We Got Married (Published und...

By missrxist

174K 3.7K 184

Nagkaroon ng isang fun game sa Anniversary ng kompanya, na tinatawag na 'We Got Married' kung saan ipapakasal... More

Teaser
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
20
Hi!
Join po kayo! :)

19

7.1K 158 1
By missrxist

"MAY NANGYARI ba sa inyo ni Sir Grant? Nakita namin siya kanina kunot na kunot uli ang noo, e hindi naman na siya gano'n simula nang maging mag-asawa kayo." Puna ni Mary Ann.

Sa apartment na niya tumuloy ang pamilya niya kagabi, kanina din ay ipinahatid na ni Grant ang mga gamit niya na naiwan sa tinirahan nila nito. Para siyang nabagsakan nang malaking eroplano sa bigat nang nararamdaman niya.

Umuwi na din kanina sa probisnya ang pamilya niya, dahil may pasok pa ang mga kapatid niya.

Ayaw pa sana siyang iwanan ng Nanay niya, pero sinabing niyang okay na siya, ayaw na kasi niyang mag-alala ang mga ito sa kanya. Masyado nang maraming iniisip ang mga ito, para dumagdag pa siya.

Bago siya pumasok sa opisina kanina ay dumaan siya sa mansion ng mga Mondragon para ibalik ang wedding ring nila ni Grant at ang perang ipinahiram ng Mommy nito sa kanya, ayaw pa ng ginang na tanggapin 'yon no'ng una, pero nagmakaawa siya.

She was really so sorry for everything.

Hindi pa rin daw kinakausap ni Grant ang ginang, marahil ay talagang nasaktan si Grant nang husto sa ginawa nila. Ang sabi ng ginang ay huhupa din daw ang galit nito, kaya hayaan muna nila.

Napabuga siya ng hangin, saka niya inuntog ang noo sa mesa niya, pero mabilis niyang nasapo ang noo niya, dahil masakit pala ang ginawa niya.

"'Uy, problema mo?" nagtatakang tanong ni Mary Ann.

Tutal malaki ang tiwala niya dito ay ikinuwento na niya ang lahat dito at sa huli ay naintindihan din siya nito, pero nalungkot ito para sa kanila ni Grant. Ang sabi nito ay suyuin daw niya ang binata hangga't hindi siya kinakausap nito, gano'n rin naman ang nasa isip niya. Hindi naman daw siguro basta-basta mawawala nang gano'n-gano'n ang pag-ibig nito sa kanya.

Nag-isip siya ng paraan kung paano ito susuyuin—hanggang sa makaisip siya nang magandang ideya. Gumawa siya ng mga sweets at inilagay sa katamtamang laki na basket, naglagay din siya ng card para ipaalam dito na siya ang nagpadala, saka ipinabigay sa secretary nito sa opisina nito. Naghintay siya ng sagot mula dito, ngunit wala siyang na-receive. Mukhang hindi effective 'yon. Nag-isip uli siya ng ibang bagay.

The next day ay pinadalhan niya ito ng isang maliit na paso na may cute rosy periwinkles para ipaalala dito ang masasayang araw na pinagsamahan nila, pero wala pa rin. Nagpadala din siya ng sorry letter at kung anu-ano pa, hanggang sa maisipan niyang puntahan na ito sa opisina nito, ngunit nalaman niya sa sekretarya nito na kakaalis lang daw nito ng opisina, may pupuntahan daw kasi ito. Saglit siyang nagpaalam sa head nila sa opisina, para sundan ang binata.

Mabilis siyang sumakay sa elevator para sundan si Grant, pagkababa niya sa ground floor ay bumukas agad ang elevator at nakita niya ito agad. Tuluyan na siyang lumabas sa elevator at naglakad para lapitan ito—nang bigla siyang napatigil sa paghakbang palapit dito dahil may kung sinong babae ang bigla na lang yumakap dito. A very beautiful woman with a long shiny black hair and a to-die legs.

