BOOK 2: Confession of a Gangs...

By vixenfobia

647K 10.6K 968

SERIES 2 || Running away is not the answer. ©2014 More

Confession of a Gangster
Confession 01: Starting My Peaceful Life
Confession 02: Hello Life in Peace. Damn.
Confession 03: Who's Doomed? You.
Confession 04: Oz Bezarius; the Wrecker
Confession 05: Alice in Arendelle Forest
Confession 06: Stalking Confusions
Confession 07: The Blue Eyed and The Council
Confession 08: Wizard Tailing The Goblin
Confession 09: The Gods Playing in G Co.
Confession 10: This J is so New
Confession 11: Concealing Scars
Confession 12: Curse Under the Rain
Confession 13: Unexpected Visitors
Confession 14: A Taste of Hell
Confession 15: First Step
Confession 16: Cinderella Was Gone
Confession 17: Apomorphine Shot
Confession 18: The Nightmare
Confession 19: Do the Moves
Confession 20: Pissed to Meet You
Confession 21: Underground Society
Confession 22: Puzzlement
Confession 23: Savage Chameleon 1
Confession 24: Savage Chameleon 2
Confession 25: Losing Sanity
Confession 27: Angel and Her Wings 2
Confession 28: Possession
Confession 29: Leon Ford
Confession 30: Inside Yoshima Mansion
Confession 31: Conspiracy
Confession 32: Mind Maze
Confession 33: Toss Coin
Private Confession: Love. Lust. Claimed.
Confession 34: Could It Be?
Confession 35: Twisted Chains
Confession 36: Touch of Blood
Confession 37: Most Painful Truth
Confession 38: Queen vs. King vs. Knight
Confession 39: Queen Alice
Confession 40: Unconscious Consciousness
Confession 41: She Died
Confession 42: No Air
Confession 43: Rage of the Blue Claws
Confession 44: Broken Strings
Confession 45: Chain of Fate
Confession 46: Scythe of Ferox
Confession 47: Cinderella's Fangs
Confession 48: An Epilogue
Confession 49: Be Mine, Alice
Confession 50: It's All About Us
Epilogue: The Last Confession
Onee-chan's Last Death Note

Confession 26: Angel and Her Wings 1

8.4K 150 5
By vixenfobia

Confession 26: Angel and Her Wings 1

Coller’s POV

“Are you sure you want to come with me? Ihatid na muna kita sa bahay niyo dahil siguradong nag-aalala na ang kuya mo,” hinihingal na saad ko habang pinagmamasdan ang katabi kong si Clover. Nakayuko ito at nakatukod ang dalawang kamay sa magkabilang tuhod habang hinahabol rin ang kanyang hininga. Nilingon niya ako ngunit hindi ko mabasa ng maayos ang mukha niya. May pag-aalala, pagkalito, pagod at takot sa mga mata nito. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinatak ko siya palapit sakin para yakapin. Doon ko lang napansin ang panginginig ng katawan nito. Napabuntong hininga ako at niyakap pa siya ng mas mahigpit. Pinilit niya pa lang itago sa harapan ko ang takot na nararamdaman niya. Hindi ko naman siya masisisi dahil nakakatrauma naman talaga para sa isang babae ang nangyari samin. Dalawang linggo… dalawang linggo naming tiniis ang ganoong sitwasyon at wala man lang akong nagawa para mailigtas si Clover sa ganoong sitwasyon. Mabuti na nga lang at nakagawa ako ng paraan para matakasan ang mga hayop na ‘yon at mailayo si Clover sakanila.

Marahan ko siyang inilayo sakin mula sa pagkakayakap holding her at arm’s length. Bahagya kong ibinaba ang ulo ko upang maging magkalevel kami. Nagtama ang mga mata namin at hindi maipagkakailang natatakot pa rin siya dahil sa likot ng mga mata nito. Ni hindi nga ito nagsasalita at nakakapit lang sa punit-punit na manggas ng school uniform ko. Ayokong ipahalata sakanya ang takot na nararamdaman ko dahil sa mga ikinikilos niya. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang kuya niya, ang mga barkada niya at ang Temple Island. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula, kung paano ko ipapaliwanag sakanila ang mga nangyari samin, kung bakit nawala kami ng dalawang linggo, at kung bakit kami nagkaganito. Gusto kong maiyak habang pinagmamasdan si Clover na nagkakaganito sa harapan ko. Kasalanan ko ito. Kung hindi ko siya kinulit na makipagdate sakin ay hindi mangyayari samin ito, hindi sana mangyayari sakanya ito.

