A Hiccup Of Tea (✔)

yshwii द्वारा

4.7K 2.3K 874

Would a "Hic" Cup of Tea help our heroine to mend a splintered heart as she yearns to sniff a sweet aroma of... अधिक

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
AUTHOR'S NOTE

Chapter 14

94 54 15
yshwii द्वारा

C H R I S T E L L E

"Ang ingay mo, hindi siya makakapagpahinga niyan,"

"Ikaw yung maingay, hindi ako!"

"Kapag hindi pa kayong manahimik dalawa, tatapalan ko ng tape yung bunganga niyo,"

Unti-unti kong idinilat yung mga mata ko dahil sa pagtatalong naririnig ko. Nang mabuksan ko ito ay mukha nina Hannah ang unang bumungad sa akin. Napatingin naman ako sa paligid nang mapansing wala ako sa sariling kwarto. Anong nangyari?

"Ayan tuloy, nagising na," gulat akong napatayo nang makita si Brent sa harap ko dahilan para mauntog ako sa higaan na nasa itaas. Double deck pala ito?

"A-aray..." Saad ko habang nakahawak sa ulo. Nakita ko namang bahagyang natawa sina Hannah. Ang sakit. Parang nagising buong diwa ko.

"B-bakit kayo nandito? Nasaan ako?" Tanong ko sa mga ito nang maka-recover mula sa pagkakauntog.

"You passed out kanina after the incident," pagsagot ni Sam sa tanong ko. Umupo naman si Allyza sa tabi ko at inabutan ako ng isang energy drink.

"Welcome to my apartment," aniya kaya muli kong pinagmasdan yung paligid. Sa apartment lang pala siya nakatira?

"Dito muna ako nakatira kasi malapit sa school. Taga Quezon Province kasi ako, malayo yung biyahe kung uuwi pa ako sa bahay," pagpapaliwanag niya nang makita yung nagtataka kong mukha.

"Salamat," mahinang sambit ko bago tanggapin yung inabot niyang energy drink.

"Dito ka muna namin dinala, baka mag-alala sila tita kapag inuwi ka naming walang malay. Umuwi na yung kambal kanina kasi sinundo na sila ng butler nila. Ganoon din yung ibang mga kaibigan nina Sam," saad ni Hannah kaya napatingin ako sa kaniya bago inilibot muli yung paningin sa paligid.

Tinignan ko kung sino yung ibang nandito, sina Sam, Allyza, Brent, at Hannah lang yung nandito. Wala na nga yung iba.

"Anong oras na ba?" Tanong ko sa mga ito, agad na nanlaki yung mga mata ko nang makitang alas-otso na. Tatayo na sana ako nang biglang sumakit yung ulo ko kaya pinahiga nila ako ulit.

"Don't worry Christelle, sinabihan ko na kuya mo na male-late tayo ng uwi kasi may tinatapos pa akong gawain and nagpasama ako sayo," Hannah said and gave me an assuring smile.

Nagpalipas pa kami ng ilang minuto rito sa apartment ni Allyza bago mapagdesisyunang umuwi na, si Sam na yung naghatid sa amin ni Hannah papuntang bahay dahil delikado raw kung magko-commute pa kami pareho.

"Grabe yung alala ko sayo Christelle nung bumagsak katawan mo, buti nalang hawak ka ni Brylle," sabi ni Sam habang nagmamaneho.

"Ano ba pinaka-nangyari? Wala ka ng malay pagdating ko doon sa likod ng school natin eh. Si Sam pa sumagot ng phone mo nung tumawag ako para sana tanungin kung nasaan kayo ni Allyza," tanong ni Hannah.

"Yung kalabang varsity players nina Sam, binalak kaming utusan ni Allyza para i-sabotage yung laro next week pero ayun, nakapag-sumbong pala si Allyza habang tinatakot kami. Huling naalala ko bago ako nawalan ng malay ay yung mukha nina Brylle at Sam na nakatingin sa akin," pagku-kuwento ko sa kanila.

"Dahil siguro sa takot kaya ako hinimatay. Nahirapan din ako huminga nang kaunti eh," dagdag ko pa dahilan para yakapin ako ng pinsan ko.

"I'm glad you're okay," aniya kaya ngumiti naman ako sa kaniya.

~*~

Sinigurado nina Brent na hindi kakalat sa buong school yung nangyari. Baka raw kasi magkaroon ng intense rivalry yung school namin laban doon sa school ng mga nagbanta sa amin ni Allyza kahapon.

