The Girl Grim Reaper (Complet...

By kristineeejoo

208K 3.7K 105

A Grim Reaper who fell in love with a human. More

Work of Fiction
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41 (Part 1) - The Hidden Past
Chapter 41 (Part 2) - The Hidden Past
Chapter 41 (Part 3) - The Hidden Past
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Special Chapter 3
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Author's Note 1
Author's Note 2

Chapter 7

4.2K 87 4
By kristineeejoo

CHAPTER SEVEN


Pagkapasok ko sa loob ng bahay, expected ko na nandoon si Sue para salubungin ako. Agad siyang tumayo mula sa kinauupuan niya at lumapit sakin.

"Bakit ngayon ka lang?" Tanong niya. Agad tumungo sa kusina para kumuha ng tubig at nilagok 'yon. Itinuyo ko ang basang labi ko gamit ang mga kamay ko at tinignan si Sue.

"May inasikaso lang ako." Maikling sagot ko. Nag-aalangan na tumango lang siya at bumalik sa kinauupuan niya kanina. "Eh, ikaw? Kamusa ang lakad niyo ni Senior Ry?"

Naramdaman kong natigilan siya. "Ahm, ayos naman. Masaya kasama si Senior Ry kasi friendly siya."

"Ah, talaga? Mabuti naman kung gano'n." Hindi ko pinahalata ang sarkasmo sa mga binabanggit kong salita. "Magpapahinga na muna ako, ah. Masyado akong napagod." Kakasunod sainyo! Gusto ko sanang iduktong 'yan pero hindi ko nalang ginawa. Dahil ayokong malaman niya na sinundan ko siya kanina kaya wala ako sa bahay.

"Teka lang. Kumain ka muna." Alok niya, pero tinanggihan ko lang siya at sinabing busog pa ako. Pumasok agad ako ng kwarto ko at inihiga sa kama ang katawan ko.

Agad pumasok sa isip ko 'yung naiwan kong pulseras. Dapat pala dinala ko 'yun para matakasan ko si Luijin kanina. Super bobo. Kapag ginamit ko 'yun, maglalaho ako at hindi ako makikita ni Luijin. Kapag sinuot namin 'yon ng mga Grim Reaper hindi kami makikita ng mga tao.

Pero agad ding pumasok sa isip ko 'yung mga nangyari kanina. Lalong lalo na 'yung niyakap ako ng walang hiyang lalaking 'yon at sinabing na-miss niya ako at gusto niya akong makasama.

Ginulo ko ang buhok ko tsaka malikot na nag-iba ng posisyon sa paghiga. Ang gulo gulo ng utak ko. May part na gusto kong malaman ang past ng lalaking 'yon pero may part na ayaw. Ano ba talaga? Aish.

Inilabas ko ang cellphone na binigay sakin ng lalaking 'yon tsaka pinakatitigan muna bago tinurn-off. Pagkatapos gawin 'yon ay ipinasok ko 'yon sa loob ng cabinet ko.

Pinilit ko nalang na 'wag mag-isip tsaka pinikit ang mata para matulog. Dahil sa kapaguran, nakatulog ako ng mahimbig.

•••


Maaga akong nagising upang magluto ng breakfast naming dalawa ni Sue. Kahit magulo pa ang buhok ko at mukha pa akong baliw sa kanto, lumabas na agad ako ng kwarto ko. Habang nagluluto ng pancake para saming dalawa ni Sue, biglang may kumatok. Kumunot ang noo ko dahil doon. Hindi ugali ng mga kapit bahay kong Grim Reaper ang kumatok. Bigla nalang silang tatagos sa pintuan namin upang makapasok. Kaya nga hindi na kami magugulat kung may Grim Reaper na bigla bigla nalang papasok sa bahay namin ni Sue.

