School War Online

By Penguin20

5.2M 266K 87.3K

Online Game# 1: DANI X RAYDIN More

School War Online
Story Review
Prologue
Shoot 1 "New Game"
Shoot 2 "Playing the Game"
Shoot 3 "Welcome to SWO!"
Shoot 4 "Announcement"
Shoot 5 "New Friends"
Shoot 6 "Elimination Round"
Shoot 7 "Teaming up"
Shoot 8 "Party Quest"
Shoot 9 "Start of Practice"
Shoot 10 "First School War"
Shoot 11 "Meeting you"
Shoot 12 "Katana's Identity"
Shoot 13 "Request From Friend"
Shoot 14 "Start of mission"
Shoot 15 "War at the City"
Shoot 16 "Saving them"
Shoot 17 "Be part of us"
Shoot 18 "Mission Clear or Failed?"
Shoot 19 "Math Competition"
Shoot 20 "Unexpected Words"
Shoot 21 "Memorable Day"
Shoot 22 "Couple Quest"
Shoot 23 "Against the troll"
Shoot 24 "Parade"
Shoot 25 "Second School War"
Shoot 26 "REU Vs. BWU"
Shoot 27 "Club room"
Shoot 28 "Man in the Rain"
Shoot 29 "Going... or not?"
Shoot 30 "Meeting you"
Shoot 31 "Announcement"
Shoot 32 "Interview"
Shoot 33 "Mission of the Family"
Shoot 34 "Against Red Dragon"
Shoot 35 "Doubting him"
Shoot 36 "Success"
Shoot 37 "Christmas day"
Shoot 39 "A lie"
Shoot 40 "Birthday Party"
Shoot 41 "Surprise her"
Shoot 42 "Her condition"
Shoot 43 "The thesis Partner"
Shoot 44 "Meet up Planning"
Shoot 45 "Concert Day"
Shoot 46 "Meet up"
Shoot 47 "Fate vs. Him"
Shoot 48 "End the connection"
Shoot 49 "His Absence"
Shoot 50 "Missing you"
Shoot 51 "Official"
Shoot 52 "Monster Raid"
Shoot 53 "Five meets five"
Shoot 54 "Third School War"
Shoot 55 "A date"
Shoot 56 "Unexpected Lie"
Shoot 57 "Doubting him"
Shoot 58 "Surprise"
Shoot 59 "End of Internship"
Shoot 60 "New Quest"
Shoot 61 "Representative"
Shoot 62: Meeting
Shoot 63 "Joint Quest"
Shoot 64 "Henosis"
Shoot 65 "Graduation Day"
Epilogue/ Last shoot
Author's note
School War Online Book 1
School War Online Book 2
Manila International Book Fair 2023

Shoot 38 "Internship"

60.9K 3.9K 1.7K
By Penguin20

January 03, 2026.

Akalain ninyo, parang hangin lang na dumaan ang pasko't bagong taon. We just celebrate New Year sa Zambales, nag-beach kami kahit na ang lamig-lamig.

Isa rin sa ayoko na araw na ito. It's the start of the second semester and it means start na ito ng Internship sa may Stargame. My mom and brother looked at me nung bumaba ako ng hagdan para mag-almusal.

"Yabang, naka-work attire ka na." Sabi ni kuya Peter at sumubo ng malaking kutsara ng kanin.

"Hoy, Peter! Dahan-dahan lang sa pagkain. Para kang construction worker!" Suway ni mama. Napailing naman ako, as usual, ang higpit pa rin ni mama.

"Kasama mo si Jace?" Tanong ni kuya.

"Unluckily, hindi, nasa New York si Jace. Doon mag-o-OJT ang mokong." Kahit ako ay hindi makapaniwala na natanggap ang mokong doon. Pero ayos lang din, globally competent din naman ang Stargame sa paggawa ng games kung kaya't magandang working experience na rin ito.

Kumain lang kami nila mama. Nahuhuli ko si mama na pasulyap-sulyap na tumitingin sa akin. "Mama, hindi ka ba makapaniwala na mag-i-intern na ako?" Tanong ko sa kanya.

"Parang dati lang kinakarga ko pa kayo ng kuya Peter mo ta's ngayon nagtatrabaho na kayo." Sabi ni mama, masaya siya pero siguro ay natatakot din na baka mag-asawa na kami agad ni kuya Peter.

"Nagdadrama na naman si Luzbiminda!" Natawa ako sa pagtawag ni kuya sa tunay na pangalan ni mama. "Inuuto ka lang ni mama, Dani. Excited lang 'yan na pati ikaw mag-abot na ng pera sa kanya."

