The Ice Breaker [COMPLETED]

By keizaki56

56.9K 1.3K 403

Follow Ice , an easy-go-lucky boyish gal as she experience the ups and downs of love and life . *WARNING : If... More

The Ice Breaker (On-Going)
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 40
SP

Chapter 39

763 22 5
By keizaki56

*

Malinaw na nag register sa utak ko ang sinabi ni Chester . Pero mas malinaw ng di hamak ang nangyayari ngayon . Bakit nya ako hinahalikan ? At saan sya natuto ? Nag practice ba sya ? Ay lintek ! Ano bang ginagawa ko ?

Marahan ko syang itinulak papalayo sa akin . Husay na , bakit parang kinakapos ako sa hininga ? Whew ! Saka pakiramdam ko e nag tatatalon ang pulso ko , parang gusto kumawala ah .

"Ch-chester . . . Ano . . . Layo ka nga muna ." sabi ko sa kanya pero hindi ko napansin na nakahawak pa rin pala ako sa bisig nya .

Iminulat nito ang mga mata bago ngumiti . Inilapit nya ang mukha sa akin at nagdikit ang noo namin . Sabi ko nga lumayo , lalo namang lumapit ! Kahit kelan talaga opposite ang ginagawa nito sa sinasabi ko ! Kulit !

"Sabi ko layo ka muna . May sasabihin ako ."

Imbes na lumayo ay ngumiti lamang ito . Well , no choice ako kundi kumalas sa mahigpit na yakap nya . Naiilang kasi ako sa titig nya . I cleared my throat .

"Chester , ano na naman ba yang mga pinagsasasabi mo ha ? Paki explain nga ." sabi ko na hindi makatingin sa gawi nya .

Hindi ito umiimik kaya napilitan akong tingnan sya . Nakakunot ang noo nito at may nakaplaster na simangot sa mukha nito .

"Anong ibig mong sabihin , Kuya ? Don't tell me na hindi mo naiintindihan dahil alam ko naman na hindi ka tanga ; kahit minsan e nag dadalawang isip ako kung may utak ka nga ba o wala ."

Binato ko sa kanya ang hawak na bote . Nakailag naman agad ito at hindi nasapulan sa mukha gaya ng usually na nangyayari sa kanya tuwing babatuhin ko sya . Para kasing shunga . Seryosong usapan kami ngayon eto naman at dinadalihan nya na naman ako ng mga kalokohan nya . Kelan ko ba makakausap ng matino ang batang ito ?

"Peste ka . Ipaliwanag mo muna kasi kung ano ang ibig sabihin ng sinabi mo sakin kanina ! At isa pa , bakit mo ako hinalikan ha ! Humingi ka ba ng permiso ha ? Pinayagan ba kita na halikan mo ako ? Ha ?" naiinis na sabi ko .

Nalukot ang mukha nito . "Eng-eng ka rin e , ano ? Bakit ikaw ba , nung hinalikan mo ako noon noong may fireworks display , nagpaalam ka rin ba ? Pumayag ba ako ? Hindi din naman diba ? Gumanti lang ako ngayon kaya quits na tayo ! Isa pa , corruption of minor nga yung ginawa mo sakin noon ! Under age kaya ako !"

Akmang babatuhin ko na naman sya ng tsinelas nang nagsalita na naman sya .

"Kuya please lang . Ayoko ng ganitong usapan . Hindi ba pwedeng maging mahinahon tayo ?" sabi nito .

"Wow ha ? Sino ba ang shunga makipag usap dito ha ? Nagtatanong ako ng matino , hindi mo ako sinasagot ng matino !" pasigaw na sabi ko .

"Ok fine , sasagot na ako . Atat ka naman e ! Oo , yan ang sagot ko . Tayo na . Yan tuloy , ang cheap ko tingnan . Ilang segundo ka pa lang nanliligaw sinagot na agad kita -- aray !"

Talagang ibinato ko na sa kanya ang hawak kong tsinelas . Anong pinagsasasabi nito ?