“I-I’m sorry, Clover. Sana hindi na kita kinulit. I’m sorry,” basag na boses na paghingi ko ng tawad sakanya. Hindi pa rin ito kumilos ngunit naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa manggas ng uniform ko. Huminga ako ng malalim upang mapigilan ang tuluyang pagbagsak ng mga luha ko. I can’t be this weak in front of her lalo na at ganito pa ang kalagayan niya. “Magsalita ka naman oh. Natatakot na ako,” hindi ko na napigilan ang bibig ko at nasabi ko na sakanya ang nararamdaman ko.

Umiling naman ito. Sunud-sunod na pag-iling lang ang ginawa niya. Mabilis akong napayuko ng maramdaman ang pagtulo ng mainit na luha sa magkabilang pisngi ko. Ayokong makita niya akong ganito. Gusto kong makita ang mukha niya pero hindi ko kayang makita ang mga luhang nag-uunahan na ring bumagsak sa magkabilang pisngi niya. I just can’t afford to see Clover silently crying in front of me. Sa pagyuko ko ay nakita ko ang mga paa namin, parehong wala ng sapin ang mga ito at nanggigitata sa dumi. Si Clover Montelava na mukhang anghel sa kalinisan at amo ng mukha ay naranasang tumakbo ng walang sapatos o kahit tsinelas manlang at naging ganito pa karumi ang paa. Naiinis ako sa sarili ko!

Napaangat ako ng ulo ng maramdaman ang mainit na palad niya sa kaliwang pisngi ko habang nanatili namang nakahawak ang isang kamay nito sa manggas ko. Nakangiti ito sakin at titig na titig sa mga mata ko. Hindi siya nagsasalita, walang nagsalita samin. Nanatili kami sa ganoong posisyon at hinayaang lukubin ng katahimikan ang paligid namin. She saw me crying. Sh*t! This is gay! Iiiwas ko na sana ang mukha ko sakanya ng pigilan niya ng isa niya pang kamay ang paglingon ko. Now, she’s cupping my face with her both hands. Her hands give me warmth. Parang nanlambot ang mga tuhod ko noong ibuka nito ang mga bibig niya…

“Coller…” Nagsimula na namang magtubig ang mga mata ko noong banggitin niya ang pangalan ko. Napangiti na lamang ako at muli siyang niyakap ng mahigpit. Sa wakas, nagsalita na rin siya. Sa buong pagtakbo at pagtakas kasi namin ay hindi manlang ito nagsalita kaya laking tuwa ko lang ngayon. Pinunasan ko ng likod ng palad ko ang basa kong pisngi at muli ko siyang iniharap sakin. Pakiramdam ko ay mapupunit na ang bibig ko dahil sa ngiti ko ngayon. Nakangiti na rin siya sakin habang pinupunasan ko ang mga luha niya.

“Shh… stop crying, okay? Halika na at ihahatid na kita sa bahay niyo.” Hinalikan ko ang noo nito kaya sandali siyang natigilan. Nakita ko namang namula ang mukha nito noong lingunin ko, hindi kasi siya gumalaw noong hatakin ko siya papasok noong gubat kung nasaan ang tinitirhan nila. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa reaksyon niya. Minsan lang maging ganito sa harapan ko si Clover, madalas kasi ay naiirita lang ito sa kakulitan ko. Gusto ko pa sana siyang pagmasdan sa ganoong posisyon ngunit hindi pwede. Kailangan ng magamot ng mga sugat at pasa niya sa katawan. Kailangan na rin niyang maglinis dahil dalawang linggo kaming nawala at puno na siya ng dumi. Dugyot na ang itsura namin pero mukha pa rin siyang angel na namumula sa kabila ng mga dumi sa katawan niya. Muli kong hinatak ang kamay nito at bahagya pa siyang nagulat na para bang doon lang natauhan. She stared at me at bigla na namang namula. “Clover? Halika na sabi. Marami pa akong ipapaliwanag sa kuya mo,” muli kong hatak sakanya. Sumama naman ito agad matapos tumango.

Sa totoo lang kinakabahan ako sa bawat hakbang namin palapit sa isang bahay sa loob ng gubat na ito. Pakiramdam ko ay may kung anong mabangis na hayop sa loob noon kaysa dito sa mismong kagubatan. Hindi ako makapag-isip ng tama dahil sinisimulan ko ng i-compose at i-construct sa isip ko ang mga sasabihin at pagkakasunud-sunod nito. Crap! Sa buong buhay ko ngayon lang yata ako kinabahan- ay hindi! Pang-apat na beses na pala ito. Una, noong may kumidnap samin ni Clover two weeks ago habang nagdedate kami. Pangalawa, noong itinali si Clover ng mga p*nyetang kidnapper na ‘yon! Kabadong-kabado ako sa kung anong gagawin nila sa babaeng ito. Pangatlo, noong makatakas kami kanina at hindi siya nagsasalita. At ito na nga ang pang-apat, ang harapin ang kuya niyang si Spade at mga barkada nito. T*ngna lang!