Pero ngayon ay nakakapagtaka, bakit kaya nila naisipang kumatok? Nasiyahan siguro sila kapag ginagawa nila 'yun. Haha. Aish, ewan. Tinapos ko munang lutuin ang huling dalawang pancake na niluluto ko bago ko dali daling binuksan ang pinto ng bahay namin ni Sue. Pero dahil sa gulat ko, sinara ko ulit ang pinto at sumandal ako do'n at iniisip kung hindi ba isang ilusyon ang nakita kong tao mula sa labas.

Humugot ako ng malalim na hininga tsaka binuga 'yon. Dahan dahan ko uling binuksan ang pinto at umikdo nanaman ako sa gulat dahil totoo ngang nandito siya. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa tsaka tinitigan ulit ang mata niya.

"A-anong ginagawa mo rito?" Hindi makapaniwalang tanong ko kay Luijin. "Atsaka, paano mo nalaman ang bahay ko?"

"I have my ways." He smirk, "Anyway, nakakahanga 'yung mga kapit bahay mo. Lahat sila naka-black ang suot. Anong meron?"

Inilabas ko ang ulo ko sa pinto ngunit hindi paring tuluyang binubuksan 'yon. Tinignan ko ang lahat ng kapit bahay kong Grim Reaper. Lahat sila nakatingin sa lalaking kausap ko. As in, lahat sila. Patay ako nito. Paano ba ako nahanap ng lalaking 'to? Shinut-down ko naman ang cellphone ko kagabi. How is that?

Mabilisan ko siyang hinila papasok ng bahay namin at sinara ang pinto nun. Sana lang talaga hindi ako mapapunta sa Master's Office dahil sa lalaking 'to. Bwesit siya.

"Ano bang kailangan mo?" Ngayon hindi ko na kailangan mautal. Nagsisimula nanaman akong mainis sa lalaking 'to.

"I really want to see you." Diretsong sagot niya na ikinatigil ko. "Alam mo bang hindi ako nakatulog kakaisip sayo kagabi? You didn't answered my calls as well as my messages. At alam kong sinasadya mo 'yun para iwasan ako. Am i right?"

"Oo, iniiwasan kita. Ayan ba ang gusto mong marinig mula sakin? There, i already say it." Giit ko, "Hindi mo alam ang pinapasok mong lugar. Hindi ka dapat basta basta pumunta rito!"

"But i really missed you to the point that i already crazy because of you!" Giit niya tsaka bumuga ng malakas na hininga, "Mababaliw ako kakaisip sayo kaya kita hinanap. Ilang tao ang tinawagan ko para magpatulong na hanapin ka. Pina-investigate kita pero ang nahahanap lang nilang imformation ay 'yong dating ikaw. 'Yong dati mong bahay, dati mong trabaho at 'yung dating mga info about sayo. Pero hindi nila nahanap ang kasalukuyang ikaw. Kaya gumawa ako ng paraan para lang mahanap ka."

"Pero hindi ko akalaing itataboy mo lang ako pagkatapos ng mga effort na ginawa ko para lang mahanap kita." Dagdag niya pa. Biglang may guilt akong naramdaman dahil sa mga sinabi niya. Hindi dapat ako nakakaramdam ng guilt pero hindi ko alam kung bakit pagdating sakaniya ay nararamdaman ko 'yun.

"Pero hindi parin sapat ang effort mo. Kaya umalis kana." Sinabi ko parin 'yon kahit napupuno na ng guilt ang buong katawan ko. Nakita kong nasaktan siya dahil sa sinabi ko. Tinalikuran ko muna siya saglit at pinuntahan ang kwarto ni Sue. Kinatok ko siya at tinawag ngunit walang sumasagot. Sinubukan kong buksan ang pinto at hindi 'yon naka-lock kaya mabilis akong nakapasok. Wala do'n si Sue. Wait. Saan siya nagpunta?

"May hinahanap ka ba? Sino?" Napaigtad ako ng biglang may nagtanong sa likod ko. At kilala ko na kung sino 'yon.

"W-wala." Maikling sagot ko tsaka umalis sa kwarto ni Sue. Naramdaman ko namang sumunod siya. Hinarap ko naman siya at tinignan ng masama.

"What?"

