York sila, ay may ilan pa ring nagtataka kung bakit nag-e exist ang ganitong uri ng pagmamahalan. They may not be judgmental. Baka curious lang naman ang mga ito. At dapat na masanay na rin sila na maraming  magtataka kung bakit ang isa't isa ang kanilang minahal at pinakasalan.

Pagsapit ng ikasampu ng umaga ay muli silang sumakay ng helicopter. Pabalik na sila sa Lower Manhattan. Ang helicopter na ginamit nila ay pag-aari ni Mr. Walton. Si Mark ang humiram nito sa ama para ipagamit sa kanya. Sang-ayon kay Mark ay hindi raw ito ipinapagamit ng kanyang ama sa iba. Ngayon lang ito nagtiwala. Kaya naman lubos na pag-iingat ang ginawa rito ni Glaiza.

Pagkahatid kay Rhian sa condominium unit niya sa SoulCycle ay nagpaalam muna siya. She will fly to the hangar in the airport. Isasauli lang niya ang helicopter, pero babalik din siya agad.

Tumawag siya agad kay Mark para magpasalamat dito. Sa kasalukuyan, nasa R1-2 district in Fieldstone, The Bronx ang mga ito kung saan naroroon ang bahay ng mga Waltons. Nagpasalamat din si Mark sa kanya at ibinilin ang mga magulang dahil sang-ayon dito ay babalik na ang mga ito sa Paris kinabukasan.


————————

Habang papalapit ang araw ng kasal ay mas lalong naging busy sina Rhian at Glaiza. Katulad pa rin ng dati ang routine nila. Stressful work, pero nakasanayan na rin nila. Magkasama sila kapag weekend. Kahit wala sa usapan ay nagkikita rin sila paminsan minsan kung weeknights lalo na kapag Wednesday. Kung minsan ay magkasama rin silang pumupunta sa bar kapag Friday night kasama ng iba pa nilang mga kaibigan.

As planned, Rhian's family will be with her in new year. It's two days before her wedding. May mga sariling kwarto naman ang mga ito sa condominium unit niya kaya walang problema sa tutuluyan. Kasama nilang dumating ang bestfriend niyang si Bianca na pansamantalang ka-share niya sa room.

Her lola Jovita and the family of Tito Ronnie will fly from Houston. Pansamantalang tutuloy muna ang mga ito sa Hotel Eventi.

Madali namang na-approve ang tourist visa ng mga magulang ni Glaiza, ganoon din ang sa kapatid na si Alchris. Mananatili ang mga ito sa condominium unit niya.

Noong una ay gusto ni Mr. Howell na maging engrande ang kasal ng kaisa-isang anak na babae. Kahit siya raw ang gumastos para sa anak. Pero sa maayos na paliwanag ay pumayag na rin ito na maging simple ang kasal ng kanyang bunso. It will be an intimate wedding with immediate family and friends. A maximum of 50 visitors

The venue of both the ceremony and the reception shall be in Manhattan Penthouse in 5th Avenue. They will also rent a room from the said building during the wedding. Doon nila isasagawa ang lahat ng arrangement para sa pre-wedding tulad ng make-up at pagbibihis ng wedding gown.

Ang magkakasal, ang NYC Mayor na si Bill de Blasio.

Nagkaroon din sila ng premarital agreement. Lahat ng properties nila before the wedding ay mananatiling pag-aari ng bawat isa sa kanila. Lahat ng kita ng share of stocks ay mananatiling pag-aari ng isa't isa. Ang salary lamang nila ang tanging gagamitin na panggastos araw araw bilang mag-asawa. Na sa tingin nila ay sapat na para mabuhay sila ng maayos sa New York City.

Everything seemed smooth. Tila yata kakampi nila ang tadhana. Wala na talagang makakapigil sa kanilang pag-iisang dibdib. At naniniwala sila na basta positibo ang pananaw nila sa bawat bagay ay magiging maayos din ang lahat.