Piningot ni mama ang tenga ni kuya. "Ikaw, kahit kailan ang bastos ng bunganga mo. Speaking of pera, may 13th month pay ka. Asaan na?" Lumahad si mama.

"Wala ka talagang patawad, Luzbiminda," Kinuha ni kuya ang wallet niya at inabutan ng sampung libo si mama.

"Kulang pa," sumbat ni mama.

Bumuga ng hangin si kuya at inabutan pa ng another 5 thousand si mama. "'Ma, paano ako makakahanap ng girlfriend? Kinukuha mo lahat ng pera ko."

Maagang umalis si papa ngagon, dedicated talaga si papa sa trabaho niya pero okay lang. Nung bakasyon naman ay nasulit naman na talaga namin. "Kuya alis na ako." Paalam ko.

"Dani, always remember tratuhin mo ang bawat empleyado--"

"Tratuhin ang bawat empleyado na parang boss mo." Parehas sila ng sinabi sa akin ni Papa. Always be good to everyone.

***

"Good morning, kuya!" Bati ko sa security guard sa entrance ng building. Lumapit ako sa receptionist at binati rin ito. Umakyat ako sa 32nd floor dahil doon ang office nina Raydin.

Sabi ni Raydin ay sa team niya raw ako magtatrabaho. Pagkabukas pa lang ng elevator at pagkapasok ko pa lang sa office...

"'Diba sinabi ko na ayusin ninyo na agad ang bug sa inventory?! At isa pa! Bakit nagpo-force crash pa rin yung game kapag pumapasok sa Forsaken village na dungeon?!" Ang sigaw agad ni Raydin ang sumalubong sa akin. "Last week ko pa pinapagawa sa inyo 'yan, you should fixed this today. Walang uuwi hangga't hindi iyon ayos!"

Mukhang bad timing ang pagpasok ko dahil mukhang bad atmosphere ang nakapaikot sa buong office. Umagang-umaga ay highblood si Raydin.

"Oh ano, tutunganga na lang kayo? Get back to work!" Parang mga langgam na nagmamadali ang bawat isa at humarap sa mga computer nila.

Lumapit ako kay Raydin. "Aga mo namang beast mode ni--"

"Cherry, nandito na yung intern! Ilibot mo siya and ituro ang gagawin." Sigaw ni Raydin at pumasok sa office niya, malakas niyang ibinalibag ang pinto ng kanyang office.

May isang bakla na lumapit sa akin. I think he is on his late 20's. Hondi naman siya cross dresser at mukha naman siya yung baklang rerespetuhin mo talaga.

"Ang bad timing mo 'te, beast mode ang lolo mo ngayong araw." Panimula noya sa akin habang nakabuntot ako sa kanya.

"Bagong taon na bagong taon, hindi man lang niya ginawang New Year Resolution ang pagiging mabait kahit kaunti lang." Sabi ko bigla.

"True ka diyan ate girl! Pero wiz na us pakialam. Sanay na kami, mamaya na nga tayo mag-chikahan ikot muna kita rito." Sabi niya sa akin at naglakad kami paikot sa office.

"Ate girl, assistant ka ni sir. So basically trabaho mong ipagtimpla siya ng kape. Madalas magkape si sir, caffeine na ang dumadaloy sa katawan no'n." Natawa naman ako sa sinabi ni Cherry. "Hindi naman mahirap ang gagawin mo since internship is just a glimpse of the real world."

"Ano lang ang mga dapat kong gawin?" Tanong ko kay Cherry.

"Mag-xerox, mag-print, mag-encode, mag-abot ng kung ano-anong chenes sa kung sino-sino at magtimpla ng kape kay sir. Pero there's a golden rule here," kumunot ang noo ko dahil na-curious ako kung ano iyon. "Huwag kang magpapahuli kay sir na wala kang ginagawa. Naku! Wawarlahin ka talaga no'n, bubuga talaga ng apoy ang lolo mong dragon."

Pinakilala ako ni Cherry sa mga tao na nandito, at sinabi niya rin na sa loob ng office ni Raydin ang working place ko. Bukod ako sa kanila.

"Pero bakit ba beast mode si Raydin kanina," tanong ko sa kanya.

"Mali 'yan, ate girl. Kahit na same age mo lang si sir. You should address him as 'sir' since mataas ang pwesto niya." Paliwanag sa akin ni Cherry at napatango-tango naman ako.

