BOOK 2: Confession of a Gangs...

Av vixenfobia

647K 10.6K 968

SERIES 2 || Running away is not the answer. ©2014 Mer

Confession of a Gangster
Confession 01: Starting My Peaceful Life
Confession 02: Hello Life in Peace. Damn.
Confession 03: Who's Doomed? You.
Confession 04: Oz Bezarius; the Wrecker
Confession 05: Alice in Arendelle Forest
Confession 06: Stalking Confusions
Confession 07: The Blue Eyed and The Council
Confession 08: Wizard Tailing The Goblin
Confession 09: The Gods Playing in G Co.
Confession 10: This J is so New
Confession 11: Concealing Scars
Confession 12: Curse Under the Rain
Confession 13: Unexpected Visitors
Confession 14: A Taste of Hell
Confession 15: First Step
Confession 16: Cinderella Was Gone
Confession 17: Apomorphine Shot
Confession 18: The Nightmare
Confession 19: Do the Moves
Confession 20: Pissed to Meet You
Confession 21: Underground Society
Confession 22: Puzzlement
Confession 23: Savage Chameleon 1
Confession 24: Savage Chameleon 2
Confession 25: Losing Sanity
Confession 26: Angel and Her Wings 1
Confession 27: Angel and Her Wings 2
Confession 29: Leon Ford
Confession 30: Inside Yoshima Mansion
Confession 31: Conspiracy
Confession 32: Mind Maze
Confession 33: Toss Coin
Private Confession: Love. Lust. Claimed.
Confession 34: Could It Be?
Confession 35: Twisted Chains
Confession 36: Touch of Blood
Confession 37: Most Painful Truth
Confession 38: Queen vs. King vs. Knight
Confession 39: Queen Alice
Confession 40: Unconscious Consciousness
Confession 41: She Died
Confession 42: No Air
Confession 43: Rage of the Blue Claws
Confession 44: Broken Strings
Confession 45: Chain of Fate
Confession 46: Scythe of Ferox
Confession 47: Cinderella's Fangs
Confession 48: An Epilogue
Confession 49: Be Mine, Alice
Confession 50: It's All About Us
Epilogue: The Last Confession
Onee-chan's Last Death Note

Confession 28: Possession

9.6K 183 21
Av vixenfobia

Confession 28: Possession

 

“Can you drive a little faster? I’m late,” may bahid ng pagkairitang boses na sambit ko.

“Yes ma’am,” sagot ni manong taxi driver saka binilisan ang pagdadrive.

Isinandal ko ang likod ko sa back seat at ibinaling ang tingin sa labas ng bintana. Dinala kasi ni Aldous si Jaguar dahil maaga ang pasok niya saka wala rin naman akong gana magdrive kaya ayos lang. Seriously, I don’t wanna go to school. Wala ako sa mood mag-aral but mama insisted. Tinawagan kasi siya ng Admins na kailangan na raw naming pumasok ni Aldous dahil kung hindi ay madadrop na ang ilang subjects namin for consecutive absences. Darn them! Kailangan ko pa kayang magpahinga sa bahay. Ilang linggo nga akong hindi pumasok pero ang dami ko namang pinagdaanan, at isa pa, iniisip ko rin ang kalagayan ng Temple Island at ni Clover.

Napabuntong hininga ako dahil sa mga naiisip. This year surely is a tough one for me, huh. Hindi ko inaasahan na ganito ang bubungad sakin kapag dito na ako nanatili sa Pilipinas. Ang akala ko ay makakapamuhay ako ng simple at tahimik dito, pero sa sitwasyon ko ngayon, this is way far from peace. Ni wala nga akong idea kung bakit ganito ang nangyayari sakin- samin. May nabangga ba akong tao na hindi ko dapat binangga? Pero anong nagawa ko? Sino siya? O sadyang nadamay lang ako sa gulo ng mga taong nakapalibot sakin? Hindi naman kasi lingid sakin na mga gangster ang nakapaligid sakin kaya posibleng dahil sa pagtulong ko sakanila kaya ako nadadamay. Should I stop then?

