The Unexpected Affection ✔️ (...

By Everjoy_Condes

67.6K 2.2K 187

(Complete) Valentines Special 2018 "THE BEST KIND OF LOVE, STARTS WITH AN UNEXPECTED HELLO." The Unexpected... More

Thank you! ❤️
The Unexpected Affection: 1
The Unexpected Affection: 2
The Unexpected Affection: 3
The Unexpected Affection: 5

The Unexpected Affection: 4

7K 368 24
By Everjoy_Condes

Ilang araw inignora ni Val ang lahat ng tawag ni Steven, dahil hindi niya talaga alam kung paano haharap dito. Ngunit kalaunan ay hindi niya rin ito natiis dahil na rin sa pangungulit at pagkakaibigan nila ng binata.

Habang abala ang dalaga sa kanyang ginagawa ay biglang tumunog ang kanyang telepono.

Kriiinnggg... Kriiinnggg...

Napangiti naman siya nang makita ang pangalan ni Steven doon, kaya mabilis niya itong sinagot, "Hello Tibby." masigla niyang saad sa binata.

"Hello Kuting, sunduin kita mamaya ha?" bungad nito sa kabilang linya.

"Okay po." tanging sagot ni Val, dahil kahit tumanggi naman siya sa alok nito ay mangungulit pa rin ang binata.

"Great! See you later kuting ko. Mwah!" magiliw na usal nito with matching kiss effect pa.

"Haha! Alright, see you Tibby." aniya bago ibinaba ang linya. Bago pa man bumalik sa kanyang ginagawa si Val ay muling tumunog ang kanyang telepono. Inisip niya na baka may nakalimutan si Steven na sabihin kaya muling tumawag ito.

Hindi na tiningnan ni Val ito at mabilis niyang sinagot muli ang tawag, "Hello Tibby, may nakalimutan ka?" nakangiting turan niya rito.

"Hi Valeen." boses ng babae ang bumungad sa kabilang linya.

Maagap na inilayo ni Val ang telepono sa kanyang tenga saka tiningnan kung sino ang tumatawag. Nangunot ang kanyang noo nang makitang hindi nakarehistro ang numerong iyon, kaya't dala ng kanyang kuryusidad ay muli niyang kinausap ito, "Yes... Speaking, who's this?"

"It's Leverie."

Mabilis namang namilog ang mga mata ni Val nang marinig ang pangalan ng dalaga. Parang gusto na niyang babaan ito ng linya ngunit sa isang banda ay gusto niyang malaman kung ano ang pakay nito't lakas loob itong tumawag sa kanya, "Oh, ano ang atin?" kaswal niyang saad dito sa kabila ng kanyang sama ng loob sa dalaga.

"Can we meet? I know masyadong makapal ang mukha ko para humingi sayo ng pabor, pero we really need to talk Valeen..."

Kung tutuusin ay ayaw na sanang kausapin pa ito ni Val ngunit nang nasa kalagitnaan na siya ng kanyang pag-iisip ay muling nagsalita si Leverie.

"It's about Nathan..." dagdag pa nito kaya't wala sa sariling napasagot siya nang,

"Sure, meet me at Sweet's Cafè. I'll be there in 15 minutes." aniya bago pinutol ang linya ng telepono.

Makalipas ang labing limang minuto ay narating ni Valeen ang establisyamentong kanilang napag-usapan. Lilinga-linga siyang tumingin sa palagid nang biglang may tumawag sa kanyang telepono. Nakita niyang tumatawag si Steven at nang akmang sasagutin na niya ito ay may biglang humawak sa kanyang kaliwang braso.

"Hi Valeen." nakangiting bati ni Leverie bago humalik sa kanyang pisngi. "I'm glad you've made it, akala ko hindi ka sisipot." dagdag pa nito bago ikinawit ang kamay sa braso ng dalaga.

Mabilis namang binawi ni Valeen ang braso niya dito sabay sabing, "Leverie, I have to take this call, first. Susunod na lang ako sa table natin."

