We Got Married (Published und...

By missrxist

173K 3.7K 184

Nagkaroon ng isang fun game sa Anniversary ng kompanya, na tinatawag na 'We Got Married' kung saan ipapakasal... More

Teaser
1
2
3
4
5
6
7
8
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
Hi!
Join po kayo! :)

9

6.9K 156 3
By missrxist

"SIR GRANT, ano'ng nangyari sa inyo? Bakit may gasgas kayo sa noo?" nawindang na lang si Josephine nang pagdating ni Grant sa "kanilang bahay" ay nabungaran niya itong may gasgas sa noo nito, para tuloy itong batang nadapa mula sa pagtakbo.

Hindi ito sumagot sa kanya. Nagtanggal na ito ng suot nitong business suit, itinupi nito ang puting long sleeve nito hanggang siko, saka nagtuloy-tuloy sa sala para maupo sa sofa. Nauna siyang umuwi dito kanina para gawin ang role ng isang mabuting "may-bahay".

Mabilis siyang lumapit sa kinaroroonan nito at napansin din niyang pati ang mga kamay nito ay may mga gasgas din. Ano kayang nangyari dito?

"O-Okay lang po ba kayo?" alanganing tanong niya, para kasing ayaw nitong kausapin siya.

At imbes na sagutin siya ay isinandal nito ang ulo nito sa headrest ng sofa saka pumikit. He looks so exhausted.

Nagtungo siya agad sa kuwarto nila para kunin ang medicine kit na nasa drawer ng aparador nila. Pagbalik niya ay nakapikit pa rin ito habang nakasandal sa sofa. Nagdadalawang isip siya kung lalapitan ba niya ito para gamutin, baka kasi masinghalan siya nito.

Kahapon ay medyo maayos naman silang nagkausap nito, kung bakit nakakatakot na naman itong i-approach ngayon. Buong araw niyang hindi ito nakita sa kompanya, kaya hindi niya alam kung kumusta ito sa unang araw nito bilang may 'asawa'.

Naglakad siya palapit dito, pero napaatras uli siya. Nakailang gano'n siya bago siya naglakas-loob na tuluyang tumabi sa upuan para gamutin ang mga gasgas nito. Inilabas na niya ang bulak, hydrogen peroxide, betadine at band-aid saka sinimulang gamutin ang gasgas nito sa noo—nang walang paa-paalam. Baka mamaya ma-impeksyon pa ang mga gasgas nito at lumala, mabuti nang maagapan agad.

"What the heck are you doing?" galit na sita nito sa panggagamot niya dito, saka ito dumistansya sa kanya.

"G-Ginagamot ko po ang mga gasgas niyo." Kinakabahang sagot niya. Nakakatakot ang titig na ipinupukol nito sa kanya. Parang gusto nitong sabihin na 'Don't-you-dare-touch-me!'

"Sa palagay mo porque nakatira na tayo sa iisang bubong, pwede mo na akong pakialaman? Remember, we are just fake couples. And don't meddle with my business."

"S-Sorry po, pero baka po kasi ma-impeksyon ang sugat niyo." Aniya. Saka uli siya humugot ng lakas ng loob para lumapit dito, para ipagpatuloy ang panggagamot dito.

"Don't come near me!" babala nito.

"Sir, kailangan niyo na pong magamot dahil baka mas lumala pa 'yan, kayo din ang mahihirapan."

"No!" mariing wika nito.

"Sir..."

"M-Mahapdi ang mga 'yan! Proven and tested when I was a kid, kaya nga iniiwasan kong magalusan but I was unlucky today." halos pabulong na sabi nito, pero umabot pa rin 'yon sa kanyang pandinig.

What? Takot siyang magalusan at magamot? Lihim siyang napangiti. Ang laking tao pero ang duwag pala. Para gagamutin lang e. Napailing siya.

"Hindi naman po ito masakit e, mas masakit po ang maturukan ng injection." Pananakot niya.

Tila biglang mas natakot ito sa huling sinabi niya. "Y-You think so?" tanong nito.

Tumango-tango siya, ngali-ngaling mapangiti siya sa 'parang bata' na kausap niya. "Opo, kaya hayaan niyo na po akong gamutin kayo." Aniya.

He's so adorable! Hindi niya na-imagine na sa edad nito ay ayaw nitong pagpagamot ng sugat dahil ayaw nitong mahapdian. Parang hindi lang bagay sa masungit na personalidad nito ang nalaman niyang sekreto nito.

"Bakit po ba kasi kayo nagasgasan?" aniya, habang pinupunasan niya ng bulak na may hydrogen peroxide ang noo nito.