Nandito ako ngayon sa classroom namin, abalang nagbabasa ng regalong libro ni mama sa akin kagabi pagkauwi ko. Napadaan daw kasi siya sa National Bookstore noong may pinamili siya sa mall na mga gamit para sa gaganaping family reunion next month ata? O next week? Hindi ko alam kung kailan iyon basta doon namin gagamitin yung damit na pinatahin niya kay tita.

"Chua, nasaan si Allyza?" Napatingin ako kay Brent nang tawagin niya ako gamit yung apelyido ko. Sanay naman na ako, kung hindi Telle o Christelle, apelyido ko yung tawag sa akin ng mga kaklase ko.

"Nasa student council ata, bakit?" Tanong ko rito pero umiling lamang siya.

"Kung may ipapasadya ka, ako nalang magsabi," saad ko sa kaniya. Ayos lang naman na humingi siya ng pabor sa akin, pambawi ko na rin iyon sa naitulong niya sa amin kagabi.

"Wala, tinatanong ko lang. Wala siya kanina pa eh," turan nito.

"Hinahanap ka rin niya kahapon," wala sa sarili kong sambit sa kaniya. Agad naman siyang umupo sa tabi ko na para bang nabanggit sa lotto yung pangalan niya.

"Talaga?" Paninigurado niya kaya tumango ako.

"Baka binibiro mo lang ako?" Hindi makapaniwalang turan niya. Tila tuwang-tuwa siya sa narinig niya. Ano bang mayroon?

"Hindi ako pwedeng magsinungaling," sabi ko na lamang sa kaniya para manahimik ngunit bigla kong naalala na wala palang nakakaalam ng kondisyon kong ito maliban nalang kay Hannah, Sam, mga teachers, at buong pamilya ko.

"Bakit hindi ka pwedeng magsinungaling?" Tanong niya nanaman. Nang tignan ko siya, bakas ang kuryosidad sa buong mukha niya.

"Kasi hindi pwede," tanging sagot ko nalang, umaasang titigil na siya.

"Weh? As in? Never ka pang nagsinungaling buong buhay mo?" Tanong niya muli. Tumango naman ako.

"Impossible!" He exclaimed.

"It's possible," pagsalungat ko naman sa kaniya.

"Paano? Ang bait mo naman pala," natawa naman ako sa sinabi niya. Wala na sana akong balak magsalita pa ulit nang bigla niya nanaman akong kinulit.

"Dali na Christelle, curious ako—"

"Okay fine, sasabihin ko na kung bakit hindi ako pwedeng magsinungaling," sabi ko para tumigil na siya. Bigla naman siyang ngumiti nang pagkalapad-lapad.

"Sige tapos turuan mo rin ako kung paano mo nagagawa iyon," aniya. Umiling naman ako dahil doon sa sinabi niyang iyon.

"Hala, bawal? Bakit? Ang daya mo naman. Gusto ko rin tanggapin sa langit," sabi niya at bumusangot.

"Hindi pwede, hindi mo rin papangaraping maging ganito," sabi ko sa kaniya. Ang hirap naman mag-explain dito.

"Paanong maging ganiyan?" Tanong niya muli. Napasapo naman ako ng sarili kong noo. Paano ba 'to?

"I have a condition," pag-uumpisa ko dahilan para kumunot noo niya.

"Anong condition? Dali, gagawin ko para ituro mo sa aki—"

"Hindi. Hindi condition na kondisyon. Hindi utos o bilin yung tinutukoy ko. Condition, as in body condition. Sakit," pagpapaliwanag ko dahil hindi niya naunawaan yung una kong sinabi.

"Ahh, ano yun?" Tanong nito muli sa akin.

"I can't tell a lie. Once na magsinungaling ako, magkakaroon ng reaction yung mga cells ko. Sisinukin ako bigla, hindi rin matatahimik isip ko dahil sa pagsisinungaling na iyon kaya mas lalong lalala yung pagsinok ko," I explained further.

"Hindi ka ba nangdo-dogshow?" He asked and raised his brow. Umiling naman ako.

"Bakit? Paano nangyayari iyon?" Hindi talaga siya nauubusan ng tanong, ano ba 'yan!

"People feel uneasy whenever they lie, 'diba? Everytime na nagsisinungaling ako, yung uneasinees na iyon, nagkakaroon ng kakaibang effect sa body ko dahilan para sinukin ako. Once na masabi ko na yung totoo, mare-relax ako, titigil na rin yung sinok ko," napatango-tango naman siya sa sinabi ko.

"Try nga natin, magsinungaling ka nga," sabi niya. Napairap naman ako sa kaniya dahil doon.

