School War Online

By Penguin20

5.2M 266K 87.3K

Online Game# 1: DANI X RAYDIN More

School War Online
Story Review
Prologue
Shoot 1 "New Game"
Shoot 2 "Playing the Game"
Shoot 3 "Welcome to SWO!"
Shoot 4 "Announcement"
Shoot 5 "New Friends"
Shoot 6 "Elimination Round"
Shoot 7 "Teaming up"
Shoot 8 "Party Quest"
Shoot 9 "Start of Practice"
Shoot 10 "First School War"
Shoot 11 "Meeting you"
Shoot 12 "Katana's Identity"
Shoot 13 "Request From Friend"
Shoot 14 "Start of mission"
Shoot 15 "War at the City"
Shoot 16 "Saving them"
Shoot 17 "Be part of us"
Shoot 18 "Mission Clear or Failed?"
Shoot 19 "Math Competition"
Shoot 20 "Unexpected Words"
Shoot 21 "Memorable Day"
Shoot 22 "Couple Quest"
Shoot 23 "Against the troll"
Shoot 24 "Parade"
Shoot 25 "Second School War"
Shoot 26 "REU Vs. BWU"
Shoot 27 "Club room"
Shoot 28 "Man in the Rain"
Shoot 29 "Going... or not?"
Shoot 30 "Meeting you"
Shoot 31 "Announcement"
Shoot 32 "Interview"
Shoot 33 "Mission of the Family"
Shoot 34 "Against Red Dragon"
Shoot 35 "Doubting him"
Shoot 36 "Success"
Shoot 37 "Christmas day"
Shoot 38 "Internship"
Shoot 39 "A lie"
Shoot 40 "Birthday Party"
Shoot 41 "Surprise her"
Shoot 42 "Her condition"
Shoot 43 "The thesis Partner"
Shoot 44 "Meet up Planning"
Shoot 45 "Concert Day"
Shoot 46 "Meet up"
Shoot 47 "Fate vs. Him"
Shoot 48 "End the connection"
Shoot 49 "His Absence"
Shoot 50 "Missing you"
Shoot 52 "Monster Raid"
Shoot 53 "Five meets five"
Shoot 54 "Third School War"
Shoot 55 "A date"
Shoot 56 "Unexpected Lie"
Shoot 57 "Doubting him"
Shoot 58 "Surprise"
Shoot 59 "End of Internship"
Shoot 60 "New Quest"
Shoot 61 "Representative"
Shoot 62: Meeting
Shoot 63 "Joint Quest"
Shoot 64 "Henosis"
Shoot 65 "Graduation Day"
Epilogue/ Last shoot
Author's note
School War Online Book 1
School War Online Book 2
Manila International Book Fair 2023

Shoot 51 "Official"

68.4K 3.6K 1.3K
By Penguin20

"Cherry, eto na yung mga folder na pinirmahan ni sir," sabi ko habang naglalakad tungo sa working desk niya. Kumunot ang noo ni Cherry habang nakatingin sa akin.

"Ay, iba yata ang awra mo 'te ngayon?" Sabi ni Cherry. "Galing ka lang sa condo ni Boss ta's yung ngiti sa labi mo hindi nawawala!"

"Hindi ako nakangiti," hinawakan ko ang aking mukha, Oh God, I am smiling like I'm idiot. "I-I'm smiling 'coz it's a beautiful out there."

"Pabebe ka pang bakla ka! So anong ganap?" Inilapit ni Cherry ang kanyang mukha. "Nadiligan ka 'no? Kaya ka blooming."

"Nadiligan?" Kunot noo kong tanong dahil hindi ko maintindihan ang kanyang tinutukoy.

"Nadiligan! Ano ba 'yan, na-ano..." There's a wide grinned on Cherry's face.

"Ang dumi ng isip mo, Carlito!"

"Carlito ka diyan! Cherry nga ang pangalan ko!" Pagpupumilit niya. "So ano ngang tsismis? Ba't ang saya-saya mo? Huwag kang mag-alala sa'tin-sa'tin lang 'to."

Inipit ko ang labi ko para maiwasan na sumilay ang malawak kong ngiti. "Kasi..."

"Kasi?"

"KaminaniRaydin!" Mabilis kong sinabi at tinakpan ang aking mukha.

Cherry stopped for a moment at matapos no'n ay malakas na tumawa. "Ikaw, joker ka! Tinutukso ka lang namin kay sir pero feeling ko out of the league ka ni sir e,"

"Kami na nga!" Pagpupumilit ko.