"You don't need to know." Sagot nito.

"Next time po Sir, mag-iingat kayo nang mabuti. Hindi niyo po alam ang disgrasya, saka kapag nagkagalos po kayo, gamutin niyo agad at huwag niyo nang hayaang lumala, mahapdi po talaga 'yan sa una, pero kapag nagtagal, okay na rin po." Tila Nanay na pangangaral niya sa kanyang anak.

Nakita niyang nakapikit ito habang ginagamot niya ang mga gasgas nito, habang siya naman ay paihip-ihip sa ginagamot niyang gasgas nito para mabawasan ang hapdi niyon.

"Are you done?" mayamaya ay tanong nito, nang maramdaman nitong nalagyan na niya ng band-aid ang mga gasgas nito.

"Opo, kaya maaari na kayong dumilat." Nakangiting wika niya.

Biglang kumunot ang noo nito nang makita siyang nakangiti, kaya unti-unti siyang nagseryoso ng mukha.

Malakas itong tumikhim, saka tumayo sa sofa at tinungo ang kanilang kuwarto, pero bago pa ito makapasok sa loob ay narinig niyang nagpasalamat ito—sa mahinang boses. Kaya napangiti na naman siya.

He may act like an andropose old man, pero hindi niya alam kung bakit kahit tumutol na yata ang lahat ng body organs niya na lapitan ito dahil mukha itong nakakatakot, hindi niya magawang layuan ito, napaka-weird niya talaga.

Kinatok niya ito sa kuwarto para ipaalam dito na nakahanda na ang kanilang dinner.

MABILIS NA binuksan ni Josephine ang pintuan sa harapan ng bahay nila, nang marinig niyang may nag-doorbell. It's six in the morning, kaya nagtataka siya kung sinong bisita ang maagang gustong dumalaw sa kanila.

Nagluluto siya noon ng agahan habang si Grant naman ay nasa kama pa at natutulog. Pagkabukas niya ng pintuan ay ang nakangiting mukha ng mga magulang ni Grant ang kanyang nabungaran.

"Good morning, hija." Nakangiting wika ng mga ito.

Automatic siyang napangiti nang makita ang mga ito. "Magandang umaga din po." Bati niya, saka niya mabilis na pinapasok ang mga ito. "Ang aga niyo po yatang dumalaw? Nag-agahan na po ba kayo? Sumabay na po kayo sa amin." Nakangiting alok niya.

Sa sala nagtungo ang mga ito, saka naupo sa sofa.

"Tapos na kaming mag-agahan hija, sinadya talaga namin kayong dalawin nang maaga ni Grant." Sagot ni Mrs. Mondragon sa kanya. "Where's Grant anyway?"

"Natutulog pa po,"

"I see, ang batang 'yon talaga, ni hindi ka na yata niya natutulungan dito sa gawaing bahay." naiiling na sabi ni Mrs. Mondragon.

Napakamot siya ng ulo. "Hindi naman po mahirap ang mga gawaing bahay, Ma'am—"

"Call me Mommy, from now on." Nakangiting wika nito.

Nanlaki ang mga mata niya, ngunit hindi na lang niya pinansin ang mapanuksong ngiti ng ginang. "Napupuyat po kasi siya sa mga ginagawa niyang paperworks gabi-gabi, kaya po hinayaan ko na lang siya, saka ayos lang po sa akin ang ginagawa ko, sanay naman na po ako e."

"You know what hija, sa palagay ko magiging mabuting may-bahay ka pagdating ng araw." Nakangiting puri sa kanya ni Mr. Mondragon.

"Sang ayon ako dyan sa sinabi mo, my dear. Josephine is such a lovely woman. How I wish na sana ay sila na lang talaga ang magkatuluyan ng anak natin," nakangiting wika ni Mrs. Mondragon sa asawa nito. "Mabuti na lang pala at naisipan ko ang We got married game na 'to, this is really cute." Anito, saka ito humagikgik.

Napailing na lang siya ng lihim. Writer nga naman si Mrs. Mondragon, kaya palaging active ang romantic bone nito, gustong-gusto pa yata nitong mag-play as cupid.

"Mom, Dad, what brought you here?"

Si Grant ang nagsalita na kalalabas lang mula sa kuwarto, marahil nagising ito sa ingay nang pag-uusap nila sa sala, kasama ng mga magulang nito.

"We're here to give you this," ani Mrs. Mondragon, saka ito may inabot na puting envelop kay Grant. Mabilis namang inabot ni Grant 'yon saka binuksan.

"Plane tickets?" nagtatakang tanong ni Grant sa ina.