"May iba kasing mga programmer na tatamad-tamad at hindi ginawa ang naka-assign na trabaho sa kanila kung kaya't damay ang lahat." Sabi ni Cherry. So ganoon pala 'yon, may kasalanan din naman pala yung mga programmer dito.

"Dani, let me tell you this. Ganoon talaga sa trabaho, minsan makakarinig ka ng masasakit na salita, magkakaroon ng alitan, may sigawan... But it's part of the corporate world. May sigawan mang nagaganap pero pamilya ang turing namin dito And you're part of the family now." Sabi ni Cherry sa akin. Tumingin siya sa orasan. "Alas-dies na nang umaga. Coffee, igawa mo na ng coffee si sir."

I headed on the kitchen at nagtimpla ng kape. Pumasok ako sa office ni Raydin at ipinatong ang coffee sa table niya. Umupo ako sa working area ko. Hindi ako makapagsalita dahil baka sa akin maibuntong ni Raydin ang inis niya.

"So how's your first day here, Dani?" Tanong niya sa akin.

"Should I answer that as your employee or as your enemy?" Baka masabihan akong bastos e.

"As your enemy,"

"Ay sa tingin mo ba okay ang first day ko? Umagang-umaga at new year na new year, naninigaw ka agad. Tapos hindi mo pa ako pinansin kanina." Reklamo ko sa kanya.

"Sorry about that, haha!" He laughed. "Pare-parehas lang kaming naghahabol sa deadline kung kaya't hindi maiwasang magkaroon ng tension." Sabi niya sa akin.

"So anong gagawin ko?" Tanong ko sa kanya.

"Wala, uupo ka lang diyan," Sabi niya at itinuro ang working area ko. "Mag-facebook ka kung gusto mo."

"Wala talaga?" Tanong ko. Akala ko ba sabi ni Cherry ayaw ni Raydin na may nakikita siyang nakatanga ta's ako sasabihan niya lang na wala akong gagawin?

"Wala. By the way, may gagawin ka 'pag out mo?" Tanong sa akin ni Raydin pero nakatingin pa rin siya sa screen ng kanyang computer. Ang bilis ng kamay niya sa pagko-code na parang alam na alam niya ang gagawin.

"Ahhh. Plano naming magkita ni Mateo, so yes, may gagawin ako." Paliwanag ko at napahinto si Raydin sa pag-ta-type.

Ilang beses na kasi ako inaaya ni Mateo na kumain kaso ay hindi natutuloy dahil may mga urgent ako na dapat na gawin. Ngayon nga lang matutuloy e, nakakahiya na rin sa kanya.

Raydin looked at me at iba na ang ekspresyon niya ngayon. Kung kanina ay parang medyo na-good mood siya, ngayon na man ay blangko ang ekspresyon ng kanyang mukha at hindi ko magawang basahin.

May kinuha siyang mga papeles. "Iabot mo 'tong mga papeles na 'to kay Mrs. Reyes sa Finance Department.  At eto..." A thick pile of papers ang ibilapag niya muli sa lamesa. "I-type mo 'to pagkabalik mo."

"Akala ko ba wala akong gagawin?" Tanong ko atnapabuga ako ng hangin sa ere. Ready na rin sana akong mag-facebook. Plano ko pa naman mag-Tetris na lang e.

"You are here para magtrabaho. Hindi para magpasarap, go." Sabi niya at iniabot sa akin ang papeles.

Inis akong lumabas ng office niya at lumapit sa akin si Cherry. "Ano? Na-survive mo ba ang impyerno?" Ang tinutukoy niya ay ang office ni Raydin.

"Badtrip ba ang inaalmusal nitong si Ray--sir? Laging nakasimalmal e." Sabi ko sa kanya.

"True ka diyan ate girl. Masanay ka na, hindi nga marunong ngumiti 'yang lolo mo." Sabi sa akin ni Cherry bago bumalik sa working area niya.

Naglakad na ako patungo sa elevator at bumaba hanggang 6th floor dahil nandoon ang finance department.

***

"Tapos na rin sa wakas!" Sabi ko at nag-unat matapos kong mai-type ang mga papeles na ibinigay ni Raydin. Wala na si Raydin sa office dahil may meeting daw siyang a-attend-an.

Uwi na 'ko. :P

Nag-iwan ako ng sticky note sa table niya. Baka kasi sabihin niya na umalis ako mg walang paalam.

Paglabas ko ng office ni sir ay nakita kobpa rin ang mga tao rito na panay ang code.

