365 Days with EXO

By justanotherchxls

37.5K 901 294

365 days isn't enough for loving someone who brought the biggest change in your life. Would you give it up al... More

365 Days with EXO
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Epilogue
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 37
Chapter 36

Chapter 20

744 18 5
By justanotherchxls

At dahil bago na ang aking bias.. here’s his POV :”) Say hi to his bangs, guys. Lol pero UB ko padin si Sehun, di ko alam sinong UB ko </3

Chapter 20 [DYOSA]

BAEK HYUN’S POV

Hugging Frangeline is not enough for us to thank her, words alone aren’t much to express how grateful we are to her. Dahil sa kanya nagiging isa na kami ulit. Siya lang ang nag-iisang naglakas-loob na makialam samin, kaya tuwang tuwa ako sa kanya. Bibihira lang ang mga babaeng matapang, yung iba kasi pagpapacute lang ang alam. When she took a step entering our world, lahat na sumunod. It only takes a Frangeline Jang to make a change. Only Frangeline Jang.

Ayaw kong humiwalay sa kanya simula nung nakita ko siya nung first day ng school fest, ewan ko parang hiyang niya yung napipilay, gumanda kasi siya lalo. Kaya ngayong second day, pinasyal ko siya sa school. Sumakay kami ng mga rides, take chances na ‘to habang wala pa si Kai. Pag kasi si Kai na ang kasama ni Franj, di mo na makausap ang dalawa, parang may sariling mundo.  Ayos lang naman kung sila, kasi walang sabit si Kai, di tulad kay Luhan, pinagsasabay sila. Nakakainis yung lalaking yon, parang mauubusan ng babae eh mukha namang babae.

“San mo gustong sumakay?” tanong ko sa kanya habang nagpapahinga kami sa bench.

“Pahinga muna tayo bebe. Kapagod!” sabi niya sabay punas sa pawis niya.

“Sabi mo eh,”

Bebe. Yan ang tawag niya sakin. Medyo giddy ako kapag tinatawag niya akong ganun, ikaw ba namang isang FRANGELINE JANG ang tumawag sayo nun, di ka kikiligin kahit lalaki ka?

Pinaalala namin kay Franj na huwag muna siyang maglaro, tutal kaya naman nila yung mga kalaban nila eh, saka nalang namin papaglaruin si Franj kapag mahigpit na ang laban. Baka kasi mapano siya agad.

Maya-maya pa, dumating na si Kai, kinuha na niya si Franj sakin. Nagpaalam na silang dalawa saka umalis. Simula nung dumikit si Kai kay Franj, nag-iba na ang mood ni Kai, kita mo, di na siya laging mainit ang ulo, hindi na rin puro black ang sinusuot niya kaya nakigaya na rin kaming mga EXO-K at sina Umin-hyung kaya ngayon malaya na kaming makakaporma, di yung magbblack ka palagi masabihan ka lang na hoodlum. Damang dama ko na talaga ang freedom of expression.

Pero kahit nag-iba na ang porma namin, di mo pa rin maaalis sa iba na ang takot nila samin, medyo nabawasan na nga ang mga takot lumapit samin mula kahapon. Nitext ko si Chanyeol para naman may kasama ako.

Ako: Yeol, san ka?

Maya-maya ay nagreply na siya.

Yeol: Sa puso ni Jhen ko.

Ul*l neto. Tenga pa lang niya ang laki na, siya pa kayang ipasok sa loob ng puso ni Jhen? Baliw na ‘to. Tetext ko sana si Suho kaso siguradong kasama na naman niya yung linta niyang syotang si Euleen, si Dyo kaya? Tss. Baka kasama niya si Ember. Imposibleng mahila ko naman si Sehun sa pagsstalk niya kay Erin, loko kasing Sehun, masyadong takot sa ate niya! Naku naman! Forever alone, Baek hyun!

Naglakad-lakad ako sa buong school, may mga babaeng lumalapit sakin para magpapicture pinaunlakan ko naman, hirap maging gwapo, mamaya niyan magpapalitan na sila ng DP sa FB nila na ako ang kasama! At nung isang batalyong babae ang lumapit sakin para maki-selfie, nahagip ng mata ko si Jia na papalabas ng gate.