Tumango-tango ang ginang, saka ito ngumiti sa kanila. "Naalala ko kasing hindi pa nga pala kayo nagha-honeymoon, kaya 'ayan I bought two plane tickets to Palawan and after niyo doon ay dumiretso na kayo sa Hacienda and have more fun."

"Mom!" napakunot-noo si Grant sa ina.

"Hijo, bakit hindi muna kayo magbakasyon ni Josephine sandali, since hindi pa naman gaanong busy sa kompanya? Your Vice-President will handle everything, it's your time to have some vacation and enjoy yourself." Suhestyon ng ama nito.

"I'm too busy in the company, Mom, Dad." Naiiling na sabi ni Grant, saka nito mabilis na inilapag ang envelop sa mesita, saka naglakad papunta sa kusina. Mabilis namang napasunod si Mrs. Mondragon sa anak, kaya pati sila ng Daddy nito ay napasunod na din.

"Hijo, have time for yourself at hayaan mo ring mag-enjoy si Josephine. Hindi ka na nakakalanghap ng sariwang hangin, ni hindi ka na yata nakakakita ng mga puno at nakakarinig ng hampas ng alon e." sabi ng Mommy nito.

Nagsalin ng tubig sa baso si Grant, saka inisang lagok 'yon, bago sinagot ang ina. "Mom, I don't want to waste my time. Mas kailangan ako ng kompanya."

"Hindi naman malulugi ang kompanya sa isang linggo mong pagkawala e, and Ryan can handle everything on your behalf, we've already talked about these things yesterday and it was okay for him." Sabi ng Mommy nito, na tinutukoy ang Vice-President ng kompanya nila.

Napabuga ng hangin si Grant, saka napailing. "Bakit ba ang dali kong sumuko sa inyo, Mommy?" naiiling na sabi ni Grant.

Tuluyan nang napangiti ang ina nito, saka ito sinugod nang yakap. "It's because you love me so much." Anito.

"Yeah, yeah. So, are you happy now?" ani Grant sa ina.

Mabilis na kumalas ang ginang para titigan ang anak nito. "Of course hijo, masayang-masaya." Anito, saka ito bumaling sa kanya at kinindatan siya. Napayuko na lamang siya.

He must really love his Mom, dahil hindi nito natitiis ang Mommy nito. He's a loving son, masasabi niyang masuwerte rin ang mga magulang nito for having such a gentle son like Grant.

"Pagpasensyahan mo na ang kakulitan ng asawa ko ha, ganyan talaga 'yan e, kaya ko nga mahal na mahal." Natatawang bulong ni Mr. Mondragon sa kanya, saka niya naramdamang tinapik nito ang balikat niya.

Nakangiting nagpaalam ang mga magulang ni Grant, bago tuluyang lumabas ng bahay. Lihim siyang napabuga ng hangin. Ngayon, makakasama pa niya si Grant sa isang bakasyon, ang swerte naman yata niya.

"Pasensya ka na kay Mommy, hopeless romantic kasi e, kaya feeling niya tayo ang mga bidang characters sa story niya," naiiling na sabi ni Grant sa kanya. "Nadamay ka pa tuloy sa kakulitan ni Mommy at sa weird game niyang ito." Anito.

Napayuko siya saka niya kinagat ang ibabang labi. Hindi siya nadamay sa weird game ng Mommy nito, dahil kasangkot siya doon. Accomplice siya ng Mommy nito sa larong 'yon—para baguhin ang kung anumang paniniwala ni Grant sa pag-ibig. She's willing to be the glue to fix his broken heart—kahit pa walang utos ang Mommy nito.

"Mali-late na tayo, maliligo na ako." paalam na lang niya, tapos naman na siya magluto ng breakfast at naihanda na rin niya ang mga 'yon sa hapag. Mabilis na siyang pumasok sa kanilang kuwarto. Napabuga siya ng hangin.


Continue Reading

You'll Also Like

3.5M 150K 16
(Yours Series # 1) Nileen Riviera thought that after getting her degree in medicine, she'd easily check off the next thing on her list-to have a boyf...
63.1K 1.4K 32
"You're mine to love now. You're mine to love tomorrow. You're mine to love forever." -Deo Naging opisyal ang relasyon nila Threa at Deo, isang buwan...
152K 2.8K 30
Teaser Maganda, mabait, matalino at masipag. Simple man tingnan pero my itinatagong ganda na hindi napapansin ng iba, iyan si Maribel. Masunuring ana...
25.7M 472K 39
[WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.] She's the bride who arrived at the right time but in the wrong place. #TheBachelorsB...