Ngunit sadyang tuso si Leverie, dahil alam niyang si Steven ang tumatawag dito ngayon. Bago pa man niya puntahan si Valeen sa CoffeeShop, ay nasabihan na niya ang binata na makikipagkita siya rito, "Saglit lang tayo mag-uusap Valeen, please?" Napangisi naman ng palihim si Leverie nang makitang isinilid na ni Val ang telepono nito sa kanyang bag bago siya muling binalingan nito. "Let's go?" isang pekeng ngiti ang ipinakita niya rito bago tuluyang inaya ang dalaga sa table.

Wala sa sariling napasunod si Val sa mga kagustuhan ni Leverie, naisip niya na tatawagan na lang niya mamaya si Steven dahil hindi rin naman magtatagal ang pag-uusapan nila ng dalaga.

"So... Anong pag-uusapan natin?" kaswal niyang saad sa dalaga habang diretsong nakatingin sa mga mata nito.

Ngumiti lang sa kanya si Leverie habang abala sa paghahalo ng kapeng iniinom niya, "First, I wanted to say sorry Valeen. Believe me or not, hindi namin sinasadya ni Nathan na saktan ka. Nadala lang kami sa bugso ng damdamin namin at hindi namin inakala na mahuhulog na kami sa isa't isa." mahabang litanya nito.

Nakikinig lang si Val sa lahat ng sinasabi ni Leverie, aaminin niya na wala na siyang pakialam sa mga ito lalong-lalo na kay Nathan. May sakit ngunit hindi na ganoon kalala, kaya naman sinagot na lang niya ito nang, "You know what Leverie? Sa totoo lang nasaktan ako sa ginawa niyong panloloko sa akin ni Nathan, pero matagal ko nang napalaya ang sarili ko sa sakit na naidulot niyo sa akin. Kaya walang halong kaplastikan, you're forgiven kayong dalawa ni Nathan. May kaonting sakit pa rin pero masaya na ako ngayon." aniya rito bago nginitian ang dalaga. "Sana kayo rin."

Bigla namang nag-iba ang awra ng mukha ni Leverie, dahil alam niyang si Steven ang dahilan ng kasiyahan ngayon ni Valeen. Kaya naman dala ng kanyang inggit ay mabilis niyang inihinto ang paghahalo sa kanyang kape sabay sabing, "I know..." mapang-asar niyang usal dito.

"What do you mean?" kunot noong pagtatanong ni Valeen sa dalaga.

"Alam ko kung sinong nagpapasaya ngayon sayo," ani Leverie saka isinandal ang kanyang likod sa upuan. "Si Steven, right?" dagdag pa nito.

Nagulat naman si Valeen sa isinatinig nito at bigla siyang pinagpawisan ng malamig, dahil sa isipin kung bakit kilala nito si Steven.

"Right... Tama nga ako, hindi nga sinabi sayo ni Steven kung sino ako sa buhay niya," sarkastikong anas nito saka humigop ng kape. "I'm his ex-girlfriend. Siya 'yong lalaking iniwan ko dahil kay Nathan."

Nangilid naman ang mga luha ni Valeen sa kanyang narinig at napahawak na lang ng mahigpit sa kanyang baso.

"Oh my! I'm so sorry, hindi ba nasabi sa'yo ni Steven na ako ang love of his life niya?" mapang-asar pang saad nito bago ngumisi na animo'y nang-aasar.

Hindi naman sumagot si Valeen dito at pilit pinapakalma ang kanyang sistema. Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata, bago diretsong tiningnan si Leverie ng mata sa mata, "Bakit mo sinasabi sa akin ang lahat ng 'to ngayon?"

Mabilis naman siyang nilabanan ng matalim na tingin ni Leverie sabay sabing, "I had him first, so kukunin ko na ang dati kong pag-aari." mataray na anas nito habang nakikipag-tagisan ng tingin sa dalaga.

