THE SUBSTITUTE BRIDE (COMPLET...

By shanadiane_087

171K 3.6K 155

when you think that everything was right but then your wrong. how can you accept the fact that you're not who... More

PROLOGUE
CHAPTER 1: INA MICHELLE ALVAREZ
CHAPTER 2: the flashback PT. 1
CHAPTER 3: Flashback continues PT.2
CHAPTER 4: INA'S LIFE IN PARIS
CHAPTER 5: Darwin Romualdez
CHAPTER 6: THE CALL
CHAPTER 8: THE DECISION
CHAPTER 9: Meeting the fiancee
CHAPTER 10: Preparation
CHAPTER 11: Wedding
CHAPTER 12: Honeymoon trip
CHAPTER 13: Kaiser's gift
CHAPTER 14: Busy
CHAPTER 15: First Date
CHAPTER 16: Grand opening
CHAPTER 17: Her first love
CHAPTER 18: Confession pt. 1
Chapter 19: Confession pt. 2
Chapter 20: Her Family
Chapter 21: Jealousy
Chapter 22: Mystery gifts
Chapter 23: The Truth pt. 1
Chapter 24: Confrontation
Chapter 25: Worried
Chapter 26: Truth untold pt. 2
Chapter 27: Acceptance
Chapter 28: Shares
Chapter 30: Forgiveness
Chapter 29: Tribute show (Danger)
Chapter 31: Marriage
Epilogue

CHAPTER 7: FAMILY DINNER

4.4K 113 4
By shanadiane_087

INA'S POV

Three weeks na akong ginugulo ng tawag ni mommy hindi ko alam kung dapat pa ba akong bumalik o pabayaan na lang ang utos nila sa akin. Kahit na sobrang busy ko sa office hindi pa rin mawala sa isip ko kung anong paguusapan namin, maybe dahil sa mana? But pwede naman nila yung ibigay na lang lahat kay Irene alam naman nila na wala akong pakialam kahit anong gawin nila dun. Unless iba ang nasa isip nila lola ng ipamana ang company? Hayyy!! Napahilot na lang ako sa noo ko, ang dami kong iniisip.

Nakarinig ako ng mahinang katok sa pintuan ko kaya naputol ang pagiisip ko sa bagay na yun.

"Come in."

"Busy?" It was Alex.

"No. Im just thinking about something." Sagot ko sa kanya. I pointed the chair for her to seat.

"Care to share?" She asked me while smiling.

"Mom wants me to go home." I said frustrated.

Nakita kong nawala ang masayang ngiti ni Alex sa sinabi ko.

"But this is your home." Kunot noong sabi niya.

"I know Haha.. I'm just thinking if maybe I should go. Its been what? 7 years?  I have come so far. And I dont want them to think that Im just hiding. Besides im already tired of running away." I sighed heavily.

"Are you sure? What if they manipulate you again? Or worse they wont allow you to come back?" Sunod sunod na tanong sa akin ni Alex. She really care about me.

"Don't worry. Im already an adult Alex. I can decide on my own right now. Para Saan pa at 7 years mo akong tinuruan lumaban? " I answered her while chuckling para mabawasan ang pag-aalala nya saakin.

"Just make sure na hindi ka na naman mapipilit ng parents mo. Ok?" Sabi pa nya ulit.

Tumango na lang ako sa kanya. Hindi nagtagal ang paguusap namin ni Alex kasi kinailangan din nyang asikasuhin ang ibang clients.

>>>>>>>>>>>>>>>

Ngayon ang flight ko papuntang pilipinas. Ang dami kong iniwanan na trabaho kay Alex, na konsensya tuloy ako. Gusto sana niya akong ihatid sa airport pero pinigilan ko na. Baka kasi maisipan kong wag nang umalis pag makita kong umiyak siya.

14 hours and 30 minutes ang biyahe. 4 pm ang flight ko kaya alauna ng madaling araw ang dating ko.

Pagkalapag na pagkalapag ng eroplano, ramdam na ramdam ko ang kaba sa dibdib ko. Pakiramdam ko lalabas ng wala sa oras ang puso ko. Dapat masaya ako kasi nakauwi na rin ako pero hindi eh!

Nag check in ako sa elizabeth royale palace hotel (a/n: di yan totoo :) ) dito sa Manila. Hindi ko balak magtagal dito sa pilipinas balak ko mga one week uuwi na rin ako.

Hindi pa alam nila mommy na nakarating na ako dito. Magpapahinga muna ako ng 2 araw bago ko sila puntahan.

>>>>>>

Pangatlong araw ko na dito sa manila kaya napagpasyahan kong puntahan na lang sila mommy sa bahay.  Kabisado ko pa naman yun. Tsaka its all over the internet masyadong socialize sila mommy.

Nagpahatid lang ako ng taxi sa bahay nila mommy. Pagkababa ko sa gate, hindi ko maiwasang balikan yung dati kong mga ala-ala. Pigil ang paghinga ko habang pinipindot ko ang doorbell, tatlong beses kong napindot bago may magbukas ng gate. Isang babae ang nagbukas and base on my observation, she's around 22? Nakasuot siya ng pang maid na damit.

"Good morning po! Sino pong hinahanap niyo?" Magalang niyang tanong sakin.

Hindi ko alam kong sino ang sasabihin kong hinahanap. I was about to say my mommy when the gate open widely, lumabas ang isang may katandaang babae.

"Gelle? Sino ang bisita?" Tanong pa niya. Nang makita ko ang kabuuan niya hindi ko na napigilang umiyak. Sabay sabay sa pag-agos ang mga luha ko habang tinitingnan sa harap ko si nanay loleng. Ang tagal na rin simula ng magkausap kami.