I don’t know what to do.

“Nandito na po tayo.” Nalipat ang atensyon ko sa driver noong magsalita ito. Kumuha ako ng pera sa bag saka lumabas ng taxi matapos kong maiabot sakanya ang bayad. I took a deep breath at nagsimula ng maglakad papasok sa main gate ng Steins Gate University.

Medyo nakakapanibago na wala ang atensyon sakin ng mga estudyante ngayon. Feeling ko tuloy hindi normal ang araw ko dahil madalas ako ang topic nila- well, karugtong nito ang pangalan ni Oz. Kung behave silang lahat ngayon, ibigsabihin ay walang kalokohang ginawa ang lalaking ‘yon, which is I find weird. Teka, ano ba ‘tong iniisip ko? Dapat matuwa ako dahil walang issue, right? Okay, Alice Lax Grey is happy today. Tss. Walang sense ang tumatakbo sa isip ko ngayon.

Namulsa na lamang ako habang subo ang lollipop sa bibig ko. Ninakaw ko pa ito sa sweets jar ni Aldous dahil hindi niya ako inantay sa pagpasok. Napatingin ako sa itaas ng elevator door after pushing the up button. Nasa 5th floor kasi ang first subject ko ngayon. Maya-maya lang naman ay nagbukas na ito and goodthing ay wala akong kasabay. Minsan kasi nakakairita kapag may kasama ako sa loob tapos ang aga-aga puro hagikgikan. Akala mo mga kinikiliti ang ano. Tss.

Isinandal ko ang sarili sa dingding still looking at the floor numbers sa taas ng elevator door. Huminto ito sa 3rd floor at pumasok ang isang gwapo at matangkad na lalaki. Tamang-tama lang ang haba ng buhok nito, may pagkaseryoso pero hindi naman mukhang masungit ang mukha. Perfect body built na parang hindi pumapalya sa pagpunta ng gym. Neat at boyfriend material ang physical looks. Ang alam ko professor ko ito, pero hindi ko matandaan ang pangalan. Pinagmasdan ko pa ito sandali habang hinahalungkat sa utak kung anong pangalan ng gwapong ito. Humarap siya sa number buttons at akmang pipindutin ang 5 pero agad namang ibinaba ang kamay noong makitang doon na papunta ang elevator. Hindi nagtagal at sabay na kaming lumabas. Nasa likuran niya lang naman ako at nakasunod. Hindi ako stalker, sadyang pareho lang ang way namin.

Pinaglaruan ko ang stick ng lollipop na nasa bibig ko habang patuloy ako sa pagsunod sakanya. He stopped kaya automatic na napahinto rin ako. Geez. Bakit ba kasi sa mismong likuran niya pa ako pumwesto? Muntik pa tuloy akong mabangga sa likod niya. Napailing na lang ako sa sariling naisip at humakbang pakaliwa saka nagpatuloy sa paglalakad sa hallway.

“Ms. Grey, right?” Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ang boses sa likuran ko. Pumihit ako patalikod at nakita ang kaninang lalaking nakasabay ko sa elevator, pero hindi tulad kanina ay nakangiti na ito dahilan upang lumabas ang magkabilang dimple sa pisngi nito. Hindi ko maikakaila na mas gumwapo siya sa ginawa niyang pagngiti.

“Yes. Why?” casual kong sagot at inalis ang subo kong lollipop.

“Goodmorning sir.” Napaharap ako sa bandang kanan noong marinig ang maarteng boses ng isang babae. Girl 1 na nagpapuppy eyes while waving her hand.

“Hi sir,” bati rin ng girl 2 na katabi niya wearing her flirtatious smile.

“Goodmorning,” bati ng kaharap ko sa dalawang babae sabay ngiti. Feeling ko nagheart shape bigla ang mga mata nito saka nagpaalam at kumaripas na ng takbo. Kala nila di ko nakita na pinasadahan muna nila ng tingin ang lalaking ito mula ulo hanggang paa? Malagkit na tingin pa. Kadiri. Mga babaeng manyak.

