Gabi na kaya pinakain ko muna si criselda bago sya umuwi pero nagpaalam muna sya bago sya lumabas ng pinto ng condo.
"Hihintayin kita bukas ng umaga sa office ni ace, kasama ang mga 'Red Hand' don, imposibleng wala yon" sabi nya, at feeling ko nakaramdam ako bigla ng kaba. Biglang hinawakan ni criselda yung kamay ko. "Don't worry, nandun ako kaya walang pwedeng mangyari na ikinatatakot mo" sabi nya, at umalis na. Napangiti na lang ako dahil hanggang ngayon sinosoportahan nya pa din ako kahit ang laki ng kasalanan ko sa kanila noon.
Napansin ko na kanina pa walang imik si Paul. Ngayon lang talaga namin naranasan ang ganitong sitwasyon, nakakalungkot.
"Paul" nilingon nya ko. "May problema ba? " nahihiya ako kase sa loob ng tatlong taong pagtulong nya sakin, alangan namang balewalain ko sya diba? Ayoko naman ng ganun dahil ang laki na ng parte ni Paul sa buhay ko, at buhay namin ng kambal.
"I'm okay, wag kang magalala sakin" sabi nya at ngumiti ng tipid. Ayoko syang makitang ganyan. "Masaya rin ako kapag nakikita kitang masaya, sapat na yon" bakit ganyan sya? Alam Kong ang hirap sa kalooban nya yung sinasabi nya pero bakit nya pa yan ginagawa o sinasabi?
Niyakap ko sya habang nakatalikod sya sakin.
"Sorry, ayoko lang naman maging pabigat sayo" sabi ko habang yakap yakap ko sya. Hinawakan nya yung kamay Kong nakayakap sa kanya, at ramdam ko sa mga kamay nya ang lungkot.
"Kahit kailan hindi ka naging pabigat sakin" hinarap nya ko at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Tinitigan ko lang ang mga Mata nyang puno ng lungkot. "Gusto ko lang kung san ka sasaya, dun ako susuporta maging masaya ka lang" ano ba pinagsasabi nya? Kahit ayaw nya dun, ipipilit nya pa rin ako kahit mabigat sa kalooban nya?
"Sorry, alam mo namang para sa kambal yung gagawin ko diba? " hindi pa man ako nageexplain alam Kong naiintindihan na nya agad ako dahil lahat naman ng bagay iniintindi nya pagdating sakin, Kahit na Mali.
"Yeah, I know. Iniisip ko lang na baka makalimutan mo na ko kapag nagkaharap at nagkaayos kayo" ewan ko pero nararamdaman ko gusto nyang umiyak pero pinipigilan nya lang.
"Are you crying? " taka ko.
"I'm okay" ngumiti sya ng pilit. "Yung puso mo ha? Alagaan mo na yan, ayoko ng makita ka pang uli na nasasaktan" bakit ganyan sya magsalita? Niyakap nya ko, niyakap nya ko na parang may pinapahiwatig sya. Pero alam Kong umiiyak na sya, hindi ko alam bakit? Bakit sya umiiyak? Ngayon ko lang sya nakitang umiyak sa loob ng tatlong taon hindi sya umiyak sakin maliban lang dun sa ex nya. Pero ngayon hindi na normal dahil wala namang dahilan.
"Paul bakit? May problema kaba? Sabihin mo naman sakin ang daya mo naman e! " gusto Kong magbiro. Ramdam ko na ngumisi sya dahil hindi nya pa din tinatanggal ang pagkakayakap nya sakin, sobrang higpit at feeling ko ayaw na nya Kong bitawan.
"Mahal mo pa ba sya? " natigilan ako. "Wag mo naman akong saktan ng ganito, Sana kahit ngayon lang maiparamdam ko sayo na mahal kita.. " tumigil ang mundo ko ng marinig ko iyon. Pero... Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko dahil sa narinig ko, hindi ko namalayan na kumalas na pala sya at napatitig na lang ako sa mga Mata nyang dire diretso ang tulo ng luha.
