The Girl Grim Reaper (Complet...

By kristineeejoo

208K 3.7K 105

A Grim Reaper who fell in love with a human. More

Work of Fiction
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41 (Part 1) - The Hidden Past
Chapter 41 (Part 2) - The Hidden Past
Chapter 41 (Part 3) - The Hidden Past
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Special Chapter 3
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Author's Note 1
Author's Note 2

Chapter 12

3.2K 56 0
By kristineeejoo

CHAPTER TWELVE

Hindi ko alam kung saan ako dinala ni Al. Basta na lamang niya ako hinila at dinala sa kung saan. Kung malakas lang ako ay nasipa ko na ang mukha ni Al, e. Pano ba naman kasi, hinila niya ako at nakakaladkad na ako dahil sa ginagawa niya. Buti nalang at nagtimpi ako kundi nako baka kung anong magawa ko sakaniya.

Medyo malayo ang binyahe namin para lang makapunta rito at hindi ko alam na may sarili palang kotse itong si Al. Just wow. Hindi ko akalaing magkakaroon na siya ng ganung klaseng sasakyan. Ang ganda kasi at mukhang mamahalin.

"Nasaan tayo?" Tanong ko. "Kanina pa kita tinatanong diyan tas hindi ka naman sumasagot. Halos kaladkarin mo na nga ako papunta rito, e."

He chuckled. "Sorry for that. And anyway, nandito tayo sa Mall Of Asia."

Nanlaki ang mata ko. "Wow! Hindi pa ako nakakapunta rito! OMG!"

"Kayanga dito ako dumiretso dahil alam kong magugustuhan mo rito." He answered. Inilibot ko naman ang paningin ko sa buong paligid at sobrang raming tao ang nandito. Parang bata naman ako na tumatakbo kung saan saan at napapatalon kapag may may hinahangaan. Tulad nalang ng mga rides rito. Ang lalaki at sobrang taas. Nakakalula kapag tinignan mo. Dumiretso naman ako sa Sea Side rito sa MOA. Grabe ang ganda. Malapit ng mag bumaba ang araw kaya umupo muna ako dun sa sahig at nakangiting tinignan ang kalangitan.

Napakagat naman ako ng labi ng mapagtantong wala sa tabi ko si Al. So sobrang excited ko kanina iniwan ko siya. Hay kasi naman e. Akmang tatayo ulit ako ngunit may umupo sa tabi ko. Si Al 'yon at may dala siyang pagkain. Inabot niya 'yon sakin at malapad naman akong napangiti saka tinanggap 'yon.

"Ang bilis mong tumakbo, alam mo ba 'yon?" Reklamo niya tsaka sinuklay ang medyo mahaba niyang buhok gamit ang kaniyang kamay. "Ayan, kainin mo muna 'yan."

"Salamat." Tugon ko tsaka kinain ang binili niyang pagkain para sakin.

"Hindi ka na ba galit sakin?" Tanong niya. Tumikhim naman ako saka tinignan ang itsura niya.

"Ahm, hindi na." Panimula ko. "Sa totoo lang, hindi naman talaga ako galit kanina. Nagtatampo lang ako dahil nagsinungaling ka. At bukod pa ron hindi mo sinabi kung ano ba talaga ang nangyari sayo."

Iniyuko niya ang ulo at humugot ng malalim na hininga. "Hindi talaga totoong tapos na ang pagiging Grim Reaper ko. Ang totoo iniwan ko ang trabaho ko."

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya, binitawan ko ang hawak kong pagkain at nilagay 'yon sa sahig.

"Ano ka mo? Iniwan mo ang trabaho mo? Ang pagiging Grim Reaper mo?" Hindi makapaniwalang tugon ko. At dahil sa gulat ko napataas yata ang boses ko dahil nagsitinginan sakin ang mga taong nasa paligid namin. "Teka, bakit mo ginawa 'yon? Paano nangyari 'yon? Pinarusahan ka ba? Ano? Sabihin mo!"

"Sorry po. May sayad sa utak 'tong kasama ko, e." Sabi niya sa mga tao. "Kumalma ka nga muna," Baling naman niya sakin. "Hindi ako pinarusahan ni Master. Wala siyang masamang ginawa sakin. Kung may ginawa siya edi dapat hindi mo ako makikita ngayon."

Unti-unting guminhawa ang pakiramdam ko. Pero hindi parin naalis ang pagtataka ko. Paano nangyaring walang parusang pinaratang sakaniya?

"Paano nangyari 'yon?" Nagtatakang tanong ko. Hindi na 'yon malakas tulad kanina, mahina na 'yon dahil baka may iba pang makarinig ng usapan namin.

"Basta." Maikling sagot niya. "Anyway, kamusta ang pagiging Grim Reaper niyo habang wala ako?" Alam kong inililihis niya ang topic para hindi na namin magpag-usapan. Hindi niya talaga sasabihin sakin kung ano ang totoong nangyari.

"Al, don't deviate the topic. Just tell me the truth. I swear, ako lang ang makakaalam ng tungkol don." Hindi ko napigilang pagsabihan siya. Hindi naman niya pinansin ang sinabi ko. Kumain lang siya ng kumain at hindi ako binigyan ng sagot. Hay kainis talaga siya!

Wala akong nagawa kundi ubusin nalang rin ang pagkain na binigay niya sakin. Ilang minutong bumalot samin ang katahimikan at salamat naman dahil nagsalita na siya. Akala ko na pilipit na 'yong dila niya, e.

"Gusto mo ba masubukang sakyan 'yung mga rides rito?" Nakangiting tanong niya.