————————

Finally, the long wait is over. On January 3, 2019, Thursday, in a function hall of 100 persons capacity in Manhattan Penthouse, 5th Avenue, makikitang nakatayo si Glaiza sa harap ng mga sasaksi sa kanilang kasal. Hinihintay ang kanyang papalapit na bride. Sa magkabilang gilid ni Rhian ay kasabay na naglalakad sina Mr. at Mrs. Howell. Habang tinitingnan niya ito, ramdam niya ang pinaghalong kaba at saya. For her, Rhian is the most beautiful bride in the world. She is very beautiful in white gown. And she feels lucky because, this beautiful girl shall be her wife after this ceremony.

Humalik sa mga magulang si Rhian. Pagkatapos ay inabot niya ang kamay nito. Yumakap siya kay Mrs. Howell at nakipagkamay kay Mr. Howell.

Maya maya pa ay nakaupo na sila sa harap ni NYC Mayor Bill de Blasio.

Ang unang bahagi ng kasal ay ang pagbabasa at pagpapaliwanag ng mga batas kaugnay sa mag-asawa. Kapansin pansin na ang batas para sa heterosexual at LGBT ay pareho lang. Iisa lang ang kanilang karapatan - ang pamumuhay ng payapa sa estado ng New York.

Pagkatapos basahin ng officiating mayor ang ilang batas at tuntunin tungkol sa pag-aasawa ay pinatayo sila. This is the time to say their wedding vows.

Pareho silang kinakabahan. Magkahawak ang kanilang kamay. Nakatitig sa isa't isa na puno ng pagmamahal.

"Rhian, do you take Glaiza to be your lawful wedded wife?" Tanong ng Mayor.

"Yes, I do". Hindi nito inaalis ang pagkakatitig kay Glaiza.

"Do you promise to love and cherish her in sickness and in health, for richer or for poorer, for better or for worse, and forsaking all others, keep yourself only unto her, for so long as you both shall live?"

"Yes, I do". Ngumiti ito kay Glaiza.

"Glaiza, do you take Rhian to be your lawful wedded wife?"

"Yes, I do". Buong pagmamahal na nakatingin pa rin ito sa kanya.

"Do you promise to love and cherish her in sickness and in health, for richer or for poorer, for better or for worse, and forsaking all others, keep yourself only unto her, for so long as you both shall live?"

"Yes, I do". Napakagat siya ng labi habang nakatingin kay Rhian.

"Do you together promise in the presence of your friends and family that you will at all times and in all circumstances, conduct yourselves toward one another as becomes wife of each other?"

Together they respond, "We do."

"Do you together promise you will love, cherish and respect one another throughout the years?"

"We do."

It is time to wear their wedding ring. As a protocol and as an ethiquet, wala silang ibang suot na singsing ng mga sandaling iyon.

Hawak ni Glaiza ang wedding ring para isuot sa left ring finger ni Rhian.

"Rhian, the first time our eyes met, I knew that you were the one. I have loved you the first time I saw you and it haven't changed a bit until now.

Habang nagsasalita ay hindi maiwasan na mag crack ang boses niya. Hindi niya namamalayan na tumutulo na ang kanyang luha.

"And now, I, Glaiza Castro Galura, pledge my undying love to you, Rhian, as I invite you to share my life. I promise to be kind, unselfish, respectful, and trustworthy so that together, our dreams of a beautiful future can come true. To this end I call upon all present to witness that I take you, Rhian, to be my wife, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health for as long as we both shall live."

Isinuot niya ang singsing kay Rhian.

It's Rhian's turn to put the ring on her finger.

"Glaiza, from the very first time we've met, I know that my love for you would be an undying one. I have loved you the first time you set your eyes on me. Our path was not easy. We have conquered a lot of trials. But we survived because of the strength of our love for each other".

Lumuluha rin ito habang nagsasalita.