Mahal nya ko? Bakit ngayon nya lang sinabi sa loob ng tatlong taon?
Ewan ko pero hindi ako makagalaw at hindi ako makapaniwala. Nakatingin lang ako sa mga Mata nya, naaawa ako sa mga Mata nyang parang gripo na tuloy tuloy ang luha, pero hindi ko masabi na hindi ko pwedeng balewalain ang pagtatapat nya sakin.
"Sana kahit ngayon lang hayaan mo Kong mahalin ka.. " naaawa ako sa kanya, hindi ko alam na ganyan pala sya masaktan. Oo alam ko yun dahil magkabata kami, oo alam Kong mababa luha nya kahit sa isang bagay. Pero madalas ko lang syang nakikitang umiiyak lalo na kapag sobrang importante na sa kanya nung bagay na iyon.
Sobrang bait ni Paul kaya wala na akong mahihiling pa sa kanya. Kung maghahanap ka lang ng lalake, masasabi mo na sya yung hinahanap mo dahil sa sobrang blessing sa kanya wala ka ng hahanapin pa. Ewan ko, pero kaya pala ganun na lang sya ka concern sakin? At kaya ba ganun na lang ako kaimportante sa kanya?
"P-paul... Hindi ko maintindihan.. " gusto ki maiyak pero naubos na ata kanina.
"Mahal kita.. " ngumiti sya kahit na ano mang lungkot sa muka nya pinilit nyang ngumiti. "Gusto ko na sanang mag confess sayo pagbalik ko galing baguio kaso... Anjan nanaman sya e.. " umiyak nanaman sya, naaawa ako sa kanya dahil alam Kong mahal na mahal nya ko, sa pinapakita pa lang nya.
"Pano ko? Pano ako kung nanjan nanaman sya? "
"Paul hindi kita kakalimutan, at lalong hindi ko pagtutuunan ng pansin si ace kaysa sayo" pagpapalakas ko ng loob sa kanya. "Tandaan mo, nung mga araw na nasasaktan ako, nahihirapan ako, walang wala ako, na halos gusto ko ng magpakamatay, ikaw yung nanjan para sakin at hindi sya. Nung mga araw na wala sya sa tabi ko, ikaw ang gumabay at tumulong sakin, kaya bakit kita kakalimutan" naiiyak na ko dahil dinadown nya yung sarili nya kahit hindi totoo. At bakit ko naman babalikan si ace kung si Paul yung mas matagal Kong nakasama? At nandyan sya sa tabi ko nung mga araw na kailangan na kailangan ko ng kadamay. Pero alam ko ding hindi pwede.
Oo Alam ko sa sarili Kong hindi pwede, may anak at asawa ako, kasal ako. At ayokong masaktan si Paul bandang huli ayokong sirain yung pagkakaibigan namin dahil lang sa nararamdaman nya.
"Lindse kaya mo ba Kong mahalin? "
Loading.... Loading...
Matagal bago ko pinaulit ulit yun sa isip ko. Kaya ko ba? Makakaya ko ba? Kakayanin ko ba? Pero alam namin sa isat isang hindi pwede kahit pa gustuhin ko hindi maaari.
"Paul---"
"I know. Mahal mo pa sya, alam ko yun. Nagkita kayo kaya babalik feelings mo" nagiba reaksyon nya at tumalikod sakin.
"Paul hindi ganun kadali yun. Atsaka alam mong hindi pwede--"
"Kung mahal natin ang isat isa, bakit hindi? " humarap sya sakin ng sabihin nya iyon. Naging seryoso ang muka nya pero nakakaawa pa ding tingnan yung Mata nyang namamaga.
Natigilan nanaman ako. Hindi ko alam sasabihin ko kaya tumungo na lang ako, hanggang sa nakaramdam nanaman ako ng yakap.