Ibinalik ko na ang tingin sa kaharap ko na kasalukuyan na rin pa lang nakatingin sakin. He smiled at lumakad palapit. “You’re 3 weeks absent in my class and mind you, it’s consecutive absences.”

 

“I’m aware, sir.” Pagdidiin ko pa sa ‘sir’. Pinilit ko ang sarili na wag mapairap dahil professor ko nga siya. Darn.

Napatawa ito ng mahina at hindi ko na naiwasan ang pagtaasan siya ng kilay. “I hope kilala mo kung sino ako, Ms. Grey,” he paused pero naroroon pa rin ang playful smile sa labi niya. “Let’s go. Malelate ka na sa klase ko.” Pagdidiin nito sa salitang ‘klase ko’. He patted my left shoulder bago ako tuluyang lagpasan.

Napanganga naman ako dahil sa narinig. He’s my first subject’s professor for today? Sh*t. Marahas akong napalingon sa nilakaran niya at nanlaki ang mga mata ko noong nakatingin rin pala ito sakin habang nakangiti pa. Dahan-dahan kong inilipat ang tingin ko sa room na hinintuan niya and saw my first subject’s room number. Siya nga! Ibinalik ko ang tingin sakanya at ganoon pa rin ang ngisi niya bago ito tuluyang pumasok sa loob ng room. Napapikit na lang ako. Muli kong isinubo ang lollipop na hawak ko habang hinahalungkat sa bag ko ang COR (Certificate of Registration) para makita kung anong pangalan ng professor na ‘yon.

Gin Bezarius.

 

I hissed. Still pinning my eyes on the piece of paper. Ito pala ang hunk na kuya ni Oz. No wonder na sa layo kong ito ay naririnig ko ang tilian ng mga blockmates kong babae. Tss. Kaya naman pala pamilyar ang ngisi niya, pareho sila ng kapatid niya. Ibinalik ko na ulit sa loob ng bag ang COR ko at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa room. Hindi na ako nag-abalang kumatok dahil bukas naman ang pinto. Lahat ng babae ay tahimik na nagnanasa sa professor namin sa harapan. Hindi na nga yata nila napansin na may bagong dating dahil abala silang lahat sa pagtunaw kay Gin. ‘Yung mga lalaki naman, walang pakialam ang drama sa buhay. Halata ang pagkairita sa mukha ng ilan. Well, that’s a man’s insecurity. Ang makakita ng lalaking hamak na mas gwapo at mas lamang sakanila, ‘yong tipong wala pang ginagawa pinagkakaguluhan na. Gin Bezarius is one of the best living example.

I rolled my eyes habang tinatahak ang daan papunta sa seat ko. Naabutan ko si Spade na nagsusulat ng notes na agad nag-angat sakin ng tingin ng mapansin ang presensya ko. He smiled sugar-dusted kaya nginitian ko rin siya. Tinanguan ko siya at dumiretso na sa upuan ko. Nilabas ko na ang book sa subject namin. Paharap na sana ako sa unahan nang mahagip ng mga mata ko ang natutulog na si Oz sa tabi ko. He’s sleeping peacefully and I can’t deny how cute and innocent his face is. Akala mo bata kung matulog. Hindi ko maiwasang mapangiti sa isip ko habang pinagmamasdan siya. Mukhang mahimbing ang tulog at talagang naisipan niya pang gawin ‘yan sa oras ng subject ng kuya niya. How bad little brother. Biglang nagflashback sa isip ko ang mga nangyari sa private island at ramdam na ramdam ko ang pag-init ng magkabilang pisngi ko. Agad kong iniwas ang mga mata ko sakanya at itinuon na lang ang sarili sa libro. Hindi ko nga alam kung anong page basta binubuklat ko lang ito.

***

 

“5PM sharp, go to my office to take your special exam-”

 

“Paano kapag nalate ako?” mataray kong tanong.