Tama, Baek Hyun, ito na ang oras para mag-umpisa ka na sa panliligaw kay Jia. Si Kai may Franj; si Suho may Euleen; si Chanyeol may Jhen; si Dyo may Ember; Si Sehun may Erin.

Humanda ka Jia, matitikman mo na ang bangis ng isang Byun Baek Hyun sa panliligaw.

Agad akong umalis sa grupo ng mga babaeng iyon para yayain si Jia pero halos lumuwa ang eyeballs ko pati utak nung makita ang suot ni Jia pagkalabas ko, naka-fitted shirt siya tapos sobrang iksi ng palda na halos isang dangkal lang mula bewang. At eto pa, nung maigi ko siyang pinagmasdan, pansin kong ang kapal ng lipstick niya, pulang pula. Tae, sanang nag-eyeliner naman siya para naman matuwa ako kahit konti sa make-up niya.  Mukhang may hinihintay siya, pero nung may dumating na matangkad na matandang amerikano na mukhang veterans, halos magmura ako ng malakas nung nakita kong naghalikan ang dalawa! Pota!

Dafuq?!!! Akala ko mahinhin, liberated pala? Putcha. Amerikano pala ha? Ayaw mo ng koreano, Jia?

“WAG PO!!!!” Susuntukin ko na sana yung pader sa sobrang inis ko nung biglang may sumigaw na parang nirereyp kaya’t napatingin ako, nagulat ako nung nasa likod ko lang pala yung sumigaw. Tinignan ko siya, halos matawa ako sa itsura niya.

“Miss, sinong nan-rape sayo?” Tanong ko sa babaeng may makapal na eyeglass na nakadental brace, at nakabangs pa—a typical nerd, medyo magulo ang buhok nito kaya aakalain mo talagang may nan-rape sa kanya. Pero sino namang magrereyp sa babaeng ‘to? Di man lang namili yung rapist, tungunung buhay.

“A-ah? D-di ako n-nareyp. T-tumakbo k-kasi ako p-para pigilan kang s-suntukin yung p-pader,” she stuttered.

“Kilala ba kita miss?” Tanong ko. Naglahad naman siya ng kamay saka nagpakilala.

“A-ako si Dyosa. A-ah ibig kong s-sabihin ako si Jezreen C-choi.” Halos maglupasay na ako sa tumawa nung sinabi niyang Dyosa ang pangalan niya, buti nalang di totoo yun. Pwersahan kong papabinyag ulit ito kung Dyosa nga pangalan niya, feisty.

“Okay,” Sabi ko at tinalikuran ko na siya. Guguluhin ko na nga lang sina Kai at Franj! Takte! Purnada kay Jia, nagkamali ako!

“S-sandali lang!” Tumingin ako kay Dyosa, di ko matandaan yung totoong pangalan niya eh. “P-pwede bang ako nalang ang maging d-date mo sa festival night?” nakayuko niyang sabi.

Ay putcha! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!

“Ice ka lang miss?” tanong ko sa kanya kaya’t tumango siya. “Parang di naman. Sorry miss ah? Hanap ka nalang ng ibang ka-date.”

Nakakawalang gana! Sa sobrang badtrip ko napauwi ako sa bahay ng di oras, tinulog ko nalang ang buong hapon, bwisit kasi! Di parin matanggal sa utak ko yung Dyosang yun, lakas ng loob ha? Ampangit naman.

Ugh! Jia ko!!! Bakit amerikano pinili mo?!!

Past 7pm na nung nagising ako, habang ng tulog ko! Nagpunta ako ng kusina para kumain ng cereals nung biglang nagring yung cellphone ko, si Chanyeol ang tumatawag, nung sinagot ko ito, boses ni Jhen ang kumausap sakin.

“Baekhyun! Tulungan mo kame!” sabi ni Jhen habang umiiyak.

“Napano?!”

“P-puntahan mo kami dito,” sinabi niya yung lugar. “Nakikipag-away si Chanyeol.”

