The Incognito

By MyBurning

10.6K 378 136

Because it takes a lot of blood... credits to @perksofdo for the book cover. More

The Incognito
1 : The Repossesor
2 : Possessor's Trifle
4 : Lost
5 : Drown me, Death
6 : The Sky of the Hell
8 : Pandemonium

3 : Untied Bond

842 46 26
By MyBurning

Arah's POV

"Aalis ka na Serene?" Tanong ni mama sa kanya ng akmang lalabas na ito ng pinto.

"Opo ma," sagot ni Serene.  

"Sabay na kayo ni Arah," suhestiyon ni mama habang aligaga sa pag-aayos ng mga papeles sa bag nito. Saglit akong tinapunan ng tingin ni Serene at binalik iyon kay mama. "Hindi na po. Baka akalain pa nila katulad ko siya."

Magsasalita pa sana si mama ngunit mabilis na lumabas na ng bahay si Serene. Bruha talaga yun, sana naman tinanong niya rin kung gusto ko siyang makasabay.

"Tsk, kayong magkakapatid talaga oh. Arah dalian mo na diyan at baka malate ka pa." Tumango na lang ako at mabilis na inubos ang aking agahan. "Alis na rin ako," pagpapaalam ko habang inaayos ang aking gamit.

"Ang aga yata ng trabaho mo?" tanong ko habang pinagmamasdan siya. Hindi ako sanay gumamit ng po at opo dahil hindi bagay sa personalidad ko. Sanay naman na silang lahat sa akin eh.

"May board meeting kasi sa kumpanya. Gagabihin rin pala ako ng uwi, magluto na lang kayo diyan ng dinner niyo," sagot ni mama. Nakunot naman ang noo ko dahil walang makakasama sa bahay si Reese. "Paano si Reese? Nilalagnat pa naman siya ngayon," pagpapaalala ko sa kanya kung sakaling nakalimutan niya ang kalagayan ng 10 years old niyang anak.

Saglit siyang natigilan sa inaasikaso niya at hinimas himas ang batok. "Wala na akong magagawa eh. Malaki naman na si Reese, isa pa wala namang masasamang tao dito sa village natin."

Gusto kong magdamog sa sinabi niya pero sinubukan kong habaan muna ang aking pasensya. Walang kwenta...

"Aalis na ako," muli kong sabi at tuloy-tuloy na lumabas ng bahay.

Hindi ko na hinintay pang marinig magsalita si mama. Lumabas na ako ng bahay at sa paglalakad ko ay di ko mapigilang mapaisip kung bakit naging ganito ang pamilya ko. Alam kong si Reese ang pinakanaapektuhan sa lahat. Masyado pa siyang bata pero heto kami at hindi nagkakasundo ng tinuturing niyang mga ate. Si Serene din naman kasi, kung hindi lang talaga siya bitch. Buti pa si Demi nakakasundo ko eh mas bitch pa man din ang isang yun.

Ngunit kung may sisihin man dito, si mama Vanessa na iyon. Kung kumpleto lang sana ang pamilya namin... kung may tatay pa sana kami.

Pagpasok ko ay agad kong nakasalubong ang barkada. Tulad ng madalas naming ginagawa ay tumatambay muna kami sa may gilid ng quadrangle. Dito rin madalas tumambay ang mga estudyante kapag hindi pa nagsisimula ng ang klase.

Sa di inaasahan, napadaan sa pwesto namin si Serene. Saglit kaming nagkatingin at kapwa umirap sa isa't-isa. Nang umalis na si Serene ay kapansin pansin na naging tahimik ang barkada.

"Awkward..." pang-aasar ni Logan. Siniko siya si Demi ngunit nag-flying kiss lang ito kaya napangiwi si Demi sa kanya. 

"Ano buhay pa?" tanong ko sa kanila Paige at Emerie. Paige mouthed 'gago', napangisi lang ako.

Dati kasing magkasintahan sina Paige at Emerie. Transferee lang ako dito sa Riverdell High. Doon sa dati ko kasing school noong first year ay bagsak ako kaya kailangan kong mag-repeat hanggang sa nilipat ako ni mama dito dahil akala niya, titino ako kapag pinasok niya ako sa private school. Pero hanggang akala lang talaga siya dahil bumagsak din naman ako dito. Bale, dalawang beses akong nag-first year. Mabuti na lang at umabot ako ng fourth, bigti na lang kung hindi pa ako makakagraduate.