"And now, I, Rhian Denise Ramos Howell take you to be my lawfully wedded wife. Before these witnesses, I vow to love you and care for you as long as we both shall live. I take you, Glaiza, with all of your faults and your strengths as I offer myself to you with all of my faults and strengths. I will help you when you need help, and I will turn to you when I need help. I choose you, Glaiza, as the person with whom I will spend my life."

Isinuot nito ang singsing sa kanyang left ring finger.

"And now, due to the virtue of the law vested in me by the State of New York and the United States of America, I now pronounce you wife and wife. You may now kiss each other".

Infront of their witnesses... they kissed.

Rhian is now Mrs. Rhian Denise Ramos Howell-Galura.

The reception followed in the next room. Though a simple celebration, masayang masaya ang bagong kasal. May konting takot, pero alam nila na kapag magkasama sila ay kakayanin nilang harapin ang mundo.


——————

Pagkatapos ng reception ay nagbihis agad ang mga bagong kasal sa room na inokupa nila kanina bago ang wedding ceremony. May luggages na naghinintay sa kanila roon. They will leave for Maldives at 4:55 PM via Emirates Airlines for a honeymoon. Ang airline ticket ay bigay sa kanila ng isa sa secondary sponsors na si Thibaut.

It's their first time to travel together in an airplane. This time, hindi piloto si Glaiza. Pareho silang pasahero ni Rhian.

Ang Maldives ay isang bansang republika na nasa bandang south ng bansang India at Sri Lanka. Isa itong isla na halos kasing laki lamang ng Metro Manila. Ang ikinabubuhay ng mga tao rito ay fishing, farming at higit sa lahat, tourism.

Ang bansang ito ay may unitary presidential government. Karamihan ng naninirahan dito ay mga Islam.

May pre-booking na sila sa Baros Maldives. Isa itong five-star hotel na maraming nipa hut na makikita sa gitna ng dagat. Isa sa mga nipa hut ang kanilang tutuluyan. They will stay there for three nights. Wala namang problema dahil two weeks ang  bakasyon na ibinigay sa kanila ng kanikanilang employer.

It will take them 31 hours to travel from JFK International Airport to Male International Airport. May apat na oras silang stop over sa Dubai. Masyadong mahaba ang travel time. But according to Thibaut, kapag nasa Maldives na sila ay mawawala ang lahat ng pagod nila.


They are almost dead tired when they reached their hotel room. Bukod pa sa halos wala silang tulog ng mga nagdaang araw dahil sa new year celebration, ganoon din sa wedding preparations ay minabuti muna nilang magpahinga sa kanilang unang gabi bilang mag-asawa.

They were in bed. Nakayakap si Glaiza kay Rhian.

"Love, matulog muna tayo. Tomorrow na tayo gumawa ng baby". Biro niya kay Rhian. Titig na titig siya rito.

Natawa si Rhian. "Lovvve, what are you thinking?"

"I want to have a baby girl! Gusto ko kamukha mo para maganda rin"

"I want to have a baby boy! Gusto ko kasing guwapo mo"

Natawa siya. Talagang pinanindigan na ng fiancee... este... wife niya ang pagtawag sa kanya ng gwapo.

Niyakap din siya ni Rhian. Bahagyang dumampi ang labi nito sa labi niya. "Thank you for everything, G. I love you more each day... I love you..." bulong nito.

Pagod siya. Pagod sila... but how can she resist this beauty who is now kissing her? She wants more than a kiss... She wants to take her wife... in paradise... now...



———————

Author's Note:

Habang pinapakinggan ko ang music video, iniisip ko na para talaga sa RaStro 'yon. Nakakaiyak. Naging emotional ako habang nakikinig.

One more chapter mga besh. Sana walang nagmumura rito. Don't say bad words sa next chapter. Just trust me...

@@@@@@@

May nagsabi sa akin na binabasa raw ng "dalawa" itong FWM. Hindi ako naniniwala. Amateur writer lang ako para pag-ukulan nila ng pansin itong gawa ko... Pero kung totoo, salamat Rhian. Salamat Glaiza. Huwag sana kayong magagalit sa akin, hehe. This is just a fanfic. I love you both...

