49:still find her

406 13 0
                                    

Ace's pov

"Pano yan ace? Wala talaga sa buong maynila si nadia e" Aaron's said.

"San natin hahanapin? " ani naman ni Adele. Ako ay natutulala lang at iniisip kung pano at saan namin makikita si nadia.

Miss na miss ko na sya, hindi ko na alam kung anong gagawin ko para mahanap sya. Kaso buong maynila na ang hinanap namin wala pa din sya.

Nasa ibang bansa kaya sya? Hindi! Hindi ako Makakapayag, pero ano ng magagawa ko kung nandun nga sya? Wala na? Wala na! Fuck! Di ko kayang mawala si Nadia sa buhay ko. Mas kaya ko syang mahalin kahit nagsimula lang kami sa one night stand, pero hindi lang yun isang Gabi sakin, dahil, dahil dun nagbago ang buhay ko at nagturo sakin sa tamang daan at tamang pagbabago.

'Siguro ay napaka malas mo na kung papakawalan mo pa ang tulad nya'

Naaalala ko ang sinabi ni lolo. Anong gagawin ko? Hanapin sya? Pero saan?

"E kung nasa ibang bansa naman sya, for sure nandun sya sa London" biglang salita ni Darren na kanina pa nagiisip. London? Yun na ang clue sa lahat, dun ko sya hahanapin kahit gaano pa ito kalaki.

Biglaan akong umalis dahil kailangan ko itong mapadali habang konti pa lang ang lugar na napupuntahan nya, mas madali ko syang makakausap.

"Darren, wag mo iooff ang phone mo, tatawagan kita" ani ko ng mabilis bago tumakbo.

"Ace! Where are you going?! " napatigil ako sa sigaw ni criselda.

Paglingon ko sa kanya.

"Walang titigil sa paghahanap Kay Nadia, okay? " naiiyak na ani ni criselda. Kahit sya ay sobra at sabik na ring makita si Nadia. Pero hindi namin dito mahahanap si Nadia, kundi sa London.

"No, nasa London sya" mahinhin ko lang sagot at muling tumakbo papalayo sa kanila. Sinimplehan ko lang ang pagpunas ng luha ko habang tumatakbo dahil ayokong mahalata nila yun.

Nadia's pov

"Ano Nadia! Habang buhay ka dito magtatago, habang sila nagkakabaliw baliw na dun sa kakahanap sayo! Hoyy babae ikaw ang matauhan!" Sigaw ni daddy. Nakatungo lang ako at kapit kapit ako ni mommy. naiiyak na rin ako kanina pa dahil kanina pa ko natauhan sa pinagsisigaw sakin ni daddy. Mahigit isang buwan na ko ditong nakatira at hindi pa rin nagpapakita sa kanila. Siguro ay naging maayos na rin ang buhay nila.

"Dad hindi sa ganun, hindi nyo po ako naiintindihan! " hagulgol ko. Pero inaawat ako ni mommy dahil once na magalit si daddy tahimik lang si mommy.

"Bobo ka ba nadia! Ikaw? Naiintindihan mo rin ba sila! Yung mga taong nagmamahal sayo tinatakwil mo mismo! Sa tingin mo may magmamahal pa sayo pag nagkataon na mawala sila? Sino! Kami? Myghad Nadia! "

The Girl Who Wanted To Marry Me (editing) Where stories live. Discover now