Huminto ito sa pag-aayos ng gamit ngunit nanatiling nakayuko. Umangat ang isang sulok ng labi nito na nakapagpataas ng kilay ko dahil sa kaweirduhan niya. “Ms. Grey, I said sharp.” Nag-angat ito ng tingin at binitbit ang libro sa kanang kamay niya. “Late for even a minute, then hello singko (5.0)” ngumiti pa ito ng nakakaasar bago tuluyang lumabas ng classroom.

Hindi ko na napigilang mapairap habang pinagmamasdan ang likuran nito. “Geez. How dare he? Huh! Bwisit,” inis na bulong ko nang tuluyan na nitong isara ang pinto at naiwan akong mag-isa sa classroom. Napabuntong hininga ako at itinaas ang long sleeve para makita ang oras sa suot kong wirst watch. Lunch time na kasi at pinaiwan ako ni Gin Bezarius para sabihing kumuha daw ako ng exam. I fished my phone in my pocket ng magvibrate ito.

From: Oz the Bossy

Where the hell are you?!

Ganyan lang kasimple ang message niya. Can’t he talk without cussing?

Inis akong nagmartsa palabas ng classroom at nagpalinga-linga sa paligid. Sabi kasi ni Oz dito lang daw siya mag-aantay sa labas habang kinakausap ako ng kuya niya. Hindi naman ako nahirapan sa paghahanap sakanya dahil malayo pa lang ay kita na ang mga babaeng tumititig sakanya. Tss. Arte ng mga ‘to. Ibinalik ko ang tingin kay Oz na wala namang pakialam sa paligid niya. Baka nga hindi pa ‘yan aware na pinagnanasaan na siya ng mga babae dito e.

Naramdaman kong muli ang pagvibrate ng cellphone sa bulsa ko at hindi naman ako nagkamali noong pangalan niya ang lumabas sa screen. Pinagmasdan kong muli si Oz na inip na nakasandal sa pader malapit sa elevator habang nakapamulsa pa ang kanang kamay sa bulsa. Kulang na lang ay mabasag ang screen ng phone niya sa kakapindot, isama mo pa ang masamang tingin nito sa phone. Kasabay naman noon ang sunud-sunod na pagvibrate ng cellphone na hawak ko. Hindi kasi tumitingin sa paligid, samantalang nandito lang naman ako malapit sakanya.

Nagsimula na ulit akong maglakad palapit sa pwesto niya saka huminto noong halos dalawang hakbang na lang ang pagitan namin sa isa’t-isa. Hindi pa rin ako nito nililingon kahit na lahat ng atensyon ng mga babae dito ay nasamin na. Siguro ay iniisip nito na kung sinong babae lang ako na gustong umarteng bubble gum at dumikit sakanya. Tss.

I nailed my eyes on my phone screen noong magvibrate muli ito. Tumatawag na siya ngayon. Hanggang ngayon siguro ay nag-aantay pa rin ito ng reply ko sa mga messages niya. Napailing na lang ako before sliding the answer button.

[Where the hell are you woman?!] sigaw na bungad nito.

Awtomatikong napatitig ako sa mukha niya. Seryoso? Hindi niya talaga napapansin na nandito na ako sa tabi niya? Tss. This guy really is impossible. Hindi ako sumagot at pinasadahan ng tingin ang paligid. Nagpapapalit-palit ng tingin samin ang mga tao, siguro ay nagets na nila na kaming dalawa lang naman ng lalaking ito ang nagtatawagan. Gusto kong ibaon si Oz sa kahihiyan at katangahang pinapakita niya.

[Damn! What happened?! Bakit hindi ka nagsasalita-]

 

“Don’t shout, idiot.” Natahimik ito at lumambot ang ekspresyon ng mukha. I heaved a sigh at mas lumapit pa sakanya. Hindi pa rin ako nito nililingon na halatang nakatuon ang atensyon sa cellphone. “I’m here.” I said whispering on his ear. Napabalikwas ito ng tayo at napatitig sakin ng gulat. Umayos na rin ako ng pagkakatayo ko and stared at him with blank face. Ibinaba ko na ang cellphone na hawak ko and rolled my eyes on him bago siya nilagpasan palapit sa pinto ng elevator.

