BROKEN STRINGS (COMPLETED)

By SweetKitkat

16.2M 249K 42.4K

COMPLETED | Y2014 - Y2015 ------ "H-Hindi kita kayang panagutan. I'm sorry." hinila ko ang braso nito. "P-Ple... More

WARNING:
PROLOGUE
NEW BS #1: MOMENT WITH HIM
BS #2: TRUST ISSUE
BS #3: A NIGHT WITH HIM
BS #4: THE 'B' WORD
BS #5: POSITI--- WAIT! WHAT?!!
BS #6: THROWN AWAY
BS #7: WAKE UP
BS #8: WRIGHT
BS #9: AKO, SI REID AT SI JOLLIBEE
JUST WANNA KNOW
BS #10: THE ONE WHO LEFT BEHIND
BS #11: CHERRYPOP
BS #12: MORNING SUPRISE
BS #13: PIGGY BACK RIDE
BS #14: DESPERATE ASSH-LE
BS #15: AYAW PA
BS #16: KWARTO NIYA
BS #16.5: MANIWALA KA, PLEASE
APAT NA HINAING!
BS #17: PIECE BY PIECE
BS #18: NO WRIGHT, NO REID (1)
BS #19: NO WRIGHT, NO REID (2)
BS #20: STUCK BETWEEN TWO STONE
BS #21: LIP-LOCKING
BS #22: TAKE ME BACK, BABY!
BS #23: I HAVE A CONFESSION TO MAKE
BS #24: BLAME ME ALL YOU WANT
BS #25: MAKE UP YOUR MIND
BS #26: SEVEN DAYS
BS #27: SURRENDER
BS #28: PAK!
BS #29: PAYONG KAIBIGAN
BS #30:LET'S MAKE UP
BS #31: WALA NA SIYA
BS #32: IT BURNS MY HEART
BS #33: LIVED HAPPILY EVER AFTER?
BS #34: SORRY FOR THE BURDENS
BS #35: ICE PACK
BS #36: LIFELESS WITHOUT YOU
BS #37: H.I.M.
BS #38: CHASING HAPPINESS
BS #39: ROAD TO HAPPINESS
BS #40: MY GIFT
BROKEN STRING (EPILOGUE)
SK NOTE:
SPECIAL CHAPTER(1)
SK NOTE:
ATTENTION:
SPECIAL CHAPTER (2)
SPECIAL CHAPTER (3)
NEWS
GREAT NEWS!

BS #15.5: COLD AS ICE

353K 5.2K 905
By SweetKitkat

BS #15.5: COLD AS ICE

*******

MELISSA QUIZON

"Hi." Nakangiting sabi ni Wright.

Shit. "A-Anong ginagawa mo dito?"

Napansin kong marami ng kumukuha ng litrato sa amin ni Wright kaya ginagawa ko ang lahat para maging propesyonal ang itsura ko. May mga guwardiya na pumipigil sa mga tao na pumasok sa loob ng faculty.

I saw how alarmingly gorgeous this guy really was. The one hand fisted in his pocket tugged at his jeans, revealing a small sliver of a taut stomach. "Uh.. Itatanong ko lang sana kung bakit ayaw ng pumasok ni Bobbie sa school?"

Nagulat ako sa sinabi niya. Ngayon ko lang napagtanto na dalawang araw na palang hindi pumapasok si Bobbie. Wala naman akong napansin na may kaaway niya sa room o kaya may nanunukso sa kanya. Tahimik naman kasi si Bobbie, parang ilag siya sa mga tao. Kasalanan ko ba iyon? Hindi ba siya na-satisfied sa pagtuturo ko? Natakot ko ba siya?

"Where's she? I want to talk to her, Mister Agoncillo." pormal kong sabi ngunit mat bahid ng pag-aalala. Hangga't maaari ayokong mapuna ng iba na may nakaraan kami.

He stared at me.

I stared back.

"This is a serious matter, Miss Quizon. Can we talk in private?" He asked as he stepped closer. 

"Private? Really." I echoed. I clenched my teeth and worked to keep my lips in a neat, straight line.

He nodded. "Yes."

Tumingin ako sa paligid namin. Maski sila Ellyza, Crissa at Nadine ay nakikisali na rin sa pagkuha ng litrato kay Wright. Nagtatawanan pa ito habang tinitingnan ang mga picture na nakukuha nila kay Wright. Nang makita nilang nakatingin ako ay nangusap ang mga mata nila na parang sinasabi na ang swerte ko. Bakit ba sila lukong-luko sa lalaki na ito?

Pinanatili ko ang blankong ekspresyon.

I'm a professional. "Follow me."