"Y-Yuli?" narinig niyang sambit ni Grant.

"I've missed you, Grant!" anang babae, saka ito mabilis na kumalas sa pagkakayakap. "Can we talk?"

Tumango si Grant sa babae, saka na ito nagsimulang maglakad, mabilis namang sumunod ang babae dito. Parang tinusok ng isang daang aspile ang puso niya sa pagkakakita sa dalawa—Yuli, yeah, she remembered that name—pangalang 'yon ng Ex ni Grant.

Akala ba niya patitikimin niya ang babae ng mag-asawang sampal kapag nakita niya ito? Mukhang ito naman ang nagpatikim sa kanya ng mag-asawang sampal sa puso niya.

Mas lalo siyang nasaktan dahil sa kaalaman na pumayag si Grant na makipag-usap sa babaeng nanakit dito dati kaysa sa kanya. Siguro nga ay mahal pa rin nito ang babae, siguro nga ay nagising ito isang umaga at bumalik na sa puso nito na mahal pa rin nito ang babae at siya ay parte na lang nang nagdaang araw nito.

Na pang-aliw lang siya dito, dahil ang true love nito ay hindi pa rin nito nakakalimutan. Pero sinabihan ka niyang mahal ka niya! Marahil masyado lang itong natuwa na kasama siya, na nasanay lang itong laging siyang nakikita, kaya nito nasabi ang mga bagay na 'yon, pero sa huli, mare-realize din nito kung sino ang totoong mahal nito—at 'yon na nga si Yuli, they would fix their relationship dahil hindi pa naman huli ang lahat sa mga ito.

Gusto niyang umapila dahil hindi pa tapos ang isang daang araw nila ni Grant, pero para saan pa? Bumalik na ang babaeng mahal nito, hindi na siya mapapansin nito. Masasaktan lang siya, wala naman siyang lahing sadista e.

Nanlulumo siyang bumalik sa opisina nila. Pakiramdam niya ay lalagnatin na siya at masamang-masama ang pakiramdam niya.

"Uuwi na ako," mayamaya ay paalam na niya kay Mary Ann.

"Masama ang pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong nito. Tumango lang siya. "Gusto mo bang samahan na kitang umuwi sa apartment mo? May gamot ka ba doon?"

Napangiti siya sa pag-aalala nito sa kanya. "Okay lang ako, magpapaalam lang ako kay Ms. Liza na uuwi na." aniya, na tinutukoy ang head nila. Tumayo na siya sa upuan niya para magtungo sa opisina ng head nila at pagkapatapos niyang magpaalam ay umuwi na siya.

PAGDATING niya sa apartment ay mabilis niyang isunubsob ang kanyang mukha sa kama saka humagulgol. She was badly hurt, lalo na ang kanyang puso. Sa buong buhay niya, nakaya niyang lahat anumang pagsubok na dumaan sa kanya, pero mukhang bibigay na ang puso niya nang mga sandaling 'yon.

"GRANT!"

"Mom, what are you doing here?" nagtatakang tanong ni Grant nang maabutan niya ang Mommy niya na nakatayo sa harapan ng pintuan ng condo niya, mabilis niyang binuksan ang pintuan saka siya pumasok sa loob, kasunod ang Mommy niya.

Hindi ito madalas dumalaw sa kanya sa condo niya, dahil abala ito sa pagsusulat nito, pero narito ito ngayon. Dumiretso siya sa kusina niya, naupo naman ang Mommy niya sa sofa sa sala.

Galing siya kanina sa isang Italian Restaurant kasama si Yuli, his ex-girlfriend. Pinuntahan siya nito sa kompanya nito kanina para makausap siya. Hindi na siya tumanggi nang yayain siya nitong makipag-usap dito, tutal tapos naman na sa kanila ang lahat at wala na siyang anumang emosyon o damdamin na natitira dito.