Tumaas lang ang gilid ng labi ni Valeen at sarkastikong ngumiti rito na parang nasusuklam, "Alam mo Leverie, mas lalo mo lang pinapababa ang tingin ko sa'yo. Napaghahalataan kang desperada sa mga sinasabi mo!" matigas na anas pa ng dalaga dito, na halatang nagpipigil lang ng kanyang galit.

"I don't care Valeen! Hindi mahalaga kung ano ang tingin mo sa akin, ang importante ay bumalik sa buhay ko si Steven!" galit na usal nito bago hinampas ang lamesa, dahilan para pagtinginan sila ng mga tao sa paligid.

Mabilis namang umayos ng upo si Valeen dahil ayaw niyang patulan ang kahibangan ng dalaga. Sandaling pinahupa ni Val ang galit na namumuo sa kanyang sistema, "So, ano'ng tingin mo sa mga lalaki? Parang isang putahe na basta mo na lang isusubo kahit hindi mo pa natitikman? At kapag hindi mo nagustuhan ang lasa, basta-basta mo na lang iluluwa?!" seryosong saad niya rito.

"That's what Nathan's hate about you. Marami kang palabok sa buhay but at the end of the day, ikaw pa rin ang talo. Kaya ka nga iniwan ni Nathan eh, dahil boring ka!" mapang-asar na turan nito bago sumimsim ng kape.

Mabilis namang tumayo sa kanyang pagkakaupo si Valeen na pigil ang galit, ""I tried to be civil but you push me off of my limits!" bulyaw niya rito bago ibinuhos ang kape sa mukha ni Leverie. "Dapat matagal ko nang ginawa sa'yo 'yan, para matauhan ka naman! Pasalamat ka at ice coffee lang ang in-order ko, kung hindi lapnos 'yang mukha mo!" sarkastikong dagdag pa ni Valeen at ihagis ang hawak niyang plastic cup, bago mabilis na binalingang muli ang dalaga, "Sa susunod asido na ang ibubuhos ko sa'yo kaya 'wag mo akong subukan!" sighal pa niya rito bago nagmamadaling nilisan ang lugar na iyon.

Mabilis nakasakay ng taxi si Valeen at nang makauwi sa kanilang tahanan ay doon na bumuhos ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. Napahagulgol na lang ng iyak ang dalaga sa gilid ng kanyang kama sabay sabing, "Ano bang ginawa kong kasalanan sa inyo! Bakit lagi niyo akong ginagago!" nakakakilabot na sigaw nito sa pagitan ng kanyang mga hikbi.

Sa sobrang sama ng kanyang loob ay hindi na namalayan ni Val, na nakatulog na pala siya sa kanyang kama. Nagising na lang ang kanyang ulirat nang biglang tumunog ang kanyang telepono.

Nakita niya na tumatawag doon si Steven at naisip niya na sagutin na lang ito kahit labag sa kanyang loob. "Hello..." walang gana niyang saad dito.

"Hello Kuting, nandito na ako sa labas ng opisina niyo. Baba ka na, dali." masiglang bungad nito sa kabilang linya.

"Umuwi na ako."

"What? Di ba sabi ko sayo susunduin kita?" gulat na usal ng binata.

"Not now Steven... I'm tired." matamlay na turan ni Valeen habang nakapikit ang kanyang mga mata.

"Bakit may masakit ba sa'yo? Pupuntahan kita d'yan Kuting. Hintayin mo ako..."

Hindi na nakasagot pa ang dalaga dahil madaling naputol ang linya ng telepono. "Haaaayyy..." buntong hininga ni Val dahil mukang haharap na naman siya sa isang argumentong kanyang inaayawan.

Wala pang kalahating oras ay nakarinig na ang dalaga na pagkatok sa kanilang pintuan. Matamlay niyang binuksan ito at bumungad naman agad doon si Steven.

