45: I feel her

409 12 0
                                    

Nadia's pov

"Araaaay! bwiset naman oh!" Sigaw ni mhelbhel ng bitawan ko sya. Grabe na ang ginagawa nya, di ba sabi nya kanina bestfriend nya si kurt? E bakit kailangan nyang guluhin?

Nakakahiya yung mga ginawa nya. Nakakaramdam tuloy ako ng gigil. Gusto ko syang awayin muli kaso naaawa ako sa itsura nya, lasing e walang Laban.

"Bakit mo ginawa yun? " tanong ko para naman magkaigihan kami sa nangyayare. Tumayo na sya at pinagpag yung mga katawan nyang akala nya may dumi. Kaartehan.

"Pake mo? Tignan mo ginawa mo sa buhok ko! Ginulo mo! Inggetera ka talaga! " ani nya at lalagpasan na Sana ako ng hawakan ko braso nya pabalik.

Hindi pa tayo tapos, humanda ka sakin pag di ka sumagot ng matino. Kahit lasing ka pa.

"Ang kapal naman ng muka mo. Bat di mo tignan yung muka mo sa salamin bago mo ko sabihan na inggit ako sayo? Baka kasi sakaling pag nakita mo yung muka mo sa salamin masabi mong, dapat palang walang kainggitan sakin" ani ko at nagpumewang. Nanggigigil ako na naaawa? Feel mo yun? Bwiset bakit kasi ginagawa nya pa ang bagay na yun? Sige sabihin na nating maganda talaga Sya. Yun na nga e, kaganda ganda nyang babae ipapahiya nya sarili nya?

"HAHAHA! Excuse me! Kahit hindi ako tumingin sa salamin, alam ko sa sarili ko na maganda ako! " ani nito at muli akong lalagpasan. Lasing na lasing na talaga sya, pero di ko hahayaan syang makaalis ng ganyan ang itsura nya, baka may mangyare pa sa kanyang masama, madami pa naman jang tarantado. Wow! Concern. Syempre kahit may galit ako sa kanya, di ko magagawa sa Tao ng ganung kasama.

"Mhelbhel makinig ka sakin!" Harap ko sa kanya. Gusto kong ayusin ang buhay nya ngayon, lalo Nat lasing sya. May pagkakataon akong sabihin sa kanya ito.

"Ano ba yon! Ano bang kailangan mo? " she said.

"Gusto ko lang malaman, bakit? Bakit mo ginagawa ang mga bagay na ganito?! "

"Fuck nadia! Hindi mo alam? E ikaw naman talaga ang punot dulo nito! " singit nya nung nagsasalita ako. Napakunot ang noo ko ng sabihin nya iyon. Bakit ako? Bakit parang ako pa yung may kasalanan? May nagawa ba kong ikinasira ng buhay nya?

The Girl Who Wanted To Marry Me (editing) Where stories live. Discover now