Kasabay kong repeater si Emerie at siya ang pinaka-una kong naging kaibigan dito. Noong second year naman ay may bago na namang transferee at iyon si Logan. Akala ko ako na ang pinakamalalang estudyante pero tinalbugan ako ni Logan. Hanggang sa maging kaklase namin siya at naging kaibigan din namin sina Demi at Paige na kapwa walang patutunguhan din sa buhay. Nabuo ang barkada namin at naging sikat kami sa lahat pati na sa mga teachers at staff. Kami lang naman kasi ang suki ng guidance office.

Noong third year, nagulat na lang kami nang ibalita nina Paige at Emerie na sila na. Ngunit hanggang limang buwan lang ang relasyon nila. Hindi ako sigurado sa dahilan ng paghihiwalay nila pero alam akong isa doon si Serene. Kaya lalong nadagdagan ang galit ko sa kapatid ko. Kung hindi dahil sa kaya... muntikan pang masira ang barkada namin noon. Mabuti na lamang at ayos na ang ulit ang pagsasamahan nilang dalawa ngunit kahit na anong pagpapanggap nila, halata namang mahal pa rin nila ang isat-isa.

"Kapatid mo ba talaga yun?" tanong ni Emerie habang sinusundan ng tingin ang papalayong likod ni Serene.

"Unfortunately, yes."

"Hindi kayo magkamukha."

Saglit akong napaisip. Marami nang nagsabi niyan sa akin. Maski kamukha o hindi, laging kinekwestiyon ang pagiging magkapatid namin. Kesyo bakit daw siya matino, ako hindi? 

"Mas maganda kasi ako," pabiro kong sagoti at tumawa.

"You're so gaga girl. Hahaha. Pero mas pretty ka naman talaga. Most pretty nga lang ako," komento ni Demi. Nag-make face lang ako at ginaya ang boses niyang conyo.

PUMASOK ANG adviser namin sa classroom. Hindi pa naman oras ng subject niya kaya nakakapagtakang nandto siya.

"Good morning class."

"Good morning Miss," pagbati namin kay Ms. Darcy. Dalaga pa si ma'am at may rumor sa school na nagkakamabutihan daw sila ni Mr. Lee. Mga guro nga naman takaga...

"Class, you'll have your new classmate. Come in hijo." Nabalot ang buong kwarto ng bulung bulungan. Kilig naman ang mga babae nang marinig ang 'hijo'. 

Pumasok ang isang lalaki at tumabi kay Ms. Darcy.

"This will be your class. Kindly please introduce yourself," nakangiting sabi ni ma'am sa kanya.

Natahimik kaming lahat habang hinihintay magsalita yung lalaki. Seryoso lang ang kanyang mukha na akala mo ay walang kaemo-emosyon sa katawan.

"Hindi ko kailangang ipakilala ang sarili ko dahil wala rin naman akong balak kilalanin ang kahit isa sa inyo," seryoso niyang saad. 

Nawala ang ngiti ni ma'am Darcy at mas lalo kaming natahimik. Aba, lakas din ng apog neto ah. Tinatalo ang coldness ni Mr. Lee.

"O-okay. Umupo ka na lang doon sa vacant sit katabi ni Arah." Tinuro ako ni ma'am at nagkatinginan kami noong lalaki. 

Hindi ko inalis ang titig sa kanya at ganoon din siya sa akin. Nagulat na lang ako na nasa tapat ko na pala siya. Ako na ang unang nag-iwas ng tingin at nalamang umalis na pala si Ms. Darcy at muling nag-ingay ang mga kaklase ko.

Bwisit. Bakit kasi pinaglayo kami ng upuan ni Emerie. Ayan tuloy, kailangan kong magdusa ng buong taon dito sa katabi ko.

"Hi?" Ako na ang naglakas loob para kausapin siya. Tumingin lang siya sa akin ngunit hindi man lang siya nagsalita ni 'ha' ni 'ho'.

"I'm Arah," pagpapakilala ko sa sarili. Friendly naman talaga ako eh. Mahilig lang talaga ako humanap ng gulo at mangbully ng mga losers.

"Hara?" nanlaki ang mga mata niya na para bang gulat na gulat.

Kumot ang noo ko at saglit na napakamot sa ulo. "Hindi. Arah kamo. A-r-a-h." 