"Kung magsisinungaling ako dahil utos mo, para na ring nagsabi lang ako ng totoo kasi sinunod ko lang naman yung utos mo. Parang hindi pagsisinungaling yung ginawa kong iyon," sabi ko sa kaniya, napakunot nanaman siya ng noo, naguluhan ata sa sinabi ko.

Naguluhan din ako eh.

"Sige magtatanong nalang ako, ikaw bahala kung sasagutin mo nang totoo o hindi," bigla naman akong kinabahan sa sinabi ni Brent. Mukhang may sikreto akong mabubuking.

"I'm just curious, nagkagusto ka na ba sa ibang tao? Madalas ka kasing mag-isa noon, nagkakagusto rin ba sa iba yung mga katulad mo?"

Halos tawagin ko na lahat ng santo para lang kunin ako paalis sa harap ni Brent. Ultimo mga Greek and Roman Gods tinawag ko na, baka sakaling buksan ni Hades yung lupa para lamunin ako palayo kay Brent.

"W-wala," nauutal kong sagot. Pinaningkitan naman niya ako dahil doon. Hindi niya pwedeng malaman, kaibigan niya pa naman yung taong crush ko!

"Talaga?" Paninigurado niya, tumango naman ako. Hindi pa ako sinisinok kaya nakahinga naman ako nang maluwag. Buti naman at nakisama ito ngayon sa aki—

*hic!*

Agad akong napatakip ng sarili kong bunganga nang bigla akong sinukin. Sinubukan kong pigilan pero ayaw paawat, sunod-sunod yung sinok na lumalabas galing sa akin.

*hic!*

Napatingin ako kay Brent. Confusion is now written all over his face dahil sa biglaan kong pagsinok. Inabutan pa niya ako ng tubig pero tumanggi lang ako.

Huminga muna ako nang malalim bago napagdesisyunang sabihin yung totoo.

"Oo m-meron akong *hic!* nagugustuhan," halos pabulong kong saad. Unti-unti ring nawala yung mga sinok ko.

"Wow," tanging naisaad ni Brent matapos masaksihan ang pangyayaring iyon.

"Huwag mo na tanungin kung sino," dugtong ko kaagad nang makitang bubuka nanaman yung bunganga niya. Para naman siyang batang tumango.

"Totoo nga pala talaga yung mga ganitong sakit. Akala ko sa mga fiction books ko lang nababasa," aniya na tila hindi makapaniwala sa nasaksihan.

"Promise me na you won't tell anyone about this. Ayokong maging rason din ito ng pambubulas sa akin," sabi ko sa kaniya. Nag-thumbs up naman ito sa akin.

"Your secret is safe with me. Alam ba nila Allyza?" Tanong niya, umiling naman ako. Nahihiya ako na malaman nila yung tungkol dito. Baka layuan nila ako o 'di kaya hindi na pagkatiwalaan kasi bawal nga ako magsinungaling.

"Hayaan mo nalang ako na magsabi sa kanila tungkol dito, sila Sam at Hannah palang yung mga kaibigan ko na nakakaalam tungkol dito . Sana hindi mo ako pangunahan," sabi ko sa kaniya. Ngumiti naman siya sa akin.

"Hindi ko naman ugali yun Christelle. Huwag ka mag-alala. Para quits tayo, may sasabihin din akong sikreto ko sayo," saad niya. 

"Huwag na, baka madulas pa ako at malaman agad ng iba," pagpigil ko pero umiling lamang siya.

"We're friends right? You shared me your secret so I'll share mine," nakangiti niyang saad kaya tumango nalang ako.

"I'm madly in love with one of your friends."


***
<3

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

8.2K 1.2K 48
Everyone wants to be someone's sun to lighten up someone's life, but I'm willing to be her moon to brighten up her darkest nightsky.
Bite of an Angel Rory Aldueger द्वारा

किशोर उपन्यास

205 64 12
LOVE MANIFESTO SERIES 5 [COMPLETED] Hindi ba talaga pwedeng mahalin tayo pabalik ng mga taong minamahal natin? *** Matagal nang tanggap ni Angel Tan...
Heart Reaching You Archimint द्वारा

किशोर उपन्यास

1.9K 237 33
Heart Jayle Soriano is a boyish energetic teenager girl who always seek adventure in every way that she can. Unexpectedly, Heart and her friends sudd...
169K 3.3K 73
She's Floricel Valencia Tahimik na buhay lang ang tanging gusto nya kaya nag paka layo layo sya sa pamilya nya. Pero talagang mapag laro ang tadhana...