"Jerry, yung sounds sa map 33 paayos naman. Ang garalgal e."

"Yung item na Natal ring, hindi siya ma-pick up. Paayos naman, Cherry."

"Yung sinasabi ng NPC na si Arnaldo sa Pixie Village, mali-mali grammar. Paayos naman."

They are all busy sa kanilang ginagawa at kahit tapos na ang working hour ay wala pa ring tumatayo sa kanila. "Cherry, hindi pa kayo uuwi?" Tanong ko.

"Hoy 'te, ba't ka uuwi? Sabi ni sir kanina walang uuwi hanggang hindi naaayos lahat ng bug sa game. Balik ka sa working place mo 'te." Sabi ni Cherry sa akin.

"Pero tapos na ako sa ga--"

"If malaman ni sir na uuwi ka agad, magagalit sa'yo 'yon." Sabi niya and bumalik ang pansin sa tina-type.

Nagbitaw ako ng buntong hininga at bumaliksa office ni Raydin. The first thing I do is i-chat si Mateo.

Danica:
Can't make it up this time... Again

Sorry. :(

Mateo:
'Yan din sasabihin ko sana e.

Practice din ako sa basketball.
Sa sunday, pwede ka na?

Danica:
I will clear all my lakads sa araw
na 'yon.

Babawi ako sa'yo haha! Enebeyen
di na natuloy yung simpleng pagkain
natin sa labas.

Mateo:
Ikaw kasi busy mo e. Haha!

Danica:
Sorry naman pooo! 😂

Sunday. Sure na. Final na.

Mateo:
Noted. Sige na, balik na akong
Practice. 😊

Bagot kong ipinatong ang cellphone ko sa table. Wala na rin naman akong gagawin dito. Kung pwede lang dalahin yung nerve gear ko rito e'di sana naglaro na ako ng SWO at nakapagpa-level na. Malapit na rin akong mag-level 53 sa game e.

Natatakot nga ako na baka mabawasan ang time ko sa gaming dahil sa pagiging busy ko sa real world. Pero okay lang 'yon, hindi naman SWO ang mundo ko.

Habang hinihintay kong bumalik si Raydin ay tumawag sa akin si Sophia.

"Hello, Dani. May sasabihin ako sa'yo!" She said in a cheerful tone kung kaya't bahagya kong nailayo ang phone ko sa aking tenga.

"Ano ba 'yon, Sophia at parang excited na excited ka?" Tanong ko sa kanya.

"Nalaman ko na kung saan nakatira si Lucky. Let's have surprise visit on her. Ano, G?" Tanong niya sa akin. Na-excite naman ako dahil dito. If may dalawang friend ako sa game na gustong makita, iyon ay si Lucky at Katana... At si Darkshadow, ang TOTOONG Darkshadow.

Iyon ang dahilan kung bakit ko rin gustong makipagkita kay Mateo, I wanted to confront him at malaman ang totoo.

"Kailan natin siya pupuntahan?" Tanong ko. "May pasok ako ng Monday- Saturday. Ta's sa Sunday, makikipagkita ako kay Mateo."

"Ay hindi pwede i-cancel?" Ang tinutukoy niya ang pagkikita namin ni Mateo.

"Nakakahiya na sa tao, hindi na matuloy-tuloy yung pagkikita namin." Sagot ko sa kanya.

"E'di next sunday! Gusto ko ng makita si Lucky, OMG! Ano, Dani, G?" Tanong sa akin ni Sophia.

"G." Sagot ko sa kanya.

***---***--***

Like what I'd said sa dati kong update, baka hindi muna magkaroon ng  ulit ng scene ang school war world. Dani will be busy on her own life. :)

If you like this chapter, kindly hit the star button and leave a comment :)

BTW, If nag-ti-tweet kayo about sa SWO, you can mention me para mabasa ko. ( @Reynald_20 )

Continue Reading

You'll Also Like

1M 68.4K 69
This is a work of fiction. Names, characters, business, songs, places, events, and incidents are either product of author's imagination or used in a...
29.9K 1.3K 6
Lost Academy was just the beginning. It was the prelude of something bigger. Academia de Rij was destroyed. All things and all living beings inside...
32.4M 1M 97
She can see the future, her name is Jill Morie. They are Peculiars, they exist. And this is their tale. ***** Jill Morie, the girl who can see the...
4.2M 122K 50
[MAOG Book 2] Do you think you've been toyed enough by the ride called life? Then, you're wrong. It doesn't end with a happy and perfect picture but...