Kismet (Completed)

By skycharm24

141K 4K 332

Brianna Mariel's life was mapped out and she's okay with it pero niloko siya ng lalaking dapat ay mapapangas... More

1.Perfect Life?
2.Maid from Heaven
3. Payback
4. Talon
5. Fondness
6. Visitors
7. Marry Me
8. Reckless
9. Lablab
10. Happiness
11. Unexpected
12. His Past
13. Lies
14. Home
15. Anger
16. Miguel
17. Danger
18. Hurt
19. Safety
20. My Wife
21. Secured
22. Hope
24. Forever
25. Epilogue

23. Welcome Back

5.7K 159 3
By skycharm24

Breanna Mariel

MALAPIT na kami sa Hacienda Esmeralda, hindi ako makapaniwalang, nakabalik akong muli sa lugar na ito.

Sa lugar kung saan ko nakilala ang lalaking pinakamamahal ko at kung saan nabuo ang anak namin. Akala ko noon ay hindi na ulit ako makakatapak sa lugar na ito.

Pinagbuksan ako ni Gabriel ng pintuan ng sasakyan.

" Mariel!? Ikaw nga! " napatakip si Ate  Icel sa bibig at tila hindi makapaniwala.

" Ako nga po ito, Ate Icel. Natutuwa po akong nagkita tayong muli." nilapitan ko siya at niyakap.

" Mas lalo kang gumanda Mariel at yong anak ninyo, nako napaka gwapong bata, manang mana sa inyong dalawa." pareho kaming napalingon sa humangos na si Miggy.

" Daddy? Mommy? " nagpalipat lipat ang tingin nito sa'min ni Gabriel.

" Hello Son, namiss kita anak." tuwang yumakap naman ito sa akin.
" Nagbehave ka ba? Hindi mo pinahirapan sila Mamita mo?" pinangigilan ko ang pisngi niya.

" Opo Mommy, ang saya po dito sa Hacienda, marami po akong mga bagong kaibigan, saka marami pong kabayo dito, tinuruan po nila akong sumakay sa kabayo. Ang saya po dito sa Hacienda ninyo Daddy." baling nito sa ama.

" Hacienda natin anak, balang araw sa iyo din mapupunta ang lugar na ito, yon ay kung gusto mo lang naman. Payakap nga muna si Daddy. " tuwang yumakap naman ito sa ama.

" Tinupad n'yo po ang promise n'yo Daddy, kasama n'yo si Mommy. Yehey!, kompleto na ang Family natin." hinila ako nito palapit kay Gabriel at niyakap kami pareho.

Pumasok na kami sa loob ng bahay. At tuwang sinalubong ako ni Mama ng mahigpit na yakap.

" Bree, salamat sa Diyos at ligtas ka anak, ligtas kayo." niyakap din ako ni Nay Abby.

" Salamat at nakabalik na kayo dito, mapapanatag na kaming lahat." maluha luha ang dalawang matanda.

" Wala na po tayong dapat alalahanin, nakausap ko na po si Mommy Betina at nagkapatawaran na po kami. " ekwenento ko sa kanila ang naging pag uusap namin ng kinigisnan kong ina.

" Magandang balita iyan anak. Sana ay matahimik na tayong lahat. Hindi ko alam na may anak pala si Betina sa dati niyang kasintahan, umaasa din akong magkaayos kami, may pinagsamahan din naman kami noon." tiwala akong magiging maayos na ang lahat.

" Mommy, dito na po ba tayo titira?" lumapit sakin si Miggy.

" Gusto mo ba dito anak?" Ayos lang naman sa'kin kung dito na kami titira, mahal ko ang lugar na ito at ganitong buhay naman talaga ang gusto ko, ang inaalala ko lang ay ang negosyong naiwan ni Dad.

" Yes Mommy, gusto ko po dito, para kasama natin si Daddy. Bati na po kayo ni Daddy, diba?" nagsusumamo ang mata ng anak ko.

Niyakap ko siya, napakarami kong pagkukulang sa kanya. Inuna kung indahin ang sakit na nararamdaman ko sa pagaakalang hindi ako minahal ni Gabriel, kaya napabayaan ko siya.

" Kung yan ang gusto mo anak." matagal na niyang gustong makasama ang ama kaya hindi ko ipagkakait sa kanya ang makapiling ang Daddy niya.

" Kapag bakasyon dito tayo sa Hacienda Miggy, pero dahil may pasok ka pa, babalik muna tayo sa Manila." napatingin kami kay Gabriel. " Malayo ang eskwelahan dito anak, isa pa crowded na masyado ang mga paaralan dito. Maganda yong school na pinapasukan mo sa Manila." malungkot na tumango ito sa ama.