Nang makita niya ako, agad niya akong dinaluhan at niyakap ng mahigpit.

"Ano ka bang bata ka! Ang tagal kitang hinintay." Sabi pa sakin ni nanay loleng wala akong naging sagot kundi tanging paghikbi.

Pagkatapos ng mahabang kamustahan namin ni nanay loleng, nagpahanda siya ng kwarto para sa akin. Nalaman ko rin na ang kapatid ko na ang gumagamit ng kwarto ko ngayon. Dumarating daw sila mommy kapag alas magga-gabi na.

"Tatawag ba ako sa mommy mo para malaman nilang umuwi ka ngayun? At nang mapa aga sila?" Tanong ni nanay loleng. Umiling na lang ako bilang sagot. Kinwento ko kay nanay lahat ng mga importanteng nangyari sa akin kaya hindi maiwasan na magkaiyakan kami.

Nagpaalam muna si nanay loleng na maghahanda na muna sya sa pagdating ng parents ko, kaya nagkaroon ako ng oras para makapag pahinga na muna. Naligo ako saka nagpalit ng damit. Balak kong bukas na lang bumalik ng hotel.

Nakarinig ako ng busina ng kotse kaya napagpasyahan kong bumaba na. Nadatnan ko sa sala sina mommy kasama si Irene.

"Good evening mom and dad!" Bati ko sa kanila. Hindi nagbago ang itsura nila kung meron man si mommy na nadagdag ang pagiging strikto ng mukha.

Lumapit ako para halikan sila sa pisngi. Nakita ko pa ang pagirap ng kakambal ko.

"Let's continue this to dinner." Pahayag ni daddy. 

Habang kumakain tunog lang ng mga kutsara ang naririnig, kaya hinayaan ko na lang. Pagkatapos kumain, si daddy ang unang nagtanong.

"How's work?" Casual na tanong niya.

"Great! Actually I'm thinking of coming back one week after." Sagot ko habang tinitingnan ang mga plato sa harap ko.

"Extend your vacation. We have to take care of some important matters about our businesses." -dad

"I'm not sure if I can dad. Im also busy about work." Tiningnan ko siya bilang pahayag na tutol ako.

"We all know about that Ina but, you have to at least help us." Si mommy na ang nagtuloy ng kung anuman ang gustong sabihin ni dad. Kinakabahan ako dahil sa pagiging kalmado nila.

"What help are you saying mom?" This time giving them my full attention.

"We lose our share at our branch company here in manila. Meaning there's a possibility that we may lose our other branches." Sagot ni mommy habang nakatingin sakin na para bang kailangan kong intindihin yun kasi para naman saakin yung gingawa nila.

"What does it have to do with me? I m-mean your business won't turn down just because of that." Sagot ko. Wag nilang sabihin na ako ang mamahala o maghahanap ng paraan para maayos ang problema nilang to.

"We know that, but it may affect our other assets. Mahihirapan tayo na makabawi kapag nawala ito sa natin."
Tuloy ni mommy.

"Why did you call me home exactly mommy?" Diretsang tanong ko kasi may kutob ako sa nangyayari.

"Maybe it's time for you to help us. Pagod na ang ate mo sa pagtatrabaho para sa kumpanya. Baka pwedeng ikaw naman ang makatulong sa amin. Hindi yung puro pansariling kagustuhan mo lang ang iniisip mo." Pagalit na sabi ni daddy.

"Baka nakakalimutan nyo dad. I always wanted to help pero hindi niyo ako pinapayagan. Then now your telling me, I should help because I must?" Paalala ko sa kanila.

"Baka nakakalimutan mo rin Ina nasa pamamahay kita. You should respect us too. Not because you have degree means your going to insult us." Tumaas ang boses ni daddy dahilan para mapasilip samin ang mga maids.

"Then what do you want me to do huh? What is it this time that I must do because Irene can't? " tumaas na rin ang tono ng boses ko. Frustrated kong tanong sakanila.

Unti unti kong nakita ang pagsilay ng isang ngiti sa labi ni Irene. Nagkatinginan si mommy at daddy. Tumango si mommy bilang sign na si daddy na ang magsabi.

"Marriage. Marry the president of the Torrealba company." Sagot ni daddy na dahilan para mapatayo ako sa upuan ko.

Author's note:
Sorry kung nakahiligan kong mag AN after ng chapters. I just want to say I only write this because it's my hobby. Ang magsulat kahit na hindi naman maganda or perfect yung ginagawa ko. As I already said sa bio ko if you noticed it, karamihan sa mga sulat ko sa school ko nagagamit. And also baka may mapansin kayong mga typos, errors and wrong grammars, paki intindi na lang po. Im just an amateur writer who wants to learn more that's all thank you.. char!! Haha!! Peace "V" :) :) :)

Continue Reading

You'll Also Like

252K 7.7K 33
What would you do if out of the blue someone invaded your life without your permission? Would you help her? Will you do the right thing? SETH AARON...
644K 26.4K 25
━ "shut up and kiss me." ✧ with a touch that melted like honey, and an understanding so pure and soothing to the soul - she was still a moron, but m...
39.1K 1K 13
[EDITED] What happens when you, Denki's childhood friend, decide to try and help the flirtatious pervert finally get a girl by using your quirk but...
232K 6.1K 46
Alexandra Aguirre,she was a woman of a touch,that every men could fall, after of five years moving from the past. She finally fallen to her former b...