"Hoy Chester hindi ako nakikipag biruan sayo ha ? Makipag usap ka nang maayos . Please lang ."

Tumahimik naman agad ito at umupo sa couch . "Ok finnneeee ." sabi nito .

Lumapit ako sa kanya pero hindi sobrang lapit dahil feeling ko mapapaso ako kapag nagkadikit na naman kami .

"Chester , ayusin mo ang pag sagot . Ano ang ibig mong sabihin kanina ?" mahinahon kong tanong .

Seryoso na ang mukha nito at nakatitig pa sa akin . Hanep talaga .

"Mahal Kita . Ano ba ang ibig sabihin noon ? Alam mo naman na diba ? Hindi ko na kailangang ipaliwanag ." sabi nito . Kahit na narinig ko na yung sinabi nya yun kanina , nagulat pa rin ako dahil mas clear ngayon ang pagkakarinig ko .

"Bakit ?" halos pabulong na lang yung pagkakasabi ko dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman . Hindi ko rin alam kung ano ang dapat kong isagot kaya nagtanong na lang ulit ako .

Nakita ko na napahilamos ito ng kamay sa mukha . "Linsyak naman na tanong yan , Kuya ! Anong "bakit ?" ka jan ? Kelangan ba talaga may dahilan pa ? Kelangan magpaliwanag pa kung bakit mahal mo ang isang tao ? Kakaloko ka naman e ." sabi nito .

Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang matuwa sa nalamang mahal nya daw ako . Mas naramdaman ko ang takot . Natatakot ako kasi baka masaktan na naman ako kagaya ng nangyari noon . Baka iwan na naman ako gaya ng ginawa sakin ng Tatay ko at ni Jed . Baka hindi ko na kayanin at masiraan ako ng bait pag ganun .

Kaya kahit ako man ay nagulat sa lumabas sa bibig ko . "Chester itigil mo na yang nararamdaman mo na yan ."

Nakita ko kung gaano nagbago ang expression sa mukha nito . "Itigil ? Anong akala mo sa puso ko , may On and Off switch na basta basta na lang pwedeng manipulahin kung kelan mo gusto ? Lintek naman talagang pag ibig yan !"

Nakakatakot yung expression sa mukha nya pero at the same time , naawa ako sa inosenteng mga mata nya . Parang puno ng pagod at hinanakit . Ano bang problema ko ? Bakit ako nananakit ng ibang tao ? Lagi na lang akong ganito . Nakakainis na pero wala naman akong magawa  Takot ako e , kaya nagiging mahina ako .

"Sabihin mo nga Kuya , kahit kelan ba wala ka man lang naramdaman sakin ? Kahit konti lang ba . Kahit 1% lang . Wala talaga ?" sabi nito sa malungkot na tono .

Umiling ako . "Chester , hindi ko alam . Umuwi ka na lang muna . Hindi rin naman tayo pwede kahit anong mangyari ."

"Ganun lang ? Bakit ganun Kuya , hindi tayo pwede ? Bakit ? Dahil pag naging tayo , magiging komplikado ?" nakikita kong nagsisimula na namang magkaroon ng galit sa mga mata nya .

Tumango ako . "Oo ganun na nga . Yung simpleng ikaw at ako , pag naging tayo , magiging komplikado . Hindi tayo para sa ganung klase ng relasyon , Chester . Hindi tayo pwedeng makiuso sa mga "meant to be" na gaya ng iba ."

Namamasa na ang mga mata nya habang nakatitig sa akin . "Oo nga . Tama ka . Not everyone is meant to be . . . But I'm sure everything is worth a try ." Sabay naglandas sa pisngi nya ang luhang kanina pa gustong kumawala sa mga mata nya .

Nasasaktan ako ng sobra kahit hindi ko maipaliwanag . Alam kong pag nag desisyon ako ngayon , kailangang firm para hindi ko pagsisihan . Kaya ibinuka ko ang mga labi ko para sagutin sya .