“Kanina ka pa doon?” mahinang tanong nito noong nasa tabi ko na siya.

Hindi na ako nag-abalang lumingon at pumasok na sa elevator. “Enough to witness how dumb you are.”

 

“Tss. Kanina ka pa pala doon hindi ka manlang nagsabi samantalang kanina pa kita inaantay-” napahinto ito sa pagsigaw noong titigan ko ng masama. He cleared his throat at inis na pinagmasdan ang paligid. “Tinitingin-tingin niyo diyan?!” Agad namang nagsiiwas ng tingin ang mga estudyanteng kasabay namin sa elevator. Oz will always be Oz.

Nakasunod lang siya sa likuran ko noong lumabas kami ng elevator. Pansin ko ang pag-iwas ng tingin ng mga estudyante sakin na ikinataka ko. Usually kapag kasama ko ang lalaking ito, masasamang tingin ang natatanggap ko sa mga babae habang manyak na tingin naman mula sa mga lalaki pero ngayon lahat sila ay umiiwas na magtama ang mga tingin sakin. What with the weirdness?

Nilingon ko si Oz sa likuran ko na cool lang namang naglalakad. Huminto ito sa harapan ko na mukhang nagtataka. Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa para maghanap ng kung anong weird sakanya, pero wala naman akong makita. Ibinalik ko ang tingin sa paligid at napansing wala ni isang estudyante ang nakatingin sa pwesto namin na para bang invisible kami. Weird talaga.

Ibinalik ko ang tingin kay Oz at nagtama ang mga mata namin. Bigla na lang kumabog ng malakas ang dibdib ko pero hindi ko na lang ipinahalata.

“Why?” tanong nito.

“I should be the one to ask. Why?” I asked raising him a brow. Bakas naman ang pagkalito sa mukha nito. Huminga muna ako ng malalim bago magsalita dahil mas lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko habang tumatagal. “I mean, why are they like that? They’re acting weird. Pansin mo ba?” parang batang tanong ko sakanya na muling ibinaling ang tingin sa paligid.

Nakita ko sa peripheral ang pagtingin nito sa paligid namin. “Hindi naman ah.” Saka ako nito muling binalingan ng tingin. “Kung anu-anong iniisip mo. Halika na, gutom lang ‘yan.” Sabay akbay nito sakin na mas nagpalala ng abnormal heartbeats ko. Darn Oz!

Spade’s POV

 

“Nagreply ba sayo si Alice?” tanong k okay Clover pero tinaasan niya lang ako ng kilay.

Ibinaba nito ang hawak na kutsara at tinidor at nilunok ang kinakain niya. “Paulit-ulit talaga, kuya? Sinabi ng hindi nga e. Hawak mo na nga ang cellphone ko sakin ka pa rin nagtatanong,” she said rolling her eyes. Napatingin ako sa kanang kamay ko na hawak nga ang phone niya. “At ikaw ang classmate niya pero samin ka tanong ng tanong,” napapailing na sabi nito.

“Pinaiwan kasi siya kanina ni sir Gin.” Paliwanag ko naman.

Hindi na ako nito sinagot at binalingan niya ng tingin ang katabi niyang si Coller na kanina pa tulala. “Coller, kumain ka na. Kanina mo pa hindi ginagalaw ang pagkain mo.” Bakas ang pag-aalala sa tono nito. Tinanguan lang naman siya ng katabi at halatang wala sa loob ang pagkain.

Muli kong pinagmasdan ang mga cellphone na hawak ko, nag-aantay na magreply si Alice. Kanina ko pa kasi ito tinitext pero hindi manlang nagrereply. Hindi ko naman alam kung bakit siya pinaiwan ni sir Gin sa room, wala tuloy akong idea kung anong pinag-uusapan nila. Isinandal ko na lang ang sarili sa upuan habang pinagmamadan ang mga cellphone na nasa harapan ko.

‘Sila na ba talaga?’

 

‘They’re dating, right? Baka nga sila na.’

 

‘Then why did Oz didn’t announce it? It means they’re still unofficial.’