Napag-usapan nila ang kanilang nakaraan at gusto nitong humingi ng kapatawaran sa ginawa nito sa kanya seven years ago. She was really so sorry, na halos lumuhod na ito sa harapan niya kanina para patawarin niya.

Dahil wala na 'yon sa kanya at wala na rin ito sa puso niya, mabilis na lamang niya itong napatawad. Ngayon lang daw ito nagka-chance na humingi ng tawad sa kanya dahil bukod sa ngayon lang ito nakauwi ng bansa ay abala din ito sa negosyo nito sa States.

Nag-confess din ito ng naging buhay nito sa States. Na pakiramdam daw nito ay nakarma ito sa buhay pag-ibig nito. She fell in love with a man, na halos ibigay na raw nito ang lahat sa lalaki, ngunit it came out na kasal na pala ang lalaki at nagsinungaling ito dito na hindi pa ito committed.

Habang nagkukuwento ito ay hindi nito napigilang umiyak, nakaramdam siya dito ng awa dahil mukhang nagdusa ito nang husto, nawala na ang sigla at charm nito 'di gaya nang una niya ito makita dati.

Halos isang taon din daw ang naging relasyon nila ng lalaki at isang taon din tinago ng lalaki na kasal na pala ito. She felt so cheap and pathetic. Gano'n rin ang nangyari sa lalaking sumunod na naka-relasyon nito.

Ngayon daw ay alam na nito kung ano'ng kabaliwan ang ginawa nito sa kanya noon, kaya umuwi ito ng bansa para sadyain siya at pormal na humingi ng paumanhin, baka daw sakaling sa pagpapatawad niya, mawala na rin ang karma sa kanya at makakita na daw ito nang tunay na magmamahal dito.

Sinabi nitong nakita din daw siya nito nang nakaraang araw sa Diamond shop na bumibili ng singsing, lalapitan daw siya sana nito, kaso nag-ipon pa daw ito nang kaunti pang lakas ng loob para kausapin siya.

Hindi niya naiwasang ikuwento ang tungkol kay Josephine at ang pag-ibig na nadarama niya sa dalaga. Yuli was happy for him, sana daw ay magtagal sila. Bukas na babalik sa States si Yuli, and he wished her luck, in her love life.

"I'm sorry hijo, ako ang may kasalanan ng lahat nang nangyari, don't blame Josephine who was just in love with you for so long." Anito. Saglit siyang natigilan sa pagsasalin ng tubig sa baso. "It was all my plan, wala siyang kinalaman dito. Pero dahil sa pagiging inosente niya at madaling basahin ang kanyang mga titig sa 'yo, I found out that she was in love with you at siya ang perfect sa aking plano, I know I've been so foolish dahil hindi ko naisip na darating ang araw na tulad nito," nakita niyang napailing ang Mommy niya. "Stupid me, writer pa naman akong naturingan pero hindi ko man lang na-predict ang magiging outcome ng story niyo."

Inisang lagok niya ang isinalin niyang tubig sa baso, saka siya lumapit sa ina. Hindi naman siya galit sa Mommy niya, hindi lang niya naiwasang masaktan at magtampo dahil sa mga nangyari, pakiramdam niya ay pinaglaruan siya, pero alam naman niyang hindi 'yon ang plano ng Mommy niya sa kanya, gusto lang nitong matulungan siya.

"Hijo," hinila ng Mommy niya ang kanyang kamay para maupo sa sofa sa tabi nito. "Forgive me, I didn't mean to hurt you." Saka nito pinisil ang hawak nitong kamay niya. "Walang kinalaman si Josephine dito maniwala ka, ang totoo nga niyan ibinalik na niya sa akin ang perang ipinahiram ko sa kanya dati, she was so sorry dahil sa nangyari. But you know what, she said that really had fun and she enjoyed the days when you were together, minsan nga daw hindi na niya naiisip na nasa isang misyon siya, lahat ng mga ipinakita niya sa 'yo, totoo ang lahat ng 'yon. Alam mo bang bukod sa nakita kong gusto ka niya, gusto ko na rin ang batang 'yon para sa 'yo, she's a very loving daughter and a good friend, at alam kong magiging mabuti siyang may-bahay, kapag naging kayo."