Naputol ang pag-iisip ko nang maramdaman ang pagpisil nito sa kanang kamay ko na nakahawak sa kaliwang kamay niya. Nilingon ko ito at nasalubong ko ang mga titig niya habang nakangiti. Hindi ko maiwasang mainis noong makita ko na naman ang mga sugat niya sa mukha. May maliit na cut ito sa labi at kaliwang pisngi. Ang dumi ng mukha niya ay kitang-kita sa maputi nitong balat at ang gulo na ng buhok. Punit rin ang uniform nito sa bandang tiyan at ang dumi na ng suot. Lukot na nga pati palda nito. Nakayapak pa. At mas nanggigil talaga ko ako noong mapansin na naman ang mga pasa nito sa braso at binti. Mabuti na lang at hindi siya pinagsamantalahan ng mga hayop na ‘yon dahil kung nagkataon na ginawa nila ‘yon, sisiguruhin kong walang matitirang bakas ang lahi nila sa mudong ibabaw. P*ta!

“Coller, wag kang kabahan at tama na ang pagdilim ng aura mo,” natatawang sambit nito.

Napaiwas na lang ako ng tingin dahil nahalata na niya ang tumatakbo sa isip ko ngayon. Nagbuntong hininga ako at hinigpitan ang hawak sa kamay niya. Ilang sandali pa ay narating na namin ang harapan ng bahay. Muli na namang tumakbo ang kaba sa katawan ko lalo na noong marinig ang tarantang boses ni Spade sa loob kasama ang iba’t-ibang boses ng tao roon. Napaharap ako kay Clover na binigyan lang naman ako ng isang ngiti saka walang sabi-sabing pinindot ang doorbell.

Spade’s POV

 

Inis na napasalampak ako sa sofa at isinubsob ang mukha ko sa dalawang kamay. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sobra-sobrang takot na ang nararamdaman ko dahil dalawang linggo ng nawawala si Clover at Coller. Hindi ko alam kung saan siya binitbit ng lalaking ‘yon o baka nagtanan na sila, pero hindi naman ugali ‘yon ni Clover, alam kong hindi ‘yon gagawin ng kapatid ko. Lalo pang domoble ang kaba at takot ko dahil noong nakaraang dalawang linggo rin ay nabalitaan kong ilang araw ring nawala ang nakababatang kapatid na babae ni Tao at noong matagpuan nila ito ay patay na. Sh*t talaga! Sh*t lang! Hindi ko na alam ang gagawin ko! Pakiramdam ko pinupuntirya nila ang mga nakababatang kapatid na babae namin! Kung ano man ang pakay ng gumawa noon ay wala rin akong ideya.

Nagpatulong na nga ako kina daddy at Charm pati na rin sa mga Grey para sa problemang ito. Sa totoo lang ay kauuwi ko lang ngayong umaga dito sa bahay mula sa paghahanap sa dalawang ‘yon. Wala pa nga akong tulog mula kahapon at inabutan na ako ng magdamag sa daan kahahanap. Hindi ko naman magawang tumigil dala ng pag-aalala. Sumadya lang ako rito sa bahay, nagbabakasaling nakauwi na si Clover. Kung nasaan man sila, sana ay walang nangyaring masama sakanila. Sana ay wag siyang pababayaan ni Coller. Ilang malalim na paghinga rin ang ginawa ko upang pigilan ang sarili sa pagwawala. Hindi ko na talaga alam kung ano pang gagawin ko mahanap lang sila.

Sandali kong ipinikit ang mga mata ko habang nanatili itong nakasubsob sa mga palad. Kailangan kong mag-isip ng paraan para mahanap sila. Napabalikwas ako ng biglang magring ang cellphone na nasa tabi ko. Hindi ko na tiningnan kung sino ‘yon at agad na itinapat sa tainga ko matapos sagutin ang tawag.

“Hello?” walang gana kong sambit.

[Spade.] Bigla akong napaayos ng upo noong marinig ang pamilyar na boses ng babae sa kabilang linya.

“Alice? Kamusta ka na?”