"Alam ko . Pero sinasabi ko sayo , I'm not a person worth trying for . I'm sorry ."

***

Tahimik lang ako habang nagsisisigaw si Karina sa labas ng bahay ni Sir Greg . Kaninang umaga , kahit na wala akong pasok ay nabulabog ako nang puntahan nya ako ng napaka aga sa unit ko . Kinaladkad nya ako papunta dito sa bahay ni Sir Greg . Galit na galit sya at sigaw sya ng sigaw . Hindi ko magets kung ano ang sinasabi nya pero hinayaan ko na lang sya sa kung ano mang trip nyang gawin .

"Hoy Gregorio Liwanag III ! Lumabas ka dito ! Papatayin kitang walanghiya ka !" sigaw ni Karina .

Yung totoo nakakahiya ang ginagawa nya pero wala akong ganang pigilan sya . Hanggang ngayon kasi nasa isipan ko pa rin ang napag usapan namin ni Chester last week . Since then , hindi na kami nakapag usap ulit . In a way nag-guilty ako pero mas matindi yung feeling na nasasaktan ako . Pero wala e , nangyari na . Kelangan kong panindigan ang ginawa at sinabi ko .

"Hoy Greg ! Greg na syota ko , syota ni Alysa at syota ng lahat ng iba pang malalandi at hitad na babae sa buong Pilipinas , mag usap tayo !" patuloy na sinipa ni Karina ang gate ng bahay ni Sir Greg .

"Hoy , Miss ! Pwede wag kang maingay ! Nakakabulahaw ka ! FYI , kanina pa umalis si Kuya Greg kaya utang na loob , wag mong ipagsigawan ang LQ nyo dito ngayon dahil kahit anong gawin mo , walang lalabas dyan dahil walang tao dyan ! Bwiset !"

Nagulat na rin ako nang marinig ang boses ng isang lalaki . Nakita ko ito na nakadungaw sa labas ng bintana ng bahay nito . Kapitbahay ito ni Sir Greg at mukhang bagong gising dahil magulo pa ang buhok nito at singkit pa ang mga mata .

"Hoy ka rin ! Wala kang pakealam kung magwala man ako dito dahil galit ako ngayon ! Sabihin mo , nasaan si Gregorio ?" mabilis na sagot ni Karina .

"Kinamalayan ko ? Anong akala mo sakin , CCTV ? Badtrip !" saka tumalikod ang lalaki .

"Aba't ang walanghiya !"

"Karing . . . Stop na . Kalma ka muna . Highblood na highblood ka e . Halika , uwi muna tayo . Ano ba kasi ang problema nyo ni Sir Greg ? Please lang , umalis na muna tayo dito dahil nakakabulahaw ka sa mga kapitbahay nya ." iginiya ko si Karina pasakay sa taxi na pinara ko .

Umiiyak ito pero hindi sumasagot . Ano kaya ang problema nilang dalawa ni Sir Greg ? Sana naman ay hindi sya ginagago ni boss dahil makakatikim sakin ang lalaking yun pag nagkataon .

Tahimik na ito nang nagbbyahe na kami pauwi sa unit ko . Pero umiiyak pa rin ito at ayaw pa ring sabihin ang problema sa boyfriend nya .

Nag ring ang phone ko . Kinabahan ako dahil sa pangalang nakita kong nasa screen .

"Hello , Cherish ?"

"Ate Ice , we need to talk . Right now . Nasaan ka ? Pupuntahan kita ." may tinge of anger akong nabibistahan sa boses nya .

"Pauwi ako sa unit ko sa Zinnia . Ano bang pag uusapan natin ? Medyo busy kasi ako --"

"Right now . I need to talk to you right now . Pupuntahan kita sa Zinnia . Wait for me ."

At in-end call na nito . Lalo akong kinabahan . Tungkol saan ang pag uusapan namin ?

Nang makarating sa Zinnia ay inalalayan ko ang lupaypay na si Karina na pumasok sa unit ko .