" Hindi ko rin pala kayo makakasama palagi Daddy?" tila iiyak na ito.

" Sino naman ang may sabi niyan? Syempre sasamahan ko kayo ni Mommy mo pabalik ng Manila. Hindi na tayo magkakahiwalay pa ulit, anak." agad nitong nilapitan ang ama saka niyakap ng mahigpit.

" I love you Daddy." binuhat ito ng ama.

" I love you too, son." maging ako ay napaiyak sa kanila. Si Mama, Nay Abby ay nagpupunas ng luha at nakayakap sa isa't isa. Maging si Lina at Ate Icel ay ganoon din.

" Nako kayong mag ama, oo, aba'y sa tuwing magkikita kayo ay pinaiiyak niyo pati kami. Nako magmeryenda nalang tayo, masarap ang ginataang saging. Kung babalik kayo ng Manila ay magpapaiwan kami dito ni Abby. Mas masarap ang hangin dito, sariwa at malayo sa pulusyon sa siyudad." alam kong magugustuhan nila ang lugar na to. Laking probinsiya kasi sila pareho ni Nay Abby.

" Oo nga, Bree. Dito nalang kami ng Mama mo, yon naman ay kung ayos lang kay Gabriel." mukhang nakapagdesisyon na ang nga ito.

" Wala pong problema sa'kin yon, Tita Camille at Nay Abby. Natutuwa nga po ako at may titira dito sa bahay. Isasama po namin si Ate Icel para may mag asikaso kay Miggy at si Lina naman ang maiiwan sa inyo dito." naisip ko bigla si Nana Belen.

" Si Nana Belen nga pala Gab? Kamusta na siya?" hindi na ulit kami nagkita ng matanda.

" Wala na siya Mariel, nakakalungkot man pero matanda na rin kasi si Nana, tatlong taon na siyang patay." naging mabait sakin si Nana Belen at nakakalungkot na wala na ito.

" Ate Icel, kamusta na po pala sina Heart at Sasha?" binilin ko kay Ate Icel na ipagpaalam ako sa kanila bago ako umalis, ayokong isipin nila na basta ko nalang sila iniwan, kagaya ni Ella. Nag iwan din ako ng pera para sa pag aaral nila, galing iyon sa ipon ko.

" Si Sasha ay nakatapos at naging guro, pinagyaman ng mga magulang ang iniwan mong pera para sa kanya, nagtuturo na siya ngayon sa bagong eskuwelahan na pinatayo ni Mayor. Si Heart ang nakakalungkot, nagamit kasi ang perang iniwan mo sa pagpapagamot sa Nanay niyang nagkakomplikasyon sa panganganak, tumutulong siya sa mga magulang dito sa Hacienda." maging ako ay nalungkot para kay Heart. Hindi pa naman huli ang lahat para tulungan siya.

" Samahan n'yo po ako mamaya Ate Icel, dalawin natin sila." gusto ko ding kamustahin maging ang ibang batang kasama nila noon.

" Alam mo bang kapag sabado at linggo ay tinuturuan ni Sasha yong mga bata kagaya ng ginagawa mo noon. Naging magandang halimbawa ka sa kanya, Mariel." natutuwa akong may mabuting naidulot ang ginagawa ko noon, lalo na kay Sasha. Ang batang halos ayaw sumali sa amin noon ay isang ganap na Teacher na pala ngayon.

" Totoo ang sinasabi ni Ate Icel, Wifey. Malaking tulong si Sasha sa mga tagarito, malayo kasi ang mga Daycare Center dito sa'tin, sa tulong niya, naihahanda ang mga bata sa pagpasok sa grade one. Naging mabuting halimbawa ka sa kanya pati narin sa iba, gaya ni Sasha gusto din nila makapagtapos. " masarap sa pakiramdam na makatulong sa iba, kahit sa simpleng bagay.

" Bilib nga ako sa batang yon, kahit kinukuha siyang magturo sa bayan ay tinanggihan niya, hindi daw mahalaga sa kanya kung maliit o malaki ang sahod basta makatulong siya dito sa'tin." masaya akong may kinahinatnan ang pagtulong ko kay Sasha.

" Anak, magpahinga na muna kayo, alam kong pagod kayo sa byahe. Itong anak ninyo ay babantayan ko at kahapon ay tinakasan kami, akala namin ay natutulog, aba'y umiskapo at nakipaglaro sa mga bagong kaibigan." napatingin ako kay Miggy sa sinabi ni Mama.

Nagtakip naman ito ng mukha.