Agad kong kinuha yung susi ng kotse ko at humarurot papunta kung saan sina Jhen, si Chanyeol, ayun, nakikipagsuntukan dun sa lalaki tapos may dumating na isa pa kaya’t pinatulungan nila si Chanyeol. Agad ko namang sinaklolohan si Chanyeol at napatumba namin ang mga kaaway niya, dinala ko ang dalawa sa bahay. Si Jhen ay umiiyak pa din, hindi sila nagkikibuan ni Chanyeol.

“S-sorry, kasalanan ko.” Sabi ni Jhen habnag ginagamot yung sugat ni Chanyeol sa mukha. Buti nalang wala ako ni isang galos, ang galing ko kaya sa suntukan.

“Tss.” Sabi ni Chanyeol saka iniwas yung mukha niya kay Jhen, “sabi ko naman sayo diba? Niloloko ka lang nung syota mong yun! Nakita mo kung pano siya makipaglandi sa babaeng kasama niya ha?” singhal niya, di makapagsalita si Jhen.

Kinagat ni Jen ang labi niya, halatang guilty, “Sorry.”

Hay! Bahala kayo sa buhay niyo!

Kinabukasan, last day na ng school fest kaya’t sasabak na si Franj sa volleyball, championship na. Pinanuod muna namin si Jhen, makikipagfinals na kasi sila. Pero all through-out the game, wala sa kondisyon si Jhen kaya’t nalalamangan silang kalaban, dahil siguro wala si Chanyeol.

“Jhen, ayusin mo naman!” Sigaw ni K-La, balita ko ito yung sikat na artistang baliw kay Chen, lokong Chen! Swerte ng camel na yun ah?

“Wala kasi si Chanyeol.” Sabi naman nung isang kasama nila na Cheyenne ata ang pangalan.

Nagpa-timeout muna sina Jhen, agad naman siyang pinuntahan nina Muecan at Franj. Tumabi sakin si Erin kasama yung babaeng nerd na nagyayang maging date ko kahapon. Aba! Magkakilala pala sila?

“Baekhyun, napano si Jhen? Asan si Chanyeol? Bakit parang wala siya?” tanong sakin ni Erin pero di ko siya pinansin. Trip kong asarin tong kasama niya.

“Hello Dyosa!” Sabi ko sa kanya, namula ang mukha nito at tumakbo. Tinawag siya ni Erin.

“Anong ginawa mo kay Jezreen?” Galit na asik ni Erin sakin, tinawanan ko lang siya. Sinapak niya ako saka niya hinabol yung babae. Pinuntahan ko sina Jhen para i-check kung okay lang siya, pero pagkadating ko sa lugar nila pangalan agad ni Chanyeol ang hinahanap nila sakin.

Biglang nagvibrate yung cellphone ko kaya’t kinuha ko iyon, tumatawag si Chanyeol. Sakto!

“Oh?” tanong ko.

“Kumusta laban niya?”

“Gag* punta ka dito! Tambak na sila, wala sa mood si Jhen.” Sagot ko.

“Andito na ko, kadarating ko lang.”

“Puntahan mo, kanina ka pa hinahanap.”

“Doon nalang siya sa syota niyang manloloko, yun naman ang pinapaniwalaan niya lagi eh.”

“Drama mo, Yeol! Bahala ka. Agawin ko si Jhen sayo eh.”

“Tangna mo!” saka na binaba ni Chanyeol. Walang isang minuto, nandito na agad siya sa harap ni Jhen.

“Oh, tubig.” Alok niya kay Jhen, napatingin si Jhen sa kanya.

“C-chanyeol..” Ay langya! Drama mo, Jhen!

“Ayusin mong maglaro. Pag natalo kayo, bahala ka na sa buhay mo.” Masungit na sabi ni Yeol kaya tinapik ko siya. Yan ‘pre magpakamanly ka, wag under lagi.

Nung natapos na yung last time-out nila Jhen, sumabak na ito. Syempre dahil nandyan na ang inspirasyon niya, ganadong maglaro si Jhen.

“Gag* ka Yeol. Hinayaan mo pa siyang mafrustrate.” Sabi ko kay Yeol.

“Atlis nalaman kong importante ako sa kanya.” PAKSYET! KAYO NA MASAYA!!!

At dahil ganadong ganado si Jhen, napanalo niya ang team nila, lamang sila ng 10 points. Partida, dalawang 3 point shot mula kay Jhen. Lakas!