Connecting the dots:

Heto na ang mas detailed mga besh. Ewan ko kung delusional lang ako pero hindi ko maiwasan na hindi mag-connect talaga.

March 10 - Nag tweet si Rhian ng ganito: "I hope that the fire we both made still burns a little in you".

Maraming nagtanong kung para kanino ito? Pero bago natin sagutin 'yan, alamin muna natin kung saan nagmula ang tweet na ito. Isa itong excerpt sa song na ang title ay 'Movie' na inawit ni Tom Misch. Please see below for the lyrics.

Kung mapapansin ninyo, may sinasabi sa kanta na "He walks along the platforms into the dream, every fiber in me wants to shout and scream". Ibig sabihin, she's longing for this person. She's dreaming for this person.

Noong mabasa ko ang lyrics, nagkaroon ako ng split idea about this. Sabi ko, pwedeng para kay J, pwedeng para kay G.

Nananaig na sana sa isip ko na para talaga kay J ito dahil lagi itong wala sa bansa. Pero besh, sumagot si G sa IG post ng ganito: "If I saw you on the street, would I have you in my dreams tonight".

Excerpt naman ito sa lyrics ng kantang 'Dreams Tonite' ng Alvvays. Sabi pa sa kanta, "Live your life on a merry-go-round, who starts the fire just to let it go out". Ayun! Sapul na! Parang sinagot niya na si Rhian ang nagsimula ng fire nila, pero siya rin ang pumayag na mawala ito (nagturuan na!). Ibig bang sabihin G, may fire pa rin sa iyo? Hmmm? Kaya naman pala kung makikita mo siya sa street, ay gusto mo siyang mapanaginipan?

(Note: hindi porke may parehong dream ay iko connect na natin. Dapat, alamin din natin ang lalim ng meaning).

Sumagot na naman si Rhian: "Sincerely considering a different way to get around. Time is of the essence but it happens to be traffic's favourite food. So.. a scooter, a motorbike or a plane ticket?

On the outset, pwedeng nag-iisip si Rhian kung saan sasakay habang nasa street. Sa scooter or motorbike? (Para makita ni Glaiza at maging bahagi siya ng dream nito). But if you will consider its deeper meaning, time element is important for them. They cannot do anything at the moment because of the traffic or a lot of barricades infront of them (like projects, etc. Super busy sila pareho ngayon. Rhian with her TOTGA, Tastebuddies at sunod sunod na movies. Glaiza with her Contessa and several gigs!

Bakit kasi idinadaan nila sa lyrics ng kanta. What now?

Coincidence lang ba ang connection? Or they are sill into each other? Hayy, RaStro!

Please vote and comment. Thank you ...

Continue Reading

You'll Also Like

241K 5.8K 33
"That better not be a sticky fingers poster." "And if it is ." "I think I'm the luckiest bloke at Hartley." Heartbreak High season 1-2 Spider x oc
859K 33.4K 81
๐—Ÿ๐—ผ๐˜ƒ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ต๐—ฒ๐—ฟ ๐˜„๐—ฎ๐˜€ ๐—น๐—ถ๐—ธ๐—ฒ ๐—ฝ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜„๐—ถ๐˜๐—ต ๐—ณ๐—ถ๐—ฟ๐—ฒ, ๐—น๐˜‚๐—ฐ๐—ธ๐—ถ๐—น๐˜† ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐—ต๐—ฒ๐—ฟ, ๐—”๐—ป๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€ ๐—น๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ ๐—ฝ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜„๐—ถ๐˜๐—ต ๏ฟฝ...
239K 22.9K 58
Third book of idol love series... Devotion- "Strongest form of love" All the characters are fictional. There is no connection with the real place or...
963K 16.6K 42
What if Aaron Warner's sunshine daughter fell for Kenji Kishimoto's grumpy son? - This fanfic takes place almost 20 years after Believe me. Aaron and...