 

Nabalitaan ko kasi ang nangyari sakanya noong mga nakaraang linggo. Tumulong siya sa Temple Island para iligtas ang kapatid ni Huang at nabalitaan ko rin ang pagkuha sakanya ni Oz sa mansion nila at dinala ito sa kung saan. Isang linggo rin akong nawalan ng komunekasyon sakanya kaya naman laking gulat ko na tumawag siya sakin ngayon.

[Damn, Spade! Seriously, nagawa mo pang mangamusta sa kalagayan mo ngayon? Anong nangyari? May balita ka na ba kay Clover at Coller?] sigaw nito sa kabilang linya na tila naiinis sa ibinungad ko sakanya.

Bigla naman akong natigilan at tila nanlambot sa sinabi nito. Naalala ko na naman ang kapatid ko. Bumuntong hininga lang ako at tanging ugong na lang din mula sa kabilang linya ang naririnig ko. Katahimikan ang namayani sa pagitan namin hanggang sa siya na rin mismo ang bumasag sa katahimikan.

[Stay where you are. Tawagan mo sina Aldous at Charm, diyan lang kayo sa Council at didiretso kami diyan ni Oz ngayon.]

 

Magsasalita pa sana ako ng bigla na nitong binaba ang tawag. Sinunod ko na lang ang sinabi niya at tinawagan sina Charm, maging sina daddy at tito Steve and tita Max- pati kasi sila ay tumulong na nga sa paghahanap. Masyado lang kaming nahirapan dahil wala namang nakakita noong may kumuha kina Clover, hindi nga kami sigurado kung may kumidnap ba sakanila o naglayas ang dalawa. Wala ring tawag o kahit anong sign galing sa kidnapper kaya ang tanging nagawa namin ay maghanap sa kawalan. Para kaming mga bulag na nga tapos nangangapa pa sa dilim. Doble pasakit.

Ilang sandali pang pag-aantay at tumunog ang doorbell. Mabilis akong naglakad palapit sa pinto at pinagbuksan ang mga bagong dating. Nakita ko si Colix kasama si Charm, daddy, tito Steve at tita Max. Agad ko naman silang pinapasok at sinabi na antayin namin sina Alice. Pareho-pareho kaming tahimik na parang hindi magkakakilala. Wala rin naman akong maisip na sabihin dahil nag-iisip pa ako ng susunod na lugar na pupuntahan ko sa paghahanap doon sa dalawa. Pinagsalikop ko ang aking mga daliri habang nakatukod ang mga siko sa magkabilang hita.

“Spade.” Gulat na napaangat ako ng tingin kay daddy noong hawakan ako nito sa kanang balikat ko. Seryoso itong nakatingin sakin ngunit bakas pa rin ang pag-aalala sa kanyang mga mata.

Hindi ko maiwasang mangunot ang noo dahil hindi naman siya nagsalita. “Why dad?” takang tanong ko rito.

Bumuntong hininga lang ito at umiling saka muling tumalikod para bumalik sa katapat kong sofa. Hindi ko na lamang sila inintindi at wala sa loob na napatingin sa suot kong wrist watch. Halos magkakalahating oras na rin mula noong tumawag si Alice pero hindi pa rin siya dumarating. Kating-kati na akong lumabas ng bahay para maghanap na muli. Lumipas pa ang halos sampung minuto noong sabay-sabay kaming napalingon sa pintuan matapos muling tumunog ang doorbell. Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko at tumakbo ng mabilis papunta sa main door na dapat ay bubuksan na ni daddy, pero inunahan ko siya.

Natuod ako sa kinatatayuan ko noong makita ko kung sino ang nasa labas ng pinto. Gusto kong maiyak ngayon, hindi ko lang alam kung dahil ba sa itsura niya o dahil sa katotohanang sa wakas ay nabunutan na ako ng tinik mula sa takot at kaba sa paghahanap sakanya. Naramdaman kong napahinto rin si daddy sa tabi ko. Hindi ko maialis ang tingin ko sakanya, ngumiti ito sakin at hindi ko na napigilan kaya hinatak ko na ito sa isang mahigpit na yakap. Naramdaman ko ang yakap nito pabalik habang pilit ko namang pinipigilan na tuluyang bumagsak ang luha ko.

“Kuya…”

 

“Goodness! Where have you been my angel?” basag na boses kong tanong rito.