"Kung kayo na ni sir, e'di kami na ni Daniel Padilla! Inagaw ko siya kay Kathryn. Ilusyonadang bakla 'to, bumalik ka na nga sa trabaho." Sabi ni Cherry. Bwisit 'to, magpapakwento pero hindi rin naman pala maniniwala sa akin.

Bumalik na lang ako sa trabaho ke'sa magpatuloy sa pakikipagkwentuhan. Habang nagtitipa ako sa keyboard ay biglang nag-vibrate ang phone ko na nasa aking bulsa.

From: Mama
Anak, uwi u maaga. Kakain daw tau sa lbas savi papa mo

Agad naman akong nag-reply ng 'okay' dahil bihira lang naman kami nagkakasama kumain. Agad kong naalala si Raydin dahil nagsabi ako sa kanya na baka bisitahin ko siya mamayang gabi.

Unggoy:
Baka hindi na pala ako makabisita
mamayang gabi. Family dinner :(

Demonyo:
Aw. :(

Unggoy:
Sorry na. 🙇

Demonyo:
Haha! It's okay, valid naman yung
reason mo e. 😀

Unggoy:
Just stay at your house. Magpahinga
ka lang.

Demonyo:
Yes, boss.

Demonyo changed your nickname to Unggoy💕

Napangiti naman ako sa kanyang ginawa. It's still the same nickname but with the heart emoji, it looks like it's more sweeter.

You  change Demonyo's nickname to Demonyo💕

Demonyo💕:
It looks so gay.

Unggoy💕:
Ikaw kaya nauna. 🙄

Anong ginagawa mo ngayon?

Demonyo💕:

Still in bed. Sabi mo magpahinga lang ako

Unggoy💕:
Good-good. Sana lagi ka na lang
may sakit, mukha kang mabait😂

Demonyo💕:
Mabait naman ako. 🙄

"Dani, pahatid naman nito sa may meeting room 2. Naiwan ni Jessa itong mga folders," tawag sa akin Rose habang nakadungaw sa pinto ng Office ni Raydin. "Magtrabaho ka 'te, puro ka cellphone."

Inipit ko ang aking labi. Ayan na, napapagalitan na ako. Jessa, Rose, and Cherry is still my seniors. Pinapagalitan pa rin nila ako kapag may mali akong nagagawa at may mali akong ginagawa. Mas na-a-appreciate ko iyon dahil sabi nila inihahanda lang daw nila ako kapag pumasok na ako sa corporate world.

Unggoy💕:
Gotta work now.

Tumayo na ako at sinubod ang utos ni Jessa. Mabilis na naubos ang oras at natapos na namin ang araw na ito.

Pagkauwing-pagkauwi ko ay nag-online ako sa SWO since malapit na ang third school war, kailangan kong makahabol sa level ng mga kasamahan ko, or else, it will be hard for me.

Nandito ako ngayon sa right wing part of BWU, ang huling online ko ay yung nag-break kami ni Darkshadow. It's not a good scene pero nag-break man kami ni Darkshadow, okay naman na kami ni Raydin.

Lucky: hoy Majesty, okay ka lang?

Katana: glad nag-online ka pa, sobrang big news yung paghihiwalay ninyo ni Darkshadow. I hope you're now okay.

Hindi ko naman inaasahan na magiging ganoon pala ang impact nang paghihiwalay namin ni Darkshadow. Oo nga pala, it's a big issue since everyone considered me and Darkshadow as their King and Queen here at BWU.

Naglalakad na ako papuntang clubroom para kausapin sina Lucky at ipaliwanag ang nangyari nung biglang humarang sa dinadaanan ko si Darkshadow.

Nung una ay nagulat ako pero agad din akong bumalik sa pagkakaayos. "May lagnat ka, ha? Bakit ka naka-online?" Tanong ko sa kanya.

"I am just lying in bed while wearing the nerve gear. Nagpapahinga naman ako no'n 'diba?" paliwanag niya. Oo nga naman, pero kahit na! Nakakapagod pa rin sa utak iyon.

There's a lot of students here ang napapatingin sa amin. Marami akong naririnig na bakit pa raw kami magkausap ni Darkshadow, hiwalay na raw kami. Being a popular player ain't good. Nangingialam lahat sa buhay mo.

"Oo nga pala, I think we should get fix the messed na nagawa natin sa laro." Sabi ko at nag-send muli ako ng request sa kanya.

You sent a couple request to Darkshadow!