"Bakit? Nasakyan mo na ba ang lahat ng 'yon?" Tanong ko rin tsaka ininom ang hawak kong drink.

"Nah."

"Oh, akala ko nasakyan mo na lahat. Parang halata kasi sa itsura mo kanina e." I grinned.

Ngumisi lang rin siya. Hinila niya ako sa bilihan ng ticket at pumila naman kami ron. Ilang minuto kaming nag-antay sa pilahan at sa wakas ay nakabili narin kami. Ilang rides ang sinakyan namin rito at sobrang nakakatakot talaga. Sobrang taas at akala mo matatanggal yung kaluluwa mo sa katawan. Chos. Pero promise. Nakakatakot talaga siya.

Pagkatapos namin sumakay sa iba't ibang rides, kumain kami sa jollibee. Sabi ni Al, masarap daw ang chicken at fries rito saka gutom narin ako kaya pumayag na ako.

"Ang saya." Mahinang sambit ko habang ngumunguya ng fries na sinawsawan ko ng ketchup. "Ang ganda rito at ang sarap ng pagkain. Sana maulit ulit 'to. Pero sa susunod dapat kasama na si Sue."

Napangiti siya. "Oo naman. Pupunta ulit tayo rito."

"Ay siya nga pala, i-describe mo nga sakin kung sinong lalaki ang kasama ni Sue nang makita mo sila."

"Ah.. ahm.." Pinunasan niya ang bibig niya ng tissue tsaka napahawak sa baba. "He's tall and slight handsome." Pagtutuloy nito.

Napaismid naman ako. "Wow. Slight handsome talaga, ha?"

"Syempre naman. Mas gwapo ako dun e." Mayabang na sagot niya.

Inirapan ko na lang siya at sunod namang nilantakan ang sundae. "I-describe mo ng maayos."

"Okay. Matangkad siya at ayun nga medyo gwapo. Tapos, lumalagpas yung bangs niya sa mata niya at tingin ko masiyahin siya." Seryosong sagot niya. Napatango tango naman ako. Hmm, lahat ng sinabi niya tumugma sa kilala ko. Kung totoo man na si Senior Ry 'yon, kailangan kong malaman. Baka may namamagitan na sa dalawang 'yon! At hindi pwedeng mangyari ang nasa isip ko!

"Hmm.." Inubos ko na ang kinakain ko at pagkatapos ay busog na napahawak sa t'yan ko. Grabe na busog ako don, ah? Ang sarap ng mga pagkain.


Pagkatapos namin kumain ni Al. Niyaya ko na siyang umuwi. Wala naman nagawa kundi um-oo nalang. Sumakay na kami sa kotse niya at sinimulan naman niya 'yong imaneho. Ilang oras rin ang binyahe namin at nakabalik narin kami sa wakas.


"Nag-enjoy ka ba?" Maya maya'y nagtanong si Al.


"Oo naman." Nakangiting sagot ko. "Nag-enjoy ako lalo na't kasama ko ang bestfriend slash kuya ko."


Nakita kong napangiti siya. "Kung ganon, ayos 'yun. Buti naman at masaya kang kasama ako."


"Syempre naman. Ilang buwan kang hindi nagpakita samin ni Sue, e."


Natawa siya. "Sorry na po. Atleast ngayon nakabalik na ako."


"Yah yah." Pumasok na kami sa loob ng bahay at nagulat ako ng may biglang nahulog. Napatingin ako kung saan 'yon. Ay potek, si Sue pala. Nahulog siya sa sofa. Ano bang pinaggagagawa ng babaeng 'to? Grabe kung maka-react. Pero normal lang naman 'yan, ganyan rin ako kanina e. Kwits lang HAHAHA.


"B-buhay ka?" Nanlalaking matang tanong niya sa kasama ko. "Hindi ba ako nananaginip? Totoo ka ba?"


Natatawang lumapit sakaniya si Al at hinawakan ang kamay nito at pinasapo sakaniyang mukha. Mas lalo pang lumaki ang mata ni Sue dahil sa naramdaman. Napagtanto niya sigurong totoo itong si Al at hindi kathang isip lamang. Haha, nakakatawa ang reaksyon ni Sue. Grabe.


"Shit. Totoo ka nga." Mahinang sambit niya pero rinig ko parin. "Teka, paano nangyari--- paano ka nakabalik--- bakit nandito ka parin?"


"Sue.." Natatawang tawag ko sakaniya. "Ang OA mo talaga."


"Bakit? Masama bang maging OA? Normal lang 'tong reaksyon ko, 'no. Ilang buwan kaya siyang hindi nagpakita sa'tin tas ngayon babalik siya!" Reklamo niya.


"Sorry na sweetie." Sweet na sagot ni Al sakaniya. Ang landi talaga ng lalaking 'to.


"Tse! 'Wag mo akong matawag tawag na sweetie jan, dahil baka masungalngalan kita ng hawak kong remote." Banta sakaniya ni Sue. Naiiling na natawa nalang ako sa sinabi niya at walang sabi sabing umakyat patungong kwarto ko.


Sumalampak ako sa kama at tuluyang nakatulog dahil sa pagod.

Continue Reading

You'll Also Like

4.7K 178 20
Eireisone's mom was murdered ten years ago. And the twist is, one of her family member killed her mother. Will she be able to find out who killed...
56.3M 994K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...
1.4M 41.6K 46
In a campus that filled with different kind of students, including Bullies, Smart ones, Cheerleaders, Nerds and the Famous. There is a classroom that...
4.5M 110K 43
The real you is the monster inside you.