"Pwede ba umalis kana! Hindi ka pwede rito! Bawal ka rito! Umalis kana, please naman."

"No. I'm not leaving." Tugon naman niya. Mas lalong uminit ang ulo ko dahil sa sinabi niya.

"Nakakainis ka na. Ano bang gusto mo, ha?" Naiinis na sambit ko.

"Ikaw." Walang alinlangang sagot niya. Natigilan naman ako. "Wala naman akong ibang gusto kundi ikaw. Ikaw lang."

"H-ha?"

He chuckled. "You're cute."

"T-tigilan mo na nga ako. Umalis kana. Ayokong nandito ka."

"Hindi ako aalis. Bahala ka basta hindi ako aalis rito. Gusto kitang makasama." Sagot niya at umupo sa sofa namin. Ugh! Nasisiraan na ba siya ng utak?

Bakit kapag ayaw ko siyang makita, bigla naman siyang nagpapakita? Bakit ba ganito ang tadhana? Sinasadya ba niyang pagtagpuin ang landas namin?

"Anyway, you look beautiful in the morning. Kahit may panis na laway ka pa at magulo ang buhok mo." Nakangiting sabi niya. Nanlaki naman ang mga mata ko tsaka dali-daling dumiretso sa banyo para mag-ayos.

Shit. Nakalimutan kong mag ayos kanina. Nakakahiya. Bwiset talaga ang lalaking 'to. Bakit kasi kailangan pa niyang pumunta rito para lang makita ako, ayan tuloy, nakita niya 'yong mukha kong bagong gising. Hay kabwisit. Nakakasira siya ng araw!


Pagkatapos mag-ayos ng sarili ay lumabas na ako ng banyo. Kita ko parin siya na nakaupo sa sofa. Aba't, kung makataas naman 'to ng paa niya sa table kala mo bahay niya! Kapag hindi talaga ako nakapagtimpi sakaniya kakaladkarin ko na siya papalabas ng bahay namin.


Agad kong sinipa ang paa niya at napatingin naman siya sakin. "Umalis ka na nga. Hindi pwedeng nandito ka. Hindi mo ba 'yon maintindihan?"


"Hindi. Ano bang meron sa lugar na 'to at bawal ako rito?"


"Maraming multo." Diretsong sagot ko. Tumawa naman siya ng napakalakas. Bwisit. Abnormal talaga ang lalaking 'to kahit saan mo tignan.


"Ano? Multo--" Tumawa nanaman siya ng malakas at nakahawak sa t'yan niya. Ano bang nakakatawa sa sinabi ko? Totoo namang may multo, ah. Hindi ba siya naniniwala do'n.


"Anong nakakatawa, ha?"


Tumawa ulit siya ng malakas tsaka pinupunasan ang ilang luha sa mata niya. Naiyak siya sa kakatawa. Kainis. Nakakainis kapag tumatawa siya ng malakas. Nabubwisit ako.


"Hindi naman totoo ang multo, e. Bakit ka nagpapaniwala sa mga ganon? Tinatakot mo lang ang sarili mo." Paliwanag niya.


"Edi, 'wag kang maniwala. Hindi naman kita pinipilit." Bumuntong hininga ako. "Tsaka, umalis kana. Kapag naabutan ka rito ng kaibigan ko, lagot ko talaga sakaniya."


"Sinong kaibigan?"


"Lalaki." Pagsisinungaling ko. Ayaw pa kasi umalis. Gamitin ko kaya ang kapangyarihan ko sakaniya? Pero hindi ko naman pwedeng gamitin 'yon kung wala naman siyang ginagawang masama sakin. Mapapagalitan ako ni Master. Atsaka bawal naming gamitin ang kapangyarihan namin sa mga taong wala namang masamang intensyon laban samin.


"Sino 'yung lalaking 'yon? Pinagpalit mo na ako sa iba?" Matiim niyang tugon. Ang mga paa niyang nakapatong sa table ay nakababa na. Nagkukuyom rin ang mga kamao niya habang nakatitig sakin.