Agad naman kaming lumipat sa volleyball court kung saan maglalaro si Franj, nakapagbihis na ito, Hihingin ko yung jersey niya mamaya. Nung mag-umpisa na yung laro, ang halimaw na si Franj, bumulusok agad! Takte! Ang galing niyang magvolleyball! Ang sharp ng mga tira niya.

“BEBE KO YAN!” sabi ko nung na-spike niya yung bola at namiss nung kalaban nila. Tumingin sakin si Franj tas ngumiti, leche nakakatunaw! Pwede bang akin ka nalang Franj?

Pero kahit na magaling sina Franj, magaling din yung kalaban nila. Buti nalang mabilis makahanap ng butas si Franj kaya nakakalamang sila. Kanila yung first set, pero nung second set na, tumindi na yung laban, ang daming tao dito sa volleyball court. Sila nalang ang pinapanuod. Nakitabi sakin si Suho pati si Euleen, pero allergic ako sa linta kaya lumipat ako ng lugar, sa tabi ni Kai.

Malas ata nung Euleen na yon, dumating lang sila natalo sina Franj. Kaya’t nagkaroon ng tie-breaker.

“Franj! Kaya mo yan!” Sigaw ni Kai, dahil don, nagcheer na yung mga babae sa likod, yung Cheyenne yung nangunguna. Lakas ng boses niya!

Nginitian kami ni Franj

“Hwaiting, Frangeline! Saranghaja Frangeline!” Sabi ng mga EXO-Y. Kanina ko lang nalaman na may ganito pa silang nalalaman, mantakin mo, kasama si Dyosa! Putek.

Last na score nalang Franj, kayo na panalo.

Nung mapunta kay Franj yung bola, Lumukso siya para salubungin iyon at i-spike ng malakas, nagawa niya, na-miss iyon ng kalaban. So they end up winning the game.

“WHAT THE F*CK?!!!” Napatayo si Kai, pati kami nung natumba si Franj. Napasigaw si Franj habang sapo yung paa niya. Oh syet, di naging maganda ang pagbagsak ni Franj.

Pinuntahan ko agad siya. “Franj!”

“Baekhyun, naputol ata paa ko,” naiiyak niyang sabi. Agad dumating yung medics para magamot si Franj.

Frangeline got her foot fractured. Na-confine siya para maeksamin pa siya. Dapat pala di na namin siya pinaglaro.Puno yung kwarto ni Franj, buti nalang nasa VIP room siya kaya maluwang, doctor pala dito yung daddy nung si Finella kaya napakiusapan naming sa i-VIP si Franj.

Fest night na mamaya, balak ko sanang yayain siya pero naconfine siya, kaya di nalang ako pupunta, pero nung nabanggit ko sa kanyang wala akong balak mag-attend. Nagalit siya, kaya no choice, aattend ako. Sabi niya kaya naman niya ang sarili niya, besides, Finella’s mom volunteered to be with Franj. Ang bait ng pamilya ni Fins!

Ligawan kita, Fins? Hehe.

Papalabas ako ng ospital para bilhan si Franj ng pagkain bago ako umuwi para makapagprepare sa fest night, napahinto ako nung may narinig akong pamilya na boses.

“Nabigay mo ba kay Franj yung mga bulaklak?” Si Luhan, kausap si .. Mark?

“o-oo” Takot na sabi ni Mark.

“Bumili ka ulit ng bulaklak, ibigay mo sa kanya pag dinalaw mo siya.”

“Anong ilalagay ko sa card?”

“Ilagay mo, ‘get well, I miss you so much.’” Tangna, anong kalokohan ‘to? Linapitan ko si Luhan nung makaalis si Mark.

“Ikaw ang nagpapadala kay Franj ng bulaklak? Ikaw ang may pakana sa pagbuntot ni Mark kay Franj?” agad kong tanong sa kanya. Pero hindi siya sumagot, nakatingin lang siya sakin, “Nyeta sumagot ka!” Kinwelyuhan ko siya, “Kelan mo ba titigilan si Franj? Di ka na nakuntento, maawa ka naman sa girlfriend mo.”