"Mommy..."

"Sshh," sansala nito sa kanya. "This ring, ibinalik niya sa akin. Balita ko rin sa mga employees sa kompanya nang bumista ako kanina, sinusuyo ka daw niya at binibigyan ng mga stuffs, hindi ka ba nata-touch sa ginagawa niya?" ibinigay nito sa kanya ang singsing.

Of course he was! He was really touched! Naubos nga niya agad ang isang basket of sweets na ipinadala nito sa kanya, siya lang ang kumain no'n ng mag-isa sa opisina niya. And that rosy periwinkle, naka-display kaya 'yon sa kuwarto niya ngayon, pati ang sulat na ibinigay nito, nami-miss na niya ito nang sobra.

Hindi lang siya makalapit dito dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Pero gustong-gusto na niya itong kausapin, yakapin at mahalikan. He loves her, so much. And he is willing to forget the past, just to be with her—again.

Hindi na kasi buo ang araw niya kapag hindi niya ito nakikita. Parang laging tinu-torture ang puso niya, without her by his side.

"Hijo, alam kong malaki na ang ipinuwang niya sa puso mo, alam ko at ramdam kong mahal na mahal mo na siya, kaya bakit ka pa nagdadalawang isip na puntahan siya? She loves you and you love her, ano'ng problema doon? Anak, minsan lang dumating ang true love sa buhay ng isang tao, don't miss it."

"Yeah, I know Mom," aniya, saka niya mabilis na niyakap ang kanyang Mommy. "I'm sorry kung naging rude ako sa inyo these past few days, nasaktan lang po talaga ako," aniya.

Mas nasaktan pa yata siyang malaman na nagsinungaling sa kanya si Josephine kaysa no'ng malaman niyang nagtaksil sa kanya si Yuli, mas mahal kasi niya si Josephine kaysa sa una.

"I'm sorry hijo,"

"Alam kung concern lang kayo sa akin, pero minasama ko 'yon dahil sa paniniwala kong wala nang matinong babaeng natitira sa mundo, but Mom, I met Josephine and she made me believe in love again," napangiti na siya. "I missed her like... Damn it! I missed her like crazy Mom, pupuntahan ko na siya—"

"Hijo, I know how much you missed her, pero gabi na, hayaan mo na munang makapagpahinga siya, meron pa naman bukas e," nakangiting sabi ng Mommy niya.

Napatango na lang siya. Final, pupuntahan na talaga niya si Josephine bukas. Tama na ang ilang araw na pagtitiis na hindi niya ito nakikita at nakakausap. Nag-iisa lang si Josephine sa mundo at hindi niya kayang isipin na mawala ito sa buhay niya!

Naramdaman niyang tinapik ng Mommy niya ang balikat niya. "I know, you guys were meant for each other."

"Thanks, Mom."

Continue Reading

You'll Also Like

40.5K 1.2K 22
TYCHO'S STORY!!! Is it a sin to fall in love? No! But what if Grace's has fallen in love with her twin sister's fiancé? Photo cover credits to miss_d...
15.7K 368 11
Si Liana ang Super Hero na nagligtas kay Dave nang gabing ma-carnap ang kotse nito. Ang problema, nang i-deposito niya ito sa presinto ay literal ni...
5.7K 179 10
Hindi inakala ni Leo na makikita niyang muli si Karma Camille Reyes, ang ex-girlfriend niya. It's been three years since he last saw her, at marami n...
68.7K 3.5K 44
Don't ask me that way na para bang kahit ako na ang kahuli-hulihang lalaki sa mundo ay hindi mo maaatim na pakasalan. Hindi sila magkasintahan ni Ben...