Tumingin muna sa akin si Darkshadow at nagbuntong hininga.

Darkshadow declined your request.

Nabigla ako sa kanyang ginawa pero at the same time ay nagtaka dahil sa pagkakatanda ko ay naayos na namin ang gusot sa pagitan namin.

"Why did you decline?"

"I will explain later, pupunta ka bang clubroom ngayon?" Tanong niya sa akin at tumango-tango ako sa kanya.

Magkasabay kaming pumunta sa clubroom, nagpatawag na rin ng emergency meeting si Katana dahil sa utos na rin ni Darkshadow kung kaya't karamihan sa Brave Orions ay nandito.

Tumingin sa akin sina Katana at tumabi si Lucky sa akin. "Ang awkward kapag kasama mo sa iisang family ang ex mo 'no?" Mahina niyang bulong sa akin.

"N-no," iniling-iling ko ang kamay ko. "We're in good terms." Nakangiti kong aabi sa kanya.

"Okay guys, listen up!" Naputol ang pagkukwentuhan namin ni Lucky nung aumigaw si Darkshadow na nakakuha sa atensyon naming lahat. "Everybody knows that the third school war is next week, gusto ninyo bang tayo pa rin ang humawak sa titulong the best school dito sa SWO?"

"Oo!"

"Yes!"

"Syempre!"

Iyan ang mga nangibabaw na sagot and it made me happy because even them, they wanted to save the school's reputation.

Malaking tulong ang nagawa nang pagkapanalo namin sa school war last time dahil naging triple ang mga players dito sa BWU, dati ay sa REU ang madalas na pinipiling school ng mga estudyante ngayon ay nakikilala na rin ang BWU.

I am happy that I am part of that changes.

"So are you willing to follow my orders?" Sigaw ni Darkshadow. By the way, nandito rin ang mga players na hindi para ng BraveOrions pero part sila ng upcoming school war.

"Yes sir!" Malaki ang tiwala ng lahat kay Darkshadow. Totoo naman na maayos kaming pinapangunahan ni Darkshadow.Kahit si Raydin din naman ganoon, maayos niyang pinapangunahan ang team niya.

Isa na nga rin iyon siguro sa mga factor kung bakit ako nahulog sa kanya. His leadership is superb.

"Unang-una, nakita ninyo naman, Hiwalay na kami ni Majesty dito sa laro, " sabi ni Darkshadow kung kaya't napalingon sa akin ang iba. "Pero sa laro lang 'yon at hindi ko hahayaan na maghiwalay kami sa totoong buhay." dugtong pa niya.

Napayuko ako dahil sa hiya, his unexpected words. Ayan na naman.

Katana: In real life?!

Majesty: I will tell you everything tomorrow.

Katana: dapat lang dahil mukhang nahuhuli na ako sa tsismis sa buhay mo.

"Dahil nga hiwalay kami ni Majesty sa game, other school will think na nagkakagulo ngayon sa school natin at humihina ang depensa natin dahil parang nasira ang pundasyon natin," Paliwanag ni Darkshadow. "Hindi muna kami babalik ni Majesty sa pagiging kami para ganoon pa rin ang isipin ng ibang school."

"So we will use it as our card to win this war?" Tanong ni BlueQueen at tumango si Darkshadow. "Cool."

"Iisipin nila na gamitin ito laban sa atin, pero no, we will use this opportunity laban sa kanila. In other words, we will fool them." Nakuha ko na ang punto ni Darkshadow kung kaya't ayaw niya pala munang bumalik sa pagiging 'in a relationship' status namin. Raydin is sure smart. Hindi siya madaling maloko.

We will pretend that we have an disadvantage for this war pero sa totoo lang, may plano siya.

"I am hoping na wala munang information leakage about sa plano natin. Lahat ng pinag-usapan natin ay mananatiling sa atin lang, maliwanag ba?" Tanong ni Darkshadow and we all agreed.

Ipinaliwanag ni Darkshadow ang mga level na dapat ma-attain namin bago ang school war, so meaning, kailangan na naman naming mag-exp boost. Pero ang masaya rito, kasama sina Lucky sa war kung kaya't mag-e-enjoy ako panigurado. Ito ang unang beses na makakasama sila sa war e.

Matapos ang meeting ay saglit lang akong nagpa-level ng isa at nag-log out na ulit dahil may trabaho pa ako bukas.

Tinanggal ko ang nerve gear at pinunasan ang aking pawis.

Before I go to sleep I send a good night message to Raydin.

Unggoy💕:
Nag-log out na ako.