 

‘And I think that Alice is no ordinary girl.’

 

‘Yeah right. Kahit na sinabihan na tayo ni Oz na wag babanggitin ‘yon, I will never forget that.’

 

‘She’s a beast. She’s a monster.’

 

‘She’s as scary as devil!’

Marahas kong nilingon ang kabilang table kung saan may tatlong babaeng abala sa pagchismis. Kanina ko pa sila gusto sitahin pero hindi ko napigilan ang makinig, but they’re going overboard. Tumayo ako at inihampas ang kanang kamay ko sa lamesa nila dahilan upang mapatalon ang mga ito sa gulat. They stared at me dropping their jaws with wide eyes. Inilapit ko ang mukha ko sa babaeng tumawag kay Alice ng beast at monster. Napalunok naman ito habang hindi gumagalaw. Ni hindi nga ito makakurap dahil sa distansya namin sa isa’t-isa.

I smirked seeing fear striked her eyes. “You called her what?” malamig kong tanong.

“A-Ahm…” nauutal nitong sabi na para bang nalunok na ang sariling dila.

Mas inilapit ko pa ang mukha sakanya. “I suggest you to shut up.” Tumango ito ng sunud-sunod. Muli ko siyang nginitian at umayos na ng tayo. “Good.” I said patting her head. Binalingan ko ng tingin ang dalawa pa nitong kasama na halatang mga takot. Napabuga na lang ako ng hangin bago tumalikod. Iniwan ko na sila at bumalik sa upuan ko na agad nakapagpawala sa ngiti ko. Hanggang ngayon ay wala pa ding reply si Alice.

“Kuya.”

 

“Hmm?” I said still staring at the phones.

“Anong ginawa mo sa kabilang table at mukhang takot na takot ang mga babaeng ‘yon?”

 

Nag-angat ako ng tingin at nakitang nginunguso nito ang table ng tatlong babae. Nagkibit-balikat lang ako bago walang ganang tumayo. Ibinulsa ko na ang cellphone ko at inabot na sakanya ang cellphone niya. Akmang aalis na ako ng hawakan nito ang laylayan ng polo ko. Tumungo ako at nagtatakang napatingin sakanya.

“Bakit Clover?”

 

“Saan ka pupunta?”

 

“Magpapahangin lang. Samahan mo muna ‘yang si Coller.” Tango na lang ang isinagot nito sakin. Ginulo ko ang buhok nito at nginitian bago tuluyang lumabas ng cafeteria.

Sinimulan ko ng maglakad palayo kahit na hindi ko alam kung saan ba ako dapat pumunta. Walang direksyon akong nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa namalayan ko na lang na nasa isang lumang garden na ako. Inilibot ko ang tingin sa paligid at napansing mukhang walang ibang tao rito bukod sakin. Nasa bagong garden kasi karamihan ang mga estudyante dahil mas maganda ito. Bagong pintura at maraming makukulay na halaman hindi tulad nitong lumang garden na mga puno at maalikabok na tables lang.

Naglakad ako palapit sa isang mayabong na puno at sumandal rito. I slid one stick of cigarette from it’s pack at sinindihan. I puff a couple of smoke nang mapansin sina Tao at Kris na naglalakad mula sa labas ng garden patungo sa direksyon ng cafeteria. Naalala ko bigla si Coller at Clover na iniwan ko doon. Nag-aalala kasi ako nab aka magtagpo ang landas nila dahil hindi naman lingid sa kaalaman ko kung gaano kinamumuhian ng Temple Island si Coller. Kinuwento kasi sakin ni Clover ang lahat ng nangyari noong subukan nilang kausapin ang dalawa ngunit naawa lang ako noong malaman kong hiniling pa ni Kris na sana ay namatay na lang si Coller.

Napailing na lang ako sa sariling naisip bago ilabas ang cellphone sa bulsa ko. I dialled Clover’s number na agad naman nitong sinagot.