Tumitig siya sa mga mata ko na parang gulong gulo. Teka, may mali ba akong sinabi? Magtatanong pa sana ako ngunit nag-iwas na siya ng tingin at umubob na lamang sa desk. Psh, antipatiko. Ayaw talagang magpakilala.

NANG MAGBREAKTIME, mag-isa kong tinungo ang locker room ka para ilagay ang bag ko doon. Kahit na private school to, laganap pa rin ang mga magnanakaw lalo na yung mga nantitrip. Naranasan ko na ngang madatnan ang bag ko sa basurahan eh, kaya mas mabuti ng safe dito sa locker.

Tulad ng inaasahan ay may nakita na naman akong itim na sobre doon. Tarantado talaga, lagi na lang ginagawang mail box ang locker ko.

Kinuha ko iyon at binasa ang sulat. Hindi na ako nagtaka ng makita ang pangalang Sky sa dulo ng sulat. Wala akong kilalang Sky. Inaamin kong natatakot ako sa taong ito. Sino bang hindi? Lagi niya akong pinadadalhan ng sulat, madalas ko ring maramdaman na may nagmamasid sa akin. Obsessed stalker.

Sinara ko na ang locker at tumungo na ng cafe. Yun nga lang ay wala pa pala doon ang barkada sa table na inangkin na namin. Nasaan naman kaya sila? Wag mong sabihing may gulo silang pinasukan ng wala ako? 

Lumapit ako sa pila ng counter pero may isang lalaki na bumangga sa akin at muntikan pang matapon ang pagkain sa uniform ko.

"Shit, ano ba? Wag ka ngang tanga!" bulyaw ko sa lalaking ito. Tinulak ko siya kaya natumba siya sa sahig. Nag-agat siya ng tingin sa akin habang inaayos ang eyeglasses niya at doon ko napagtantong si Dylan pala ito.

"S-sorry Arah. Hindi ko sinasadya," sabi niya at tumayo. 

"Umalis ka na nga. Sinisira mo ang araw ko eh," pagtataboy ko sa kanya. Pinilit kong wag mautal dahil ayokong ipakitang kinakabahan ako. Hindi naman siya pumalag pa at mabilis ding umalis sa harapan ko.

Nakahinga na ako ng maluwag. Isa siyang nerd at kahit gaano pa siya pagtripan ng mga estudyante, sinubukan kong ilayo ang sarili sa kanya. Hanggat maari, hindi siya binubully ng bakada namin. Maari kasing siya ang stalker ko...

"Bitch." Narinig ko iyon mula sa aking likod. Nang paglingon ko ay tumambad sa akin si Jacob.

"Ako ba ang tinutukoy mo?" poker face kong tanong habang pinaglalaruan ang mga daliri na nakatago sa aking likod. Nakakainis. Hanggang ngayon ang laki pa rin ng epekto niya sa akin. Hanggang kailan ko ba siya nakakalimutan?

"Simpleng bagay lang, ang laki ng kinakagalit mo," malamig nitong sabi sa akin na para bang dalawa ang ibig niyang ipahiwatig.

"Kung hindi naman kasi siya tarantado, hindi naman ako magagalit," malamig ko ring sagot. Hindi ko na alam kung si Dylan pa ba ang tinutukoy namin o iba na. 

Pinili ko na lang na huwag pahabain ang pag-uusap naming dalawa at lumabas na ng cafe na iyon. Bumalik na lang ako ng classroom tutal nawalan na ako ng gana kumain. Gagong Jacob yun. Malalaman niya din kung sino ang sinayang niya.

Umupo ako sa pwesto ko at nadatnang wala doon yung katabi ko pero iniwan niya ang kanyang bag. Pasimple kong binuksan ang zipper at pinakeelaman ang kanyang mga gamit. Masyado kasing pamisteryoso ang lalaking iyon, ang ayoko pa naman sa lahat ay yung nacucurious ako. 

Nakita ko ang kanyang ID at tinitigan iyon. Sa wakas, alam ko na ang pangalan niya na kanina pa gumugulo sa utak ko. 

Eron Cabrera.

---------x

Note: May bumabasa pa ba nito? Comment kayo please haha. Anyway, sali kayo sa fb group namin. Click external link na lang or punta kayo sa profile ko. Serene's pic on the multimedia.

Continue Reading

You'll Also Like

176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
11.4K 266 58
Forbidden Love Series #1 Hiraya Felestine SerraƱo is a Senior High School student who believed that she is not smart. Her family never pressure her i...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
155K 7.3K 45
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...