" Miggy, matulog ka na muna, para paggising mo, pwede ka na makipaglaro." inalis nito ang mga palad na nakatakip sa mukha at lumapit sa'kin.

" Okay po. I love you Mommy, namiss kita Mom." naglalambing ang anak ko.

Nawala na ang tampo niya sa'kin.

" I love you too anak, sama ka na kay Mamita.." hinalikan ko siya sa pisngi.

Umakyat narin ako sa dating kwarto namin ni Gabriel, halos walang pinagbago sa ayos nito. Nakadisplay parin ang mga wedding pictures namin.

Binuksan ko ang dati kong closet, ang mga damit na iniwan ko noon ay nandito padin. Karamihan sa mga ito ay bigay ng Mama ni Gabriel. Kaya pala hindi na ako pinagdala ng mga gamit ng asawa ko.

I took a shower and change my clothes saka lumabas ng kwarto, napatingin ako sa green room, curious ako kung ganon parin ang ayos nito, naglakad ako papunta sa tapat ng pintuan nito saka pinihit ang doorknob, mabuti nalang hindi iyon lumikha ng ingay, baka magising pa ang anak ko na mukhang mahimbing ang tulog.

Ang dating kulay green ay kulay blue na, binago din ang ayos ng buong kwarto at mukhang sinadya iyon ni Gabriel para sa anak namin. Marami ding laruan na naka display at iba ay hindi pa nabubuksan. Nilapitan ko si Miggy saka hinagkan ng marahan sa noo. He's really his fathers carbon copy. Maingat na lumabas ako ng kwarto niya.

Nagpasama ako kay Ate Icel para dalawin sila Sasha at Heart. Sabado naman kaya alam kong walang pasok si Sasha. Dinala ako ni Ate Icel sa madalas naming tambayan noon ng mga bata, namangha ako dahil may kubo na doon na may mga upuan na kagaya sa eskwelahan. May blackboard din.

Tanaw ko ang mga batang nakaupo at nakikinig sa nagtuturo sa kanila, si Sasha. Napatingin ito sa amin at kita ko ang pagkagulat sa mukha niya. Dalaga na ito, malayo sa batang masungit na nakilala ko 8 years ago. Mabilis itong lumapit samin at niyakap ako.

" Ate bumalik ka. Alam mo bang miss na miss kana naming lahat dito." ramdam ko ang paggalaw ng balikat niya, umiiyak ito.

" Miss na miss ko din kayong lahat dito, Ma'am Sasha. " pinahid ko ang mga luha niya ng bumitaw ito sa pagkakayakap sa'kin. " Binabati kita, isa ka ng ganap ng guro. Natupad mo ang pangarap mo."

" Utang ko ang lahat ng ito sa inyo Ate Mariel, salamat sa perang iniwan ninyo, nakapagtapos ako at maraming salamat din sa inspirasyon. Maraming maraming salamat." muli niya akong niyakap.

" Masaya ako dahil nakatulong ako sayo Sasha at mas natutuwa ako dahil tinutulungan mo din sila." napatingin kami sa mga batang nagtataka marahil kung sino ako.

" Salamat at nagbalik ka na dito sa Hacienda Ate Mariel, magbabalik na din ang sigla ni Kuya Gabriel. Mahal na mahal ka niya Ate." nagkwentuhan lang kami saglit at nalaman ko mula sa kanya ang kalagayan ni Heart.

Tumutulong daw ito sa bukid sa mga magulang, nagpahatid ako kay Ate Icel sa bahay nila saka ko siya pinauwi, maghahanda pa raw sila ni Lina para sa hapunan.

May mga batang naglalaro sa labas ng bahay ng mga ito. Hindi naman nagtagal ay lumabas si Heart, dalaga na ito.

" Ate Mariel? Ate! Ikaw nga!" kagaya ni Sasha ay sinalubong din niya ako ng yakap.

" Ako nga Heart, anlaki mo na ah, mas matangkad kapa sa'kin." bumitaw ito sa pagkakayakap sa'kin at yumuko.

Napansin ko ang pangingitim ng balat nito, marahil sa pagkakabilad sa araw.

" May kasalanan kami sa inyo Ate, yong perang iniwan mo.."

Hindi ko na siya pinatapos.
" Shhhhh..hayaan mo na yon, ang mahalaga ay nakatulong parin sa inyo ang perang yon. Wala kang kasalanan, huwag mo ng alalahanin pa yon. Magpaalam tayo sa Nanay at Tatay mo kung papayagan ka nilang sumama sa'kin sa Manila para malapag aral ka." muli niya akong niyakap.

" Maraming salamat Ate Mariel. Napakabuti mo sa'kin. Salamat at nagbalik ka." mas nagpapasalamat ako dahil nabigyan  ako ng pagkakataong makabalik dito sa Hacienda para matulungan siya.