"Kuting, are alright? Dapat tinawagan mo ako para napuntahan kita agad, akala ko kasi mamaya pa ang out mo." sunod-sunod na saad nito habang hinihipo ang kanyang noo't leeg.

"Ayos lang ako." walang gana niyang wika rito bago tinalikuran ang binata.

Nakaramdam naman ng malamig na pakikitungo si Steven sa inasta ng dalaga kaya mabilis niyang hinawakan ito sa braso para pigilan sa paglalakad, "Val, what's wrong?" nag-aalalang usal niya sa dalaga bago pumunta sa harapan nito.

Nakita niya ang blangkong ekspresyon sa mukha ng dalaga. Para siyang hangin na lampasan lang nitong tingnan kaya't nakaramdam ng kaba rito si Steven. H-hindi kaya nasabi na ni Leverie ang t-tungkol sa amin? kinakabahan niyang turan sa kanyang sarili.

"V-val, may problema ba?" pagtatanong niyang muli rito bago hinawakan ang baba ng dalaga.

Mabilis namang tinabig ni Valeen ang kamay nito bago tiningnan ng masama ang binata, "You tell me, Steven. May dapat ba tayong pag-usapan?!" matigas na saad nito sa binata.

Hindi naman agad nakasagot si Steven sa tinatanong nito, dahil natatakot siya na baka magalit sa kanya ng tuluyan ang dalaga.

"Great! Alam ko naman na hindi mo sasabihin sa akin eh. Tama nga si Leverie..." anito kaya nanlaki ang mga mata ni Steven. "Akala mo siguro hindi ko malalaman ang tungkol sa inyo noh?! Akala mo habang buhay mong maitatago sa akin na nagkaroon kayo ng relasyon ng babaeng 'yon! Bakit ha?! Bakit mo ako niloko!" bulyaw ni Val saka pinaghahampas sa dibdib ang binata. "All this time, alam mong si Leverie ang dahilan ng lahat paghihirap ko. Pero ni minsan ay hindi mo sinabi sa akin na kilala mo pala siya! Nagmuka akong katawa-tawa sa harap ng babaeng 'yon! D*mn you!" galit na galit si Val sa nagawa nito kaya't patuloy siya sa paghahampas sa binata. "Para akong tanga na kwento ng kwento sa'yo tungkol sa babaeng iyon, pero p*tang-inang buhay 'to kilala mo naman pala si Leverie. Ano 'to lokohan?!"

Pilit pinipigilan ni Steven ang mga hampas ng dalaga, alam niyang nasaktan na naman ito. Ngunit sa pagkakataon na iyon ay dahil na sa kanya, "Val, please, let me explain." nagsusumamong saad nito. "Hindi ko sinasadya na paglihiman ka."

Napahinto naman si Valeen sa kanyang narinig at napapailing na tiningnan ang binata ng mata sa mata, "Tsss... Hindi mo sinasadya? Hindi mo sinasadya?! Talaga lang ha!" anito saka inirapan si Steven.

"Val, huli na ang lahat nang malaman ko na ang Leverie na ikinu-kwento mo ay siya ring Leverie na ex-girlfriend ko. Believe me, hindi ko alam na iisang tao lang pala ang pinag-uusapan natin."

"I don't believe you!" tanging turan ng dalaga bago ito tinalikuran.

"Val, please... Pakinggan mo ako. Totoo lahat ng sinasabi ko sa'yo. At ngayon ay handa na akong aminin lahat ng katotohanan."

Napatigil naman sa kanyang paglalakad si Valeen dahil sa sinabing iyon ni Steven.

"Oo Val, naglihim ako tungkol kay Leverie. Pero Val may isa pa akong lihim na gustong sabihin sa'yo. Lihim na matagal ko nang tinatago at pilit pinipigilan." tila balisang usal ni Steven sa kabila ng kanyang pagsusumamo sa dalaga.

"Valeen Tina Trinidad! Mahal kita..." madamdaming saad ni Steven at naging hudyat ng pagbagsakan ng kanyang mga luha.