"Karing , magpahinga ka muna dyan sa room . Mamaya na lang tayo mag usap pag ready ka nang magsalita tungkol sa problema nyo ok ?"

Tumango naman ito at isinarado ko na ang pintuan ng kwarto ko nang makita kong humiga na ito sa bed ko . Sakto namang may nagring ng doorbell . For sure , si Cherish na ito .

Hindi ako nagkamali nang mapag buksan ko nga si Cherish . Pinapasok ko ito at inalok ng inumin pero tumanggi ito . Hindi ko mabasa ang expression sa mukha nya dahil blanko ito . Lalo akong kinabahan .

"Ate Ice , I'm gonna say this straight . Hindi ako masaya sa nangyayari . Hindi ako natutuwa na ang dalawang pinaka importante at pinaka mahal kong lalaki sa mundo ay nagkakaganun ng dahil lang sayo ."

Nabigla ako sa sinabi nya . Ano ang ibig nyang sabihin ? "H-ha ? Anong--"

"Una si Royce . Ate Ice alam ko na . Alam ko na niligawan ka nga talaga nya . At recently , you dumped him . Kaya pala grabe ang depression nya . Buti na lang ngayon medyo ok na sya . Pero yung pati si Archie ? Pati yung baby bro ko ? Bakit pati sya Ate Ice ? I didn't see that coming . As in , na-shock talaga ako . Akala ko you guys are just normal neighbors pero nagulat ako na malaman kahapon na kaya pala ganun si Archie e dahil sayo ! He's crying his eyes out ! At nasasaktan ako para sa kanya dahil ikaw ang pinaka unang babae na iniyakan nya . . ."

Hindi ako nakasagot agad . Ako ang unang babaeng iniyakan ni Chester ? Ibig sabihin . . . ?

"Ate Ice , ngayon lang sya nagkaganyan . At ako ang nahihirapan para sa kanya ngayon . Kaya kung ang balak mo lang din naman ay ang saktan sya , wag ka na lang sana lumapit pa sa kanya para naman hindi na lumala pa . Kung wala kang nararamdaman para sa kanya , itigil mo na ang pagpapakita sa kanya na nagc-care ka . Same with Royce . Cut all ties between the two para hindi na sila nahihirapan ."

Tumungo ako . "Sorry , hindi ko alam na ganyan ang nangyari ."

She scoffed . "Wow , ang manhid mo naman , sobra ." Tumayo ito bago nagsalita ulit . "I'll go ahead . Ayoko sana magalit sayo pero sinaktan mo kasi yung dalawang lalaking pinaka mahalaga sakin e ."

Tumango ako . "Ok lang , naiintindihan ko bakit mo nararamdaman yan . Sorry , kasalanan ko rin naman e . Pasensya na ."

Walang salita na lumabas ito .

***

Nakatitig ako sa mukha ni Royce . Hindi ko magawang ilayo ang tingin ko sa kanya . Namayat sya at mukha syang walang buhay ang mga mata . Yung dating smiling face na Professor na nakilala ko a year ago , ganito na ang nangyari . Ang bilis lang mag shift ng relationship level namin . From strangers to friends to something complicated to almost strangers again . Nakakalungkot .

"Kamusta ?"

Nagulat pa ako nang sya ang unang bumati sa akin . Akala ko hindi nya ako napansin kasi hindi naman sya nakatingin sa direksyon ko . Yun pala nakita nya na ako . Nandito kasi ako sa supermarket . Nandito rin pala sya .

I cleared my throat . "Ano- ok naman ako . Ikaw ang kamusta ?" balik tanong ko .

Ngumiti ito pero hindi naman umabot sa mata nito . "Honestly hindi pa ako ganun ka ok . Pero sa tingin ko magiging ok rin ako soon ."

Tumango-tango ako . "I'm sorry ."