“They’re on their way to cafeteria. Umalis na muna kayo diyan.” She hung up after that. Muli ko ng ibinalik sa bulsa ang cellphone ko dahil nakaramdam na naman ako ng disappointment noong makitang wala manlang text galing kay Alice. Muli akong sumandal sa puno at humithit sa sigarilyong hawak ko.

“Will you stop, Oz? Naiinis na ako.”

 

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Sabi na nga ba, boses niya ‘yon. Napangiti ako ng makita ang kunot nitong noo habang mabilis na naglalakad. Bakas ang pagkairita sa mukha nito. Ngunit agad na nawala ang ngiti sa labi ko noong makita kung sino ang kasama nito. Nakasunod lamang si Oz sa likuran niya habang cool na nakapamulsa ang isang kamay habang ang kabila naman ay pilit inaakbay kay Alice. Pangiti-ngiti ito na tila ba’y nasisiyahan pa sa ginagawa niya. Pilit namang inaalis ni Alice ang braso ni Oz tuwing maaabot nito ang balikat niya. Sinundan ko lamang sila ng tingin hanggang sa tuluyan na silang nawala sa paningin ko.

Hindi ko alam kung kailan ako nagsimula maging ganito. Ni hindi ko nga matandaan kung bakit, basta nagising na lang ako isang araw na nakakaramdam na ako ng pagkairita tuwing nakikita ko silang magkasama. Nababalot ako ng bahagyang kalungkutan tuwing nababalewala niya ako at nasisiyahan kapag pinaglalaanan ng atensyon. Pakiramdam ko hindi magtatagal at mababaliw ako kapag nagpatuloy pa ito.

Humithit ako ng isang beses pa sa sigarilyong hawak ko saka ito itinapon sa lupa at inapakan. Umayos na ako ng tayo at akmang aalis noong makaramdam ako ng presensya sa tabi ko. Napakunot noo ako at nilingon ang kaluskos mula sa mga bushes. After a couple of seconds ay nakita ko ang isang pigura ng babae na nakatayo sa tabi ng puno. I narrowed my eyes at namukhaan kung sino ito.

“What are you doing there, Aoi?”

 

She yawned at nag-inat pa ng katawan. “Hindi ko namalayang nakatulog pala ako.” Sabay ngiti nito.

Tumango lang ako sakanya ngunit agad na napahinto noong marinig itong magsalita.

“I saw how you stared at them…” Napalingon ako sakanya at nakita ang pagtaas ng sulok ng labi nito. “…the way you look at Alice,” dugtong niya pa. Nagsimula itong maglakad palapit sakin at huminto sa tabi ko.

“And?” walang interes kong tanong bago nagsimulang maglakad palabas ng garden. Nasa tabi ko naman ito. Hindi ko pinahalata sakanya na interesado ako sa mga gusto niyang sabihin.

“But she’s Oz possession.”

 

Napahinto ako sa paglalakad and found myself gritting my teeth. Hindi ko siya nilingon at nagsimulana muling maglakad.

I heard her softly chuckled and said. “I once had my possession,” she paused. “But I let it slid from my grip.” Doon na ako napatingin sakanya. Nagsalubong ang kilay ko at alam kong bakas na ang kuryusidad sa mukha ko. She grinned at me kaya napaiwas ako ng tingin. “And I’ll do everything to get back what’s mine. My possession should always be mine and mine alone.”

- - -

Spade Montelava on the side. Look how disappointed he is </3

Fortsett å les

You'll Also Like

144K 2.9K 41
People always say, never be attracted with the angelic face. They were demons. Every year, in every school, there's always a repeater and a transfere...
1.7M 47.9K 63
Disguised as a nerd after an incident in China. Trying to cover up her identity to hide. But transferring to another school was a mess. Bullies come...
752K 12.5K 38
Gianna Princess Thrice Williams,isang sophomore college student na bumalik ng Pilipinas para hanapin ang hustisya sa pagkamatay ng pamilya nya,But wh...
2.6M 69.9K 33
Gorgeous, Rich, and Bitch-- Three words describe this girl. Her dad sent her in their own university for her to study. Then, she pretend to be a nerd...