Good night. Hoping to see you at
work tomorrow :)

Demonyo💕:
Yeah I feel much better, baka
makapasok na ako :)

Unggoy💕:
By the way, ang cool mo kanin haha!

Demonyo💕:
Sinong mas gusto mo? Si Darkshadow
o ako?

Unggoy💕:
Parehas lang naman na ikaw 'yon e.

But I like Darkshadow first. 🙊

Demonyo💕:
Mas pinili mo ang game avatar ke'sa
sa'kin.

Tsk.

Unggoy💕:
I like Darkshadow but I love
Raydin.

Demonyo💕:
Told yah! Nobone can resist my charm.

Unggoy💕:
Ang yabang. 🙄

Sige na, good night na.

Demonyo💕:
I wanted to have a midnight convo.
with you.

Unggoy💕:
Bulol mo, may pasok bukas.

Sige na night na!

Demonyo💕:
Good night 🤗

Matapos kong makipag-chat kay Raydin ay pinatay ko na ang phone ko at natulog.

***---***

EXTRA SCENE
(Remember sa chapter 11 nung nagkita si Raydin at Dani sa Hypermarket)

RAYDIN

I am about to buy some groceries dahil naubos na ang stock ko sa condo. I am just walking at the hypermarket nung may makita akong pamilyar na mukha-- yung babaeng nakatabi ko sa Elimination Round.

This past weeks ay talagang binuwisit ko siya by calling her cheater to caught her attention, she's pretty cute when she's angry.

That the easiest way to caught her attention.

Nung nakita niya ako ay dali-dali siyang kumuha ng mga chips at itinapat iyon sa mukha niya. Akala niya yata ay hindi ko siya nakita, umikot ako sa kabilang daan para puntahan siya.

Malapit na siya sa counter nung malapitan ko siya. Nabunggo niya ako dahil nga tinatakpan niya ng chips ang kanyang mukha. "Sorry," she said. Damn, hindi naman malambing ang kanyang boses pero ang sarap nito sa tenga. Shit, May tama na ba ako sa kanya?

"Okay ka..." She paused nung makita niya ang mukha ko. Mukhang hindi niya inaasahan na ako ang makakabunggo niya.

"

Nagmamadali ka para iwasan ako? Cheater." Sabi ko sa kanya. I tried to talked in casual pero parang ang sama ng dating nito sa kanya.

Umirap siya sa ere bago pinulot ang ilang chips na nahulog. "Ang kapal mo. Sobrang kapal, mas makapal ka pa sa bawat sulok ng pader dito sa mall," naiiling niyang sabi at naglakad siya patungo sa counter.

Habang naglalakad siya ay inunahan ko siya to pissed her off more.


Habang nagbabayad ako ay may ibinulong ako sa babaeng nasa counter na nagngangalang Julia, nabasa ko sa name tag niya.

"Yung babaeng sunod na magbabayad sa akin, I definitely make sure na sa susunod kong punta rito ay girlfriend ko na siya."

Tumingin si Julia kay Cheater at ngumiti. Naglakad na ako paalis sa hypermarket na may ngiti sa aking labi.

DANICA

Natapos na siya at naglakad na siya palabas ng hypermarket.

"Good morning ma'am," inilapag ko sa counter ang aking pinamili.

"Anong sinabi sa'yo ng mokong na iyon?" Tanong ko. Hindi ako tsismosa pero feeling ko talaga ay may kinalaman sa akin ang sinabing iyon ni Raydin.

Bumalik ang ngiti sa labi nitong babaeng cashier. "Wala po ma'am." Sabi niya at itinuloy ang pag-scan sa mga binili ko.

Nagbayad na ako at lumabas ng hypermarket. "Ano kayang ibinulong ng ungas na 'yon?"

Continue Reading

You'll Also Like

29.9K 1.3K 6
Lost Academy was just the beginning. It was the prelude of something bigger. Academia de Rij was destroyed. All things and all living beings inside...
184K 5.2K 34
A Tantei High Fanfiction Started: May 08, 2015 Finished: April 11, 2016 [11:54 P.M.]
4.3M 136K 46
(BOOK TWO OF WONDERLAND MAGICAL ACADEMY: TOUCH OF FIRE) (FINISHED) Xyra Buenafuerte thought it was already a happy ending but she was totally wrong...
4.2M 122K 50
[MAOG Book 2] Do you think you've been toyed enough by the ride called life? Then, you're wrong. It doesn't end with a happy and perfect picture but...