Nauna akong maglakad. Kahit na nakatalikod ako, nararamdaman ko pa rin ang nakakapasong titig nito. Ginalaw ko ang balikat ko para maialis ang tensyon doon. Pumipito ito habang patuloy sa pagsunod sa akin. Unti-unti na rin nawala ang ingay sa paligid.

Binuksan ko ang pinto ng Guidance Office. Sa mga ganitong sitwasyon hindi lang dapat ako ang kausap niya. Kailangang nakaharap ang principal habang nag-uusap kami.

"After you." Malamig kong sabi sa kanya.

Tumaas ang isang kilay nito at ngumiti. Biglang nag-init ang ulo nang ngumiti siya. "No, after you."

"Okay." Sabi ko para hindi na humaba pa ang usapan namin. Yes, I'm shutting him out. Shutting him out of my life. Napatingin sa akin ang principal. Ngumiti ito sa akin. "Good Morning, Ma'am."

"Oh, hi, darlin--- Mamma mia." Napapilig ang ulo ni Ma'am Esqueza nang makita si Wright sa gilid ko.

"Good Morning, Ma'am." Matamis na sabi ni Wright.

Tumikhim si Ma'am Esqueza at inayos ang salamin. Naging pormal na rin ang mukha nito. Ngunit makikita pa rin ang pagkamangha nito sa lalaki. "Please, have a seat."

Magkatagilid kaming umupo sa harap ng lamesa ni Ma'am Esqueza. Iniiwasan kong tingnan si Wright. Pinatigas ko ang leeg ko at itinutok ang mata kay Ma'am Esqueza.

"I'll cut the chase, Ma'am Esqueza. My niece, Bobbie, doesn't want to go to school anymore and I wonder why." Diretsa ngunit marahang sabi ni Wright. Walang halong awtoridad sa boses nito o kahit na paninisi.

Kumunot ang noo ni Ma'am Esqueza. Pinagsalikop nito ang dalawang kamay na nakapatong sa lamesa niya. "From what class does she belong, Mister Agoncillo?"

"In my class, Ma'am." Magalang kong sabi. Mula sa gilid ng aking mata, napatingin din sa akin si Wright. Yumuko ako ng kaunti. "Hindi ko po alam kung bakit hindi na siya pumapasok."

"Bakit hindi mo alam gayong nasa klase mo siya, Miss Quizon." Kinagat ko ang ibabang labi ko nang mabahid ang pagtataka sa boses ni Ma'am.

"Ang napansin ko lang po sa kanya ay ang pagiging tahimik at ilag niya sa ibang bata. Palagi ko naman po siyang minamanmanan dahil bago siya at hindi madaling mag-adjust." Humugot ako ng malalim na hininga bago magsalita uli. Yumuko ako ng kaunti. "It's my fault, Ma'am, nagkulang po ako ng pagbibigay ng atensyon sa kanya."

Humugot ng malalim na hininga si Ma'am Esqueza. "We need to talk to your niece, Mister Agoncillo. Kailangan nating malaman kung bakit ayaw na niyang pumasok. Can you bring her here?"

"I'm afraid I can't do that."

Nagsalubong ang kilay ko. Napalingon ako sa kanya. "Why?"

"Nakapagdesisyon na ang parents niya. Mag-ho-home tutorial nalang siya ng Piano." Hinawakan nito ang sariling panga. He stared at me. "And I decided na ikaw ang kunin na tutor, Miss Quizon."

Naalis ang pagka-dikwatro ko at patuwid na napaupo. Nagsimula ng magpanic ang sistema ko. "What? No way!"

"Miss Quizon, wala ka sa posisyon para magreklamo. May I remind you that it's your fault why Bobbie doesn't want to go to school. Nagkulang ka ng atensyon sa kanya." Mariing sabi ni Ma'am Esqueza.

No! Ayoko. Shit. "But, Ma'am, may klase po ako ng Monday to Friday."

Nagkibit-balikat ito at itinaas ang dalawang kamay. "Saturday and Sunday."

"Pero yung.." Sumulyap ako sa gawi ni Wright. Nakamasid ito sa akin, sinusundan ng mga mata nito ang kilos ko. Pagkatapos ay tumingin uli ako kay Ma'am Esqueza. "Yung anak ko, Ma'am. Mawawalan ako ng time sa kanya."

Katahimikan ang namayani sa amin. Nag-iisip ng maaaring paraan si Ma'am Esqueza para hindi matapat ng sabado at linggo ang home tutorial ni Bobbie. Ayoko talaga na ako ang ma-assign doon. Dahil ang ibig sabihin sa akin ng home tutorial na iyon ay, Bobbie plus Wright in One f-cking roof. I can't even bear to be with him in less than Thirty Second, dalawang araw pa kaya na magkikita at magkakasama kami! No freaking way!

