Nadia's pov
Patay na sya diba? Halata sa kanyang gulat na gulat sya ng makita ako. Kita ko sa muka nya ang hindi makasigurado na ako nga ito. Pero teka? Si mhelbhel ba talaga ang nasa harapan ko ngayon?
"Jasmin stop looking at her" sabi nung kamukha ni Adele. Si Adele ba talaga to? O nagaasume lang ako na 'Red Hand' member nga itong nakikita ko?
Mali, hindi sila yan nagtatanga tangahan nanaman ako.
"Sorry miss, akala nya ikaw ang kapatid nya, pasensya na ulit" sabi nung kamukha ni Adele. Pero gusto ko silang makilala.
"Wait" kapit ko sa braso nya, kaya napatingin silang dalawa.
"I'm Nadia lindse, you can call me if you want"
Ani ko at inilahad na ang kamay.
"I'm Justine, and she's jasmine. Nice to meet you agai--- sorry haha" putol nyang sabi. Ha? Anong agai? Ano yun? Again?
Nakipagshake hands nako. At kinalas nya agad, sabay umalis na. Grabe parang sila talaga ang nasa harapan ko.
Paul's pov
Grabe? Anong sabi nya?
'Okay'
Tapos tinalikuran nya na ko? Ano ba sya? Walang nararamdaman? O manhid lang talaga sya?
Wala man lang alala yung muka nya, at gusto nya talagang makita ang labas ng maynila.
"Grabe mommy nyo. Kaya gusto nyang bumili para ako ang magalaga sa inyo" ani ko sa kambal. Totoo naman e, kase ako lang ang nagpapatahimik sa kambal. Tas pagdating sa kanya umiiyak na haha.
"Bulagaaaa! " I know it's lindse.
"Walang orginality, tsk! "
Crying babies.
Ayan nanaman sila nagiyakan, dumating kasi ang nanay. I'm sure nagugutom na yan kaya iyak ng iyak, kaya tumayo agad ako at pumuntang kusina.
Sinundan nya ko.
"Nagtatampo ka kase akala mo wala lang sakin yang sugat mo?" Napatigil ako ng magsimula sya. Oo wala naman talaga sa kanya diba?
"Wala to, don't mind this"
"Anong don't mind this! Sinong gumawa sayo nyan ha! Ang kapal ng muka nya para suntukin ang gwapo mong muka! Siguro inggit sayo yun! " dire diretso nyang salita. Ang ingay pa?! Pero syempre kinikilig ako dahil grabe pala ang reaksyon nya, pero wala akong balak magsalita ng totoo dahil ayokong magalala pa sya.
"Hayy nako! Ikaw talaga, yaan mo na yun tapos na rin naman e" I said. At tumalikod muli sa kanya.
"Akala mo naman papayag ako" ani nya. Alam Kong galit talaga sya, pero ayoko talagang ganyan ang reaksyon nya e.
"Eto, medicines para Jan, ako ang maggagamot mamaya"
Anooo? Bumili sya ng medicines para sakin? Akala ko talaga wala syang pake, pero mas malaki pa pala sa inaasahan ko. Hehe di ko makakalimutan tong araw na to, ang swerte ng pilipinas sakin langya!
Hindi ko sya nililingon.
"Bakit bumili ka pa nyan? E kaya ko naman tong tiisin" I said. Paawa effect hehe.
"Nukaba, ikaw papabayaan ko? Mamatay na at masugatan na sila wag lang ikaw" she said. Ayan nanaman ang puso Kong parang kabayo sa bilis ng tibok. Bakit ba kasi ganyan sya? Nafafall na ba sya? Haha, wag kang magalala mahal din kita.
"Sige na, lutuin mo na yung pagkain ng kambal, gutom na yun oh"
"Pakiss muna? " napatigil ako ng sabihin nya iyon.
"Baka kasi galit ka? "
"Mamaya ng Gabi"
"Kapal mo uyy! Di na! "
"Hahahhaha! " halklak ko. Bakit ano bang iniisp nya? Di ako ganun no. May respeto naman ako sa kanya, at kahit kailan di ako nagbalak ng ganun sa kanya.
Nadia's pov
Nakakain na ang kambal pati kami rin ni Paul ay nakakain na rin. Tulog na silang tatlo at ako ang guard nila.
Iniisip ko lang kase si Justine at jasmine, kamukha talaga nila si Adele at mhelbhel. Di kaya sila yun? Hindi e! Patay na si mhelbhel impossible. Pero iba kasi ang reaksyon nya ng makita ako, anong ibig sabihin nun?
"Anong iniisip mo Jan? " halos tumalon na ko sa gulat ng may nagsalita. Si Paul pala, nagising na, letche! Kala ko multo na langya.
"Bwiset ka! Akala ko naman kung sino! "
"Gulat ka nanaman sa kagwapuhan ko" mahinhin nyang ani. Nubayan anong oras na nagjojoke pa sya.
"Tsk. Kapal mo uyy" taray ko. Andito kasi ako sa kambal, at binabantayan sila at si Paul natulog sa sala kaya Malay ko ba na gising na pala sya.
"Haha, grabe ka naman. Tinatanong ko lang naman kung ano ba yang iniisip mo? Ako ba yan? " he said. Pagganyan sya kasweet di ko alam kung ano ba talaga ang mararamdaman ko, pero wala naman talaga sa kanya yun lahat diba? Dahil magkaibigan kaming matagal kaya walang malisya yun, sakin lang siguro?
"Oo" sineryoso ko ang muka ko at tinitigan ang dalawa nyang Mata. Binabasa ko kung ano ba talaga ang meron kami para sa kanya?
Naging seryoso din ang muka nya at tumitig sakin.
"Pwes di kita iniisip" atsaka sya umiwas ng tingin. Napaka ano talaga ng ugali nya! Hilig mangbara?
Siguro nga ay wala yun sa kanya, dahil may anak ako kaya never nyang magiging type ang isang tulad ko. Sabagay ay wala rin naman akong nararamdaman sa kanya, atsaka di pa ko sigurado kung mahal ko pa nga pa talaga si ace, ayoko ring masaktan sya bandang huli.
"Tsk! Niloloko lang kita, patola ka naman" taray ko, at muling ibinaling ang atensyon sa natutulog Kong kambal.
"Ano nga kase yun? "
"Wala ka na don! "
"Nako, kaya pala kakasabi mo lang, totoo ba? " lapit nya sa muka ko. Letche! Bakit ganyan sya.
"E pano kung oo? " nilapit ko din muka ko. At unti unti ng lumalapit sa labi nya. Bakit ganito?
Hanggang sa titigan nanaman kame. Ano to? Hahalikan na nya ko sa labi? Samantala noon sa pisngi lang? Pero wala naman talaga diba? Bakit ganito nararamdaman ko? Feeling ko type nya ko? Hay! Dapat wag Kong pangunahan ang kasalukuyan, kung ayaw Kong masaktan. Kaso ano nga ba ang susunod na mangyayari?
Crying babies.
Epal lang mga anak?
"Padedeen muna ang kambal" biglang tayo nya, at pupunta atang kusina para magluto ng hapunan.
"Pakuha naman Jan Paul"
"Anjan ha? Dala dala mo"
Naginit ako sa sinabi nya letche! Nakakahiya.
"Gusto mong sampalin ko yang muka mo! "
"Joke lang, eto na po dadalhin ko na Jan" masunurin Kong bestfriend hehe.