68: Off To Tagaytay

508 10 0
                                    

"Okay ba kayo Jan sa likod? " masayang ani ni ace kaynila Dwayne.

Nakakapagtaka dahil parang hindi nya man lang namiss si Dwayne at darzel nung unang kita nya.

"Yes! " sabay pa nung kambal habang hawak hawak ni dwayne yung robot nya at Kay darzel yung barbie nya, natutuwa akong makita silang masaya.

"Wow, English speaking pala ang mga anak mo"

Parang hindi nya naman anak yung sinasabi nya, pati pala anak namin kinalimutan nya.

"Kaya nga po" ngiti Kong peke pero parang ang sakit lang isipin na pati yung anak namin kinalimutan nya? Okay lang Sana kung ako lang. "E sir ace bat di na lang kayo nagpadrive sa driver? " pagtatopic ko. Sya kasi yung nag dradrive tapos kaming apat lang yung Tao sa kotse.

"Don't worry may driver naman dun sa tagaytay, pwede naman kung pauwi na lang" sabi nya. Siguro ayaw nyang tignan ang mga bata kaya sya na lang ang nagdrive kase kung may driver wala naman syang choice kundi ang silipin kami dito sa likod.

"Anak sleep muna kayo, mahaba pa yung pupuntahan natin e"

"Okay" malungkot na sabi nung kambal. Baka rin kasi magsuka pa sila, nakakahiya naman Kay ace.

"Sige na, sumunod kayo Kay mommy" singit ni ace.

"Okay po! " biglang sigla nung kambal. Pati tuloy yung kambal nahawa sa kaabnormalan nya, nagmana siguro sa ama nila. Jusko mga anak kung alam nyo lang tatay nyo ang kausap nyo.

Tatlong oras din ang byahe namin at nakarating din kami sa tagaytay. Labas pa lang ang nakikita ko mukang maganda dito, siguradong mageenjoy kami ng mga bata dito.

"Gigisingin mo ba sila o bubuhatin na lang para na rin makapagpahinga sila? " sabi ni ace, habang seatbelt pa lang ang tinatanggal nya.

"Gigisingin ko na lang para na rin maenjoy nila dito" sabi ko at ngumiti sya ng kakaiba hindi ko alam pero parang may iba sa kanya. Nung nakaraang linggo ang sungit nya sakin tapos ngayon parang binigyan nya ko ng vocation kasama ang mga nk ko.

Paggising ko sa kanila medyo antok pa sila kaya pinapasok na kami ni ace sa hotel ni criselda, Kay criselda pala itong hotel.

"Good afternoon, magandang family vocation ata ang pinunta nyo dito sir? " salubong agad nung staff Kay ace Kaya natigilan kami pareho.

"Daddy? " singit ni Dwayne kaya napatingin kami ni ace Kay Dwayne lalo na ang staff, lalo tuloy kaming pagkakamalan.

"No Dwayne, gutom ka na ba? " pagiiba ko. At dumeretso na lang ng lakad tural sabi naman ni Dwayne sa 3rd floor ang room namin sa 105.

"Mommy, I'm hungry" simula ni darzel habang nagaayos ako ng gamit namin. At sakto namang dumating na si ace kaya napunta sa kanya ang atensyon ko.

The Girl Who Wanted To Marry Me (editing) Where stories live. Discover now