"A-ano bang sinasabi mo? K-kaibigan ko 'yon. Atsaka wala ka ng pakealam sa kung ano mang desisyon na gagawin ko. Hindi naman kita kaano ano kaya 'wag kang magmaang-maangan na parang may relasyon tayo."


"May pakealam ako." Sagot niya. "Kayong dalawang lalaki at babae nakatira sa iisang bubong? Anong magkaibigan do'n?"


"Bakit ba ganyan ang reaksyon mo? At ano naman kung lalaki siya? Mabait siya hindi gaya ng katulad mong makulit at feeling close. Kaya umalis kana bago pa siya dumating."


"No." Gumalaw ang bagang niya. "Aantayin ko ang lalaking 'yon at sasabihin kong akin ka."


"I'm not yours."


"You are mine."


"No. I'm not."


"Yes. You are."


Nababanas na tinitigan ko siya ng masama. "Tumigil ka na nga! Umalis ka nalang kasi. Nabubwisit na ako sayo! Kakaladkarin na talaga kita palabas ng bahay."


"Edi kaladkarin mo." Panghahamon na tugon niya. Ahh, ayan ang gusto niya, ah? Pwes. Bahala siya. Magsisisi talaga siya dahil hindi pa siya umalis ng bahay namin ni Sue!


Tinulak ko siya ng malakas ngunit hindi ko siya matulak papuntang labas. Masyado siyang malakas. Bwisit talaga. Sinubukan ko ulit siyang hilahin at itulak pero malakas talaga ang katawan niya kaya sa huli ako narin ang sumuko. Napaupo nalang rin ako sa sofa at tinititigan parin siya ng masama.


"Dito na muna kasi ako. Ayaw mo kasing makinig sakin, e. Hindi nga ako aalis rito dahil aantayin ko ang lalaking sinasabi mo at sasabihin ko sakaniya na akin ka lang!" Nakangising sambit niya. Kinurot ko ang braso niya at napangiwi naman siya dahil sa ginawa ko.


"Aray! Masakit. Itigil mo 'yan!" Reklamo niya at inalis ang kamay ko sa braso niya. "Bakit mo ako kinurot, ha? Ang sakit kaya nun."



"Dahil ayaw mo pang umalis rito sa bahay ko!" Sigaw ko sakaniya. Nakakabanas talaga siya. "Umalis ka na kasi. Ayokong nandito ka. Umalis ka na! Alis!"


"Ayaw ko." Sabi niya sabay iling at biglang pumunta ng kusina at kumuha ng isang pancake na niluto ko kanina. "Hmm.. ang sarap."


Bumuntong hininga nalang ako dahil sa ginawa niya. Hay! Maiistress ako dahil sa lalaking 'to, e. Patay na nga ako pero parang papatayin ulit ako ng lalaking 'to dahil sa pangungulit niya sakin.


Okay sige. Bahala ka sa buhay mong lalaki ka. Bahala kang mapatay ng mga Grim Reaper dito dahil sa kalokohang ginagawa mo!

Continue Reading

You'll Also Like

79.6K 2.9K 32
[DISCONTINUED] Troublemaker, Trashtalker, Pasaway, Gangster wannabe, Maldita, Sadista, Cussing Machine (minsan), at ang pinakahuli ay, Short-tempered...
936K 13.8K 93
[Highest rank: #5 in Fantasy] [cover credit @zxy] Kwento ito tungkol sa isang prinsesa "sang'gre" na itinakas ng kanyang inang reyna patungo sa mun...
Class S By Ink_Paul

Mystery / Thriller

35.1K 606 51
Class S. Nandito ang mga mababait, matatalino, mayayaman, mga Gwapo at Maganda at mga Sosyal. Pero...Lahat ba sila mababait? O mayroon silang tinatag...
30.3K 1.7K 34
[Completed] Isang misyon ang nagdala saakin sa loob ng nobela, ang akda na may wakas na trahedya. Isang mundo sa loob ng kwento kung saan ako ang tat...