 

Mas napahigpit ang yakap ko sakanya noong magsalita siya. We stayed on that position for few more minutes bago ako kumalas sa yakap. Hinawakan ko ito sa magkabilang braso niya at pinagmasdan ito habang umiiyak. Mayroon siyang maliit na cut sa gilid ng labi at ilalim ng pisngi. Marumi ang mukha at katawan, gulagulanit ang damit at nakayapak. May mga sugat rin ito at pasa sa katawan. Bakas ang hirap, pagod at takot na pinagdaanan niya sa loob ng dalawang linggo. Nabaling bigla ang tingin ko sa lalaking kasama niya na ganoon rin ang itsura. Medyo mas malala lang ito dahil may bakas ito ng mahigpit na tali sa mga kamay at braso, siguro dahil sa lalaki ito kaya ganoon na lang ang taling ginawa sakanya at para makasigurong hindi makatakas. Putok ang kaliwang kilay niya at may cut sa ilalim ng mata pati sa labi, gulagulanit ang damit, may mga sugat rin ito at pasa sa katawan at marurumi rin ang nakayapak nitong paa. Gusto ko siyang sisihin dahil siya ang kasama ni Clover pero sa nakita kong itsura rin nito, gusto kong magpasalamat dahil hindi niya hinayaang mapahamak ng tuluyan ang kapatid ko.

Malamig niya akong tiningnan at tila ba’y gusto ng magsalita. Doon ko lang napansin na may iba pa palang tao sa labas ng bahay bukod sakanilang dalawa. Nasa likuran rin nila sina Alice at Oz na magkatabi. I took a deep breath saka binuhat si Clover into a princess style saka sila sinenyasang pumasok na sa loob. Ngunit nakita ko ang hindi pagkilos ni Coller sakanyang kinatatayuan bago ako tumalikod kaya huminto ako at nilingon siyang muli. Halata sa mukha niya ang pag-aalangan habang pinagmamasdan ang mga taong nasa loob ng bahay. Hindi ko naman siya masisisi kung nakakaramdam siya ng kaba sa dami ng mag-iinterview sakanya, but it’s rude na pabayaan siya sa labas na ganyan pa ang itsura.

“Pumasok ka na. Marami kayong dapat ikwento at para gamutin na rin ‘yang sugat mo.” Hindi ko na siya inantay pang magsalita at naglakad na papuntang sala saka ibinaba si Clover sa sofa.

Hinatak ni Clover ang laylayan ng t-shirt ko kaya napalingon ako sakanya. “Kuya, be good to Coller, okay?” nag-aalalang paalala niya sakin.

Hinawi ko naman ang iilang piraso ng buhok na nakaharang sa mukha niya at isinabit ito sa likuran ng kanyang tainga. Namiss ko talaga itong kapatid ko. She really looks like an angel. Hindi ko talaga alam ang magagawa ko kung sakaling may nangyaring masama sakanya.

Pinagmasdan ko muna ng mabuti ang mukha niyang nangungusap bago tumango. “I will.” Ngumiti na rin ito pagkaraan.

“Kamusta ka baby? Naku! Muntik ng lumipad mula Italy ang mommy niyo noong nalamang nawawala ka,” nag-aalalang sambit ni daddy noong makalapit siya kay Clover. Umupo ito sa tabi niya saka siya mabilis na niyakap at hinaplos-haplos pa ang mukha nito pati mga braso. Hindi halata sa mukha ni daddy ang inis pero bilang lalaki ay hindi nakatakas sa mga mata ko ang pagtagis ng panga niya habang pinagmamasdan ang mga sugat at pasa ni Clover.

“Daddy, I’m fine. Coller saved me from those bad guys,” malambing na sambit naman ng kapatid ko. Muli siyang niayakap ni daddy.

“Mabuti naman kung ganoon,” halos pabulong na sagot naman ni dad.

“Sino ang kumuha sainyo?” tanong ko kay Clover kaya nalipat sakin ang atensyon niya. Napakuyom na lamang ako ng kamao sa galit.

© Gingerlu

Continue Reading

You'll Also Like

43.4K 2.9K 116
Si Rain Sanchez ay may misyon na kailangan niyang tapusin upang makuha ang kanyang kalayaan. Magagawa pa ba niya ito kung sa gitna ng kanyang misyon...
471K 7.7K 63
-- "Totoo ba ang vampires?" "Sinong una niyong kakagatin if naging vampire kayo?" "SYEMPRE YUNG CRUSH KO! para eternity kaming magsasama!" ~Julien Ch...
752K 12.5K 38
Gianna Princess Thrice Williams,isang sophomore college student na bumalik ng Pilipinas para hanapin ang hustisya sa pagkamatay ng pamilya nya,But wh...
4.3M 96.5K 74
"Living in the dark side of the world isn't easy. Everyday is a fight. Every second is a riddle, and every minute is death. And being the boss makes...