Kahit na hindi ako nakatingin sa kanya. Ramdam ko pa rin ang init ng mga titig niya sa akin. Lumakas na naman ang kalabog ng puso ko na kanina ay kontrolado ko pa.

"Ma'am, kung iba nalang po kaya ang magtu-tutor kay Bobbie? Si Nadine, 'diba wala siyang Sunday and Monday. Wala naman siyang anak n----"

Napatingin kami kay Wright nang tumikhim ito. "Bibilhin ko ang Thursday at Friday mo, Miss Quizon. Dodoblehin ko pa. Ako ang magpapasweldo sayo ng mga araw na iyon."

"H-Huh?" What? Heck, no!

"'Yun naman pala. Maghahanap nalang ako ng pwedeng i-sub sayo sa araw na iyon. And since, ikaw ang adviser ni Bobbie encourage her to go back to school. Mas marami siyang magiging kaibigan dito." Shit. Naloko na.

Wala na akong nagawa kundi pumayag nalang sa gusto nila. Kung tatanggi ako, uulanin ako ng tanong ni Ma'am, mahirap na baka madulas ang dila ko at masabi ko ang tungkol sa nakaraan. Ano pa ba ang maipanlalaban ko gayong ako naman talaga ang may kasalanan. Kung napagtuunan ko lang sana ng pansin si Bobbie, edi sana hindi nangyayari 'to. Lintik! Sa lahat-lahat ba naman ng tao, si Wright pa ang naging Tito nito. Pinagtataksilan ata ako ng tadhana.

Nag-request si Ma'am Esqueza na magpicture sila ni Wright. Nang tingnan ko ito ay abot-tainga ang ngiti niya. Parang nanalo siya sa lotto. Inismidan ko ito bago lumabas ng guidance office.

Feeling ko naisahan niya ako. Kapag nalaman kong planado niya ito, ihahampas ko sa mukha niya yung Grand Piano.

Napaatras ako nang may humarang sa daanan ko. Tinaasan ko ito ng kilay. Ngayong kaming dalawa nalang ang nasa loob ng faculty room mas lalong naging malinaw sa mata ko ang anyo nito.

His black hair was longer than it had been last time I saw him, but it was still fairly short, brushed back from his face and emphasizing the strong, fierce features that had haunted so many of my nights. And his eyes. Deep, almost black, a midnight blue that made my heart beat faster.

Damn it!

Kinamot nito ang batok. "Uh, salamat sa pagpayag mo sa alok ko. Kahit na.."

"Si Bobbie naman ang sadya ko doon at wala ng iba." Malamig kong sabi. "May klase pa ako."

Dinaanan ko ito ngunit napatigil ako nang hawakan nito ang siko ko. Hindi ko siya nilingon. Pinanatili ko ang blangkong ekspresyon.

"Melissa.." May paghihirap sa boses nito. Pinatigas ko ang leeg ko para hindi lumingon sa kanya. "If you could just hear me out. Please. I'm damn desperate to have you again."

Hindi na ako madadala sa mabubulaklak na pananalita niya.

Dahan-dahan ko siyang nilingon at malamig na tiningnan. Bumaba mata ko sa kamay niya na nakahawak pa rin sa siko ko. Mariin kong binawi ang siko ko mula sa hawak nito. Saka walang salitang lumakad palabas ng faculty room.

He will never have me again.

Ayoko na uling magkaroon ng kahit anong koneksyon sa kanya.

I won't let him close enough to hurt me. Again.

-----

UNEDITED. Sorry sa errors at typos. ^^ Please, 'wag po kayong magmura sa comment box. Baka po ma-restricted tayo. Sabi nila isa daw iyon sa mga dahilan para marestricted ang isang story.

UPLOADED: JUNE 10, 2014

SWEETKITKAT LOVES YOU ALL!

Continue Reading

You'll Also Like

160K 4.6K 62
Girl and boy hates each other. Typical. Cliche even. But who knows, they might just be the perfect match for each other.
15.1M 585K 48
(Game Series # 5) Lyana Isobel Laurel never wanted complication. She never dreamed of marrying into a wealthy family-a family that's way out of her l...
2.1K 150 34
Three Words, Two Seconds, One Moment by: Mervin Canta Tyran Fuller is obsessively in love with Angelica Jones. But the problem is he doesn't know h...
3.8M 106K 53
"Walang mangyayaring kasalan!" Asik sa akin ni alec. Napairap ako sa kawalan at kaagad na padabog na tumayo sa sofa na kinauupuan ko. "I want to be y...