“Girlfriend ko din naman si Franj.” Gag* to! Sinuntok ko siya sa sobrang inis ko sa kanya. Napabalikwas siya dahil sa suntok ko. Akala ko gaganti siya, susuntukin niya ako ng mas malakas pero di siya gumanti, tumayo lang siya at tumingin sa kawalan.

“Nyeta Luhan! Ganyan ka na ba talaga? Pati si Mark ginagamit mo sa kalokohan mo alam mo namang may gusto si Mark kay Franj diba?”

“Akin lang si Franj.”

“Punyemas.” Akma ko siyang susuntukin pero biglang may pumigil sakin.

“WAG PO!” Sigaw nung babaeng aakalain mong narereyp, napatingin ako, nagulat ako sa nakita ko.

“DYOSA?!”

-

Pagdating namin ni Erin sa venue ng fest night, agad siyang humiwalay sakin at pinuntahan ang kumpulan ng mga barkada niya, nakikipagskype sila kay Franj, nagbilin kasi si Franj na kung pwede maglivestream sila para makita niya kame. Pwede umalis? Sosolohin ko na si Franj dun.

Pinuntahan ko ang K sa isang table, nandun na sina Dyo, Chanyeol at Sehun.

“Sinong date mo?” tanong ko kay Sehun. Tinuro niya yung barkada ni Euleen, yung nagtapilok kay Franj.

“Si KC.” Pakana ‘to ng ate niya! Gumawa siya ng paraan para hindi mayaya ni Sehun si Erin. Napakasama talaga nung ate ni Sehun, konti nalang pipitik nako. Sasabihin ko lahat ng kademonyohan niya.

“Nasan si Kai?” tanong ko nalang kahit na naiinis ako.

“Di man pupunta yun, sinamahan si Franj.” Sagot ni Kyungsoo.

Walang hiyang Kai! Nasolo si Franj!

“Hi boys!” Parang chalk na kiniskis sa blackboard yung tunog ng boses ni Euleen. Inismiran ko lang ang ate ni Sehun, nakakapit siya kay Suho, umiiling ako sa kanya. Tss.

“Labas lang ako,” paalam ko sakanila. Lumabas ako para sumagap ng malinis na hangin, ang dumi kasi sa loob. Nandun si Euleen.

Buti nalang at lumabas ako, kung hindi, hindi ako makakakita ng ganito kagandang babae. Papalabas siya ng kotse agad ko siyang nilapitan, ball gown kasi yung suot niya kaya medyo nahihirapan siya. Tinulungan ko siya.

PACKING SYET! ANG GANDA NIYA TALAGA!!!!!

“Miss, who are you with?” Tanong ko sa kaya habang hawak ko parin yung kamay niya at inaalalayan papasok ng venue. Pinagtitinginan na kami sa sobrang ganda niya.

“I am actually alone.” Ngumiti siya, Baek hyun, she’s alone daw oh!

Tumikhim ako, “Would you mind if I’ll join you for the rest of the night?” Tanong ko sa kanya.

Nginisian niya ako, pero nagbago ang ekspresyon niya naging blanko ang mukha niya at sinabing, “Ice ka lang Baekhyun?” Sabi niya saka niya hinawakan yung chin ko parang ineeksamin ako.

I got the chance to stare her more, ang ganda niya talaga.

“Parang di naman. Sorry ah? Hanap ka nalang ng ibang ka-date.” Sabi niya saka niya ako nilagpasan.

WTF, nireject niya ang isang Baekhyun? Hibang na ata ang babaeng yon. Humarap ako para tignan siya papalayo sakin, pero nanlaki ang mga mata ko nung sinalubong siya nina Erin.

“My goodness, Jezreen, you are so beautiful.”

AMPOTA! DYOSA?!!!!!!!!!!

 (COMMENT AND VOTE please)

Continue Reading

You'll Also Like

388K 28.4K 45
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
406K 1.1K 200
Isang seksing artista at napakagandang si Ysla Paraiso ang nagbakasyon sakay ng isang cruise ship, ngunit nagbago ang lahat nang mapadpad sila sa isa...
63.4K 2.5K 53
New fantasy story! And I hope you'll spare time to read this! This story is about the girl who escaped from her own reality. But later on, she disco...
45.7K 2.5K 36
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man.