Natigilan naman si Val sa kanyang narinig mula sa binata,  pakiramdam niya ay para siyang binuhusan ng malamig na tubig dahilan para maestatwa ang kanyang buong sistema. Hindi niya mawari kung tama ba ang kanyang mga narinig o sadyang magulo lamang ang kanyang kaisipan, kaya't ganoong hindi niya lubusang maunawaan ang mga isinasambit ni Steven ng mga sandaling iyon.

"Oo Val, tama ka ng narinig. Mahal na mahal kita! Matagal akong naghanap ng tiyempo kung paano't kailan ko sasabihin sa'yo ito. Natatakot ako na baka umiwas ka kapag nalaman mo ang nararamdaman ko para sa'yo. Val, when I first saw you that night at the bar. You already captured my heart, naging makulit ako just to caught your attention pero sinabi mo na broken hearted ka. Pinilit kong ibaling ang atensyon ko sa iba noong gabing iyon, pero ikaw at ikaw pa rin ang hinahanap ng puso ko." unti-unting lumapit si Steven sa kinatatayuan ni Val bago ito pinaharap sa kanya.

"Val, hindi mo lang alam kung gaano ako naging masaya nang makita ko ang wallet mo sa labas ng bar. Dati hindi ako naniniwala sa destiny, pero dahil sa wallet mo ay mas naging pursigido ako na i-pursue ka." malambing na saad pa ng binata bago hinawakan ang baba ni Valeen para magtama ang kanilang paningin.

Wala ni isang salita ang gustong lumabas sa lalamunan ni Valeen, masyado siyang naguguluhan sa kanyang naririnig at nararamdaman ngayon mula kay Steven.

"Val, alam kong naguguluhan ka sa ngayon, pero maghihintay ako kung kailan ka magiging handa. Gusto ko lang na malaman mo kung gaano kita ka-mahal." anito bago hinalikan ang noo ng dalaga. "I will give you space, whenever you're ready. I'm just one call away. I love you, Kuting." malungkot na sambit pa nito bago nilisan ang tahanan nila Valeen.

Ngunit nang akmang lalabas na si Steven ay mabilis siyang tinawag ni Val, "Steven!" humihikbi niyang saad rito bago tumakbo papalapit sa binata.

Nagulat naman si Steven sa biglang pagtawag ng dalaga kaya mabilis niyang hinarap ito. Nakita niya na papalapit sa kanya si Val, kaya't iniumang niya ang kanyang mga braso para salubungin ito ng mahigpit na yakap.

Mabilis na yumapos si Valeen sa binata sabay sabing, "Mahal din kita, Tibby ko." humihikbing sambit ng dalaga habang mahigpit na nakayakap sa binata.

Masayang binuhat ni Steven ang dalaga bago ito ini-ikot-ikot sa ere. "I love you... I love you... I love you Kuting!" sigaw ng binata habang sabay silang umiikot ng dalaga.

"Aaaahhh! Tibby, ibaba mo na ako. Hahaha!" humahalakhak na wika ni Valeen kaya't mabilis namang huminto ang binata at pinagdikit ang kanilang mga noo ng dalaga.

"I love you so much, Kuting." lambing niya rito habang hinahaplos ang pisngi ng dalaga.

"I love you more, Tibby." nang mai-sambit iyon ni Val ay mabilis na pinaglapat ng binata ang kanilang mga labi, na punong puno ng pagmamahal.


*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

Continue Reading

You'll Also Like

30.4K 798 38
Si Amara isang hindi ordinayong babae, pinagkalooban siya ng Diyos ng isang malagintong kulay na buhok na nagsisilbi at nangangahulugan sa kanyang pa...
621K 13.6K 121
Kaye Anne Velasquez, ang babaeng hindi man kagandahan, hindi man kasing talino ng iba, marunong namang lumaban. Hindi man siya ang tipo ng mga lalaki...
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
7.8M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...