Ramdam ko ang kagustuhan niyang baguhin ang buhay nila, marahil isa ito sa dahilan ng pagbabalik ni Gabriel sa buhay ko. May kakayahan akong tumulong kaya tutulungan ko siyang baguhin ang buhay nila.

Hinintay kong dumating ang mga magulang niya at kinausap ko sila, pumayag naman ang mga ito at laking pasalamat pa nga sa inaalok kong pagpapaaral kay Heart. Humihingi din sila ng paumanhin dahil sa perang nagastos nila.

Mas mahalaga ang buhay ng tao kaysa sa pera, ang pera pwedeng kitain pero ang buhay pag nawala hindi mo na maibabalik pa.

Hinatid ako ni Heart at ng kapatid niya pabalik sa bahay, medyo madilim na kasi. Pagdating ko ay hinila ako ni Miggy papunta sa sala at pinaupo.

" Anak, what are you doing?" piniringan nito ang mata ko.

" No peeking Mommy." tapos ay hinawakan nito ang dalawa kong kamay at hinila ako sa kung saan.
" Slowly Mommy, watch your steps."

Palabiro ang anak ko, watch your steps daw, nakapiring kaya ako. Binitiwan na nito ang kamay ko.

" Miggy, don't leave me, walang nakikita si Mommy." babala ko sa kanya.

" You can remove the blindfold Mom!"  sigaw nito mula kung saan.

Sinunod ko ang sabi niya.

Namangha ako dahil napapalibutan ng Christmas lights ang buong lugar, ang alam ko tapos na ang Pasko. Sa swimming pool ay may nakalutang na mga kandila at bulaklak. Anong meron?

Nilapitan ko ang hugis pusong bulaklak na may mga kandila sa may gilid ng Pool ang cute ng pagkakagawa nito. Pumasok ako sa loob nito.

I wanna make you smile whenever you're sad
Carry you around when your arthritis is bad
All I wanna do is grow old with you

Napanganga ako sa biglang paglabas ni Gabriel na kumakanta, may hawak itong microphone.

I'll get your medicine when your tummy aches
Build you a fire if the furnace breaks
Oh, it could be so nice, growing old with you

May pagkindat pa itong nalalaman. I don't have any idea, on how he was able to put up all of this.

I'll miss you
Kiss you
Give you my coat when you are cold

Need you
Feed you
Even let you hold the remote control

So let me do the dishes in our kitchen sink
Put you to bed when you've had too much to drink
Oh, I could be the man who grows old with you

He can sing. May itinatago palang talent ang asawa ko. Ang gwapo niya talaga.

I wanna make you smile whenever you’re sad
Carry you around when your arthritis is bad
Oh all I wanna do is grow old with you

I’ll miss you
Kiss you
Give you my coat when you are cold
Need you
Feed you
Even let ya hold the remote control

So let me do the dishes in our kitchen sink
Put you to bed when you’ve had too much to drink
I could be the man who grows old with you

I wanna grow old with you

I wanna grow old with him too, siya lang, siya parin ang gusto kong makasama hanggang sa huli.

" Breanna Mariel Santillan Santiago, bagay talaga sayo ang apelyido ko Wifey." natawa ako sa sinabi niya,pero bagay naman talaga. Double S. " I know, you are already Mrs. Santiago but I want to give you the wedding you deserve, I love you so much Wifey, will you marry me again?" may pagluhod pa ito sa harap ko at sabay pakita ng singsing..

" Yes Hubby, I will marry you." sinuot nito sakin ang singsing, saka tumayo at hinalikan ako sa labi, na buong puso ko namang tinugon. " I love you too."  sambit ko pagkatapos ng halik namin.

" Mommy said yes! Yehey! I told you Dad.." mula sa kung saan ay sumulpot ang anak namin.

Pati narin sina Mama. Nakangiti ang mga ito sa amin.

Ikakasal akong muli, sayang at wala si Dad para masaksihan ang araw na yon pero masaya ako dahil mabubuo na ang pamilyang pangarap ko at ng anak ko.



Itutuloy...






Sorry sa mabagal na update. Salamat sa reads guys. Kunting kembot nalang,  ending na. ♡♡♡

Skycharm24








Continue Reading

You'll Also Like

10M 103K 56
Mark Dave Fuentabella is a man of every woman's dream, a certified badboy who doesn't believe in LOVE. Magbabago kaya ang paniniwala niya ngayong na...
174K 9.4K 23
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
136K 3.3K 52
What will you do if you end up in someone else body?
51K 890 25
side story of unexpected love.