Ngumiti ulit ito . "Sus , wala na yun . Ok na rin ang ganito . At least nalaman ko agad na wala talaga akong pag asa diba ? Para makatigil na agad ako para hindi ka mahirapan ."

Hindi ako umimik . Ni hindi rin ako makagalaw . Nag-guilty ako talaga .

"Oh nga pala , I heard from Cherish yung tungkol kay Chester . Sorry to butt in , gusto ko lang magtanong . . . Bakit hindi mo binigyan ng chance si Chester ? To think na alam naman nating dalawa na between sa amin , sya talaga ang gusto mo . Why ?"

Nagulat ako sa tinanong nya . Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko . Ano nga ba dapat ?

Sa huli , pinili kong magkibit balikat . "Hindi ko rin alam kung bakit ." Yun na lamang ang isinagot ko sa kanya .

Tumango-tango ito pero halata mo sa mukha nya na parang diskumpiyado sya sa isinagot ko . Pasalamat ko na lang rin na hindi na sya nagpumilit sa question na iyon .

"Sige , Ice . Mauna na ako ." seryosong seryoso ang pagkakasabi nya noon .

Lalo akong nag-guilty . "Royce , wait lang ."

Tumigil naman sya . "Alam ko mahirap kung i-rerequest ko sayo na maging friends ulit tayo . Pero sana i-consider mo naman yung thought na yun . Ayoko kasi na maging awkward tayo or whatever . Yun ay kung ok lang sayo shempre . Ayoko naman ipilit yun kung ayaw mo diba ?"

Ngumiti ito bago tumango . "Ok , I'll think about it kung kakayanin ko . Yung tunay , ayaw ko rin naman na mawala lang basta ang connection natin at maging complete strangers again . Maybe it's our fate na maging friends na lang . I keep on asking God a few days ago kung bakit hinayaan nya tayong mag meet pero hindi pwedeng maging tayo . Now I know why . I think it's better if we're just friends right ? Coz if we're friends , forever is a lot more possible ."

Ngumiti ako sa sinabi nya . "Siguro nga . Salamat Royce . Thank you talaga ."

Ngumiti din sya . "Hindi , ako nga dapat magpasalamat e . Sige , alis na ako ."

Tumango ako . "Ok , ingat ka ."

Tumalikod na rin ako . Masaya ako na at least , nabawasan ang nararamdaman kong guilt . At least medyo ok na kami ni Royce . Alam kong mabait syang tao pero hindi ko inakala na ganyan katindi ang pasensya nya . Hindi man lang sya nagtanim ng galit sakin . Kaya blessed pa rin nga siguro ako na at least , may chance pa kaming maging magkaibigan . Ulit .

For now , hindi ko na lang rin muna siguro iisipin si Chester at ang sinabi sa akin ni Cherish noong isang araw . Naguguluhan ako dahil yung totoo , namimiss ko na si Chester at gusto ko na ulit sya makita pero pinipigilan ko naman ang sarli ko dahil natatakot ako , natatakot ako na baka mamaya masaktan na naman ako . Kaya pinili kong masaktan na lang ngayon pansamantala . Sana lang , hindi kasing sakit ng nararamdaman ko ngayon ang nararamdaman ni Chester .

-----------------------

A/N : BAHAHAHA ! Wag nyo akong awayin . Utang na loob , hindi ko hawak ang puso ni Ice . Char ! HAHA , pagpasensyahan nyo sya dahil may saltik sa utak yan . Dalawa na nga , aayaw pa sya ? Tss . De , biro lamang . . . :D Sad ng face ni Chester oh ---> He's crying . :D

Continue Reading

You'll Also Like

15.6K 262 183
Bible Verse that gives us motivation. 😇❤ Our day by day bible verses ❤ It also indicates my personal thoughts and opinion about what the bible verse...
207K 1.4K 200
Listen to your favorite song while reading with this Song Lyrics
1M 41.4K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞
120K 1.5K 21
The story of a man met a woman who was rich but have a bad attitude. He can change the life of a Girl or Girl can change His Life? What if you fall i...